Share

KABANATA 2

July na ngayon at karamihan ng sections ay abala sa paghahanda para sa Nutrition Month. 

May inihandang event ang school na meron ding mga palaro at compeitions. Next week na ito mangyayari kaya naman bala sila. Limang araw ang mangyayaring Nutrition Month. Sa unang araw ay ang poster making contest. Sa pangalawa ay ang slogan making contest. Sa pangatlong araw ay ang quiz bee. Ang pang-apat naman ay ang spelling bee. Mangyayari ang mga side competitions na ito tuwing pagkatapos ng klase. Habang ang panghuling araw naman ay ang main event. 

Nandito na ang mga palaro. Cooking contest, mga iba't ibang pakulong palaro. At syempre ang mga inihandang presentation.

Wala silang klase ngayon dahil naghahanda sila para sa mga props ng gagawin nilang presentation na patungkol sa gulay at pagkain ng tama.

Gumawa sila ng jingle na patungkol rito at ngayon naman ay tinututukan nila ang props. Magiging kalaban nila ang ibang sections.

"Just, saan ito ilalagay?" 

Siya at si Licy ang naatasan na maging leader sa pag-gawa ng props. Habang si Viah at isa pa naming kaklase ang tutok sa pag-gawa ng jingle.

"Dito na lang. Gugupitin pa natin yan para maitapal doon sa ginupit natin kanina na carrots," banggit niya.

"Sige. Ako na magdidikit." Sagot nito.

"Just, ano maitutulong namin?" 

Nilingon niya si Jake at ang ibang kaibigan nito.

"Ah doon na lang kayo sa background natin. May kailangan pa kasing ipako roon eh. Tulungan niyo sila Zaune," sambit niya habang nagglu-glue.

Naramdaman niya ang pag-alis nito. 

Nagpatuloy pa sila sa paghahanda hanggang sa marinig nila ang bell.

Sabay sabay silang tumayo at naghintay sa dasal na naririnig sa speaker tuwing reses, lunch at uwian. 

Pagkatapos nito ay lumapit na siya kila Zaune at sabay sabay na silang bumaba.

Maraming tao sa canteen pagkapunta nila roon. Naghanap na muna sila ng mauupuan bago bumili.

"Licy, pabili na lang ako. Ang sakit ng paa ko kanina," sabi ni Zaune. 

Nagpabili na lang rin siya kila Licy ng isang cupcake para samahan si Zaune sa mesa.

"Bakit?" Tanong niya nang maka-alis na si Licy.

"Nang lumapit si Jake kanina para tumulong, hindi niya napansin ang paa ko kaya hayun at natapakan niya." Tinaas nito ang paa sa upuan at tyaka bahagyang hinilot. Buti na lang at Wednesday ngayon at naka- P.E kami. Tuwing ganitong araw kami naka- P.E para hindi daw magkasabay-sabay ang pag-gamit ng court. 

"Lintik talaga. Pasalamat siya at pumunta siya doon para tumulong kung hindi, baka nabigwasan ko na yun." Dagdag nito.

Natawa naman siya. "Nag-sorry naman ba?" 

"Oo," sagot nito at binaba na ang paa. "Teka, speaking of Jake, ang alam ko naging kaklase natin siya diba?"

Dumating na sila Licy at umupo na rin sa tabi nila. Isang pahabang mesa ang namamagitan sa kanila. Magkatabi si Zaune at Viah. Habang nasa gitna naman siya nila Reez at Licy.

"Sa pagkakatanda ko, oo. Nung una hindi ko siya nakilala dahil tumangkad siya at pumayat ng kaunti pero nang makita ko ang mukha niya, doon ko lang naalala," sagot niya.

"Tinanong ko siya nung isang araw nang maging magka-grupo kami sa isang subject natin. Nag-aral na daw siya dito pero kinailangan lang lumipat," sagot ni Reez.

"Hindi mo ba siya tinanong, Just? Magkatabi kayo ah." Tanong ni Licy.

Napatingin lahat ng kaibigan niya sa kanya. "Alam niyo naman ako. Hindi ako mahilig makipag-kwentuhan lalo na kung hindi ko close. At tyaka mukha siyang tahimik at masungit kaya isina-walang bahala ko na lang," sagot niya habang kumakain ng cupcake.

"Sabagay. Pero maiba ako, naisipan kong dagdagan ng kaunting choreography ang jingle natin. Napansin ko kasing ang boring. Tapos ang tamlay pa ng iba nating kaklase." Singit ni Viah.

Sumangayon naman kami. Tinapos na nila ang pagkain habang naguusap tungkol sa jingle at bumalik na ng classroom para mag-prepare ulit.

Nang makapasok ay nakita niya si Jake na magisang nag pupokpok ng pako. Nakita niyang mukhang nahihirapan ito dahil sa iniiwasan nitong mabutas ang papel na magiging background nila.

