Share

Chapter II.I

Abala sa pagbabasa ng diyaryo si Aeon nang may marinig siyang ugong ng sasakyan. Alam niyang si Chuck iyon. Hindi niya mawari kung bakit bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi nga siya nagkamali ng pumasok na ito sa kabahayan.

Nagkunwari siyang abala sa pagbabasa at hindi napansin ang pagdating nito.

“Hi Aeon! Kamusta na?” bati nito na nakangiti subalit halata ang pagkapagod sa mukha.

“Okay lang,” tugon niya. Ibinaba niya ang hawak at tumingin dito. “Ikaw? Halatang pagod ka ah?”

“Nag-job opening kasi ang kompanya namin ngayon. Nangailangan kami ng three hundred six workers, kaya madaming nagdagsaang job seekers.”

Dumiretso ito sa three-seated sofa na kinauupuan niya at umupo sa kabilang dulo.

“Job opening?” ulit niya.

Tango lang ang itinugon nito sa kanya. Pabagsak itong umupo sa sofa at sumandal. Napatingala ito at napapikit. Talaga nga yatang napagod ito sa ginawa.

“Kumpleto na ba kayo? Hindi na ba kayo nangangailangan?” sunod-sunod niyang tanong dito na tuluyan nang binaba ang diyaryong hawak.

Abala pa naman siya sa pagtingin sa classified ads. Tinitignan niya kung may trabahong alam niya gawin. Sa kasawiang palad, ay wala.

Umaasa siya na makakapagbigay si Chuck sa kanya ng trabaho na naaayon sa kakayahan niya.

Nag-angat ito ng ulo at tumingin sa kanya.

“Bakit? Balak mong mag-apply?” tanong din nito.

“Oo. Kung may bakante. I’m willing to be trained.” walang gatol na sagot niya.

Bahagya itong ngumiti. Umahon ito mula sa pagkakasandal.

“Kumain ka na ba?” pag-iiba nito.

Umiling siya. “Wala pa akong gana.”

“Come on. Sabayan mo na ako.” aya nito na tumayo na. Nilahad pa nito ang kamay sa kanya.

“‘Yung sa trabaho? Ano?” pagpupumilit niya sa usapan.

Sandali itong natahimik na tila nag-isip.

“You will get tired.”

“Kahit na. I can handle it.” May determinasyon sa kanyang tinig

.

“Seriously?”

“Mukha ba kong nagbibiro?”

“But I preffered you at home.” pagtatapos nito.

“But---.” Tututol pa sana siya nang bigla na lamang siya nitong hawakan sa kamay at hatakin papuntang dining area.

Naabutan pa nila sila Mia at Camela na abala sa paghahain sa hapag-kainan.

“So, how’s your day?” tanong nito sa pagitan ng mga pagsubo. Nasa hapag na sila at sabay kumakain. “Magkasundo ba kayo nila Inang Nita?”

“Okay naman. Masarap silang kausap. Nagpaturo ako sa kanila ng mga gawaing-bahay.” salaysay niya.

 Nangunot ang noo nito.

“And they let you do household chores?”

Tumango-tango siya. Inalala niya ang mga gawain na natutunan niya. “Yes. And I enjoy doing some of it.”

“They should have not let you help them.” tahimik nitong wika.

Nakahalata na siya. Kanina, dahil sa ayaw siya nitong ipasok sa kompanya nito, he changed the topic. Ngayon pati ba naman ang gawain sa bahay, that was supposed to be learned by her, ay tila ipinagbabawal din nito?

“What do you want me to do? Tumunganga dito? Boredom kills me, you see?” may halong pagrereklamo ang tinig niya.

Natutop niya ang bibig ng makita ang pagkuha nito ng malalim na hininga.

“Sorry.” mahinang sabi niya. Napayuko siya sa kahihiyan. She reminds herself that she is just a visitor to his house - na wala siyang karapatang mag-demand dahil lang sa bored siya - dahil ikinokonsidera niya ang sarili na isa sa mga kasambahay ng lalaki - kahit pa nais siya nitong ituring na prinsesa.

