Share

When The Rain Poured
When The Rain Poured
Author: Ronx

Prologue

February's POV

"Rejoice/Sunsilk!"

"Ohhh! Rejoice. Ha! One point para sa pogi!" sigaw ni Cali.

"Ang yabang mo, isang puntos pa lang naman tama mo." Humagalpak na sabi ni Aya sa kanya.

Hindi naman makasabat sa kanila ang mga kalarong nakikinood din ng tv dito sa kapitbahay.

Natatawa ko naman silang pinag-untog na dalawa. Magrereklamo pa sana ang mga ito kaya lang ay agad nila akong nakitang dalawa.

"Ate Febi!" nakangiti nilang saad sa akin.

"Aba, kanina pa kayo dito. Hinahanap na kayo nina Lola kanina pa," sabi ko sa kanila at napailing pa.

"Uuwi na nga, Ate. Hinihintay lang namin na matapos ang palatastas." Mas lalo naman akong natawa sa kanila dahil dito.

"Patalastas, Aya, hindi palatastas," natatawa kong saad. Tinignan lang naman ako nito at mukhang hindi rin nakuha ang sinabi ko kaya ginulo ko na lang ang mga buhok ng mga ito.

"Akala mo naman hindi ganyan ang pronunciation mo dati, Febi," sabi naman ni Isaac na siyang buhat buhat ang mga kahoy na kanyang dadalhin sa bahay nila. Tinawanan ko lang siya at sumunod na rin dito, sumabay na rin naman sa amin sina Aya at Cali.

"Febi, tulungan na kita," nakangiting saad ni Noel sa akin.

"Nandiyan na pala manliligaw mo," natatawang saad sa akin ni Isaac. Agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil dito. Kapitbahay ko lang si Isaac at matalik na kaibigan. Sabay kaming lumaki kaya alam na alam ang sikreto ng isa't isa.

"Hindi na, Noel. Kaya ko naman ito," sabi ko at nginitian na lang siya. Akala ko ay susuko na ito ngunit maya-maya ay malapad siyang ngumiti sa akin.

"Sige na, Febi, madadaanan ko lang din naman ang bahay niyo," sabi niya at ngumiti pa sa akin. Kinuha ang ilang kahoy na binubuhat ko.

Natawa naman si Isaac sa naging reaksiyon ko kaya naiiling na lang ako sa kanya. Dumeretso na lang ako sa paglalakad at hindi na pinansin pa ang pang-aasar nito.

"Maganda ba ang gising mo ngayong araw, Febi?" tanong pa ni Noel sa akin.

"Oo naman, Noel, nakita ka na niya e," bago pa ako nakasagot ay sumungit na si Isaac. Ang siraulong 'to. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tinawanan lang ako ng loko.

"Nagbibiro lang si Isaac, Noel, huwag kang maniwala," sabi ko na lang dahil sa tingin ni Noel sa akin.

"Crush mo si Kuya Noel, Ate Febi?" tanong ni Aya. Nginitian ko naman ito at pinanggigilan ang pisngi. Kung pwede nga lang na palayasin sa harapan ko si Noel, kanina ko pa ginagawa kaya lang ay mabait kasi ito at mahirap tanggihan.

"Talaga, Febi?" Hindi ko alam kung slow lang ba 'tong si Noel o ano. Nag-aalinlangan ko na lang siyang nginitian.

"Hindi, Noel, alam mo namang magkaibigan lang tayo, hindi ba?" tanong ko sa kanya at ngumiti na lang ng pilit. Nakita ko naman ang pagbusangot nito ngunit 'yon naman kasi ang totoo.

"Salamat, Noel," sabi ko nang makarating na kami sa tapat ng bahay. Napatingin naman ako sa kalangitan, mukhang nagbabadya ang ulan.

"Magandang umaga," nakangiti niyang bati kay Tatang nang makita niya ito.

"Magandang umaga rin, Hijo," sabi naman ni Lolo sa kanya.

"Mauna na ako," sabi nito at umalis na sa tabi ko. Mukhang natakot sa tingin ni Lolo.

"Ito na ang mga kahoy, Tang," sabi ko sa kanya. Tinitignan niya naman ang paalis na si Noel.

"Kahit kailan ay hindi ko talaga gusto ang asta ng Legaspi na iyon," sabi ni Lolo at nailing pa.

"Nanliligaw ba sayo 'yon?" tanong pa niya sa akin.

"Hindi po, Tang," natatawa kong sambit at napailing pa.

