Share

Kabanata 1.1

ASHERY POV

“Ok ka lang ba Ash?” naglalakad na kami ni Aira patungong room namin.

Tinanguan ko na lang siya. Gagong yun hindi ko lang natulungan nag-uusok na ang ilong sa galit. It’s my choice kung tutulungan ko siya o hindi. Hindi ko kasalanang lalampa lampa siya sa harap ko tapos magagalit galit siya. 

Wala akong oras sa mga taong katulad niya. Umakyat na kami sa hagdan at huminto sa ikalawang palapag saka hinanap ang room naming dalawa.

Nahanap naman namin na nasa bandang gitna ng building na ito. Hinila ko na ang upuan na nasa bandang likod. Tumabi naman sa akin si Aira. Dahil wala pa naman ang prof namin ay pinanuod ko na muna ang nagsasayawang sanga ng puno sa tapat ng bintana namin. Ang mga ibong payapang nag-aawitan. Kung ganiyan lang sana kasimple ang buhay, walang problema pero impossible dahil may mga taong sakim ang nabubuhay sa mundo. 

Napabalik na lang ako sa reyalidad ng may humampas sa lamesa sa harap kaya tiningnan ko. Ang prof pala namin. 

“You!” turo niya kay Aira na katabi ko. 

“Stand up!” malakas niyang sigaw. Taas noo namang tumayo si Aira. 

“Who is the fifth King of Joseon Dynasty?!” diretso ko namang tiningnan ang prof na ito na sa tingin ko ay may pagkaistrikto. Ano bang subject namin ngayong umaga? At anong kinalaman ng history ng Korea sa subject namin sa kaniya?

“Si King Munjong of Joseon Sir.” Confident na sagot ni Aira. Wala pa lang kami sa kalagitnaan ng lesson pero pakiramdam ko naboboring na ako. Pati ba naman dito ay pag-aaralan pa ang history ng Korea. Langya yan. 

“Good sit down!” 

“You!” nagturo siya sa isa pa naming mga kaklase at tumayo naman ito.

“Who is the father of King Munjong!” hindi ba ‘to napapaos, kung makasigaw parang wala ng bukas eh. 

“King Sejong?” parang hindi niya siguradong sagot. Nagpangalumbaba na lang ako sa armchair ko. Paulit ulit na lesson, tsss.

“Hindi ka pa sigurado! Good! Sit down—you!” nagturo turo pa siya ng mga kaklase namin na karamihan naman ay mga nakatungo. 

“Ilang taon lang siyang namuno sa Joseon?!” sunod sunod ang mga tawag at turo niya pero walang mga nakasagot. Damn this subject. 

“Walang may alam?” nakangisi pa niyang tanong. Dumako ang tingin niya sa akin at sinalubong ko lang ang tingin niya. 

“You!” turo niya sa akin. Tumayo naman ako na parang walang kagana gana. 

“Masiyado kang maangas kung makatingin ah.” Ngising saad niya pero tiningnan ko lang siya. 

“Answer my question!” 

“2 years lang siyang namuno.” Sagot ko saka ako umupo. 

“Sinabi ko bang maupo ka na?!” sigaw niya nanaman sa akin. Pesteng ‘to sinabi mo rin bang manatili muna akong tumayo? Hindi na lang ako umimik at muli akong tumayo. 

“Bakit 2 years lang?” bumuntong hininga na lamang ako. Hindi ko aakalaing ganito ang magiging salubong sa akin ng araw ko dito. 

“He died because of disease.” Sagot ko saka uli ako umupo. 

“Bastos ka.” Bulong pa niya. 

“Mag-iingat ka sa pananalita mo.” Banta ni Aira. Sinipa ko na lang siya sa ilalim ng upuan niya at sinamaan ng tingin.

“Ano kamo?” galit ng tanong ng prof namin.

“Ah hehe hindi po kayo Sir.” 

“Ano bang kinalaman ng mga tinatanong mo sa amin sa subject mo?” walang kainte-interes kong tanong. Ramdam kong nakatingin siya sa akin pero sa harap ako nakatingin. 

“Para makita ko kung saulo niyo na ba ang history ng Korea sa kapapanuod niyo ng K-drama.” Sagot niya dun ko pa lang siya tinapunan ng tingin at nakangisi itong nakatingin sa akin.

“Anong kinalaman nun?” 

“Siguraduhin niyo lang na may maisasagot kayo sa tanong ko sa history ng Pilipinas.” Ngising saad niya. Tsss anong kinalaman ng history ng Korea sa history ng Pilipinas? Sira din utak nito eh. Nagpatuloy na lang siya sa discussion niya at nakinig na lamang kami. Ang aga aga history agad kung di ka nga naman antukin. 

