Share

KABANATA 2

KABANATA 2

"Oh my, I heard sa isa kong friend na nasigawan ka raw ni Mr. Pineda. What did you do ba? That's so new. Never ka pang nasigawan ng kahit sinong professor, right?" Itinapon ko ang walang laman na bote ng mogu-mogu sa basurahan malapit sa kinauupuan naming bench dito sa third year quadrangle.

"Wala naman. I was spacing out kanina. Kulang kasi ang tulog ko kagabi," dahilan ko. Hindi kulang ang tulog ko pero ayon pa rin ang sinabi ko. Ayaw ko sabihin na si Yael ang dahilan kung bakit ako nasigawan kanina. Alam ni Freya na may gusto ako kay Yael pero dedma lang siya. Hindi siya 'yung tipo ng kaibigan na bigla-bigla na lang magsasalita. She's too maarte to open her mouth just to say "kalandian things" daw.

"Why? I was calling you yesterday. Hindi ka sumasagot kaya si tita ang tinawagan ko. You were sleeping na raw that's why. Are you really telling the truth, Emma?" busisi niya. I'm doomed.

"Why were you calling yesterday? You have a problem?" pag-iiba ko ng topic. Agad na tumalim ang mga mata niya pagkasabi ko non. Nahalata niya siguro na iniiba ko ang topic para hindi masagot ang tanong niya.

"Fine, fine! Hindi ako kulang sa tulog. I don't know. Hindi masama ang pakiramdam ko pero nalulutang ako these days. Normal lang naman 'yon sa isang college student 'di ba? 'Yung maging lutang." Binuksan ko ang iPad ko at tiningnan ang schedule ko roon. 2hours bago 'yung last kong subject for this day. Inilabas ko ang textbook ko at nagsimulang ilipat ang mga pages noon hanggang sa makita ang title ng rereview-hin kong topic.

"Oh, I thought you were thinking of Yael again. Tsk, whatever. I was calling you kase I want to tell you something." Naisara ko ang bibig ko nang marinig ko ang pangalan ni Yael. Paano niya nalaman 'yon?

"Tell me what?" Nilagyan ko ng green na highlight ang importanteng nabasa ko sa textbook. Nakapangalumbaba si Freya sa lamesa habang nakatingin sa'kin. Hindi ba magre-review 'to? Malapit na finals, ah?

"I met a guy yesterday. He's so gwapo sana but he's so cocky. Like what the hell? He keep on telling me about his congressman dad, his weekly allowance, how her mother spoiled him, how many cars does he have and many more. I mean, it's good kase he's not naghihirap, 'di ba? But, duh? Did I asked? I mean, he doesn't have to tell me all of those dahil halata naman sa face niya na may say siya sa life, 'di ba?" Mahina akong natawa bago nag-angat ng tingin. Here we go again, we'll talk about someone behind his back na naman.

"'Di ba 'yon naman ang gusto mo? A guy na merong ibubuga. 'Yung kayang bilhin lahat ng kapritso mo sa buhay. Bakit ka nagkakaganyan ngayon?" asar ko sa kanya. I did not mean to tease her but looking at her face kase, halatang naimbyerna talaga siya roon sa mayabang na guy na nakilala niya.

"Uh, yes but, he's so cocky kase. Feeling ko nga sinasabi niya 'yon sa'kin para maramdaman ko kung gaano talaga siya ka-rich. Pakiramdam ko tinitest niya lang ako if alam ko ba 'yung mga sinasabi niya. I wanna shout out him for making me feel that way! Like, do you know who I am ba? I am rich din kaya! Gusto ko siyang saksakin ng chanel heels ko kahapon! Good thing nakapagpigil ako."