“So, you’re bored.” tahimik nitong wika.

“Aside from being bored,” pahabol niya. “Ayaw ko namang maging pabigat saiyo dito.”

“Pabigat?” tanong nito.

Tumango siya.

“Sinong may sabi?”

“Sabi ng common sense ko.”  pilosopo niya.

“Gusto mo bang mamasyal bukas?” pag-iiba nito muli.

“May trabaho ka diba?”

“Maaga ang uwi ko bukas.” maikling tugon nito.

“Ipahinga mo na lang ang sarili mo.” pagtatapos niya.

Hindi na muling nagsalita ang binata sa turan niya. Naghari ang katahimikan sa pagitan nila hanggang sa matapos silang kumain.

****

Naging abala si Aeon sa pakikinig ng mga musical song habang nagbabasa ng libro na nakuha niya sa mini-bookshelf ng kwarto. Sa labis na pagka-aliw niya sa fictional story tungkol sa love story ng vampire at human, hindi niya namamalayan ang sunod-sunod na katok mula sa pinto. Napagtanto na lamang niya ito nang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Camela.

“Ma’am pinapatawag po kayo ni sir sa ibaba.” magalang na sabi nito.

Gumuhit ang pagtataka sa kanya. Kaagad niyang tinanggal ang headphone sa ulo niya at inilapag sa gilid.

“Bakit daw?” tanong niya.

“Hindi ko po alam eh.”

“Sige. Susunod na ako.” sabi na lamang niya. Pagkatapos kasi ng pananghalian ay tumungo na siga agad sa silid niya. Kahit nais niyang mamasyal gaya ng nais nito ay minabuti na lamang niyang pagpahingahin ang lalaki.

Humarap muna siya sa salamin upang iayos ang sarili. Nang matapos ay gumiya na siya papunta nang sala.

Pagbaba niya, kaagad na bumungad sa kanya si Chuck na prenteng nakasandal sa upuan habang nagbabasa ng diyaryo.

Agad siyang lumapit.

“Hi!” bungad niya upang makuha ang atensyon nito. “Ipinatatawag mo raw ako?”

“Yeah,” sabi nito na inilapag ang binabasa sa center table sa harap nito. “Maghanda ka. Mamamasyal tayo.”

“Magpahinga ka na nga lang.” aniya pero sa kabilang isip niya ay gusto na niyang pumayag dito.

“Tapos na.” wika nito.

“Kakadating mo lang diba?” Ilang oras pa lang kasi ang nakakalipas.

“Kanina pa ako nandito. Kakagising ko nga lang eh.”

Tinignan niya ito mabuti. Hindi na ito nakasuot ng damit pang opisina bagkus nakasuot na ito ng simpleng printed t-shirt na may nakalagay na salitang Tribal na nakasulat sa Old English. At maong na pantalon na tinernuhan ng black rubber shoes na may tatak na skechers sa gilid.

“Saan naman tayo mamamasyal?” tanong na lang niya.

“Kahit saan.” maikling sabi nito.

“Sige!” excited na himig niya. Madali siyang umakyat sa kwarto niya at nagpalit ng susuotin.

Tutal naman ay bagong salta siya sa Maynila. Nais niyang makita ng personal ang mga magagandang lugar dito na sa mga litrato niya lang nakikita.

Nagsuot lamang siya  ng plain black sleeveless blouse at skinny jeans. Flat sandals na lamang ang naisipan niyang isuot. Ito ang mga damit na nakita niya sa cabinet ng silid na kinaroroonan niya. Dahil natangay lahat ng gamit niya, wala siyang choice kundi ang suotin kung kaninuman na gamit ito.

Muli niyang binalikan ang binata na kasalukuyan nang naghihintay sa tapat ng kotse nito.

++++

I T U T U L O Y

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status