Share

KABANATA 4

KABANATA 4

"Emma, will you please stop hitting yourself? Ghad, you're so nakakainis na! What's your problem ba, ha? Is it Yael again?" Inis na bulyaw sa'kin ni Freya. Kanina ko pa kase paulit-ulit na hinahampas 'yung textbook ko sa ulo ko. Kanina pa ako nagbabasa at kahit anong gawin ko, hindi ko talaga maintindihan 'yung mga binabasa ko.

"Hindi ko maintindihan 'tong binabasa ko," naiiyak ko nang sabi. Malapit na 'yung finals pero simpleng topic lang, hindi ko maintindihan. Paano ako papasa nito?

"Ano bang topic 'yan? Let me see it nga!" Asar niyang inagaw sa'kin at nang tiningnan niya ang topic na pinoproblema ko, agad niyang binalik sa'kin 'yon.

"I can't help you with that, Emma. Bakit ka ba kase nag accountancy?" Tiningnan ko ang textbook ko bago siya tiningnan.

"Ako magmamana ng company, remember? Cade's already taking care of my grandparents' company kaya hindi naman pwedeng siya na lang din sa company namin. Kakagraduate niya lang 3 years ago at problema agad bumungad sa kanya." Cade is my older brother. Dalawa lang kaming magkapatid. He's in new york, taking care of my grandparents' company. Parents ni mommy ko 'yung may-ari ng kumpanyang hinahawakan ni Cade. After he graduated, siya agad 'yung humawak ng kumpanya because mommy's parents died. My grandma died because of leukemia while grandad died because of a heart attack. Hindi pwedeng si mommy ang humawak ng kumpanyang naiwan dahil mahina rin ang puso ni mommy, bawal siyang ma-stress at mapagod ng husto. Sakto namang may problema rin ang kumpanya ni daddy kaya hindi niya mahawakan 'yung company nina grandma.Kaya si Cade na lang 'yung humawak ng kumpanya dahil wala namang kapatid si mommy.

Malalim akong napabuntong hininga bago nangalumbaba sa batong lamesa. Nandito kami sa third year quadrangle. Dito ang lagi naming tambayan ni Freya tuwing may libreng oras. Mabuti nga meron kaming oras na parehong walang klase dahil baka mabaliw ako 'pag wala. Wala naman kase akong ibang kaibigan bukod sa kanya rito sa ateneo. I mean, meron naman pero hindi sobrang close katulad ng friendship namin ni Freya.

"By choice, accountancy. What about 'yung gusto mo? What profession 'yung gusto mong ipursue if hindi ikaw 'yung magma-manage ng company niyo sa future?" Napaisip naman ako roon. Ano nga bang gusto ko? Hindi naman ako pinipilit nila mommy na kunin 'tong accountancy. Sa totoo lang, gusto nilang kunin ko kung ano mang gusto kong course. Ako lang 'yung nagkusa na kunin 'yung accountancy dahil alam ko namang kahit hindi sabihin nina mommy, sa akin maiiwan ang kumpanya.

"Wala akong maisip. Hindi ko alam ang gusto ko. Dahil sa raming taon na alam kong ako ang hahawak ng kumpanya, natutunan ko na ring mahalin 'yon." Totoong wala talaga akong maisip kung ano ang gusto ko dahil hindi ko naman talaga alam. Lahat ng naiisip kong gusto ko ay agad ko ring nakakalimutan.

"I need to go na, Emma. Time na ng next class ko. Byeee, see you." Nagbeso siya sa'kin bago umalis. Naiwan akong mag-isa sa bench na kinauupuan ko. Inumpisahan ko ulit basahin 'yung na binabasa ko kanina.

Cost accounting and cost management I & II

Kahit na nahihirapan ay pilit ko pa ring iniintindi. I even watched Youtube videos na related sa binabasa ko para lang maintindihan ko. Kahit papaano naman ay naiintindihan ko pero may mga part lang talaga na mahirap intindihin kaya may mga eksenang gusto ko na lang punitin ang libro na hawak ko.

