Share

KABANATA 1

Bumangon na siya mula sa higaan nang marinig niya ang alarm clock. Kinapa niya na muna ang mukha at tinanggal ang dumi rito at inaayos na rin ang buhok na sumabog dahil sa pagtulog. Inaayos na rin muna ni Justine ang kama bago tuluyang bumaba.

Naabutan ng dalaga si Manang Aliss sa hagdan na nagwawalis.

"Goodmorning, manang." Bati niya rito.

"Magandang araw rin, Justine."

Nginitian niya ito at nagtuloy-tuloy na sa baba. Pa-sikat palang ang araw mula sa bintana ng sala nila. Ganitong oras siyang nagigising tuwing may pasok dahil mabagal siyang kumilos lalo na sa pagligo.

Pumasok siya ng kusina at agad nakita ang mama niya at isa pa nilang katulong na si Bea, anak ni manang Aliss. Tatlong taon lang ang tanda niya rito. Pinapaaral ito ng kanyang mga magulang kapalit ang pagtulong nito. Gusto man ng mama at papa niya na wag na itong tumulong at tumutok na lang sa pag-aaral lalo pa't bata pa ito, si Bea at manang Aliss na mismo ang nag-kusa at namilit kila Mama. Nakakatuwa nga dahil kahit bata pa si Bea, nagagawa na nitong gumawa ng mga simpleng gawaing-bahay.

"Goodmorning, beautiful people," aniya.

Agad na lumingon si Mama sa kanya at ngumiti. Lumapit siya rito at hinalikan ito sa pisngi. Agad namang yumakap sa bewang niya si Bea. Malapit siya sa bata lalo pa't may kapatid din siyang na halos kaedad nito.

"Ano namang ginagawa niyo ni mama, Bea?" Tanong niya rito habang kumukuha ng tubig sa water dispenser.

"Tinuturaan akong gumawa ng sandwich ni Ma'am Cara, Ate Justine," masiglang saad nito.

"Para ba sa akin yan, Bea?" Paglalambing niya rito.

"Opo, ate. Sabi ni Ma'am Cara, baon niyo raw ho ito." cute na sabi nito.

Natawa naman siya kaya naman kinurot niya ito sa pisngi. 

Binuhat ito ng mama niya at pinaupo sa hapagkaininan. Umupo rin siya at nagsimula nang kumuha buksan ang mga takip ng ulam at sinanangag. Binaliktad ko ang plato at nagsimula nang magsandok. Umupo na rin ang mama niya.

"How's the first day school?" simula nito.

Tinapos niya na muna ang pag-nguya bago sumagot. "It was fine, ma. Kasama ko pa rin sa iisang section sila Zaune. Marami rin akong bagong nakitang mga mukha."

Actually, it was the second week of school already pero ngayon lang natanong ng mama niya ang from first day school niya. Her Mama been very busy about her business last week lalo pa't dumarami na rin ang customer nito but it was fine for Justine.

"Paanong hindi kayo magkakasama ulit ng mga kaibigan mo, eh pinapaayos niyo ata kay Licy ang arrangement ng sections eh." 

Napamulagat siya sa ina. "Ma?"

"Akala mo ba, hindi namin alam ang mga pinag-gagawa niyong magka-kaibigan. Na-ikwento sa amin ni Lucy ang pamimilit ni Licy na tumulong sa paga-arrange ng section's list, ano." Ngiti ng mama niya. "Dapat daw ay sa ibang section si Viah at Zaune pero nagulat na lang siya nang nagpasukan na ay nakita niya kayong magkakasama."

Nahihiyang napangiti siya. "Galit po ba kayo?"

"Bakit naman kami magagalit? Alam naman namin kung gaano kayo kalapit ng mga kaibigan mo." Naka-ngiti nitong saad.

Napangiti na rin siya.

Lumapit ito sa kanya at umaktong parang bubulong. "At tyaka, ganyan din kami noon. Natatandaan ko pa na pinapaayos namin kay Lucy ang lahat dahil principal naman ang mama niya."

Nagulat na napatawa siya sa sinabi ng Mama niya. Totoo nga ang sabi nila. Like mother, like daughter.

Nag-kwentuhan lang sila ng mama niya habang kumakain siya ng agahan. Bumaba na rin sila Papa at Caleb nang mag-ala sais na. 

7 am ang pasok niya kaya nag-simula na siyang mag-ayos nang mag-ala sais na.

Nang matapos siyang isuot ang kulay asul na palda ay isinunod niya naman ang kulay puti na polo na may kulay blue ring butones. At tyaka isinuot ang neck tie at ipinasok ito sa kwelyo. 

Nang matapos mag-bihis ay tinuyo niya ang buhok at sinuklay ito. Nilagyan niya na ang isang simpleng rose-gold colored na pin ang isang bahagi na kanyang buhok at kaunting pulbos ang kanyang mukha. Isang spray pa ng paboritong niyang pabango ay tapos na siyang mag-gayak.

Bumaba na siya habang bitbit ang kanyang kulay black na bagpack. Naabutan niya ang mama niya sa baba kaya naman nagpaalam na siya rito. 

Pumunta na siya sa labas at nakita na ang kotse nila roon. Nagpupunas ng salamin ang papa niya nang makita niya ito.

"Are you ready, princess?" Salubong nito tyaka kinuha ang bag niya at pinasok na ito sa loob.

"Yes, pa." 