"You are also cocky, Freya. Matagal ko nang sinasabi sayo 'yan kaya tanggapin mo na. Kung ganyan ang nararamdaman mo ngayon, naramdaman ko na rin 'yan noong hindi pa kita close. You're so yabang kaya before." Ginaya ko 'yung accent niya sa huling sinabi ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Are you insulting me, Emma? Tsk, whatever. I don't care anyway. What do you mean, naramdaman mo rin before sa'kin ang nararamdaman ko ngayon sa cocky guy kahapon? YOU WANNA STAB ME BEFORE USING A CHANEL HEELS? HUH?!" Mahina akong natawa at ibinaba ang tingin ko uli sa textbook. Minsan, napapaisip din ako kung saan nagmana si Freya. Her mom's super simple. Mahilig magbasa at tahimik. Ang daddy niya naman ay sobrang seryoso sa business. Freya's so dramatic and sometimes problematic na rin. Tulad ngayon, pinoproblema niya 'yung lalaki kahapon e tapos na naman. Parang hindi pa rin natatanggal 'yung inis niya. I'm used to it tho. Sanay na ako sa mga pagta-tantrums niya kahit sa mga maliliit at walang kwentang bagay.

"You know, Emma. He's so sayang talaga. Feeling ko kase goods siya makipagmomol pero I'm so turned off, ha!" Napailing-iling ako at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Kaya naman pala grabe ang tantrums ni ineng. Gusto naman pala makipagmomol pero hindi natuloy dahil sa ugali ng lalaki.

"OUUUUCCH!" Mabilis akong napataas ng tingin nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Freya. Hindi lang ako ang napatingin, pati na rin ang mga estudyanteng malapit sa'min. Sa lakas ba naman nang pagkasigaw niya e sinong hindi mapapalingon 'di ba?

"Kotong peace, may kalbo!" Tumakbo sa likod ko si Kai at hinawakan ang balikat ko. Bakit niya pa sa likod ko naisipan magtago? 'Pag siya binato ni Freya ng sapatos at ako ang natamaan, makokotong peace ko talaga siya riyan.

"What the hell, Kai? Ano na namang trip mo, ha? What's with the sudden hit? It hurts!" sabi ni Freya habang hawak ang noo niya.

Kahit ako ay nasasaktan kahit hindi ako ang kinotongan ni Kai. Sa lakas ba naman ng lagatok sa noo ni Freya, tunog pa lang ang sakit na.

"Kotong peace nga 'di ba? May kalbo kase! Ayun oh!" Umalis siya sa likuran ko at umupo sa tabi ko bago itinuro 'yung janitor na nagtatapon ng b****a sa gilid. Ghad, Kai. May makita lang talagang mapagtripan, eh no?

"Gago ka talaga Kai HAHAHAHAHA! Tingnan mo parang magkakabukol 'yung noo ni Freya sa sobrang pula, oh!" Agad kong nailipat ang tingin ko sa kadarating lang na si Yael. Hindi ko siya napansin na paparating kanina dahil tutok ako kina Freya at Kai.

"So? Does that mean na you need to hit me sa forehead ko, ha? At anong bukol? I swear to God, Kairus! If ever na may makita akong lump sa forehead ko, I'll cut your dick!"

"Opkors kailangan kitang kotongan kase nga diba kasama 'yon sa fun. DUH! Saan ka ba lumaki, Freya? Sa bundok? Kawawa ka naman hindi ka nakaranas ng mga larong bata. Kotong peace na lang 'di mo pa alam. Saka ang OA mo, ha! Anong cut, cut? Ulul! As if naman na papayag ako!" Narinig ko ang pagtawa ni Yael bago umupo sa tabi ko. Ano ba yan, bakit pa sa'kin tumabi e pwede namang sa tabi ni Freya. Mabuti na lang at magaling akong magtago ng reactions ko dahil kung hindi, mahahalata niya na naiilang ako.

"Ugh, whatever! For your information, sa exclusive subdivision ako nakatira. It's quiet and peaceful. Walang mga noisy people na katulad mo. I don't even know what kotong means. It's sounds dirty. It sounds gross. What's kotong ba? Is that kind of a disease?"

"Kinginang 'yan. Anong disease? Bobo ka ba dati?"

