Share

KABANATA 1

KABANATA 1

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you..."

"Ihipan mo na 'yan, Cloud!" Malakas na sigaw ni Kairus mula sa gilid. Natatawa namang nilapitan ni Cloud 'yung cake niya at tinitigan 'yon ng matagal.

"Anak ng, bakit hugis etits 'tong cake na 'to? Okay lang sana pero bakit jutay naman? Mga bobo kayo pumili ng size," dismayadong komento niya habang nakatitig pa rin sa cake.

"Si Kai pumili niyan, Cloud!" sigaw ni Freya mula sa gilid. Mabilis naman na inilipat ni Cloud ang paningin. Mula sa cake, papunta kay Kai na nagpipigil ng tawa.

"Kaya pala ang liit ng size, si Kai naman pala ang pumili," nang-aasar na sabi ni Cloud habang nakatingin kay Kai.

"Ano? Anong gusto mong palabasin, ha? Na ano ako? Ha? HAHAHAHA! Ikaw nga walang dede!" bawi ni Kai. Babawi pa sana si Cloud ngunit pinigilan ko na. Baka abutin kami ng ilang oras dahil lang sa asaran nila.

"Enough, Claudine and Kairus. Blow that candle, Cloud. Matutunaw na, oh!" sabat ko. Habang patagal nang patagal kase ay natutunaw ang kandila. Puti pa naman 'yon. Tapos nakatusok pa sa butas ng tip edi parang kakagaling lang non sa pag aano, you know. After masturbation ba, 'yung lumalabas hehe.

"Anong winish mo Cloud?" tanong ni Kai. Lumapit ako kay Cloud at kinuha ang cake sa kamay niya. Inilapag ko 'yon sa lamesa bago nagpaalam kina Cloud na mag-babanyo lang. Kanina pa kase ako ihing-ihi pero tiniis ko muna habang hindi pa naiihipan ni Cloud ang kandila.

Today is Cloud's 17th birthday. Nasa bar kami ngayon nags-celebrate dahil hindi katulad ko, ayaw ni Cloud ng formal party. Wala pa kami sa legal na edad para mag punta sa mga ganitong bar pero dahil sa koneksyon ni Freya, nakakapasok kami. Only her close friends 'yung imbitado ngayon dahil knowing Cloud, aawayin niya talaga kung hindi niya gusto. Certified ranter 'yan sa twitter, 'no.

Lumabas ako ng VIP room na inuukupahan namin. Wala kasing sariling banyo ang kwarto namin kaya kailangan mo pa talagang lumabas para lang makaihi o makapag-retouch man lang.

Nakalapat ang mga palad ko sa pader habang naglalakad dahil nasa madilim na parte ng bar ang daan papuntang banyo. Habang naglalakad ay marami akong nadadaanan na nagmo-momol sa gilid. Hindi ko man makita ang kabuoan nila dahil madilim, alam kong may ginagawa silang kababalaghan sa gilid. Hindi ko na lang pinansin 'yon at nagpatuloy na lang na maglakad.

"Yael, ano ba! Ilang beses ko bang dapat sabihin na ayoko na? Sakal na sakal na ako at hindi na ako makahinga sa relasyong 'to! Kaya please naman, pakawalan mo na ako." Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang parang asar na asar na boses ng isang babae. Malapit lang 'yon sa pinto ng banyo malapit sa'kin kaya naman rinig na rinig ko ang bawat linya na binibitawan niya. Alam kong bawal ang makinig sa usapan ng iba at masama ang makielam sa buhay ng iba pero dahil sa kuryosidad, lumapit ako kung saan nanggagaling ang boses na 'yon.

Lagot ka talaga sa mommy mo kapag nalaman niya 'to, Emma. Araw-araw na sinasabi sayo ng mommy mo na 'wag makikinig sa usapan ng iba.

Napailing ako nang pumasok sa isipan ko ang mga salitang 'yon. Whatever. It's not like makikielam ako sa kung ano mang pinag-uusapan nila. Minsan lang naman ako ma-curious ng ganito at malay mo, sinasaktan na pala nung boy 'yung babae, 'di ba? Kung nagkataon, baka makatulong pa ako.

"Anya, please. Huwag namang ganito, oh. Ayos naman tayo kahapon, ah? What's with the sudden change? Bakit ka makikipag-hiwalay sa'kin? Ano bang ginawa ko? Sabihin mo, babaguhin ko. Pero please, 'wag mo naman akong iwan na lang bigla." Natakpan ko ang bibig ko nang makita ko ang lalaking nakaluhod sa harap ng isang babae. Nakapalibot ang mga braso ng lalaki sa bewang ng babae habang nakaluhod sa harap nito, nagmamaka-awang 'wag siyang iwan.

Ang swerte naman ng babaeng 'to. Halatang mahal na mahal siya ng lalaki dahil sa kahit anong anggulo mo tingnan, halatang ayaw talaga siyang pakawalan ng lalaki.

