Share

KABANATA 7

KABANATA 7

Halos madapa ako dahil sa suot kong mataas na takong. Hindi magkamayaw ang kamay ko sa paghahanap kung nasaan ang susi ng sasakyan ko. Nang mahanap ko 'yon ay dali-dali akong bumaba at hindi na nag-abalang mag paalam kanila mommy. Alam naman nila na may lakad ako ngayon dahil nakapag-paalam na ako noong nakaraan.

Magaalas-diez na ng gabi pero heto ako ngayon, pasakay pa lang sa kotse. Ang usapan namin ni Freya ay susunduin ko siya sa bahay nila ng 9:00 pm. Siguradong kung ano-ano nang ginamit niyang lenggwahe para lang mamura ako.

Natulog kasi ako kaninang hapon and I overslept. Alas nuebe na ako nagising. Idagdag mo pa ang pag-aayos ko kaya mas lalo akong natagalan. Kung siguro ay may mga pulis lang sa mga dinaraanan ko ay nakasuhan na ako ng fast driving. Well, hindi naman siya masyadong mabilis. Mabilis lang. I mean, hindi siya sobrang bilis. Mas mabilis lang siya sa normal na pagmamaneho ko.

Nang makita ko si Freya sa harap ng subdivision nila, sa gilid ng gate ay agad akong huminto roon at pumarada. Nang ibinaba ko ang bintana ng sasakyan ay nayayamot na mukha niya ang agad na bumungad sa'kin.

"Oh my God, you're so matagal!" maarte niyang reklamo. Binigyan ko siya ng nagpapaumahin na tingin bago iminuwestra ang pinto ng sasakyan. Mabilis siyang lumakad at sumakay sa loob. Padabog niya pang isinara ang pinto na naging dahilan ng pagkagulat ko.

"Sorry, I overslept. Hindi ko na namalayan ang oras." Tiningnan ko ang kabuoan niya. Hindi mo na magagawang magtanong kung saan siya pupunta dahil sa suot niya. Halatang magpa-party.

Wearing a black cocktail dress, paired with a black 3-4 inch heels, may dala rin siyang black purse.

Hindi naman niya siguro love ang black niyan, 'di ba?

"I thought hindi ka na darating. I was about to go home," maktol niya uli ngunit hindi ko na siya pinansin. Nagmaneho na ako papunta sa kung saan ang bar na pinili ni Cloud.

The Island.

Nang makarating kami roon ay meron pang pila kaya medyo natagalan kami bago pumasok. Nang makapasok kami ay gusto ko na agad mapasayaw dahil sa lakas ng indak ng musika. Mag-aalas onse na kami nakarating doon dahil natagalan kami sa byahe. Pakiramdam ko ay sakto lang ang pagdating namin kahit na late kami ng halos isang oras. Marami na ring tao pagdating namin doon.

Naglakad-lakad kami ni Freya habang pinagmamasdan ang paligid, hinahanap kung nasaan ang pwesto nila Cloud. And there they are, Cloud, Kai, and Yael on the same table, near the pool area. Marami silang kasama sa table na hindi ko kilala pero ipinagsawalang-bahala ko iyon at lumapit na. Mas marami, mas masaya.

"Oh, andyan na pala sila Emma, eh!" sigaw ni Kai. Agad naman na naglingunan ang mga tao roon sa pwesto namin. I waved at them habang lumalapit while Freya just rolled her eyes.

"Antagal niyo! Marami-rami na rin kaming nainom!" salubong sa'min ni Cloud. Umupo ako sa tabi ni Kai habang si Freya naman ay pumagitna kina Cloud at Yael.

"I'm sorry, I overslept. Hindi ko namalayan 'yung oras," paliwanag ko. Inabutan ako ni Kai ng isang shot ng alak na sa tingin ko ay Jack Daniels. Agad kong tinanggap 'yon at mabilis na nilagok. Sa aming magkakaibigan, ako ang pinaka-matagal malasing na babae. Ang pinaka-madaling malasing ay si Freya.