"May galit ka ba sa libro?" Muntik ko nang mabitawan ang binabasa ko nang umupo sa harap ko si Yael. Ano namang ginagawa nito rito?

"What are you doing here?" pinilit kong hindi mailang. Mabuti na lang ay magaling akong makipag-usap ng pormal at hindi nauutal kaya naman kahit papaano ay nabawasan ang pag kakaba ko.

"Ang sungit mo talaga. Akala mo naman ikaw ang ipinunta ko rito? Excuse me, nadaanan lang kita." Hindi naman ako naga-assume ah? Tinatanong ko lang naman. Para siyang si Kai, ang sarap sipain.

"Okay." Ibinalik ko ang paningin ko sa textbook. Pinigilan kong mapatingin sa kanya kahit ramdam ko ang titig niya. Sa lahat naming magkakaibigan, me, Cloud, Kai, Freya, at Yael, si Yael ang hindi ko pinaka-close. I knew Cloud, Freya, and Kai since I was in junior high. Si Yael naman ay three years ago lang. Saka, hindi ko siya kinakausap 'pag wala naman akong sasabihin. Maliban sa naiilang ako sa kanya, wala rin naman akong maisip na sabihin dahil lahat ng trip at hobbies niya, magkaibang-magkaiba sa'kin.

"Nahihirapan ka?" Napansin niya siguro ang madalas na pagkunot ng noo ko at paulit-ulit ko na pag play ng mga videos sa YouTube about sa inaaral ko.

"Oum. May hindi lang ako maintindihan." Gusto kong tumili nang malakas nang lumipat siya sa tabi ko. Pinaurong pa niya ako ng konti para magkasya kami. Kahit na kaunti na lang ang space sa gilid ko, naglagay pa rin ako ng space sa gitna naming dalawa para hindi magdikit ang mga hita namin.

"Saan dito?" Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa'kin at ang tanging ekspresyon niya lang ay parang may hinihintay. Malamang, hinihintay niya na ituro ko sa kanya kung saan ako nahihirapan. Kahit na nahihiya ay itinuro ko sa kanya ang part kung saan ako nahihirapan. Nakita kong binasa niya 'yon at tumango-tango pa. Matapos niyang basahin 'yon ay inumpisahan niyang iexplain 'yon sa'kin na agad ko namang sineryoso.

Mamaya na ang landi, Emma. Aral muna.

"Gets?" tanong niya. Agad naman akong ngumiti at mabilis na tumango.

"Thank you!"

"Dapat pala lagi kitang tinuturuan para hindi ka na masungit sa'kin. HAHAHAHAHA ngayon lang kita nakitang ganyan kasigla sa harap ko simula nung nakilala kita."

Nako, kung alam mo lang kung gaano naglalandi ang loob ko tuwing nakikita kita, hindi lang ganto kasigla, tumatalon pa sa tuwa.

HAHAHAHHAHA ang landi.

"Hindi naman ako masungit," depensa ko. Hindi naman talaga ako masungit. Siguro 'pag naiirita ako. Siguro ay masungit ang tingin niya sa'kin dahil hindi ko siya pinapansin. Hindi ko lang naman siya pinapansin dahil nahihiya ako.

Wow! Dalagang Pilipina 'yan, Emma?

"Anong hindi? Ha! Akala mo lang hindi. Alam mo bang sa tuwing nasa harapan kita, pakiramdam ko ako na 'yung pinakabastos na tao sa buong mundo? Grabe naman kase etiquette mo, Emma. Para akong pinalaki sa bundok 'pag ikaw ang kasama ko. Saka hindi ka man lang nagsasalita. Parang hindi ka interesado sa mga sinasabi ko pal--"

"Hindi naman kase talaga ako interesado," putol ko sa kanya.

"Oh diba! 'Yan, ganyan! Anong sinasabi mong hindi ka masungit?" sabi niya habang tinuturo pa ako. Paano ba naman kase ako magiging interesado? Kung hindi ml, ex mo 'yung bukambibig mo.

"ML kase ang topic lagi 'pag nag-uusap kayo 'di ba? Hindi naman ako nage-ML," paliwanag ko.

