Share

KABANATA 5

KABANATA 5

"Anong gusto mong gawin ko, ha? Tumambay ako ron? Uluuuuuuul!" Kanina pa nagsisigawan sina Cloud at Kai sa harap namin. Todo gatong si Yael at todo support naman si Freya kay Cloud. Pag-iling na lang ang tanging ginagawa ko tuwing magsisigawan na naman sila. Ako na nga ang humihingi ng paumanhin tuwing may naiingayan na sa'min.

"Bakit ba kase ayaw mong sumama, ha?" hamon na tanong ni Kai. Halata namang alam niya na ang rason kung bakit ayaw sumama ni Cloud pero gusto niya pa rin itong paaminin.

"Bakit gusto mong malaman? Crush mo ako 'no?!" Parang may dumaan na anghel sa pagitan namin nang biglang tumahimik. Maya-maya ay malalakas na tawa ni Yael at Kai ang pumuno sa pwesto namin.

"Grabe namang tigas ng mukha mo, Cloud. Hindi mo ba naisip na bawat kasinungalingan at kakapalan na lumalabas sa bibig natin ay minus ligtas points sa langit?" Umirap si Cloud at hinampas ang lamesa na inuukupahan namin. Agad namang napatingin sa'min ang iba pang estudyante na naroon. Andito kami aa Gonzaga Hall ng ateneo, naka-tambay. Wala raw kasing klase ang mga 'to at sakto namang free time rin namin ni Freya kaya ayon, tambay muna kami ngayon.

"Eh baket ba kasing gusto mo akong sumama, ha? Wala naman akong gagawin don. Pakielam ko naman sa pagpa-practice mo, ha? Hindi katanggap-tanggap sa mata ang pawisan mong katawan. Parang nagmamantika. Kadiri!"

"Grabe ka naman sa mamantika. Ako nga pinaka-mabango sa'min 'pag pinapawisan. Sige na, Clouuuud. Sama ka na kasi," pilit pa ni Kai. Todo naman ang ngisi ni Yael sa nakikita niyang eksena sa harap niya.

"Ayaw lang niyan sumama kase na-ghost siya ng taga USTe kahapon," singit ni Yael at ngumisi ng pagkalaki-laki. Halos umabot ang kilay ni Cloud sa bumbunan niya nang tingnan niya si Yael.

"Hoy, excuse me, hindi ako na-ghost!" depensa ni Cloud.

"Suuus, nako Cloud noong nakaraang taon mo pa dinadahilan sa'min 'yan tuwing ayaw mong sumama sa USTe. Huwag kami Cloud, ha?" Ipinatong ni Kai ang isa niyang paa sa upuan at ipinatong ang braso niya sa tuhod na nakapatong sa upuan.

"Oh my ghod, Kai! Will you please put your foot down? It's embarrassing! Andaming nakatingin, oh!" maarteng saway ni Freya kay Kai. Inirapan lang siya ni Kai at bumaling uli kay Cloud.

"Cloouuudd bilis na kasiiiii. Sumama ka na!"

"Ayoko."

"Bilis na! Ang arte mo naman!"

"A.YO.KO."

"Inom tayo sa sabado. Libre ko."

"Kelan ba?"

"Ayaaaan. Kingina mo r'yan ka magaling! Basta talaga inom ay G na G ka e, no?" binatukan ni Kai si Cloud na agad namang ginantihan ni Cloud ng sabunot.

"Huy, enough," pabulong kong saway. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante pero parang wala pa rin silang pake.

"ARAAAY! Ililibre na nga kita ng alak tapos nananakit ka pa?" Umayos ng upo si Kai at inalog-alog ang ulo bago ayusin ang nagulong buhok dahil sa sabunot ni Cloud.

"Ay putangina utang na loob ko? Utang na loob ko 'yon sayo?" sarkastikong tanong niya kay Kai habang inaayos nagulo niyang buhok sa sakitan nila ni Kai.

"Basta sumama ka, ah? Libre kita sa sabado."

"Seryosong usapan na. Bakit ba gustong-gusto mo ako sumama roon eh magpa-practice lang naman kayo? Aba gago kailangan mo ba ng moral support habang nagpa-practice? Kailangan mo rin ba ng banner?"

"Sus, Cloud. Natalo kase 'yan sa 1v1 nila ng captain nila sa ML. Alam mo naman na crush na crush ka noong captain nila 'di ba? Basta raw nandon ka, solb na siya," paliwanag ni Yael. Matagal kasing hindi nakasagot si Kai at tila ba nag-iisip pa ng idadahilan kung bakit niya gustong nandon pa si Cloud kaya si Yael na ang sumagot.

