Share

Chapter 04

Nagising akong mag-isa at sa pad ko pa dito sa Steve's hotel. Napasobra yata ang inom namin ni Blue. Ni hindi ko na maalala kung paano ako nakarating dito.

I pick my phone and call Nay Meling, even though my head hurts because of fucking hangover. Before I went to Club-V, my Mom sent me a message, that say send Nay Meling in our mansion that's why I need to call her.

"911! Baka masunog itong bahay ng amo ko kapag nagpatuloy to heellllppppp!" Iyon ang unang bumungad sa akin ng may sumagot sa tawag ko. And I bet thats Zafy ang mulala kong nanny!

Did she just say masusunog ang bahay ng amo niya? Holly hell!. That's my house!

I end the call immediately at mabilis pa sa alas kuwatrong nag bihis ako kahit na nga bali baliktad ang pagkakasuot ko. Shit! Ano na naman bang kapalpakan ang ginawa ng magaling kong katulong? I grab my car key and went outside hurriedly. 

***

Meanwhile, Zafy is busy preparing the spam for breakfast when Nanay Meling left early in the morning. Pinatawag daw siya ng magulang ni Justine at pinauwi na muna sa mansion ng mga ito. 

Paano ko ba naman sisimulang i-prito itong kaawa awang spam na 'to, kung hindi ko alam kung papaano buksan ang lintik na kalan ng amo ko?! Tinuruan ako ni Nay Meling mag luto ng mga simpleng lutuin, like how to fried an egg, hotdog, dried fish and even eggplant. At ngayon nga ay itong spam naman ang susubukan ko sanang iluto. Pero ang seste! Hindi naituro sa akin ni Nay Meling kung paano paganahin ang kalan. 

Pinihit pihit ko na ang lahat ng pwedeng pihitin pero hindi pa rin gumana. Then suddenly, the black botton caught my attention.

May pindutan sa gilid ng kalan na kung hindi mo tititigan ay hindi mo mapapansin. Walang sabi sabing pinindot ko 'yon. "Dios mio! Que paso?!" Lumiyab ang kalan at hindi ko alam kung paano papatayin! Ang apat na burner niya ay pareparehong umapoy, at dahil din siguro sa pagpipihit ko kanina kaya malakas ang apoy niya. 

I immediately call 911 pero ring lang ng ring. Punyeta! Nataranta na ang buong pagkatao ko, at hindi na nag function ng maayos ang brain cells ko. Kaya ng tumunog ang telepono agad agad na akong nagsalita nang hindi man lang inalam kung sino ang tumatawag. But then again, the caller didn't respond and it ended immediately. 

I called my cousin to gather some help. 

"Lennyyyy! Lenny I dont know how to stop this fucking burner!" Nanginginig at sumigaw na ako dahil sa sobrang kaba. 

Paano na lang kung masunog ko itong bahay ng amo ko? Shomai! Ni singkong kirat wala ako sa bulsa!

"Zafy ano na namang katangahan yang ginawa mo? Kumalma ka tapos buhusan mo ng tubig, kapag hindi pa rin namatay gamitan mo na ng fire extinguisher!" Para akong tangang tumatango sa mga sinasabi ni Lenny kahit di niya naman ako nakikita. 

Kukuha na sana ako ng malamig na tubig ng bigla na lang dumating ang knight in shining armor ko. 

Oo, out of nowhere biglang pumasok si Justine na nag mamadali. Papasa na sana talaga siyang knight in shining armor ko, kaso wala siyang dalang kabayo at tanging boxer at baliktad na sando lang ang suot. Mahabaging langit na in love na yata si ako!

"Ano bang ginawa mo at bakit ganyan kataas ang apoy sa kalan?" Pinitk niya pa ang noo ko dahil bahagya akong natulala sa pag sulpot niya. Panira talaga ng fantasy itong shokoy na to!

Pinatay niya na ang kalan ng hindi ko namamalayan. Habang ibinulsa ko naman kaagad ang cellphone ko ng patayin ko ang tawag nang damating siya. 