Natapos ang oras namin sa kaniya at sumunod na subject. Hindi ko alam kung anong trip meron sa school na ito eh. Magpaquiz ba naman kaagad yung sumunod naming subject ng 50 items. Nak ng tokwa naman oo, unang araw namin ni Aira dito eh. 

“Grabe no hindi ko akalaing strikto pala ang mga teacher dito.” Saad ni Aira habang naglalakad kami patungong cafeteria. 

“Yung si Mr. Stand up ang daming paligoy ligoy, anong kinalaman ng Korea sa Pilipinas? Nasan ba utak nun? Tapos yung sumunod wala pang tinuturo 50 items quiz naman. Ano bang trip ng mga prof dito?” patuloy niyang daldal. Nakarating kami sa cafeteria at marami na ring mga studyante dun. Umorder na kami ni Aira at naupo sa bandang gitna ng cafeteria. 

“Hi.” Nahihiyang bati ng isang magandang ding babae. 

“Hi.” Masayang bati rin ni Aira. Hindi ko na sila pinansin at kumain na lang ako. 

“Pwede ba kaming makiupo sa inyo?” nahihiya niya pa ring saad.

“Ay oo naman, likayo kain tayo.” Inayos ni Aira ang mga upuan at umupo naman ang dalawang babae at isang bakla. 

“Mga kaklase niyo kami hehe. Bago kayo tama?” pinagpatuloy ko ang pagsubo ko. 

“Ah oo hehe.” 

“Grabe ang tatalino niyo. Alam niyo bang gaganun ganun si Sir Lopez pero mataas yun magbigay ng grades kapag nasasagot mo ang mga tanong niya.” daldal niya. Sino bang Lopez yun?

“Yun ba yung teacher natin sa history?” Si Aira.

“Siya na nga.” Nagsimula na rin silang kumain pero napatingin ako sa pintuan ng cafeteria ng magsigawan ang mga kababaihan.

“WAAAHHH NANJAN NA SILA.”

“I LOVE YOU KENT.”

“GAVIN ISANG TINGIN NAMAN.”

“ANG GWAPO GWAPO NIYO KENDRICK AT CHASE.”

“ISANG SULYAP LANG NI CHASE LIBRE KOOOO.” Tsss. Sila nanaman? Pinagpatuloy ko na lang pagkain ko at hindi na sila pinansin. Nakaharap ako sa counter ng cafeteria kaya kita ko ang pagpunta nilang apat dun. Ganito ba talaga ang mga babae dito? Kapag makikita sila, magtitilian. 

“Sila ang Alpha 4 kung tawagin.” Pinakinggan ko na lang sila mag-usap usap. 

“Ganito ba talaga ang mga babae dito? Nagtitilian?” kunot noong tanong ni Aira. 

“Ah oo hehe. Yung lalaking nasa unahan yun ang pinakang leader nila, si Kent Chester Luxurious yung nasa likod niya siya naman si Gavin Hart. Yung dalawa namang nag-uusap sa likod nung dalawa ay si Kendrick Vilarreal at si Chase Hendrix.” Isa isa pa niyang tinuro ang apat na lalaking nakapila. Alpha 4? Tss kabaduyan. 

Hindi ko na lang sila pinansin at kumain na lang ako ng kumain. 

“Oh my God papalapit sila dito.” Rinig kong saad ng nasa likod ko pero hindi ko na lang sila pinansin. 

“HAHAHAHAHAHAHA.” Malakas na tawanan nila ng may tumapon saking mga pagkain. Peste naamoy ko pa ang isang parang pinapaitan sa mukha ko. Tinanggal ko sa mukha ko ang nakasabit sabit pang pancit sa ulo ko. I clenched my fist and gritted my teeth. 

“HAHAHAHA.” Rinig kong tawa sa gilid ko. Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.

“What did you do Kent?” gulat ring tanong ng kasama niya sa pagkakatanda ko siya si Gavin. 

“Just shut up Gavin! Let’s go.” Tumalikod itong lalaking ito at tiningnan naman ako ng nag-aalalang mukha ng tatlo pa niyang kasama. Inipon ko lahat ng pancit na nasa akin at yung spaghetti na nasa table namin saka ko ibinato sa kaniya—Sapul. Dahan dahan pa siyang lumingon sa akin at ayun nanaman ang galit niyang mukha. 

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” sinugod niya ako at kwenelyuhan nanaman. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa damit ko at pabagsak iyung inalis. 

“Bakit mo ako binato?!” galit na galit niyang tanong. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status