Share

Chapter 5

February's POV 

"Magandang umaga, Donya Ligaya, nabisita ho ata kayo?" tanong ni Lola na siyang nakikichismisan lang kina Aling Juana kanina. 

"Ah, magandang umaga rin, Carla. Binibisita lang namin ang apo nitong si Emilya," sabi ni Donya Ligaya na nagpapaypay pa gamit ang malaki niyang pamaypay. 

"Magandang umaga, Carla," bati nitong si Donya Emilya kay Lola. 

"Kumusta ka na?" tanong pa nito at ngumiti. Kumpara kay Donya Ligaya, mas palakaibigan namang tignan itong si Donya Emilya. 

"Mabuti naman, Donya Emilya," sabi ni Lola sa kanya. 

"Emilya na lang, Carla, para namang hindi tayo naging magkaibigan noon," sabi nito kay Lola. Ngumiti na lang si Lola, base sa ngiti nito, mukhang hindi nga sila naging magkaibigan. 

"Ito nga pala ang apo ko, si Zeal. Baka naman pupwede kong ibilin sa'yo. Gusto kasi nitong magbakasyon dito sa lugar niyo," sabi ni Donya Emilya. Agad naman akong napatingin kay Sapphire na siyang tahimik lang sa tabi ng matanda. 

Hindi ko alam kung pinagtatakpan lang ba siya nito o totoong gusto lang talaga nitong magbakasiyon dito. 

"Ganoon ba? Wala namang problema sa akin iyon," sagot ni Lola at ngumiti dito. Pakiramdam ko gustong mang-usisa pa ni Lola ngunit pinigilan din ang sarili. 

"Magandang umaga ho," bati ni Sapphire at ngumiti lang kay Lola. Nginitian lang din naman siya nito. 

"Donya Ligaya!" nakangiting bati ni Aling Ruby na siyang ina ni Ana Marie. Napangisi naman ako nang makitang may dala-dala itong saging at halatang nagmadali talagang nagtungo dito. 

"Straw," natatawang bulong sa akin ni Isaac kaya natatawa ko rin siyang siniko lalong lalo na nang mapatingin sa aming dalawa si Aling Ruby nang masama. 

"Magtatayo ho kayo ng pahingaan dito? Nako! Aalagaan ko ho 'yan ng mabuti," sabi pa nito nang makita ang kubo. Malapad na malapad ang ngiti niya habang nakalahad pa rin ang saging kay Donya Ligaya. 

Si Aling Ruby ang suki nito sa utang kaya naman todo ang pagkasipsip ng Ale. Parehas na lang kaming napapailing sa kanya ni Isaac. 

"Ang susunod na programa ay plastikan ng mga matatanda." Napatawa ako sa sinabi ni Isaac sa tabi ko. Siraulo talaga.

"Tara na nga, mapapahamak pa tayo sa ginagawa mo e," naiiling kong saad. Patawa-tawa naman na sana kaming aalis ngunit agad kaming pinigilan ni Donya Emilya. 

"Psst," tawag nito kaya parehas kaming nagkatinginan ni Isaac at napatingin sa kanila. Tahimik lang naman si Sapphire na nakatingin din sa amin. 

"Saan pa kayo pupunta? Naghanda kami ng makakain, kumain na muna kayo," sabi nito na sinenyasan din ang ilang bata na lumapit dito. 

"Modelo ka sa isang magazine, hindi ba?" tanong ni Aling Ruby kay Sapphire nang alisin na nito ang shades niya at sinabi sa putting t-shirt nito. 

"Ah. Hindi, Ruby. Baka ang Mama at Papa niya ang tinutukoy mo." Si Donya Ligaya ang sumagot. 

"Ah. Kaya ho pala ang gandang lalaki nito," nakangiti niya pang saad habang nakatingin kay Sapphire. Tipid lang naman na ngumiti si Sapphire. Napatitig naman ako tito. Pamilyar talaga ang mukha nito. Baka nga nakita ko na rin ito sa magazine. 

"Ang ganda ng mga mata niya, Ghorl," sabi ni Ana Marie na nakabuntot nanaman sa kanyang ina. Akala mo'y nahihipnotize ng esmeralda nitong mga mata. Pakiramdam ko nga'y tutulo na lang ang laway nito kapag hindi pa nagtagal. 

"Halina kayo't kumain," sabi ni Donya Emilya habang nagbibigay ng mga styro. 

Tahimik lang naman kaming dalawa ni Isaac na hinihintay silang matapos na bigyan ang iba. 

"Ang ganda niyo ho, Donya Emilya," sabi ni Ana Marie at ngumiti pa sa matanda. Tumango lang ang matanda na tila hindi ito ang unang beses niyang narinig iyon. Nanatili pa rin ang ekspresiyon nito sa dating ekspresiyon. 

Nang matapos naman na silang bigyan ay lumapit na rin kami ni Isaac. Mahirap ng makarinig pa ng kung ano-ano mula sa mga ito. 