"Eh Sir kasi magluluto sana ako ng umagahan, gutom na kasi ako. Kaso hindi ko alam gamitin iyang kalan niyo." Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa bago nagsalita, habang nak kunot ang dati niya nang lukot na kilay. 

"Ano na naman nakain mo at ganyan ang itsura at suot mo?" Kunot noong tanong niya bago pinasadahan ako ng tingin, mula ulo hanggang paa. As far as I remember, I curled my hair and wear my off shoulder yellow florar dress. Partnered with a white sneakers. 

Hindi na nga ako nag lagay ng make up dahil noong last time na nag ayos ako katakot takot na panenermon ang napala ko kay Nay Meling. Eh sabi niya kasi mag ayos ako, kaya nag ayos talaga ako! Malay ko ba kung anong klasing ayos ba iyong tinutukoy niya. 

"Sir linggo ngayon, off ko natural! At bakit ikaw ganyan ang suot mo? Saan ka galing huh?" Bahagya pang nagulat si Justine sa mga pinagsasabi ko, kaya sinagad ko na ang pang winning drama award ko.

"Pinaghintay mo ako kagabi! Iniwan mo akong luhaan. At ano? Anong ipapaliwanag ko sa mga anak natin? Iyong kabayo hindi pa kumain, 'yong baboy hindi natunawan! At 'yong mag asawang kalabaw, hanggang ngayon nagtatalo kung sino ba sa kanila ang kamukha ng anak nila! Sabihin mo sino!? " Madramang saad ko. 

Tumigil ako sa pag dadrama ng biglang humagalpak ng tawa ang bebe damulag ko. Shit! Lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Ngayon ko lang siya nakitang halos mamatay sa katatawa. Kung alam ko lang na mapapatawa ko siya sa pagiging award winning drama club ko, edi sana sinamahan ko pa ng split at pag tumbling diba. 

"Happy? Nakakatawa 'yon?" Birong asar ko sa kaniya kahit na nga ba kulang na lang ay mag lulundag ako sa kilig. 

"That was epic! Sino nga bang kamukha ng baby na kalabaw 'yong nanay niya o tatay niya?" Tatawa tawang tanong niya. 

"Edi ikaw!" Sagot ko sabay takbo at baka sapukin ako ng hudyong kalabaw na 'yon. 

Narinig ko pa siyang nag mura at binato ang saging sa akin, pero belat niya na lang dahil hindi ako na tamaan. 

***

Hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ni Justine habang hinihiwa ang spam na inihanda ni Zafy para sana lutuin. Sandali nga bakit ako ang gumagawa nito eh ako ang amo dito?

"Zafy!" Sigaw ko para tawagin at pabalikin ang baliw kong yaya dito sa kusina. Pero nakailang tawag na ako walang Zafy na sumagot at lumapit. 

I went to Zafy's room but I saw her sitting in the couch while watching a drama. Sa sobrang focused niya sa pinapanood niya, ni hindi man lang ako pinansin kahit na nasa gilid niya na ako at nakapamaywang. Naluha pa nga talaga!

"Ano bang iniiyak mo riyan? Magluto ka na doon ng makakain na rin ako." Pinatay ko ang t.v para tumigil na siya sa kahibangan niya. 

"Sir ano ka ba naman! Wala kabang puso?Kita mong ililibing na si Alyana! Kawawa naman ang mahal kong Cardo." The fuck! Hindi ko na talaga alam kung anong iisipin ko sa taong to. 

"Bilisan mo na, magluto ka na ang dami pang satsat!" Bulyaw ko sa kaniya. 

***

As we went to the kitchen, pinagmasdan ko kung paano magluto si Zafy. At dahil may sa mulala talaga siya, ni hindi man lang niya nilagyan ng mantika ang kawali bago inilagay ang spam. 

"Ako na nga lang ang mag luluto! Baka malason ako sa ginagawa mo. Kunin mo na lang iyong sansi doon!" Mariing singhal ko sa kaniya. Ano bang alam gawin ng katulong ko? Kung sa lahat na lang halos ng bagay ay pumapalpak siya. 