"Captain? Captain ng basketball team ng USTe? Kingina 'yung pinsan mong uhugin, Yael?" hindi makapaniwalang tanong ni Cloud.

"Oo." Napatawa ako nang mahina. Narinig naman ata 'yon ni Yael dahil tumingin siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay. Binigyan niya pa ako ng "Anong tinatawa mo diyan, nakahithit ka ba ng rugby kagabi" look. Nagkibit balikat ako at nag-iwas ng tingin. Natatawa kase ako dahil sa paraan niya nang pagsabi ng "Oo" ay parang sang-ayon na sang-ayon talaga siya na uhugin 'yung pinsan niya. Kung ako ang tatanungin ay hindi naman uhugin ang pinsan ni Yael. Pogi nga 'yon, eh. Sadyang laitera lang sina Cloud at Yael kaya ganon.

"Aba nakanangputa pinusta mo akong bwisit ka?"

"Bilis naaa. Sumama ka na! Kahit ilang alak ang inumin mo sa sabado ay ako ang magbabayad!" Maririnig mo sa boses ni Kai ang pagka-desperado niya habang sinasabi 'yon.

"Sige na, sige na. Kingina mo talaga e, no? Basta ako mamimili ng place, ah?"

"Oo na!" Humalakhak si Cloud na parang nanalo sa lotto. Sinabayan niya pa 'yon ng palakpak na parang may magandang pinaplano.

"Sama kayo, Emma ah?" yaya ni Kai. Agad namang tumango si Freya at ako ay nagkibit-balikat lang. Hindi ako sure kung makakasama ako dahil kaka-bar lang namin noong sabado. Ayoko namang sunod-sunurin 'yon kaya hindi talaga ako sigurado kung makakasama ako.

"Alis na kami, may klase pa kami, eh," paalam nina Cloud. Nang makaalis sila ay umalis na rin kami ni Freya sa Gonzaga Hall. May klase na rin ako at ganon din si Freya. Mas maaga nga lang ang akin kaya nauna na akong pumasok.

Nang makapasok ako sa huling klase ko ay parang naging mabilis lang ang oras. Mabait kase ang professor namin sa klaseng 'yon at laging nagbibiro sa klase para mabawasan ang bigat na tensyon na bumabalot sa loob ng classroom. Masyado kasing seryoso ang mga kaklase ko kaya nagpapatawa siya. Pero sabi nga nila, 'pag masaya ka ay mabilis ang oras kaya parang ilang minuto lang ang itinagal namin sa klaseng 'yon kahit na oras naman talaga.

Noong uwian na ay hindi kami nagkasabay ni Freya dahil mas maaga siyang umuwi. May emergency kasi sa kanila. Ako naman ay wala nang dinaanan at dire-diresto nang umuwi sa bahay. Pagkarating ko sa bahay ay ganon na lang ang gulat ko nang nakita kong nakaupo sa sofa si Cade.

"Welcome home," unang bati niya sa'kin. Agad naman akong lumapit sa kanya at nag-beso. Tumangkad si Cade, mas lalong gumwapo. Halata na nag-mature siya. Hindi na ako magtataka kung maraming babae ang naghahabol sa kanya sa ibang bansa.

"Baliw. Ako dapat ang nagsasabi niyan. Kamusta na? Kailan ka pa umuwi?" tanong ko. Umupo ako sa tabi niya at kumuha ng cookies sa lamesa. Kinagatan ko 'yon bago tumingin uli sa kanya. It's been three years since I last saw him. Kahit kase pasko ay hindi siya nauwi rito dahil sa sobrang busy niya sa trabaho. Noong mga panahon kasing 'yon ay baguhan pa siya sa pagpapatakbo ng kumpanya kaya grabe na lang ang pag-aadjust niya. Idagdag mo pa na napakalaki ng kumpanya nila grandma. Kung malaki at namamayagpag ang kumpanya namin ngayon, doble non ang laki ng kumpanya nina grandma.

"I'm good. Ikaw? How are you? Nahihirapan ka pa rin ba sa kinuha mong course?" Ngumiti ako at umiling. Gusto kong sabihin sa kanya na palagi kong kailangan ng halos patayang review kahit na minsan ay madadali naman ang topic pero pinili ko na lang na hindi sabihin. Cade's a very loving brother. Kahit na sobrang sungit niya sa iba ay ganon naman siya kalambot sa'kin. Gustong-gusto niya kase ng kapatid na babae simula noong bata pa siya kaya noong dumating ako sa buhay nila ay grabe ang pasasalamat niya. Kung minsan ay naii-spoil ako nila mommy, si Cade ay kulang na lang ay patayuan ako ng rebulto para lang maipakita niya sa'kin kung gaano niya ako kamahal. Ni minsan ay hindi niya ako pinabayaan sa kahit anong bagay. Kahit sa pag-aaral ay wala siyang pinalampas na oras basta lang matuto ako. Kung ako ay hindi gaanong binayayaan ng mataba na utak, si Cade naman ay sobra-sobrang biyaya ang binigay sa utak niya.