"What? Excuse me, I'm not bobo!"

"Kotong lang hindi mo alam? Mygad, Freya. Ako naaawa sayo! Hindi mo man lang naranasan 'yung saya ng pagiging bata. Hindi mo man lang naranasan 'yung saya ng paglalaro sa labas. Nakakaawa ka grabe," madramang sabi ni Kai. Tila ba dinaramdam niya kung bakit hindi alam ni Freya ang meaning ng kotong.

"Magkaiba ang batang naglalaro sa labas at batang hamog, Kai. Hindi ka lang naglalaro sa labas. Batang hamog ka," singit ni Yael. Gusto kong matawa nang malakas pero pinigilan ko ang sarili ko.

Proper etiquette, Emma. 'Yung tinuro sayo ng mommy mo sa mga gantong scenario.

"ANO TANG--"

"Hoy, enough already. Ano bang ginagawa niyo rito?" singit ko sa usapan nila.

"Baket ayaw mo ba kaming nandito? Wow, Emma ganyan ka na pala. Akala mo ikaw may-ari ng buong ateneo. Baket bawal na ba kami rito?" Damn Kairus, why so extra?

"What I mean to say is, what are you doing her-"

"Ini-english mo lang 'yung tanong mo kanina, te! Baket kase ayaw mo na lang aminin na ayaw mo talaga kaming maki--"

"Pwede ba, Kai? Patapusin mo muna ako, pwede? The hell." Umirap ako at isinara ang textbook ko bago umayos ng upo. Bahagya pa akong natigilan kase nasiko ko 'yung tagiliran ni Yael. Shet, mama. Ang tigas.

"HAHAHAHA! Tumigil ka na Kai, galit na si madam," si Yael. 'Yan yung isa sa mga nagustuhan ko kay Yael. Alam niya kung saan ang tawanan at alam niya rin kung kelan magseseryoso. Parang ako, alam ko kung saan ako magseseryoso, tatawa, lalandi at magtataray. Actually, hindi naman magkalayo ang ugali nila ni Kai. Mapang-asar din siya madalas. Kung tutuusin nga ay mas nakakaasar siya kung siya na ang nang-aasar kesa kay Kai. May kasama kasing lait palagi 'yung sa kanya. Mas malakas ang tawa ni Kai pero mas nakakainis ang sa kanya sabi ni Cloud. Hindi ko naman napapansin 'yon dahil nga 'di ba, 'pag gusto mo 'yung tao, kahit 'yung flaws niya ay perfect para sayo?

Wow, Emma. Inlove ka na niyan?

Anyway, 'yon nga. Hindi magkalayo ang ugali nila. Parehas malakas ang sapak sa ulo. Ang pinagkaiba lang, may seryoso time si Yael while si Kai naman, mamatay ka na lang, baka asarin ka pa. Baka nga nasa kabaong ka na, tanungin ka pa niyan ng, "Tol, patay ka na tol?"

Boang.

"Hinahanap kase namin si Clou-"

"Then why are you here? Nakalimutan mo na ba na Cloud isn't studying here? She's studying at UP, Kai. Not here in arreneo." Napatawa ako nang mahina nang marinig ang accent ni Freya.

Arreneo.

Boang.

"Arreneo amputa. Ang arte mo! Sa tingin mo ba pupunta kami rito kung hindi pa namin napupuntahan 'yung UP? Duh we are not stuuuuupeeeeeed, taong gubat!"

"I'm not taong gubat!"

"Kingina Kai, taong bundok sabi mo kanina kay Freya pri. Ba't naging taong gubat? Nakakahiya ka tol," madramang sabi ni Yael kay Kai habang pinapalo pa ang balikat nito.

"Bakit? Ano bang kailangan niyo kay Cloud? Nagtext siya sa'kin kanina na hindi siya makakapasok dahil masakit ang ulo niya."

Inilabas ko ang cellphone ko at ipinakita sa kanila ang text ni Cloud.

