Share

Chapter 1

February’s POV 

“Woah! You’re shameless, aren’t you?” tumawa pa ito ng walang kabuluhan habang nakatingin sa akin. 

“I’m asking you to treat your wound so we can talk about how are you going to pay me," sabi niya na nakataas pa ang kilay sa akin. I laughed without humor while looking at him. 

“Ako pa ngayon ang magbabayad sa pesteng ‘to?” bulong ko sa sarili na walang pakialam kung marinig man niya ako dahil mukha namang hindi rin niya maiintindihan dahil mukha itong may lahi. Lahing baliw. 

“Look what have you done in my car!” sabi pa niya na tinuturo ang gasgas na tila hindi naman sa akin nanggaling. Aba, niliko ko na nga ang bike para hindi ko ito mabangga. 

Pilit kong pinapakalma ang sarili at nginingitian pa rin ito kahit iritadong iritado na sa kaniya kaya lang ay mas lalo pang nang-asar ang gagong ‘to. 

“And I’m not peste," sabi niya pa na pinagtaasan ako ng kilay. 

“Bakit hindi mo na lang ako bayaran ng matapos na ang usapan tutal mukha namang parehas na tayong nilalamig dito," sabi niya. Fluent na fluent pa ito sa pagsasalita ng tagalog. Hindi ko naman na nakayanan pang magpigil dahil pinipilit nitong ako ang may kasalanan. 

Basag na basag na nga ang mga itlog dahil sa kanya. Wala na akong pakialam kung may koneksiyon oa ito kina Donya Linya dahil nakakaasar ang ngisi nito habang nakatingin sa akin. 

“For your information, Sir, ikaw itong bigla na lang sumulpot sa daan! Manggagantsong ‘to!” Hindi ko mapagilang sabihin na hindi na iniinda ang lamig. Mas lalo naman akong nainis nang makita ko ‘tong tumatawa. Sinamaan ko siya ng tingin. 

“Hindi ako magbabayad sayong manggagantso ka!” inis kong sambit at sumakay na sa bike ko, kaya lang ay agad akong nairita nang makitang naalis ang kadena no’n at mahirap ikabit dahil walang grasa at dahil na rin sa malalaking patak ng ulan. 

Pilit ko namang pinapakalma ang sarili dahil paniguradong kanina pa hinihintay ni Donya Ligaya ang mga itlog. Agad akong napasabunot sa ulo at nahlakad patungo sa waiting shed na nasa tapat lang naming dalawa nitong lalaki. 

Napatingin naman ako sa kanya na nakatingin lang sa akin. Iniwas ko naman agad ang tingin ngunit bago iyon ay sinamaan ko siya ng tingin. Mahirap na baka malunod nanaman ako sa kulay esmeralda nitong mga mata. 

“Woah, you’re not willing to settle this?” tanong niya sa akin habang nasa tapat pa rin ng kotse niya. 

“It’s not my fault, ikaw itong sumulpot na lang bigla diyan! Ni hindi na nga kita sinisingil sa itlog ko!” inis kong sambit. Hindi mapigilang kumulo ang dugo dahil sa nakikitang ngisi mula sa mga labi nito. Para kasing tuwang tuwa siyang may nakikitang napipikon sa kanya. 

Malalim na lang akong napabuntong hininga at sinusubukang alisin ang tali ng itlog. Nakita ko naman na siyang sumakay sa kotse niya. Mukhang aalis na rin. Hindi ko na lang pinansin dahil ayaw na ayaw kong umiinit ang dugo sa isang tao. 

Ayaw na ayaw kong nagagalit. Tinignan ko na lang ang itlog at dahan dahang inalis ang mga tray para silipin kung may mga hindi ba nabasag dito. 

Kinuha ko naman ang plastik dito sa may basket ng bike para kunin ang mga basag na itlog at dalhin na lang sa bahay. Atleast kahit paano ay magagamit pa namin. Para hindi naman masayang ang babayaran ko dito. 

Napatingin naman ako nang makitang tumatakbo ang lalaking may kulay esmeralda ang mata patungo sa pwesto ko. Nakatingin lang ako sa kanya. 

“Hi,” bati niya at ngumisi naman. Nakakairita ang ngisi nito na para bang may pinapahiwatig na kung ano. 

Hindi ko siya pinansin at hiniwalay lang ang itlog na hindi nabasag. 

“Anong ginagawa mo dito? Bakit? Naawa ka ba at babayaran mo na ako?” tanong ko sa kanya ngunit hindi ito tinitignan. 

“No, it’s not like that, nasiraan ako," sabi niya at naupo sa gilid. Tinutupi ang long sleeve hanggang sa siko. 

“Ng bait?” bulong ko pa at natawa sa sarili. 

“Maybe you’re talking to yourself," sabi niya pa. Hindi ko na lang siya pinansin. 