"Pwede ba, Yael? Bitiwan mo ako! Wala kang ginawang masama pero ayoko na! Pabayaan mo na ako, Yael. Oo, ayos tayo kahapon pero dahil 'yon sa tinitiis lang kitang makasama. Ayoko biglain ka kaya naman tiniis kong samahan kita kahapon pero Yael, ayoko na."

"At sa tingin mo, hindi mo ako binigla ngayon, Anya? Anong pinagkaiba non? Mas dinoble mo lang 'yung sakit na nararamdaman ko ngayon kase mas pinatagal mo--" Hindi ko na narinig ang mga huling sinabi ng lalaki dahil iniwan ko na sila. Tama na 'yung nalaman ko kung anong nangyayari doon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang banyo. Ngayon ko lang naramdaman uli ang ihi na nararamdaman ko kanina. Pumasok ako sa isang cubicle at doon umihi. Maganda 'tong napili ni Freya na bar dahil hindi marumi ang banyo. Last week kasi ay marumi ang banyo ng napuntahan naming bar. Nang matapos akong umihi ay nagre-touch ako sandali bago lumabas. Wala na 'yung mga sigawan na naririnig ko kanina mula sa babae at lalaki kaya tuloy-tuloy lang ang lakad ko. Nang makabalik ako sa VIP room na inuukupahan namin ay wala ng tao roon. Saan naman sila nagpunta?

Lumapit ako sa lamesa at uminom ng san mig bago lumabas ng kwarto. Lilinga-linga ako sa paligid habang naglalakad. Siguradong nandito lang ang mga 'yon dahil masyado pang maaga para umuwi. Saka wala kaming pasok bukas kaya alam kong aabutin kami ng madaling araw dito.

"WHOOOOO GO CLOUUUD!" Napalingon ako sa dance floor nang marinig ko ang malakas na boses ni Freya. Nasa gitna si Cloud habang patuloy ang pag-giling sa katawan. Cheer naman nang cheer si Freya malapit sa kanya habang si Kai naman ay vinivideohan siya.

Lalapit na sana ako sa kanila ngunit may humarang na lalaki sa harapan ko. Gusto kong masuka sa amoy na nanggagaling sa katawan niya. Hindi siya mabaho pero sobrang tapang ng pabango niya at amoy na amoy ang salo-salong alak na nanggagaling sa katawan niya. Lasing na 'to.

"Excuse me..." Pilit kong nilalayo ang katawan niya sa'kin dahil hindi talaga kinakaya ng ilong ko ang amoy niya.

"Wanna go out with me, miss? I have a condo unit nearby," alok niya. Pinakatitigan ko ang mukha niya at umiling. May itsura siya pero hindi ko siya type. Saka, I don't talk to strangers, duh.

"I'm not interested. Excuse me." Bahagya kong itinulak ang katawan niya para makadaan pero ganon na lang ang panlalaki ng mata ko nang haplusin niya ang pwetan ko. Bahagya niya pa 'yong pinisil. Agad ko siyang hinarap at sinampal. Nanginginig pa ang kamay ko matapos na lumapat ang palad ko sa pisngi niya.

"Bastos ka, ah!" nanginginig ko pang sabi. Ngayon ko lang naranasan 'to dahil hindi naman ako masayadong sumasama kina Cloud tuwing magba-bar hopping sila. 16 pa lang ako kaya hindi pa masyadong mulat ang mga mata ko sa mga bagay na ganito.

"Sasama ka lang naman sa'kin tapos nag-iinarte ka pa ng ganyan? Kung makasampal ka ay para namang napakaganda ng kurba mo. Ano bang gusto mo, ha? Pera? Bibigyan kita ng marami, sumama ka lang sa'kin." Gusto kong maiyak sa sobrang galit dahil sa sinabi niya. Nanginsulto pa talaga! Sasampalin ko sana siya ulit ngunit nahuli niya na ang kamay ko.

Stupid, Emma! Malamang magiging alerto na siya dahil nasampal mo na siya kanina. Hindi naman siguro tanga ang lalaking 'to para hindi malaman ang susunod na gagawin mo.

"Tulong! Tulong!" kahit na imposibleng marinig ng iba ang pagsigaw ko dahil sa lakas ng musika, patuloy pa rin ang pagsigaw ko. Idagdag mo pa na medyo malayo kami sa kumpol ng tao kaya kaunti lang ang posibilidad na marinig nila ako. Patuloy ang pag-agaw ko ng kamay ko pero masyado siyang malakas. Ano ba namang magagawa ko eh wala naman akong alam sa self defense.

Mawawalan na sana ako ng pag-asa nang biglang tumalsik ang lalaking may hawak sa'kin. Dahil sa pag-talsik niya, nadala ako kaya naman napaupo ako sa sahig malapit sa kanya. Narinig ko pa ang pagkabasag ng mga baso nang tumalsik siya sa lamesa malapit sa'kin.