"Hindi ka pa kumakain?" Tanong niya rito.

Nagulat itong napatingin sa kanya. Tiningnan niya rin ito. Medyo may pagka-singkit ang mga mata nito. Maganda ang tabas ng buhok na medyo pataas ang porma. Katamtamang tangos ng ilong. At manipis na labi. Pawisan na rin ito dahil sa ginagawa. 

Tama nga siya, nag-iba nga ang itsura nito keysa sa itusura nito noong grade 5 palang sila. Medyo malaman ito dati at may pagka-bilugan ang mukha. Medyo maliit rin ito. Ngunit ngayon kung titingnan ay unti-unti nang nag-bibinata ang dating bata lang. 

Tumangkad ito at tama na ang katawan ngayon, sakto sa edad niya. Hindi na rin bilugan ang mukha nito. Ngayon may korte na.

"Nagpabili ako kila Rain. Hindi ko nga alam kung ba't ang tagal ng mga 'yun." Sagot nito.

"Nakita ko sila kanina. Nasa bench sila at nagkwe-kwentuhan." 

"Ang mga lokong yun talaga. Lagot yun sa akin mamaya." Sagot nito.

Natawa naman siya at bumaba ang paningin sa ginagawa nito. "Anong ginagawa mo diyan?" 

"Ah. Nagsabi si Zaune sa akin na tapusin ko raw ito kaso mukhang mahihirapan ako dahil ang sabi niya rin ay wag ko mapupunit ang papel dahil ako daw ang gagawin niyang pako." Parang batang sagot nito.

Natawa naman siya. "Subukan mong wag pako ang gamitin at thumbtacks na lang tutal malabot naman ang parteng yan." Suggest niya.

Inabot niya ang box ng thumbtacks sa tabi at binigay ito kay Jake. 

"Subukan mo. Siguradong hindi mapupunit yan at hindi ka na rin gagawing pako ni Zaune." Biro niya rito.

Nakita niya ang ngisi ni Jake mula sa kinakatayuan niya. Ginawa nito ang sinabi niya at hindi naman napunit ang papel.

"Yes. Hindi na ako magiging pako," nakangiting sambit nito.

Napangiti na rin siya at inabot ang mga paint.

"Tulungan mo naman akong mag-paint. May ibang gulay pang hindi napipinturahan eh." Suggest niya.

"Sige." Binuhat nito ang background sa baba at nag-indian sit katulad niya. 

Inabot niya ang brush at kulay orange na paint at green para sa carrots na drawing na kaharap nito.

"Hindi ako magaling sa ganitong bagay kaya sorry na agad kung may lagpas," biglang sambit nito.

"Haha. Pasmado ako kaya lang mas maayos ako sayo." Banat niya.

"Ouch." Hinawakan pa nito ang dibdib at nagkunwaring nasasaktan.

Natawa naman siya. Pinagpatuloy nila ang pag-painting hanggang sa nagsalita ito.

"May practice ba mamaya?" Tanong nito.

"Malamang." Sagot niya nang hindi siya tinitingnan.

Hanggang sa may naalala siya...

"Nga pala, bakit ka lumipat?" Tanong niya rito.

Mula sa pag-pipinta ay umangat ang tingin nito sa kanya. Tumingin siya rito ng pabalik.

"As far as I remember, magka-klase na tayo dati nung grade 5. Bakit ka lumipat?" Dagdag niya.

Binalik nito ang tingin sa ginagawa tyaka sumagot. "Biglang nalipat ng trabaho si Daddy kaya naman kailangan naming lumipat sa Maynila. Simula noon ay dun na ako nagaral ng grade 6." Sagot nito nang hindi siya tinitingnan.

"Bakit naman bumalik kayo dito?" Tanong niya.

Tiningnan siya nito maigi hanggang sa bumaba ang tingin nito sa puti niyang t-shirt na uniporme niya.

Kumunot ang noo niya at sasawayin na sana niya ito nang...

"Justine, yung damit mo," sambit nito sa nababahalang tono.

Tumingin siya sa puting damit at nakitang may mantsa na ito ng pintura. Hindi niya namalayan dahil sa pakikinig niya kay Jake ay naisandal niya na pala ang kamay sa puting damit ng p.e uniform nila.

Sinubukan niyang punasan pero lalo lang siyang kumalat. Nagsimula na siyang mag-panic nang magsalita si Jake.

"Pumunta ka ng c.r ngayon din. Ako na ang magsasabi sa mga kaibigan at sasabihin kong puntahan ka roon. Wala namang klase kaya hindi ka male-late." 

Tinulungan siya nitong tumayo. Dahil na rin siguro sa panic ay agad siyang nagtungo sa c.r ng babae.

Sana matanggal ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status