"Grabe 'yung lalaking 'yon! Anong k-karapatan niyang i-ghost ako? HAHAHAHAHA! It's his loss, not mine!" rant ni Cloud. Narinig ko ang sipol ni Kai sa tabi ko at biglang tinawanan si Cloud.

"HAHAHAHAHA! Tumatalino ka pala 'pag nago-ghost! Napapa-english ka, eh! Sana araw-araw kang multuhin," asar ni Kai sa kanya. Hindi siya sinagot ni Cloud pero pinakyuhan naman siya nito.

Matapos kong lagukin ang alak na ibinigay na naman ni Kai ay kumuha naman ako ng barbecue sa lamesa. Hindi ako maka-relate sa topic nila sa tuwing nagba-bar kami. I don't feel left out though. Kaya kong sumabay pero pinili ko na lang na hindi dahil wala naman akong gustong sabihin. Masaya ako kahit nakikinig lang sa kanila. Sa ganoong paraan ay nai-entertain na rin ako kahit walang nakausap sa'kin.

"Hi, I'm Rem," pagpapakilala ng isang lalaki sa'kin. Actually, siya 'yung kanina ko pang kaharap ngunit hindi ko pinagtutuunan ng pansin. Busy rin naman kase siya sa kausap niyang babae kanina na halos kaunti na lang ay mahalikan niya na dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isa.

"I'm Emma, nice to meet you." Ngumiti ako bago inilahad ang kamay ko sa harapan niya. Mabilis niya namang tinanggap 'yon. He looks like a fuckboy. Kahit na ganon ang pakiramdam ko, pinakitunguhan ko pa rin siya nang maayos. Don't judge the book by its cover nga. Saka nasa bar kami, hindi talaga maiiwasan ang mga fuckboy.

"So, saan ka nag-aaral? I'm from OLFU."

(OLFU means Our Lady of Fatima University)

"Ateneo," maikli kong sagot. Biglang lumawak ang ngiti niya. I don't know why but I have a bad feeling about it.

"You're so pretty," papuri niya sa'kin. He sounded like a literal fuckboy while saying that. Hindi na ako bago sa ganito. Ilang taon na rin akong nagba-bar at marami na akong na-encounter na ganito. I even do momols with a stranger sometimes. I mean, not really a complete stranger. I knew them but we're not close. Saka 'pag lasing lang naman ako nakikipag-momol. I don't regret it though, for experience, maybe? I may like Yael pero hindi lang naman sa kanya umiikot ang mundo ko. I sometimes get attracted with 'some' boys too.

"I have a place nearby, wanna come with me?" malanding tanong niya sa'kin. Tiningnan ko muna sina Freya bago lumingon sa kanya. I saw Freya's face turning red while talking to someone. Siguro ay dahil sa pagkalasing. It doesn't seem na kinikilig siya sa kausap niyang lalaki kaya siguro ay dahil nga sa pagkalasing. Parang naiirita pa nga siya sa kausap niya. I admit that the guy has looks but Freya is Freya, maarte siya, kahit ikaw pa ang pinaka-gwapong lalaki sa mundo ay titingnan ka lang niya na parang kinikwestyon niya kung bakit ka pa pinanganak ng nanay mo.

"I'm not interested," I said, plain and simple. That's how I reject boys. Hindi ako masungit pero hindi rin ako sobrang bait. Kapag ayaw ko, hindi mo ako mapipilit.

"Oh, really? C'mon, we won't do some nasty things," pangungumbinsi niya ngunit nginitan ko lang siya ng hilaw. Sinong niloko mo?

"I'm really not interested. Just ask another girl." Nagsalin ako ng Jack daniels sa chaser at dire-diretsong ininom ito. Napapikit pa ako nang gumuhit ang pait sa lalamunan ko.

Magsasalita pa sana siya ngunit may lumapit sa kanyang babae. The girl seemed like she's about to cry while looking at the boy who's talking to me. Hindi ako nakinig sa usapan nila hanggang sa nakaalis sila sa pwesto namin. I heard the girl's last word before leaving the place with Rem, though. "Girlfriend mo'ko, Rem!"

