Share

Chapter 6

February’s POV 

“Fuck!” Nagulat naman ako nang makitang may nakatayo sa harapan. 

“Pwede bang magsalita ka naman, Isaac, kapag nandito ka, ha?” tanong ko at tumayo sa pagkakaupo ngunit agad na nagulat nang makitang hindi pala si Isaac ito. 

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay Sapphire at nakakunot ang noo habang tinitignan siya. 

Nginiwian niya naman ako at ginulo pa ang gulo-gulo niyang buhok. Mukhang kagigising lang nito kahit anong oras naman na. Ang dami-dami ko ng nagawa ngunit mukhang marami na rin siyang nagawa sa panaginip. 

“Oh... Good morning, Mr. Prinsepe," natatawang biro ko dahil mukha pa rin itong inaantok kahit na may mug ng hawak. Parang hindi pa rin naman gumagana ang utak nito, nakatayo lang habang nakatingin sa akin ng walang emosiyon. 

“Anong problema mo, Boi?” tanong ko na naiiling sa kanya. Sinubukan ko pang tapikin ang paa niya para alisin ito. Tumabi naman siya at umupo sa bangkitong nandito sa gilid ko. 

“Ano ba ‘yan? Gising ka na ba talaga o ano?” natatawa kong tanong sa kanya na pinangkitan siya ng mata. Hindi naman siya nagsalita at sumimsim lang sa gatas na iniinom. Tahimik lang siya habang pinapanood lang ako. 

Napa-buntonghininga na lang ako dito dahil mukhang wala naman itong balak na kausapin ako. 

“What’s that?” tanong niya sa akin na sa wakas ay kinakausap na ako ngayon. 

“Pipino,” sabi ko sa kanya habang tinatanim sa sako ang pipino. 

“Oh... I’m planning to plant in my house, would you like to help me?” tanong niya sa akin habang namamangha akong pinapanood. 

“Ano bang itatanim mo?” tanong ko sa kanya at napakunot ang noo. 

“Hmm, I don’t know yet, I’m planning to buy some seeds, would you like to join me?” tanong niya habang sumisimsim sa kaniyang inumin. 

“May sobra ako rito, baka gusto mo?” tanong ko at tinaas ang buto ng pipino. 

“Hindi na, nakakahiya naman,” sabi niya at napaiwas ng tingin. 

“Wow, may hiya ka pala?” natatawa kong tanong sa kanya kaya mabilis niyang binalik ang tingin sa akin at sinamaan ako ng tingin. 

“Well, kung nahihiya ka talaga, pupwede mo naman ‘tong bayaran para bayad na ako sa utang ko sa'yo,” sabi ko sa kanya at ngumisi. 

“No thanks, napagkasunduan na natin na sasamahan mo ako, hindi ba?” sabi niya na nginiwian pa ako. 

“Joke lang naman! Hindi ko pababayaran ‘yan sayo. Oh!” sabi ko at nilapag sa palad niya ang plastik ng buto ng pipino. 

“Aba, ang aga-aga ay naghoholding hands na kayong dalawa,” natatawang saad ni Isaac na dala-dala ang kambing nila. Mukhang ipapastol sa kabilang parte ng bukid. 

“Baka gusto mong mahampas nito, Isaac?” Banta ko sa kanya na ipinakita ang hawak kong panghukay. 

“Tol, lumayo ka riyan kay Febi o baka gusto mong mabasag ang bungo mo,” sabi niya at ngumuso pa sa bahay. Sabay naman kaming napatingin ni Sapphire kay Lolo. He’s folding his arms while looking at us intensely. 

“Pakiramdam ko tuloy handa itong sumapak ngayon," sabi ni Isaac at akala mo’y nanginig pang nilagpasan kami. 

“Good luck,” mapang-asar pa nitong saad. Hinagisan ko tuloy siya ng bato kaya natatawa siyang napaalis at kumaway sa akin. Napailing na lang ako sa kanya at hindi na ito pinansin pa. 

Binalik ko naman ang tingin kay Lolo ngunit abala na ito pag-aayos ng mga makinang pinapaayos mula sa kapitbahay. Napailing na lang ako kay Lolo dahil tanggap ito ng tanggap ng kung anong gawain imbis na magpahinga na lang. 

Well, sila na rin naman ni Lola ang pinakamatanda dito sa lugar kaya respetado rin talaga sila ng mga tao dito. Kaya takbuhan din ng mga kapitbahay kapag may kung anong problema. 

“Oh, Zeal, hijo?” gulat na tanong ni Lola na siyang bumaba rin dito para iabot ang buto ng kamatis. 

“Magandang umaga ho," bati ni Sapphire sa kanya at ngumiti dito. 