"Asuuuuus. Sige, oo na lang." Humaba nang humaba ang pag-uusap namin ni Yael kaya naman nung pumasok ako sa huling subject ko, magdamag akong nakangiti. Kahit mahirap ang topic na itinuturo ay nakangiti pa rin ako. Nakakatuwa nga noong nagtanong ang prof ko about sa topic namin ay mabilis kong nasagot 'yon. Hanggang sa mag-uwian, nakangiti ako.

"You're smiling like stupid, Emma." Gusto kong mainis kay Freya pero ayokong masira ang mood ko kaya hindi ko na lang siya pinansin. Nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang parking lot.

"Argh, why are you smiling?" naaasar na tanong niya. Mygad, Freya. Pati ba naman pag-ngiti ng tao ay pinoproblema mo?

"Bakit? Bawal na ba ako ngumiti, ha?"

"It's not that--err why are you smiling nga kase? Care to share?" Sasabihin ko ba? Baka kase hindi maniwala.

"Nagets ko na kase 'yung mahirap na inaaral ko kanina. Nagtanong 'yung prof namin about doon, ako lang ang nakasagot," pagsisinungaling ko. Though, part din naman 'yon ng pagiging masaya ko pero mas malaki ang parte ng pag-uusap namin ni Yael.

"Really? That's why you're smiling like an idiot since lumabas ka ng building niyo. Good for you. Ang galing mo, ha? Parang kanina lang you're about to cry na kase hindi mo magets." Tumawa ako at hindi siya sinagot. Nang makarating kami sa parking lot ay agad din kaming nagpaalam sa isa't isa. May sarili akong kotse habang si Freya naman ay may sundo.

She doesn't know how to drive saka spoiled 'yan ng magulang niya kaya nga sobrang arte niyan. May personal yaya pa nga 'yan, eh. Mabuti nga at hindi sumasama sa school 'yung yaya niya. Hindi na naman kase bata si Freya para bantayan pa nang todo.

Nang makarating ako sa bahay ay dire-diretso akong humiga sa kama at nagtiti-tili sa unan. Kanina ko pa pinipigilan ang kilig ko kaya naman grabe ko malamukos ang kumot at grabe ko masapak ang unan ko.

That's our longest conversation so far. Bonus pa na walang awkward feelings sa isa't isa dahil sobrang komportable ko talaga kanina matapos niya akong turuan. Am I making progress? Parang nag-update ang friendship namin.

Friendship.

Biglang natigil ang kilig ko. Ang mga paru-paro sa tiyan ko kanina ay parang namatay. Ang pamumula ng mukha ko ay biglang nawala. At ang saya na bumabalot sa'kin kanina ay napalitan ng lungkot.

Ofcourse, friendship. Nakikita niya lang naman ako bilang kaibigan. Wala ng iba. Kase sa umpisa pa lang, hindi pa siya nakakamove on sa ex niya. Nung nakaraan nga lang e nakita ko pa kung gaano siya kasaya kasama 'yung ex niya. Kung gaano siya kasaya habang kausap si Anya. Para silang gumawa ng sariling mundo na sila lang 'yung nakatira. I wonder if nag-comeback na sila. Sabi ni Cloud ay hindi pero who knows 'di ba? Malay mo, tinatago lang nila. Alam ko kung gaano nasaktan noon si Yael noong iwan siya ni Anya kaya dapat ay makakaramdam sila ng awkwardness sa isa't isa pero sa nakita ko noong nakaraan, para silang dalawa na walang pinagdaanang hiwalayan. Mas lalo akong lumungkot. Halata namang wala akong pag-asa kay Yael sa kahit anong anggulong tingnan mo pero eto pa rin ako, gustong-gusto siya.

Natatakot ako na umabot ako sa point na magmakaawa akong mahalin niya. Natatakot akong baka dumating ang araw na iaalay ko ang dignidad ko, maging akin lang siya. Dahil kilala ko ang sarili ko. Mabilis kong malimutan ang mga bagay na walang silbi sa buhay ko, pero hindi ang taong tatlong taon nang minamahal ko. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status