"Gago ka, ah!" Pinilit kong tumayo kahit na masakit ang katawan ko dahil sa pagkakabagsak ko. Nang makatayo ako ay doon ko lang nakita ang mga taong nagkakagulo na dahil sa pagsasapakan ng dalawang lalaki sa harap ko.

Ang kabang nararamdaman ko kanina ay mas lalong dumoble. Nanginginig ang kamay ko dahil sa takot. I almost got raped!

"Oh my God, Emma! What happened? Are you okay?!" Hindi ako makasagot kay Freya at patuloy pa ring nakatulala sa dalawang lalaki na nagsasapakan kanina. Hawak na ni Kai 'yung lalaking nagtanggol sa'kin habang hinihila naman palabas ng bouncer ang lalaking nagtangkang manggahasa sa'kin.

"Ano ba, Freya! Bobita ka ba? Malamang hindi 'yan okay! Tingnan mo nga kung gaano kapula 'yang braso niyan!" si Cloud. Hinila nila ako sa malapit na bakanteng lamesa sa gilid. Binigyan nila ako ng tubig na agad ko namang tinanggap. Doon lang ako nakabalik sa reyalidad. Nabawasan ang takot at kaba na nararamdaman ko kanina.

"The hell, Claudine! Bakit ka naninigaw? I'm just worried, okay?"

"Ano ba kasing nangyari?" Liningon ko si Kai na putok ang labi. Nasapak kasi siya kanina habang naawat. Katabi niya 'yung lalaking nagligtas sa'kin kanina. Magkakilala sila?

"Nakita ko kasing binabastos 'yang kaibigan niyo kanina, Kai." Napamura naman silang tatlo at ilang beses na nag-sorry sa'kin. Siguro ay iniisip nila na sila ang may kasalanan dahil hindi nila ako inintay bago sila pumunta rito sa baba. Sinabi ko namang hindi nila kasalanan 'yon. Kasalanan 'yon nung lalaking nambastos kanina.

"Gagong lalaking 'yon, ah! Punyeta ang baho ng hininga amputa! Sigawan ba naman ako na 'wag makielam. Gago parang nangupahan sa ilong ko 'yung hininga niya," reklamo ni Kai. Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Isa 'yon kanina sa napansin ko sa lalaki kanina kaya pilit ko talagang inilalayo ang sarili ko sa kanya.

"BWAHAHAHAHA! Deserve mo 'yun, ulul! Anyway, mabuti na lang talaga nakita ni Yael si Emma kanina. Nako, kung nagkataon baka mapatay kami ng mommy mo, Emma. Naiisip ko pa lang ay naririnig ko na 'yung mga katagang "THAT IS WHAT I AM TELLING YOU, EMANUELLE!" mygad te, baka ipatapon kami ng nanay mo sa new york!" natatawa akong umiling bago tingnan 'yung lalaking nagligtas sa'kin na natawa rin sa sinabi ni Cloud. Nang magtama ang paningin namin, I mouthed thank you at ngumiti naman siya as a response.

"Anyways, Emma, this is Yael Carreon. Friend namin. Yael, this is Emanuelle Dizon," pagpapakilala ni Cloud saming dalawa. Tinanguan ko naman siya. Sa pagkakataong 'yon, doon ko lang natitigan ang mukha niya. He looks familiar.

Habang patagal nang patagal ang pagtitig ko sa kanya, doon ko lang namukhaan kung saan ko siya nakita. Siya 'yung nakaluhod kanina sa harap ng babae! Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Naiilang ako dahil sa konsensya. Nakokonsensya ako dahil sa pakikinig ko kanina. Stupid, Emma! Why so chismosa kase?

"MS. EMANUELLE DIZONNN!!!!!" Napatayo ako nang wala sa oras nang marinig ko ang sigaw ng prof namin. Kanina pa pala ako tinatawag pero hindi ko siya pinapansin dahil sa pag-daydream ko. Naaalala ko kasi kung paano ko nakilala si Yael 3 years ago.

"Sorry po, Mr. Pineda," pagpapaumanhin ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago ipinagpatuloy ang pagtuturo. Rinig ko ang mahinang pagtawa ng mga kaklase ko sa klaseng 'to. Napaupo naman ako sa hiya.

Bakit pa kase sa gitna pa ng klase mo iniisip si Yael, Emma? Ganyan ka na ba kaharot? Ghod, kung malaman ng mommy mo 'to ay paniguradong sermon na naman. Like, "Jesus, Emanuelle! Didn't I told you to stop thinking about nonsense things when you're in the middle of class?"

Napabuntong hininga ako at napailing. Simula nung araw na 'yon ay hinangaan ko na si Yael. Aaminin kong nagustuhan ko siya dahil doon. Sa dinami-rami kase ng tao sa bar noong araw na 'yon, siya lang ang nakapansin sa'kin. He saved my life.

That's why I started to like him since that day.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status