Share

SIMULA 1.2

“Tsss.” Nilampasan ko na lang siya. 

“Ash bakit ganiyan ang suot mo?” sunod niyang tanong habang nakasunod sa akin. 

“Damit pa rin naman to. Huwag kang OA.” Umupo na ako sa upuan ko at sinimulan ng kumain. 

“Alam ko pero bakit ganiyan?” sinamaan ko siya ng tingin at nanahimik na rin. Ang dami daming tanong. Ano naman problema sa suot ko? Isang loose shirt at pantalon lang naman. Masyadong mga OA. Langya yan. Kung makareact kala mo naman kulang sa tela ang isinuot ko. 

Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na ang bag at susi ko saka lumabas ng bahay namin at nagtungong garahe.

Pinainit ko muna ang makina ng sasakyan ko. Hindi rin nagtagal ay lumabas na rin si Aira at ginawa niya rin ang ginawa sa sasakyan ko. 

“Sigurado ka ba talaga dito?” kunot noo niyang tanong.

“Hmm.” 

“Oh sige. Mag-iingat ka.” 

“Ikaw ang mag-ingat.” Sumakay na ako sa motor ko at tinakbo papuntang ACIS, AC International School. 

“Hoy magdahan dahan ka naman. Akala mo lagi kang hinahabol.” Sigaw sa akin ni Aira na nasa likod ko. Hindi ko siya pinansin at ilang minuto lamang ay narating ko na ang ACIS. Ipinarada ko na dun ang motor ko at maya maya pa’y nakasunod na rin si Aira. Pinanuod ko na lang siyang nagparada ng motor niya saka humarap sa akin at inilibot ang paningin. 

“Grabe di ko akalaing ganito pala ito kalaki. Excited na tuloy ako.” halata naman sa mukha niya. Naglakad na ako at pumasok sa loob ng school na ito. Malawak nga talaga siya. Ilang hektarya kaya ang field ng school nato? Ipinilig ko na lang ang ulo ko. Hindi ako nagpunta dito para alamin ang lawak ng school na ito. 

Nagtungo na lamang kami ni Aira sa locker at inilapag dun ang mga gamit namin saka kinuha ang mga schedules. 

“Mabuti na lang pala sa iisang course at schedule tayo nilagay ni Vance no? Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag wala ka sa tabi ko.” Rinig kong saad ni Aira habang tinititigan ang hawak niyang schedule niya which is same with mine. 

Paalis na sana ako ng locker namin ng marinig ko ang sunod sunod at na sigawan at takbuhan ng mga ilang estudyanteng nandito sa locker. 

“WAAAAHHHH ANG GWAPO GWAPO NILA.”

“ANG CUTE MO GAVIN.”

“ANG GWAPO GWAPO TALAGA NI KENT”

“GRABE AMOY KO HANGGANG DITO ANG PABANGO NI CHASE.”

“KUNG NAKAKAMATAY LANG ANG NGITI NI KENDRICK BAKA PINAGLALAMAYAN NA TAYO NGAYON”

“WAAAHHH I LOVE YOU KENT.” 

Uso pa rin pala hanggang college ang tilian ng mga babae at mga heartrob kuno? Tsss sayang ang perang pinapaaral sa inyo ng mga magulang niyo kung puro landi lang ang ginagawa niyo sa school. 

Naglakad na ako palayo sa locker ko at nakasunod naman si Aira. Siguro nasa labas ang mga pinagsisigawan nila dahil hindi ko naman sila makita kahit saang sulok ng locker na ‘to. Paliko na sana ako at dun ang daan palabas ng locker ng mapataas ang kilay ko ng may madapa sa harap ko or should I say napatid? Tiningnan ko siya at para siyang palakang nakabukaka. 

Kalalaking tao napakalampa tsss. Inilibot ko ang paningin ko at maraming estudyante ang nakatingin sa gawi namin. May tatlong lalaki rin na nasa harapan ko ngayon. 