Tahimik lang kami parehas na halos ang pagbagsak lang ng ulan ang maririnig sa pagitan namin. Ano pa nga bang ineexpect ko? Ni hindi ko nga kilala at alam kung sino ba ‘tong abnormal na lalaking ito. Baka mamaya ay holdaper o ‘di kaya ay mamamatay tao pala ito. Natakot naman ako sa naiisip kaya agad na napalayo sa kanya. 

“You’re not going to treat your wound?” tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya na pinapanood lang ang galaw ko. Pamilyar talaga ang mukha nito kaya lang ay hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. 

“Bakit? Bibigyan mo ba ako ng panggamot?” tanong ko sa kanya. 

“It’s not like I’m at fault here, ikaw ‘tong bigla na lang sumulpot,” sabi niya pa sa akin. Napabuntong hininga naman ako para pakalmahin ang sarili. 

“Yeah, Yeah," sabi ko na lang na naiiling sa kanya. 

“Why are you even talking to me? It’s not like we’re friends or what," sabi ko na inirapan pa siya. Nakita ko naman ang pagngisi nito kaya agad ko siyang inirapan. 

Nagpatuloy na lang ako sa pagpili ng mga itlog na hindi nabasag at sa mga pwede pang dalhin sa bahay. Dahan dahan ko ‘tong nilalagay sa plastik. 

“What are you going to do with that?” tanong niya pa sa akin. 

“Iuuwi sa bahay,” sagot ko ng hindi na namamalayan. 

“Why? Are you still going to eat that?” tanong niya pa. 

“Oo, hindi naman ‘to nadumihan o ano, nabasag lang naman," sabi ko pa. 

“Bakit ba tanong ka ng tanong, ha?” inis kong saad sa kanya. 

“Then, why are you answering my questions?” natatawa niyang tanong at namamanghang nakatingin sa akin. 

“Ayaw ko naman magmukha kang tanga na kinakausap ang sarili," sabi ko pa sa kanya. 

“See? You answered my question again," natatawa niyang saad sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. Sa mga katulad niya, kailangan mo ng mahabang pasensiya. Hindi ko na nga siningil ito kahit na medyo malaki laki rin ang babayaran ko dito. Panigurado akong mapapagalitan ako ni Lolo at Lola. 

Pwede naman sigurong pakiusapan si Donya Ligaya, mabait naman ito kapag binabola kaya mapag-iipunan ko pa. Mukhang hindi ko rin naman mahuhuthutan ang lalaking ito at baka mapalaki pa ang babayaran ko. 

Maya-maya ay nakita kong may tumatawag sa keypad kong cellphone, agad ko naman itong sinagot. 

“Hello po?” magalang kong tanong. 

“Febi, hija? Ikaw ba ‘yan? Hinihintay na ni Donya Ligaya ang mga itlog. Alam mo naman na may handaan dito ngayon, hindi ba?” tanong niya sa akin. Napakagat naman ako sa aking labi dahil dito. 

“Pero, Ate, nabasag kasi ang iba, isang tray lang ang madadala ko.” Hindi ko mapigilang sambitin habang nakatingin sa isang tray ng itlog na siyang naligtas sa limang tray na dapat kong dadalhin. 

“Ano? Nako, hindi pwede, Febi! Kanina pa naghihimutok si Donya Ligaya dahil wala pa ang mga itlog. Gawan mo ng paraan!” sabi nito. Napabuntong hininga na lang ako dahil pinatayan na ako ni Ate Daisy. Paniguradong sila ang pinagbubuntungan ng galit ng matanda dahil wala pa ang itlog. 

Napaisip naman ako ng dapat kong gawin. Wala akong pangbili ng itlog kung bibili ako sa bayan. Hindi naman ako makakautang kay Mang Lito dahil tama lang ang kita nito para pamuhunan ulit kinabukasan. 

Kung uuwi naman ako kina Lola ay paniguradong kukunsumihin ko lang ang mga ito. Napatingin naman ako dito sa lalaking nakatingin lang sa akin habang nag-iisip ako ng paraan. 

“Pautang,” seryoso kong saad habang nakatingin sa kanya. Natulala lang siya sa akin sandali hanggang sa mapahagalpak na ng tawa. 

“What? I’m serious! Babayaran kita kapag nagkita tayo,” sabi ko pa sa kanya. 

“You’re funny," natatawa niyang saad. 

“I’m not joking!” sabi ko na sinamaan pa siya ng tingin. He probably think I’m crazy pero wala na akong maisip na paraan saka mukha naman siyang mayaman kaya mayroon naman siguro itong pera. 

“I know. Let’s go,” sabi pa niya sa akin kaya agad akong napatingin sa kanya na nagtataka. Agad akong napayakap sa sarili nang may maisip na kung ano. Pinagkunutan niya naman ako ng noo dahil dito. Maya-maya ay napahagalpak siya ng tawa. 