"No need to lie, Emma. Nahihirapan ka pa rin, ano?" hindi insulto 'yon kung hindi paninigurado.

"Hindi naman mawawala 'yon, Cade. Nahihirapan pa rin ako pero nakaka-adjust na rin kahit papaano."

"I told you to call me everytime you can't cope up with your studies, right? You can call me anytime." Sunod-sunod ang pag-iling ko matapos niyang sabihin 'yon. Hindi na nga siya makauwi rito dahil sa sobrang busy tapos tatawagan ko pa para magpaturo? Kinakaya ko naman.

"Oh, you're here na pala, anak. Go upstairs and get change. Dinner's ready." Nagbeso muna ako kina mommy bago umakyat papuntang kwarto ko. Mabilis akong nagbihis bago bumaba. Pagkarating ko sa dining area ay kumpleto na sila roon. Nandoon din si daddy na halatang galing lang sa trabaho. Nagbeso ako kay daddy bago umupo sa tabi ni Cade.

"I'm so happy. Finally, nakumpleto uli tayo," nakangiting sabi ni mommy.

"How long did you plan to stay here, Cade?" tanong ni daddy. Inabutan niya ako ng steak habang tinatanong niya 'yon kay Cade.

"For a week lang po. I don't wanna go back to New York with a pile of paperworks greeting me." Tumawa si mommy sa isinagot ni Cade. Magkasalubong kasi ang kilay niya habang sinasabi 'yon. Manang-mana siya kay daddy, ayaw na natatambakan ng trabaho. Lahat naman ata siguro.

"Do you already have a girlfriend, Cade?" pilyang tanong ni mommy. Agad akong napalingon sa kanya at hinintay ang sagot niya. Imposibleng walang magkagusto sa kanya dahil sa gwapo niyang 'yan? Siya mismo ang hahabulin ng mga babae.

"Seriously, mommy? I don't even have time to spend holidays with my family and you're asking me if I have a girlfriend?" kunot noong tanong niya.

Pikon naman nito.

"Chill anak. I'm just asking," natatawang sagot ni mommy.

"How about Emma? Does she have a boyfriend?" muntik na akong mabilaukan sa tanong niyang 'yon.

"Wala," maikling sagot ko. Tiningnan niya naman ako sa mata nang mabuti na tila ba sinisigurado kung nagsasabi ako ng totoo. Agad ko namang sinalubong 'yon nang hindi nakurap.

"You can have a boyfriend anytime you want, Emma. You know we won't contradict," seryoso niyang sabi. Seryoso rin sila mommy noong tiningnan ko sila. I cleared my throat.

Sabing loyal nga kase ako sa taong walang pake sa'kin. Ang kukulit.

"Wala pa po akong nagugustuhan," I lied.

Hindi na sila ulit nagtanong pa at nagpatuloy na sa pagkain. Lumipas ang gabing 'yon na puro lang kami tawanan. Nag-kwento kasi si Cade kung ano-anong naranasan niya sa loob ng tatlong taon sa NYC. Kadalasan ay mga babaeng naghahabol sa kanya ang nababanggit niya dahil sobra-sobra na raw ang mga pagkadesperada ng mga 'to. Merong pumupunta sa opisina at sinabing nabuntis daw siya nito kahit halata namang arte lang. They're desperate for Cade's attention. Cade's love. Nagagawa nila 'yon dahil sa sobrang pagkagusto nila sa isang tao, kay Cade.

Umakyat ako sa kwarto ko matapos naming mag-dinner. Plano pa sana ni mommy na magmovie marathon kami pero kakagaling lang kase ni Cade sa mahabang byahe kaya pinagpahinga niya muna ito. Ako naman ay magre-review pa dahil umpisa na ng finals namin bukas.

Habang nagre-review ay napaisip ako sa kwento ni Cade kanina. Dahil sa pagkagusto nila kay Cade, kahit dignidad nila ay napabayaan na. Kahit na magmukha silang tanga sa harap ni Cade ay ginawa pa rin nila. Siguro ay iniisip nilang magkakaroon sila ng tsansa kay Cade kung ganon ang ginawa nila.

Nakaramdam ako ng kaba para sa sarili ko bigla.

Ayokong dumating sa point na pati dignidad ko ay kakalimutan ko, mahalin mo lang ako, Yael.

To be continued...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status