“Magandang umaga rin, Hijo, kumain ka na ba? Mag-isa mo lang diyan sa bahay mo, kaya mo ba? Naninibago ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Lola dito. Kahit kailan talaga ay hindi natatapos ang mga tanong nito. Saka kahit hindi niya kamag-anak ay talaga namang nag-aalala siya kaya kung minsan ay napagsasamantalahan na ang kabutihan nito para sa ibang tao. 

“Kumain naman na ho ako, marunong naman pong magluto kahit paano. Kaya naman po. Naninibago rin naman po ngunit sigurado rin naman po akong masasanay din,” nakangiting saad ni Sapphire na sunod sunod ding sinagot ang tanong ni Lola sa kanya. 

“Mabuti naman, hijo. Kapag may kailangan ka, magsabi ka lang. Sagot kita," sabi pa ni Lola at nagthumbs up dito. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dito o ano. Napailing na lang ako kay Lola. Napatawa naman si Sapphire sa kanya. 

“Opo, nandito rin naman po si Febi para tulungan ako," sabi pa niya kaya napairap na lang ako. 

“Oo nga pala, magkakilala ba kayo? Nabanggit kasi ng Lola mo sa akin,” sabi ni Lola sa kanya at kumunot pa ang noo nito. 

“Hmm, opo, Mrs. Carla." Ni hindi niya alam kung anong itatawag kay Lola kaya napatawa si Lola sa kanya. 

“Lola na lang, Hijo, iyon din naman ang tawag ng lahat sa akin," sabi ni Lola sa kanya. 

“Osiya sige na, babalik na ako doon at marami pa akong ginagawa,” sabi ni Lola sa kanya. 

“Sige po," sagot naman ni Sapohire at ngumiti kay Lola. 

“Pasensiya ka na kay Nanang, marami lang talagang tanong ‘yon,” sabi ko at ngumiti. 

“Walang problema sa akin ‘yon, ang bait nga ng Lola mo, parang si Lola lang din,” sabi niya na uminom ulit sa gatas niya. 

“My grandma seems really intimidating but she’s kind," sabi niya sa akin. 

“Huwag kang ganiyan, baka mamaya ipagkalat ko na mabait ang Lola mo at pag-utangan ng mga taga-rito," natatawa kong saad. Natawa lang din naman siya sa akin dahil dito. 

Tumayo naman na ako nang matapos ko ng itanim ang nga pipino ko. 

“Ano? Should I help you planting that?” tanong ko sabay turo sa hawak-hawak niyang buto ng pipino. 

“Talaga?” tanong niya at ngumiti. 

“May bayad ba ‘yan, ha?” tanong niya na pinaningkitan ako ng mga mata. 

“Wala no. Ayaw mo ba? Habang sinisipag ako," sabi ko sa kanya at ngumiti. 

“Alright,” sabi niya at tumango. 

“Tang, dito lang po ako,” sigaw ko at humablot ng ilang sako’t umakyat na patungo sa bahay ni Sapphire. 

Maluwag naman ang lote kaya pwedeng pwede niyang palibutan ng tanim ang paligid. 

“So, what should I do?” tanong niya na handa ng magtanim. Wala na rin ang hawak nitong mug. 

Tinuruan ko lang siya kung paano. Madali lang naman siyang natuto at nakangiti pa habang ginagawa ito. 

“Do you think it can really bloom?” tanong niya habang pinagmamasdan ang kauna-unahang tanim niya. 

“Didiligan ko ba ‘to araw-araw o ano?” tanong niya na curious na curious habang nakatingin sa akin. 

“Should I buy some fertilizer?” tanong niya pa. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa sa mga tanong nito o mairita sa dami ng tanong niya. Sinagot ko naman ang mga ito habang patango-tango lang siya at nakikinig talaga sa mga sinasabi ko. 

“Then?” tanong niya pa habang nagtatanim. Nagsalita naman tuloy ulit ako. 

“I never even saw a cucumber growing up," pagkukwento niya. 

“Edi makikita mo na ngayon,” sabi ko at natawa sa kanya. 

“Mabilis lang lumaki ‘yan, lalo na kapag nagkabunga. Siguro ilang days lang ay malaki na agad,” sabi ko sa kanya. Napatango tango naman siya. 

“I thought you just want a vacation here? Sayang naman ang nga itatanim mo kung sakali," sabi ko na tinutulungan ko na siya ngayon. 

“Well, it’s part of my vacation,” sabi niya na napakibit ng balikat. Napakibit na lang din naman ako.

“Ako na,” sabi niya ng binubuhat ko ang isang sako patungo sa gilid. 

“Ako na, easy lang ‘to sa akin," natatawa kong saad sa kanya at nilapag na ang sako doon. Pinapanood niya lang naman ako hanggang sa binuhat niya na rin naman ang kanya. 

Nang matapos kami ay parehas kaming nag-iinat. 