“Anong ginagawa niya?”

“Kung ako sa kaniya tutulungan ko na si Kent tumayo.”

“Ano ba kasing nangyari? Bakit siya nadapa?”

Kaniya kaniya nilang mga bulungan. Ibinalik ko ang paningin ko sa lalaking ito na hindi pa rin tumatayo. Problema nito at di pa tumayo? 

Tiningnan ko ang apat at tinaasan ng kanan kong kilay. 

“Padaan ako.” walang emosyon kong saad sa tatlo dahil nakadapa itong isa habang sila ay nakaharang sa daraanan ko. 

“Oh My God. Ano bang problema niya?”

“She must be crazy.”

“No, she’s weird.”

“I think bago lang siya. Look at her shirt so baduy. Ew.” 

“Tsss.” Hinawi ko na lang ang dalawang lalaking magkatabi saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Kaniya kaniyang lihis din ang mga kababaihang nakaharang sa daraanan ko. Ramdam ko ang matatalim nilang mga mata habang nakamasid sa akin pero pinagsawalang bahala ko na lang iyun. 

Hindi pa ako nakakalayo sa paglalakad ng tamaan ako ng kung ano sa ulo ko. 

“Oh My God Ash. Are you okay?” kunot noo akong humarap sa likod ko para tingnan ang pangahas na bumato sa akin. Tiningnan ko pa ang isang sapatos na tumama sa ulo ko. 

“Ano bang problema mo?!” kinunotan ko siya ng noo. Pinagsasabi nito?

“Akala mo kung sino kang siga dito ah?!” blangko ko siyang tiningnan. Usok na lang kulang sayo para magmukha kang toro. 

“Hindi mo ba kami kilala ha?! kung lampasan mo ako parang hindi ako Luxurious ah?!” tumatagilid ang ulo ko kaliwa’t kanan dahil hindi ko maintindihan ang kinakagalit ng taong ‘to.

“Pipi ka ba? Bakit hindi ka magsalita?! Ang yabang mo!” bakla ba ang lalaking ‘to at kung makadaldal at makasigaw ay dinaig pa ang babae. 

“Ano bang pinagsasasabi mo?” 

“Ha!” iniwas niya sa akin ang paningin niya at ibinalik din agad ng kunot na kunot na ang noo niya. 

“Kung ibang babae yun baka nagkandaugaga na siya para tulungan ako.”

“Aahh.” Tatango tango ko pang saad. 

“So ikaw yung mukhang palakang nakadapa dun?” sabay nguso ko sa likod niya. Narinig ko pa ang bungisngis ng ilan. 

“What?.” Hindi makapaniwala niyang saad. Tss sinasayang niya oras ko. Tinalikuran ko na siya pero nakakailang hakbang pa lang ako ng batukan ako. Napakuyom na lang ako sa kamao ko at bumuntong hininga. Hindi ka nagpunta dito para sa gulo. Hinarap ko siya ng mas blangko ang mukha ko. 

KENT CHESTER POV 

Naiinis ako sa pagmumukha ng babaeng ‘to. Luxurious na ‘to dinaanan niya lang? Ha! I can’t believe it! Ngayon lang ako nakaengkwentro ng babaeng katulad niya. Blangko ang mukha niya at walang kahit na anong makikitang emosyon dun. Kung makatingin akala mo’y wala kang kwentang bagay. 

Kung sino ba namang gago ang nampatid sa akin at madapa ako sa mismong harapan ng babaeng ‘to. Napahiya ako dun ng sobra. 

“Gago ka?” blangkong saad niya nanaman. Napakalalim ng mga mata niya at para kang hinihigop nun kapag tinitigan mo siya. 

“OMG”

“Sino ba siya para gawin yan?”

“She’s creepy.”

Nagulat na lang ako ng batukan niya ako!

“Miss that’t enough.” Awat samin ni Gavin. Tiningnan niya si Gavin at tumatagilid pa ang ulo niya animo’y pinag-aaralan ang mukha nito.