Mabuti na lang at tumanggi ako. Baka naging kabit pa ako nang wala sa oras.

Inilibot ko ang paningin ko sa lamesa namin. Napangiwi ako nang may nakita akong naghahalikan malapit sa tabi ni Kai na may kausap na babae. Kai's still unbothered, though. Lumingon ako sa pwesto ni Cloud, nagpaparimahan ata sila ng inom ng babaeng kaharap niya dahil ang sama ng titig nila sa isa't isa habang mabilis na lumalagok ng Jack Daniels. Parang nagpapaligsahan.

"Ang tahimik mo." Napalingon ako kay Yael. Maraming lumalapit sa kanya ngunit hindi niya man lang ito tinatapunan kahit na tingin lang. Todo lang siya inom na akala mo ay pasan lahat ng problema sa mundo. I wonder why.

Is it about Anya again? Ow, I'm hurt.

"Hindi naman ako interesadong makipag-usap." Pinipigilan ko ang pagpiyok ng boses ko. Gusto kong inumin lahat ng alak sa lamesa para naman kahit papaano ay lumakas-lakas ang loob ko.

"Ang sungit talaga. Ano pa lang ginagawa mo rito? Pumupunta ang mga tao sa bar para mag-pakasaya. Hindi halata sayo 'yon," natatawa niyang sabi. Saglit kong tinitigan ang pag-tawa niya. He really look perfect in my eyes.

"Psh. Eh ikaw nga andaming nage-entertain sayo na babae pero hindi mo man lang binigyan ng tsansang makausap ka. You just keep drinking like God gave you all the problems in this world," pang-aasar ko. Hindi siya nagsalita kaya naman tiningnan ko siya. Halos matumba ako sa upuan nang magtama ang paningin namin. Gusto kong mag-salita pero hindi ko magawa. Parang hinihigop ako ng mga mata niya.

"WHOOOOOOOOOOO!!!!" Agad na naputol ang titigang 'yon nang narinig ko ang pagtili ni Freya. She's cheering for Cloud. Naghubad kase si Cloud ng top niya, revealing her bikini top inside. Nakashorts pa siya bago tumalon sa pool. Sumigaw rin ako nang may lumapit sa kanya na lalaki, cheering for her. Tuwang-tuwa naman si Cloud dahil maitsura ang lalaki. I know she's drunk and it's dangerous to hang out with a boy you just met but I know Cloud well, siya ang nagiging pinakamatinong babae sa'min 'pag nalalasing. Hindi nagpapadalos-dalos 'yan at humihila ng lalaki basta-basta.

"Ulul, Cloud! Baka mag-english ka na naman 'pag ghinost ka niyan!" sigaw ni Kai. Napuno ng tawanan ang mesa namin dahil doon. I know for sure na lasing na rin si Kai dahil mapula na rin ang mukha niya. Freya's nowhere to be found kaya tumayo ako para hanapin siya. Grabe pa naman malasing ang babaeng 'yon, baka mapaaway pa kami.

Marami akong nakakasalubong na schoolmates ko habang naglalakad kaya naman minsan ay napapahinto ako para batiin sila. Ilang mini bars na ang nadaanan ko but Freya's still nowhere to be found. Saan naman kaya nagsusu-suot ang babaeng 'yon? Dahil sa pagod at sakit ng paa ay nagpahinga muna ako saglit sa isang mini bar. Laking pasasalamat ko nga at walang nanggugulo sa'kin kaya naman payapa akong umiinom. Unti-unti ko nang nararamdaman ang epekto ng alak kaya naman nakaramdam na rin ako ng pagkahilo. Para akong maduduwal kaya naman nagmamadali akong humanap ng malapit na banyo.