After two minutes inabutan niya ako ng tinidor. Para saan ang tinidor? Tutusukin ko ang niluluto ko?

"Zafy I said sansi or spatula hindi tinidor." Akala ko ayos na ang lahat, pero mukhang matindi pa rin talaga ang pagkakaluwag ng tornilyo sa utak ng mulala kong katulong. 

Maya maya pay may inabot na naman siya sa akin, at kulang na lang ibato ko sa kaniya. Kailan pa naging sansi ang platito?

"Ano ba?! Hindi mo ba alam kung ano ang sansi?" Nagtitimping tanong ko sa kaniya. 

Lumapit ako sa mga utensils at kinuha ang sansi para ipakita sa kaniya. 

"Zafy ito ang sansi ito!" Gigil na saad ko sa kaniya. 

"Eh Sir alam mo naman pala bakit hindi na lang kasi ikaw ang kumuha?" Baliwalang sagot niya. 

Woa! Eh kung isaksak ko sa lalamunan niya itong sansi, may pa sagot sagot pa siya sa akin. Kalma! Babae pa rin yan mulala lang talaga. 

"Haloooo everybody, is anybody home?Handsome Blue is here!" Rinig kong sigaw ni Blue na bigla na lang sumulpot sa pamamahay ko. 

Ito pang isang sakit sa ulo. At ano naman ang ginagawa ng baliw na pinsan ko dito?May kasama pa ngang babae. 

Halos takasan naman ng kulay sa mukha si Zafy ng makita ang dalawa na dumating at dumiretso sa kusina. Nagpalipat lipat din ang tingin ni Blue sa amin. 

"Magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni Blue habang palipat lipat ang tingin niya saaming dalawa ni Zafy. 

"Of course, she's my new nanny, Zafy." Sagot ko kay Blue. "And this is Blue my cousin." Dagdag ko pa habang palipat lipat na itinuro silang dalawa sa isat isa. 

"A nanny?" Nagtatakang tanong ulit ni Blue bago umiling. 

"Kumain na ba kayo? At anong sadya mo dito Blue?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya. Umupo na kami sa hapag kainan ni Blue pati na rin ang babaeng kasama niya. 

Niyaya rin ni Blue si Zafy na kumain na muna, pero tumanggi naman siya at nanatiling nakatayo sa gilid namin. 

"Can you please give us some water? As you can see, walang tubig dito sa mesa." Maarteng utos ng girlfriend ni Blue kay Zafy, na ikinangiti naman ni Blue. I wonder why he smile though. 

"Bakit 'di ka kumuha bago ka umupo riyan?" Muntik ko ng ma ibuga ang kinakain ko sa sagot ng magaling kong yaya. 

Si Blue naman kulang na lang mamatay sa sobrang pag ubo dahil nabulunan ang ungas! Pero ang magaling kong yaya ay nag martsa papuntang sala. Only to stop when Blue's girlfriend shout at her. Aba ayos!

"Hey you! Come back here! Sino ka para sagot sagutin ako ng ganyan samantalang muchacha ka lang naman dito? Do you have any idea kung sino ako?" Nanggigigil na sigaw ng babae kay Zafy. While Zafy look at her from head to toe with sarcasm. 

"Meria Fuentes the news caster! And for your information its Sunday, day off ko natural. You should know that right? Wala ba kayong katulong sa bahay n'yo?" Matapang na sagot naman ni Zafy na mas lalong ikinainis ng isa. 

Pero ang ikinagulat ko ay ang pagsasalita ni Zafy sa wikang english. She seems expert saying those words in english. Ni hindi man lang siya kumurap habang nagsasalita. At kahit ako hindi ko kilala itong kasama ni Blue, but Zafy know's her. 

I see her smirk also after saying the name of that woman, as if it taste bitter in her mouth. This nanny of mine gave me a headache. Palaisipan talaga sa akin kung paano ko naging katulong si Zafy.

I need to know everything about her. I need to know her better!

++++++++++++++++++++++++++++++++

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status