"Salamat ho," sabi ko at tipid na ngumiti dito. Nginitian niya rin ako pabalik kaya medyo nagulat pa ako sa matanda. Napatingin naman ako kay Sapphire na tipid lang din na nginingitian ang nga bumabati sa kanya. 

Nang makita niya na nakatingin ako sa kanya, nginitian niya ako at inabutan pa ng inumin. Pinagkunutan ko siya ng noo at nilagpasan na dahil sa mga tingin ng mga kapitbahay namin. Para bang may ginawa akong masama sa mapanghusgang tingin ng mga ito. 

Isinawalang bahala ko naman na 'yon at dinala na lang din ang styro sa bahay dahil hindi pa naman ako nagugutom. Napuno naman ng ingay ang paligid habang kumain at nagkukwentuhan sila. Nagsilabasan na rin ang iba nang malaman na hindi naman maniningil si Donya Ligaya. Napailing na lang ako dahil sa mga ito. 

"Tang, hindi ho ba kayo kakain?" tanong ko kay Lolo na abala pa rin sa ilang makinang ginagawa niya. Wala talagang oras na hindi ito abala sa kung ano. 

"Ah, hindi na, Apo," sabi niya sa akin. Pinapanood ko lang naman ito sa kanyang ginawa. 

"Ako na kaya diyan, Tang. Magpahinga na ho muna kayo," sabi ko sa kanya ngunit para itong hindi napapakali kapag walang ginagawang kung ano tila ba sanay na sanay na siyang nagtatrabaho. 

"Ako na, Febi, aba, nagpapasaway ka nanaman. Kaya ko na ito," sabi niya sa akin at naiiling pa. Wala naman akong nagawa kung hindi ang pabayaan siya. 

Umalis na rin naman sina Donya Ligaya pagkaraan ng ilang oras kaya tumahimik na rin sa lugar at bumalik sa kani-kanilang lungga. Naging abala naman kaming dalawa ni Lola ng sa pagtatanim ng ilang kamatis dahil namatay na ang kamatis niya nitong nakaraan. 

Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay nagtungo lang ako sa gitna ng bukid kung saan naroroon ang kubo. Mas gusto ko kasing magpahinga dito kapag hapon na dahil masarap matulog. Kasama sina Aya at Cali na siyang nalilibang lang sa paglalaro. 

Napatingin naman ako sa bahay kubo ng kapit bahay. Kitang kita ko naman na abalang abala pa rin sina Sapphire sa pag-aayos ng mga furniture sa bahay na tutuluyan niya. Iba talaga ang mga mayayaman, kung gugustuhin ay madali lang gawan ng paraan. 

Halos siya rin ang labas pasok na nagbubuhat ng kaniyang nga gamit papasok sa loob ng bahay kubo niya. Napakibit balikat na lang ako at nahiga na dito sa kubo. Kaniya-kaniyang pwesto naman sina Aya at Cali. Parehas naman silang tahimik na nahiga lang din sa tabi. Parehas pang nasa gilid ang dalawa. Natawa na lang ako at hinayaan silang matulog sa braso ko. 

Nakaidlip na rin naman ako. Hindi ako gumalaw ng magising dahil parehas na nakasandal sa magkabilaang braso ko sina Cali at Aya na siyang payapang payapa na natutulog sa preskong-presko na lugar na ito. 

Napatingin na lang ako sa kawalan, nililibang ang sarili sa preskong hangin na tumatama sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti na lang. Hindi ako gumalaw hanggang sa magising na ng tuluyan ang dalawa. 

"Nakatulog ba ako, Ate?" tanong ni Cali sa akin at nginitian ako. Nginitian ko rin siya at ginulo lang ang buhok nito na gulo gulo rin naman. 

"Cali! Aya! Tara sa kabilang bukid!" Napatingin naman ako sa batang lalaking kalaro nila. Sinusundan nanaman ang dalawa. 

"Naglalaro na sina Evelyn doon!" sabi nito. 

"O sige, teka lang," sabi naman ni Aya na siyang nagmamadali pang sinuot ang kanyang tsinelas. Natawa na lang ako dito at napailing. 

"Hindi pa ba tayo manghuhuli ng mga gagamba?" tanong naman ni Cali. 

"Masiyado pang mainit. Maya-maya na lang," sabi nila at napakibit ng balikat. 

Nanakbo naman na sila paalis habang ako naman ay kinuha na rin ang tsinelas at napagpasiyahan na lang na bumalik na sa bahay. Bago pa ako makaalis ay nagulat na lang ako nang makita ko si Sapphire na naglalakad papalapit sa akin. Mukhang tapos na rin ito sa pag-aayos sa bahay niya. Sa dami ba naman kasi ng katulong nito doon. 

"Hey," nakangiti niyang saad na tinaas pa ang kamay at kumaway sa akin. 

Hindi niya naman maiwasang mapatingin sa mais na tanim ni Tatang ngayon. Maliliit pa lang ito kaya makikita pa naman ang tao na dumadaan dito. 