“Hindi ikaw ang tipo ko," sabi niya pa at napailing. 

“And I’m not fucking pervert!” sabi niya pa na sinamaan ako ng tingin. 

“Fine, but you can just give me the money, you don’t have to come with me,” sabi ko pa sa kanya na nakakunot ang noo. 

“I’m just being generous here, Miss. It seems like you’re in trouble," sabi niya at tinignan pa ang cellphone ko na tila sinasabing narinig ang usapan. 

“Pero akala ko ba sira ang sasakyan mo?” tanong ko pa sa kanya. 

“Yeah, it’s okay now," sabi nito. Agad naman akong napangiwi sa kanya at agad ding napalayo dito. Aba, kung iniisip niya na ganoon ako katanga para hindi mapansin ang kilos niya, ay nagkakamali siya. 

Kinunutan niya ako ng noo at agad ding napagtanto ang paglayo ko. 

“If you think that I’m hitting at you, you’re completely wrong. Nasira talaga ang kotse ko at as of now ayos na ‘yon. ‘Yan na," sabi niya pa na tinuro ang kotseng umaandar patungo sa amin. 

“Ayos na po, Sir!” sabi ng isang lalaking mukhang nag-ayos nito. 

“Yeah, thank you. By the way Kuya Migs, pwede niyo po bang pakidala niyo na rin ‘tong bike sa bahay nina Donya Ligaya," sabi niya na tinuro ang bike ko. Aangal pa sana ako ngunit agad akong tinignan nitong lalaki. 

“Sige po, Sir," sabi ng Migs na tinutukoy nito. 

“Let’s go," sabi niya sa akin at pumasok na sa kotse niya. Nagdadalawang isip naman ako kung sasakay ako dito. 

“We can go faster using my car,” sabi niya na napakibit pa ng balikat. Hindi iniinda kung mabasa man siya. Sabagay, kanina pa naman kami basa dahil sa malakas na ulan. 

Sumakay na lang ako sa backseat ngunit agad kong nakita ang masama nitong tingin. 

“I’m not your driver, Miss,” sabi pa niya sa akin. Wala naman akong nagawa kung hindi lumipat sa front seat. 

Akala ko isusuot niya ang jacket na nasa backseat ngunit iniabot niya ito sa akin. 

“Here. It’s cold," sabi pa niya at nginitian ako. Tinignan ko lang siya, nilalamig naman pala ito, bakit hindi na lang siya ang magsuot? 

“Thanks," simple ko na lang na saad. Napatingin pa ako sa kanya nang makitang may kinukuha nanaman sa kotse niya. Aabutin pa ata kami hanggang bukas bago tuluyang makaalis. 

“Here, treat your wound,” sabi niya na iniabot ang first aid kit. 

“Thanks," sabi ko na lang at nginitian ito. Tumango na lang siya at nagsimula ng magmaneho. What a weirdo. 

Ginamot ko na lang ang sugat ko sa kamay, naipangsangga kanina para hindi tuluyang bumagsak ngunit natumaba pa rin. 

“Sa bayan na?” tanong niya. Tumango ako dahil kapag kina Rebecca ako bibili, paniguradong kulang na ‘yon at sigurado rin akong ichichismis na agad ni Bec na may kasama akong lalaki. Baka mamaya ay kung ano pang sabihin nito kay Lola. Mahirap na. 

Nang makarating kami sa bayan ay umaagaw din ‘to ng atensiyon dahil nay itsura rin naman ang lolo mo. Hindi lang may itsura dahil pupwede na rin ata ‘tong maging artista dahil sa gwapong mukha. 

Siya na rin naman ang nagbuhat ng mga itlog at hindi na ako hinayaan pang makipag-agawan sa kanya. Hindi ko na rin naman tinuloy pa dahil baka mamaya ay mabasag ko nanaman ito. 

Pinagmamasdan ko naman siya habang naglalakad sa unahan. May hulmado ring katawan. Iba talaga kapag paborito ni Lord, mayaman na, gwapo pa, kulang na lang dito ay ang pag-uugali. 

Katulad na lang ngayon, kung makatawag ay parang katulong niya ako. Hindi ko pa kilala ito niyan, ha? 

“What do you think? Saan ang mga bagong pitas diyan?” tanong niya sa akin habang pinapapili ako ng prutas. Pinagpili ko na lang ito, magiging mabait ako sa kanya tutal ay may utang ako. 

Mas lalo naman itong ng inis habang pinipilit ko lang na ngumiti sa kanya hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Hindi pa rin naman niya ‘yon pinapaandar kaya agad akong napatingin sa kanya. 

“By the way, I’m Sapphire,” nakangiti niyang saad at naglahad pa ng kamay. 

“February...” sabi ko na tinggap ang kamay nito. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status