Share

Kabanata 2.1

Nakarating ako sa bahay maya maya’y nanjan na rin si Aira. Dumiretso akong sala saka pabagsak na iniupo ang sarili sa sofa. 

“Ayos ka lang ba?” tinapunan ko lang siya ng tingin. 

“Pasensya ka na hindi man lang kita maprotektahan.” 

“Hindi mo kasalanan.” Tumayo na ako saka umakyat sa taas. 

“Tawagin na lang kita kapag kakain na.” Sigaw niya mula sa baba. Tumango na lang ako kahit na hindi ako sigurado kung nakita niya. Humiga ako sa kama ko at hinayaang maglayag ang isip ko. Marami pa akong dapat pagtuunan ng pansin at atensyon hindi ng isang hangal na katulad niya. 

Huwag ka lang sanang sumobra ginoo. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo. 

Kinuha ko na ang mga gamit ko at ginawa lahat ng assignments. Bawat subjects na lang ata may assignments. Tsss. Natapos ko ang mga assignments ko after half of hours. 

“Ash?” inimpis ko na lahat ng mga gamit ko at inilagay sa bag ko ng marinig ko ang boses ni Aira. 

“Kakain na tayo.” Saad niya ng pagbuksan ko siya ng pinto. 

“Aalis ka ba pagkatapos natin kumain?”

 

“Hmm.”

“Pwede ba kitang samahan?”

“Hindi na.”

“Pero Ash—“

“No more buts Aira. Hindi sa lahat ng lakad ko kailangan kitang isama.” Putol ko sa sasabihin niya. Napayuko naman siya. Dumiretso na lang ako ng kusina at kumain. 

“Kasama mo ba si Vance sa pupuntahan mo?” umiling naman ako. Hindi ko ugaling magsalita. 

“Magpasama ka sa kaniya Ash. Nag-aalala ako.” bumuntong hininga ako saka ko binitawan ang kutsara’t tinidor na hawak ko. 

“Sa paglilingkod mo Aira, mag-aalala ka pero wala kang karapatang tanungin lahat ng mga lakad ko.”

“Pasensya na hindi ko talaga mapigilan. Unang beses kasi nating umalis sa—“

“Sinabi ko na sayo na ayaw ko na munang pag-usapan ang pinagmulan natin.” Pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Ramdam ko ang pagtingin tingin niya sa akin pero hindi ko na pinansin pa. 

Natapos ako sa pagkain ko. Umupo na muna ako sa sofa bago ako umalis. 

“Kailangan pa ba kitang pabaunan nito?” abot niya sa akin ng isang baril. 

“Hindi ko kailangan yan, hindi ako nagpunta dito para pumatay ng tao Aira.”

“Hindi ko naman sinabing pumatay ka pangproteksyon lang.” Inilingan ko na lang siya. 

“Itago mo na lang yan. Huwag kang maglalabas kahit na anong sandata.” Kinuha ko na ang susi ko, jacket at helmet saka nagtungo sa garahe. 

“Mag-iingat ka.” Ayun nanaman ang nag-aalalang tono niya. 

“Huwag kang mag-alala, uuwi ako ng walang bangas.” 

“Hambog ka talaga.” Natawa na lang ako sa kaniya. Bumusina na lang ako ng dalawang beses saka pinatakbo ang motor ko. 

Kailangan kong makausap ang mga taong yun. Kailangan may malaman ako kahit na kaunting impormasyon. Oo nagpunta ako dito sa lugar na to ng wala man lang nalalaman. Hindi ko alam kung sino ang kalaban ko. Masyado siyang magaling sa pagtatago kahit noong nasa lugar pa namin kami. 

Mabilis akong nakarating sa hide out nila. Isang lugar na abandunado. 

Bumaba ako sa motor ko at inalis ang helmet. Sinalubong naman ako ng isang dosenang mga tao. 

“Si Lucas?” salubong kong tanong. 

“Anong kailangan mo sa boss namin?” mayabang na tanong ng isang lalaking hindi ko kilala. Actually lahat sila na sumalubong sa akin ay hindi ko kilala. 

“Siya ang kailangan ko hindi kayo kaya pwede ba sabihin niyo na lang.” Nawawalang pasensya kong saad. Hilaw namang natawa itong nagtanong sa akin. 

“Huwag kang aangas angas sa teritoryo namin. Kahit na maganda ka hindi ka makakalabas ng buhay dito.” Nilapitan ko siya at dalawang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin. 

“Gusto mong unahin na kita?” kita ko ang sunod sunod na paglunok niya at pagkurap. Mayabang lang kapag may kasama tsss. 

“Marami kami nag-iisa ka lang.” Tapang tapangan niyang sambit. 

“Huwag kang pakakasiguro.” 

“Mayabang—AAAHHH.” Hinawakan ko ang kamay niyang hahawakan sana ang kwelyo ko kung hindi ko inunahan saka pinilipit patalikod. 

“AAHH m-masakit.” 

“Mas masasaktan ka lalo kung hindi ka nagsalita.” Bulong ko sa tenga niya. 

“Hi Ashery, masyado naman yatang mainit ang ulo mo ngayon.” Binitawan ko ang lalaking ito at tiningnan si Lucas na kasama ang dalawa niyang kanang kamay. 