"Hey, tapos na kayo?" tanong ko sa kanya kahit obvious naman na dahil nagliliwaiw na ito ngayon. 

"Ah, yeah. Kakatapos lang," sabi niya at ngumiti. 

Mukhang nagkakatuwaan naman ang mga katulong niya na kumakain na ngayon doon.

"Then why are you here? Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka na?" tanong ko sa kaniya. 

"I'm resting," sabi niya at ngumiti pa ng malapad. Hindi ata ito nagsasawa sa kakangiti. Tinignan ko lang siya at napakibit na lang ng balikat. 

"Ang init dito. Tara roon." Hila ko sa kanya patungo sa duyan ni Tatang sa ilalim ng puno ng mangga. Pahingaan niya ito kapag nasa gitnan ng initan. 

"Go, I can just seat here," sabi ko sa kanya at naupo sa tapat sanga ng mangga. Napatingin naman siya sa akin sandali ngunit pinagtaasan ko lang siya ng kilay. Ngumiti na lang siya at naupo sa duyan. Tahimik lang kaming dalawa. Dinadama ang payapang paligid na ito. 

"Why are you here?" hindi ko maiwang itanong sa kanya dahil paniguradong hindi ako mapapakali hangga't hindi ko natatanong ang dahilan kung bakit siya nandito. 

"Hmm, required ba 'yang sagutin?" natatawa niyang tanong sa akin. 

"Bakit nga?" tanong ko sa kanya at pinaningkitan pa ito ng mga mata. Natatawa niya lang akong tinignan. 

"Hmm, binabantayan lang kita, baka takasan mo ang utang mo sa akin," sabi niya pa ngunit hindi ako naniniwala doon. 

"Wow, mas malaki pa ang ginastos mo para lang singilin ako?" naiiling kong saad na tinignan siya ng masama. 

"Grounded ka no?" hindi ko maiwasang itanong dahil naaalala ang sinabi ni Isaac. 

"Huh? Hindi no," natatawa niyang saad at napailing pa sa akin. 

"Impossible naman na magbabakasiyon ka dito!" sabi ko na mas lalo pa siyang pinaningkitan ng mga mata. 

"Espiya ka ba ni Donya Ligaya?" tanong ko pa sa kanya. Napahagalpak naman siya ng tawa sa akin dahil dito. 

"Of course not. Why would I?" naiiling niyang saad. 

"Why? Are you scared with Donya Ligaya?" tanong niya nanapakunot ng noo sa akin. Napatikhim naman ako at nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung takot ba ako sa kanya o takot lang talaga ako na sa kakayahan niyang gawin? Noong mabalitaan niyang nanliligaw ang isang apo niya sa akin ay sinugod niya ang lola ko kahit ang totoo magkaibigan lang talaga kami. Napalapit lang ako doon dahil madali lang pakisamahan.

Simula ng araw na 'yon, hindi na ako kailanman nakikipag-usap sa kanila, dinala niya na rin naman sa manila ang apo niya ngunit hindi rin naman nagtagal ay naging kaibigan ko si Piolo. Wala naman siyang ginagawang kung ano dahil palakaibigan lang talaga ang apo niya. Balak pa nga ata nila itong patakbuhin sa halalan. Tinetrain na ng papa nito. 

Well, hindi naman na dapat pang pag-usapan si Donya Ligaya kaya napailing na lang ako at binalik pa ang tingin kay Sapphire. 

Habang nag-iisip naman ako ng dahilan kung bakit siya nandito. Siya na mismo ang nagsalita. 

"My Auntie used to live here, like what you said, grounded. Lola tried to discipline her but she ended up falling in love in this place," sabi niya at ngumiti. 

"Gusto ko lang malaman kung bakit," sabi niya pa at napakibit ng balikat. 

"Oh..." sabi ko at napakibit ng balikat. 

"But that's just one of the reason why," aniya. Napatingin naman ako sa kanya at hindi na nang-usisa pa. Sinubukan niya namang mahiga at pumikit na. Hindi ko naman maiwasang mapatitig dito. 

Why do I feel like he's lonely when there's so many people around him? He look so sad kahit na madalas pa siyang ngumiti. Pinagmasdan ko ang mahahaba nitong pilikmata, ang mapupulang labi nito, ang kilay na makakapal, ang matangos na ilong at ang esmeraldang mga mata. Esmeraldang mga mata? 

Agad naman akong nagulat nang makitang nakamulagat na ito at nakangisi habang tinitignan akong kinakabisado ang mukha nito.

"Wait, 'yong jacket mo pala!" sabi ko at napatalon sa puno ng mangga. Tatakbo na sana ako ngunit agad niyang nahawakan ang aking mga kamay. 

"Crush mo ako no?" natatawa niyang saad sa akin at kinindatan pa ako. Tinulak ko naman ang dibdib niya na wari'y bato sa sobrang tigas. 

"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ko na napatakbo na pabalik ng bahay. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status