“Nakailan sa akin ang kaibigan mo tapos ako na iisa pa lang inaawat mo?” hinawakan ko ang kwelyo niya sa sobrang inis. Napakayabang niya!

“Ash.” Rinig kong nag-aalala ng babaeng kasama niya. Tiningnan niya ako sa mga mata ko at nilabanan ko ang mga iyun. 

“Huwag kang sisiga siga dito! Nandito ka sa teritoryo ko! Hindi mo ba talaga ako nakikilala?” 

“Required ba na makilala ka muna bago pumasok dito?”

“Ha! ha.” halos hindi makapaniwalang saad ko sa kaniya at matalim siyang tiningnan. Itinulak ko siya dahilan para tumama siya sa pader. Mas lalo akong nainis ng parang hindi man lang ito nakaramdam ng sakit! Sinugod ko nanaman siya at hinawakan sa kwelyo. 

“Ano ba Kent that’t enough. Babae yang inaaway mo ano ka ba!”

“Huwag kang sumali dito Gavin!” sigaw ko sa kaibigan kong sobrang bait sa mga nabubully ko. Ibinalik ko sa bwisit na babaeng ito ang paningin ko. 

“Bakit mo ako binatukan?!” 

“Eh kung ikaw kaya ang tanungin ko? Bakit mo ako binato ng sapatos, binatukan at itulak? Binatukan lang kita pero ikaw na maraming beses na ginawa sa akin para ka ng torong nag-uusok ang ilong sa galit.” 

“Kent Chester ano ka ba!!” hinila ako ni Chase palayo sa babaeng ito. Sinamaan ko siya ng tingin dahil nagpapakabayani nanaman. 

“Sinabi ko ng huwag kayong mangingialam eh!!” hinila ko sa kaniya ang braso ko at tiningnan nanaman ang walang kwentang babaeng ito na inaayos ang nalukot niyang damit sa bandang leeg. 

“Let’s go Aira.” Aya niya sa kasama niya pero hinarangan ko ang daraanan niya. 

“Hindi pa tayo tapos!”

“Bakla ka ba?” 

“What?”

“Sabi ko bakla ka ba?”

Inulit pa talaga. Tibay!

“Sinasabi mo ba yan para halikan kita?” nakangisi kong tanong pero hindi man lang nagbago ang reaksyon niya. 

“Mapapatay muna kita bago mo mahalikan ang labi ko.” Sunod sunod akong napalunok. Masyadong nakakatakot ang tono ng pananalita niya. Hindi ko siya makitaan ng nagbibiro sa mukha. Pakiramdam ko nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok dahil biglang nag-iba ang tono niya pero nilabanan ko pa rin ang mga titig niya. 

“At sinong may sabi sayong hahalikan kita?” nagkibit balikat lang siya. 

“Ewan ko. Sinasayang mo ang oras ko.” Nilampasan niya ako at hahawakan ko sana ang balikat niya pero naging mabilis ang kilos niya at nahawakan niya ang kamay ko saka ako patalikod na binalibag. Napaigtad ako sa sobrang sakit ng pagkakabagsak ko. 

“Shet, she’s crazy.”

“Ang lakas ng loob niya.”

“Lagot siya. Masyado siyang mayabang.”

Mga bulungan ng mga estudyante dahil sa ginawa sa akin ng babaeng ito. 

“Ahh.” Daing ko. 

“Kent, hey bro. Are you okay?” Si Kendrick.

“Miss hindi naman ata tama yung ginawa mo?” Si Gavin. 

“At sa tingin mo tama ang ginawa niya?” hindi na nakapagsalita ang mga kaibigan ko saka tumalikod ang hambog na ‘to. Hinawakan ko ang balakang ko dahil iyun talaga ang napuruhan ng bumagsak ako sa sahig. Damn it! 

Humanda ka sakin, gagawin kong impyerno ang buhay mo dito sa ACIS. Magbabayad ka!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status