“Hindi ko ugaling magsayang ng oras. Anong nakalap mo?”

“Woaahh easy lang hahaha. Masyado kang atat. Maupo ka muna.” Itinuro niya ang isang sira ng sofa pero pwede pang pag-upuan. 

“Hindi ba pwedeng magkwentuhan muna tayo bago tayo pumunta sa totoong usapan?" mabilis kong inagaw ang isang balisong na nilalaro niya sa kamay niya saka ko itinutok sa leeg niya. 

"Sabi ko nga magsasalita na ako.” 

Ibinaba ko rin agad ito. Sasabihin lang din naman pala ang dami pang satsat. 

“Ang totoo niyan hindi pa rin namin kilala. Ang hirap naman kasi ng pinapagawa mo eh.” Kakamot kamot pa niyang sabi. 

“Wala akong malaman na isang taong galing sa lugar niyo kamo. Ang alam ko lang talaga lahat ng nakatira dito ay matagal ng residente dito.” Impossible. Iyun ang sinabi ng bihag naming nagtitiktik sa akin. 

“Pero kahit papaano naman ay may nalaman kami.” Napatingin ako sa mga mata niya ng sabihin  niya iyun. Ikinumpas ko na lang ang kamay ko na sabihin niya na. 

“May pamilya ditong galing nga sa lugar niyo pero matagal na simula ng hindi pa sila bumabalik dun. Balitaan ka na lang namin kapag sigurado na kaming lahat.” 

“Bilisan mo.” Tanging sagot ko saka tumayo at tinalikuran sila. Batid kong wala siya dito mismo sa lugar na ‘to dahil pamilya niya ang nandito kung ganun nga ang nangyayari nasaan siya? Saang lupalop ng Pilipinas siya naroroon. 

Damn it! Ang hirap maghanap ng taong hindi mo kilala, hindi mo alam kung sino siya. Para akong nangangapa sa dilim. Pinaandar ko na ang motor ko at mabilis na nilisan ang lugar na iyun.

Pagdating ko sa bahay ay bukas pa lahat ng ilaw pati ilaw ng garahe ay bukas pa. Maaaring naghihintay pa si Aira. 

Bubuksan ko pa lang sana ang pintuan ng bumukas na agad ito. 

“Ano kamusta ka? Wala ka bang butas na natamo sa katawan? Wala ka bang malaubeng kulay?” napairap na lang ako ng ikutin niya ang buong katawan ko at kinakapa. 

“Ano ba? Sinabi ko na sayong uuwi ako ng walang bangas diba?” tumigil siya sa kachecheck sa katawan ko at huminto sa harapan ko. 

“Napakahambog mo! Aba eh sinong hindi mag-aalala sayo kung sumugod ka sa yungib ng mga leon!” 

“Leon na ba ang mga iyun akala ko mga pusa.” Ngisi kong saad saka naglakad patungong sofa. 

“Wala na talagang tatalo sa isang mayabang na Ashery Myth Moondale.” Bulong pa niya pero sapat iyun para marinig ko. Ipinatong ko ang dalawa kong paa sa center table at inilagay sa ulo ang dalawa kong kamay. 

“Sa susunod na kikilos ka ng ikaw lang isusumbong na talaga kita kay Vance.” Tumingala ako at tinitigan na lamang ang kisame. Gusto ko ng matapos magkaroon na ng kapayapaan ang lugar namin. Pero alam kong matatagalan pa ako dahil nag-uumpisa pa lang ako. 

Tumayo na ako at umakyat sa hagdan. 

“Hindi ako nagbibiro Myth gagawin ko talaga yun!” pahabol pang sigaw ni Aira. 

“Alam kong alam mo kung ano ang kalalagyan mo oras na ginawa mo yan.” Saad ko kahit na nakatalikod ako sa kaniya. 

“Ay hehehe biro lang, ito naman ang init agad ng ulo.” Nilingon ko siya pero mabilis lang siyang tumakbo patungong kusina. Tsss. 

Humiga na ako sa kama hindi na ako naligo dahil napaaga ang ligo ko dahil sa payat na yun. Hindi naman ako nahirapang mag-isip ng kung ano ano bago ako makatulog. 

KINABUKASAN..

“Ash? Ash? Gising ka na ba?” rinig ko pang katok ni Aira. Tiningnan ko ang wall clock at alas syete na pala 8 ang pasok namin. 

“Gising na ako.” paos ko pang sagot dahil kagigising ko lang. 

“Maligo ka na ha?” 

“Ge.” Tanging sagot ko saka ako pumasok ng banyo ko. Hindi naman na ako nagtagal dun at bumaba na ako.

Nasa hagdan pa lang ako amoy ko na ang niluluto ni Aira. 

“Good morning sa hambog na Ash.” Bati ni Aira na nakaupo na sa upuan niya. Akala ko nagluluto pa lang siya nakahain na pala. 

“Oh Vance aga mo ah.” Lumingon ako sa pintuan at tama nga ang aga niya. 

“Hi good morning.” Ngiting bati niya sa akin. 

“Tsss.”

“Sungit natin ah.”

“Anong ginagawa mo dito?” kunot noo kong tanong. 

“Bawal na ba bisitahin ang mahal kong—“

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status