From : Cloud

Te, 'di ako makakapasok te. Sayo aq nagpaalam at hindi sa prof q kase wala akong pake sa attendance te. Tawagan mo aq pag magiinom kayo. Pakisabi na rin kay Yael ulol siya akala niya d q siya nakita nakikipagmomol sa pinsan q kahapon.

Binasa ko 'yon nang malakas kaya malakas na tawanan din mula kay Freya at Kai ang narinig ko. Kahit si Yael ay narinig ko pang nakisabay sa tawanan nila. Mas malakas pa nga kay Freya ang tawa niya. Pinilit ko namang matawa rin kahit peke kahit hindi ko naman talaga magawang matawa dahil sa mensahe.

Wala kang karapatan magselos, Emma. Hindi siya sayo sis, umayos ka.

"Tsk! Ano ba naman 'yan! Sakit ng ulo, sakit ng ulo. Sus, tinatamad lang 'yan si Cloud! Sayang, may ML tournament pa naman mamaya. Paano 'yan, Yael? Kulang tayo ng isa. Alam mo namang si Cloud lang ang maalam sa mga babae nating kaibigan. Si Freya marunong naman pero sa haba ng kuko niyan, baka magreklamo pa yan kase nasira design ng kuko niya kakadutdot doon. Si Emma naman, alam mo namang kahit kailan, hindi nahilig 'yan sa kahit na anong online games. Paano 'yan? Sayang premyo. Pang inom din 'yon." Napatingin ako sa kanila. Halatang problemadong-problemado si Kai habang si Yael naman ay nag-iisip din.

Ganon ba talaga kaimportante 'yung tournament na 'yon? Hindi ako makarelate kase never naman akong nahilig sa ganyan. Ang lagi kong hawak ay libro. Hindi libro na puro pag-aaral. Libro kung saan matututo ka kung paano gumalaw ng tama ang isang tao. Ang isang babae. Proper etiquette ba. Puro ganon ang ipinapabasa sa'kin ng mommy ko. Mahalaga sa kanya 'yon at hindi ko naman siya masisisi dahil sinanay siya ng lola ko sa ganon. Saka, wala akong time sa online games. Kung ano-ano kasing event ang ina-attendan namin nila mommy 'pag wala akong pasok. Hindi rin naman ako nakakatagal sa online games dahil hindi sanay ang mata ko na nakatutok sa screen. Nahihilo ako. Lalo na 'pag sa mga laro. 'Yung mga gumagalaw na characters like sa ML, tumatakbo 'yung mga hero. Parang binibiyak ang ulo ko sa ganon.

"Si Anya kaya?" Agad naputol ang pag-iisip ko nang banggitin ni Kai ang pangalan ng ex ni Yael. Hindi man lang nagulat si Yael at parang nasiyahan pa. Nakita ko naman ang paglingon sa'kin ni Freya at tinitingnan kung ano ang magiging reaksyon ko. Ngumiti naman ako. I honestly don't know kung ano ang ugaling meron si Anya. Nakilala ko lang siya noong sa bar 3 years ago tapos base sa mga kwento ni Kai tuwing inaasar niya si Yael. Si Cloud at Freya lang kasi ang may alam na gusto ko si Yael kaya walang preno ang bibig ni Kai lagi tuwing babanggitin niya si Anya dahil alam niyang wala naman siyang masasaktan. Si Yael kase, alam kong good friends sila ni Anya kahit naghiwalay na. Ewan ko pero kahit hindi nila sabihin, alam kong hindi pa rin nakakamove on si Yael kay Anya. Halata naman sa mga kilos niya dahil babanggitin lang si Anya, sobrang alisto niya na. Ang saya-saya niya na. Nasasaktan ako pero hindi ako nagrereact dahil sino ba naman ako 'di ba?

Gusto ko si Yael, pero hindi pwedeng magreklamo ako dahil lang gusto ko siya dahil una sa lahat, hindi niya naman ako gusto.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status