“Want to stay inside?” tanong niya sa akin. Agad ko namang niyakap ang sarili at tinignan siya ng masama. Tinawanan niya naman ako sa naging reaksiyon ko. 

“I’m not going to touch you or what! Let’s just rest for a while," sabi niya na natawa sa akin. Sumunod din naman ako sa kanya dahil gustong makita ang bahay nito. Marami rin kasing dinadala dito kahit na medyo maliit lang naman ang bahay kubo niya. 

Pagkapasok namin ay hindi ko maiwasang mamangha dahil kahit na maliit lang itong tignan sa labas. Makikita mo naman kung gaano kaganda pagdating sa loob. Pagkapasok mo pa lang ay makikita na ang lahat ng parte ng bahay niya. 

Maayos na maayos din ito. Hindi ko alam kung dahil ba kakalipat niya lang o talagang malinis lang siya. May mini sofa siya ngunit ayaw ko namang maupo doon lalo na’t kagagaling ko lang sa pagtatanim. 

“What are you still doing there? Sit down," sabi ni Sapphire na tinuro ang sofa niya. Hindi ko naman siya pinansin at naupo sa upuan niyang parang kahoy dito sa kusina. 

‘Yong mini sofa niya at kama ay magkatabi lang. Hindi ko naman alam kung nakatulog ba ito dito dahil hindi halatang pinaghigaan ang kama niya. 

“I don’t have anything here yet," sabi niya na inabutan ako ng juice na kinuha sa mini ref niya. Tinanggap ko naman ‘yon. Ang mokong na ito, sinisingil pa ako sa utang ko gayong mukhang barya lang naman sa kanya ‘yon. Well, utang nga naman kasi. 

Nang matapos ako sa pananatili at pagmamasid sa bahay niya, napagpasiyahan ko naman ng umalis na at bumalik na sa bahay. 

“Oh? Tapos na kayo?” tanong ni Lola sa akin. Nakaupo na sila habang nagkukwentuhan lang ni Lolo dito. 

“Opo, Nang," sagot ko naman na binalik na ang lahat ng ginamit at tumabi sa kanila. Paniguradong nakikipaglaro nanaman sina Aya at Cali sa labas. 

Nagkukwentuhan lang kami ng kung ano ano hanggang sa makita namin si Sapphire na bumaba dito at mukhang maglalakad patungo sa pilapil. 

“Hijo, saan ang punta mo?” tanong ni Lola sa kanya. 

“Mamamalengke po ng mga stocks sa bahay," sabi niya at ngumiti kay Lola. 

“Mag-isa mo lang? Kakayanin mo ba?” tanong ni Lola na nakunot ang noo.

“Sasamahan ka na ni Febi,” sabi pa nito kaya siya naman ang pinagkunutan ko ng noo. 

“Nanang?” tanong ko. 

“Sige na, Febi, kawawa naman ang bata kung mag-isa niya lang na mamamalengke,"!sabi ni Lola sa akin. 

“Hala, mag-isa ko lang din naman kung mamalengke, Nang, pero hindi ka naawa," natatawa kong saad sa kaniya. 

“Ikaw, Febi, sanay ka na, ‘yong bata mag-isa lang at mukhang ngayon pa lang mamamalengke," sabi ni Lola sa akin. 

“Carla, kaya naman na siguro ng apo ni Emilya ‘yan," sabi ni Lolo na napailing pa. 

“Dalian mo na, Febi, naghihintay ang bata," sabi ni Lola na tinulak pa ako patungo kay Sapphire na nakatingin lang sa amin. 

Napa-buntonghininga ako dahil isang parte sa akin na medyo gusto ring samahan ito dahil hindi nga siya marunong, aba, kung wala lang ako noong nakaraan siguradong naisahan na siya ng ipang tindera. Paano halos doble ang presyo no’ng tinitinda sa kanya, palibhasa ay mukha siyang hindi tagarito at mukhang hindi naman namamalengke. 

“What?” tanong ko na pinaningkitan siya ng mata. 

“Tara na," sabi ko pa at naunang maglakad. Nakangiti lang naman siyang sumusunod sa akin. 

“Wait, do you even have your car?”tanong ko na nakakunot ang noo. 

“Yeah," sabi niya na tinuro ang kotse na nasa gilid lang ng kalsada. Aba, baka mamaya ay matangay na ito ng mga mababait ngunit hindi pa rin niya napapansin.

Nang makarating kami sa kotse niya, hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o ano dahil wala na ang wing mirror niya. Kita ko namang ang pag-awang ng bibig niya. 

“You shouldn’t park your car here. Kahit saan ay may masasamang damong nakakalat sa paligid,” naiiling kong saad sa kanya. 

Sa buhay hindi dapat lagi ay kampante ka, ihanda ang sarili sa mga bagay na hindi mo ineexpect na mangyayari. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status