Pumasok na siya sa driver seat at nag-seat belt na. Tiningnan niya sa rear view mirror ang kapatid niyang lalaki na kumakain na agad ng snacks kahit kakain lang nito ng agahan.

Kiniliti niya ito mula sa kinauupuan. "Hoy, ke-aga aga, kain ka ng kain." 

"Ate! Stop it. Bigay to sakin ni mama." nagtatampong saad nito.

"Sus. Bigay ba talaga? Kinuha mo lang yan eh," Asar niya pa rito.

Mahaba ang ngusong di siya nito pinansin. Natatawang binalik niya ang paningin sa unahan. 

Hinintay lang nila ang papa nila na makapasok at umandar na ang sasakyan. 

Habang nasa biyahe ay nag-kwentuhan lang sila ng kanyang ama. Habang ang kapatid niya naman, ayun, panay pa rin ang kain.

"Bye, pa." Paalam niya nang makalabas siya ng sasakyan. "Hoy, hinay hinay." Asar niya kay Caleb.

"Sige na, ate. Bye na." Ang loko hindi man lang siya tinignan.

Natawa naman si papa. "Sige na, Just. Tigilan mo na yang kapatid mo." nakangiting sambit nito.

Hinitay niya na munang umalis ang kotse bago siya naglakad patungong entrance. Same school sila ng kapatid niya pero magkahiwalay ang campus ng elemetary and college sa junior and senior h.s.

Nang matapos siyang ipacheck ang bag ay dumiretso na siya sa classroom. 

Maraming estudyante ang pakalat-kalat sa hall. May mga nasa canteen, ang iba naman ay nasa loob na ng kanya-kanyang classroom.

Inayos niya na muna ang bag niya bago siya pumunta kila Viah na nasa kaliwang bahagi ng classroom at nagkwe-kwentuhan.

Saktong ala-syete siya dumating. 7:30 pa naman ang simula ng klase nila kaya ang karamihan ay wala pa sa kanya-kanyang mga proper na upuan.

"Uy Just, nagawa mo ba yung pina-print nila Sir. Reynald?" Salubong sa kanya ni Licy.

Umupo na muna siya sa arm desk ng upuan ni Viah bago siya sumagot. "Oo. Kayo ba?"

"Nagawa ko na. Nakakapanibago nga eh. Parang dati nung elem. pa lang tayo hindi masyadong nagmamadaling magturo ang mga teachers. Parang chill lang tayo buong june," banggit ni Viah.

Tumango naman sila.

"Sabi ni mama, baka ngayon daw tayo papiliin ng club. Ano sa inyo?" banggit ni Licy.

"Ako, kung hindi dance club. Baka mag-quire ako," banggit ni Viah.

Sa kanilang magka-kaibigan, si Viah ang talented at mahilig mag-perform. Sa naalala ko, palaging kasali sa mga singing contest, dance contest, o di kaya naman declamation speech ang kaibigan.

"Journalism ang kukunin ko," sambit niya.

"Ayaw mong mag-quire o di kaya dance club, Just? Magaling ka pa naman sumayaw," sambit ni Zaune.

Totoo yun. Magaling-no-more like, marunong siyang sumayaw. Marunong ring kumanta ngunit hindi siya into sa maraming tao.

"Sports club ako," sambit ni Zaune.

Si Zaune naman ang pinaka-sporty sa kanila. at si Licy...

"Arts ako."

Yup. Si Viah ang magaling sa kahit anong bagay na kailangan ng focus at ng tiyaga. Ganun na din ng art. 

Nang marinig na nila ang bell ay bumalik na sila sa kanya-kanya naming mga upuan. Palapit palang siya sa upuan niya ay nakikita na niya ang mukha ni Jake, ang katabi niya.

Naging magka-klase na sila dati noong grade 5, kung tama ang pagkakatanda niya pero lumipat ito nang mag-grade 6 sila at ngayon ay bumalik ulit ito.

Nakapag-usap naman sila dati ngunit hindi lang siya masyadong napapansin dahil hindi naman siya masyadong friendly lalo na sa lalaki.

At dahil nga nasa kaliwa bahagi siya galing ay umikot pa si Justine sa unahan para naman maka-upo siya at makabalik sa dapat.

"Get your assignment. We will be checking that today." 

Kinuha niya ang English book niya at binuklat ito sa pahinang sinagutan kagabi. Naglabas din siya ng red ballpen.

"Exchange your books with your seatmates. No cheating," bangit pa ni Sir. Reynald.

Binigay ni Jake ang libro nito sa kanya at ganuon din siya.

Bumagsak ang mga mata niya sa libro nito. Maayos at malinis naman ang libro nito. Hindi ganun kagandahan ang sulat ngunit naiintindihan naman. 

"Use only red pen for checking." Basa niya sa nakasulat sa board.

Nagbanggit na ng tamang sagot ang guro nang mapansin niyang walang ginagawa si Jake.

"Hindi ka pa ba magche-check?" Tanong niya rito.

Nahihiyang nagkamot ito ng ulo. "Wala akong red pen. Nakalimutan ko ata sa bahay."

Napamulagat siya rito ng ilang sandali bago niya kinuha ang isa niya pang red pen mula sa bag.

"O ito," bigay niya.

Tinanggap nito iyon at nag-check na.

"Salamat," ilang sandali pang banggit nito.

"Para rin yan sa akin. Baka hindi ma-check-an ang libro ko eh." Biro niya rito.

Napatingin naman ito sa kanya at namag makitang nakangiti siya ay napangiti na rin ang binata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status