"Mabuti naman," sabi niya na napakibit pa ng balikat.

"Febi? Nandiyan ka na ba? May gagawin ka pa ba, Apo?" tanong ni Lola na lumabas pa ng bahay.

"Pupwede mo bang kunin ang itlog kina Mang Lito at dalhin mo kina Donya Ligaya?" tanong niya sa akin habang naghihimay ng sitaw.

"Opo, Nang. Sige po," sabi ko at tumango dito. Kinuha ko naman na ang bike na siyang gagamitin ko patungo kina Mang Lito.

Nang makarating ako doon ay agad akong sinalubong ng anak nitong si Rebecca.

"Ate Febi, kukunin mo na ang itlog ni Tatay?" tanong niya sa akin.

"Oo, Bec, pinapakuha na ni Nanang, dadalhin na daw sa bahay nina Donya Ligaya," sabi ko sa kanya.

"Tay! Kukunin na daw ni Ate Febi 'yang itlog ni Donya Ligaya!" sigaw ni Rebecca. Lumabas naman ang kanyang ama na si Mang Lito.

"Napaaga ata ang pagkuha mo, Febi?" tanong nito sa akin.

"Opo, kailangan na daw po kasi sa hacienda nina Donya Ligaya," sabi ko sa kanya.

"Ganoon ba? Kakayanin mo bang dalhin. Ilang tray din kasi ito," sabi niya sa akin at pinakita ang patong patong na tray ng itlog. Kayang kaya ko naman 'yon dahil ako naman ang nagdedeliver ng itlog sa bahay nina Donya Ligaya.

"Opo!" sabi ko at ngumiti. Sinenyas ko naman na ilagay na lang sa likod ang bike ang mga itlog katulad ng dati.

"Mag-ingat ka sa pagmamaneho, Febi." Paalala pa ni Mang Lito sa akin.

"Salamat po," sambit ko pa at dahan dahan nagmaneho patungo sa bahay nina Donya Ligaya. Medyo liblib kasi ang lugar namin kaya mahirap humanap ng sasakyan pero payapa lang at tahimik sa lugar na talaga namang gugustuhin mong tumira.

Ingat na ingat naman ako sa pagbabike dahil sa itlog na nasa likod. Pangiti ngiti lang ako habang patungo sa hacienda ngunit agad akong nagulat dahil biglang bumagsak ang malalaking patak ng ulan.

Malapit na ako kina Donya Ligaya kaya medyo binilisan ko ang pagmamaneho ngunit gulat na gulat naman ako nang paliko na sana kaya lang ay may kotseng bigla na lang lumabas sa gilid kaya agad akong naout of balance dahil sa gulat.

"Hala!" malakas kong sigaw nang makitang basag basag na ang itlog sa tray. Agad ko 'yon kinuha at hindi na ininda ang sugat sa tuhod at sa gilid ng kamay.

Basang basa na rin ako dahil sa ulan. Napatingin naman ako nang hindi pa rin bumababa ang taong nasa sasakyan. Palihim naman akong napairap nang maisip na ang spoiled brat na apo ni Donya Ligaya ang sakay ng kotse.

Don't get me wrong, mayroon namang may mga kotse at may kaya dito kaya lang sa bayan mo lang makikita ang mga 'yon. Dito kasi halos lahat ng lupain si Donya Ligaya ang may ari.

Pinakalma ko na lang ang sarili ko dahil mahirap ng makabangga ang mga ito kahit na kababangga ko lang sa kanila.

Kinuha ko na lang ang bike ko at aalis na sana doon kaya lang ay bumaba ang sakay ng kotse.

"Hey, let's treat your wound first." Nagulat naman ako nang makitang hindi ito ang apo ni Donya Ligaya. Agad akong napatitig sa mukha nito at inaalala kung saan ko siya nakita ngunit hindi ko magawang maisip. Ang mga mata nito ay kulay esmeralda. Mukha itong may lahi.

"Nah, it's okay," sabi ko at nginitian na lang siya.

"But if you're generous enough, can you please pay for these?" tanong ko at pinakita ang itlog sa kanya.

Napatitig naman siya sa akin sandali tila nagtatakang may tagabaryong probinsiyanang englishera siyang nakita. Hindi ko rin maiwasang mapatitig sa mga mata nito. Nagkatitigan lang kaming dalawa.

Dito ko siya unang nakilala sa gitna ng maputik na kalsada, sa berdeng kapaligiran at sa ilalim ng ulanan...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status