Nang makarating doon ay agad akong pumasok sa isang cubicle at doon inilabas lahat ng nagpapabaliktad sa tyan ko. Matapos kong gawin 'yon ay fli-nush ko ang toilet at lumabas para ayusin ang sarili. Mabuti na lang ay merong mga maliliit na bote na lalagyanan ng mouthwash sa gilid kaya lumapit ako roon at naghulog ng pera. Pagkahulog na pagkahulog non ay nagmumog ako agad bago hilong lumabas ng banyo.

Papalakad pa lang ako ay nakita ko na si Yael sa isang medyo tagong lamesa. Medyo madilim kase sa part na 'yon kaya hindi masyadong nakikita. Saglit na ilaw lang ang tumatama roon at sakto namang pagtama ng ilaw sa pwesto niya ay ang paglingon ko sa kanya.

Kahit kinakabahan ay lumapit ako sa kanya.

"Bakit ka nag-iisa rito?" tanong ko at umupo sa tabi niya. Naglagay ako ng kaunting espasyo sa pagitan namin dahil hindi pa naman ako sobrang lasing para landiin siya ng walang pangamba.

"Nakikipaghalikan si Kai sa harap ko. Si Cloud naman ay busy sa kausap niya sa pool. Freya's nowhere to be found. So are you. Kaya umalis ako roon dahil naiinggit ako sa mga nakikita ko," he said, playfully. Namula ang pisngi ko, pakiramdam ko ay sinasabi niyang naiingit siya kaya ako ang sinabihan niya. Agad akong umiling.

Assuming, te.

"Bakit ka naman maiinggit? You can kiss any girl who likes you there, Yael," pabiro kong sabi. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Hindi na nasundan 'yon ng ilan pang salita. Parang may dumaan na anghel sa pagitan namin. I can feel the awkwardness at ayoko non. Pakiramdam ko ay naririnig niya ang lakas ng tibok ng puso ko.

Lumingon ako sa kanya at for the first time in my life, ngayon ko lang nalabanan ang titig niya. Dahil ba ito sa alak? Willing akong uminon araw-araw kung ganon. Mapupungay na ang mga mata niya at halata ang pagkalasing niya. Tumitig ako sa labi niya, it's so red. Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa labi niya kaya tinitigan niya rin ang akin. Now, this is really awkward. Bigla akong na-conscious sa labi ko. Kahit wala ay pakiramdam ko ay may singaw ako sa labi.

I cleared my throat.

"I-I think we need to go back?" nauutal kong tanong ngunit nananatili ang titig niya sa labi ko. Unti-unti ay umurong siya papalapit sa'kin at walang seremonyang inilapat ang labi niya sa'kin. Sa una ay gulat na gulat ako pero noong natauhan na ay agad ko siyang tinulak.

"Y-Yael, you're drunk. I mean, we're both drunk. You might regret this tomorrow." AHA! At siya pa talaga ang magsisisi, Emma? Napaghahalataan ang pagiging baliw mo sa kanya.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at hinalikan ako ulit. Gusto kong magprotesta dahil baka sisisihin niya ako bukas ng umaga pero hindi ko magawa dahil alam ko sa sarili kong gusto ko 'tong nangyayari. He deepened the kiss more. Hindi ko na napigilin ang sarili ko at humalik na ako pabalik. He gripped my hair while french kissing the shit out of me.

Mas lalo niya akong hinila, making me sit on his lap. Tumindig ang balahibo ko. Impit na ungol ang nailabas ko nang pumasok ang kamay niya sa suot kong top.

He massaged my breast.

Ilang minuto ang itinagal namin sa pwestong 'yon bago bumitaw sa isa't isa habang naghahabol ng hininga. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa kahihiyan. Pakiramdam ko ay ako na ang pinaka easy to get na babae sa buong mundo. Mabilis akong umalis sa pagkakaupo sa hita niya. I admit it, that was hot.

"Uh... I think we should g-go back na?" nahihiyang tanong ko. Nakita ko ang pagtango niya bago tumayo at naglakad papalayo sa'kin. He just walked away like nothing happened.

Kumirot ang puso ko.

I told you, Emma. He's just drunk.

To be continued...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status