Share

KABANATA 8

KABANATA 8

Kahit marami akong alak na nainom ay gising na gising pa rin ako. Alas kuatro na ng umaga ngunit mulat na mulat pa rin ang mga mata ko, iniisip ang ginawa namin ni Yael sa bar kanina. Hindi ko mawala sa isip ko 'yon dahil pakiramdam ko ay nakadikit pa rin sa'kin ang labi ni Yael. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kahit na alam kong mali ang ginawa namin kanina ay hindi ko pa rin mapigilang mapangiti.

'Yon 'yung first kiss namin ni Yael. Hindi na ako magpapahalik pa sa ibang lalaki.

'Yan lang ang nasa isip ko magdamag. Kung pwede nga lang ay huwag na akong mag toothbrush ay ginawa ko na para lang hindi mawala ang pakiramdam ng halik niya sa labi ko.

Dahil sa pag-iisip at puyat ay bangag na bangag ako kinabukasan. Sobrang sakit din ng ulo ko. Matinding hangover ang nararamdaman ko kaya naman halos magising na ang buong subdivision dahil sa sermon ni mommy sa'kin. Hindi naman ako bawal uminom, 'wag lang ako aabot sa point na parang nakahithit na ng drugs dahil sa sobrang pagka-sabog.

"That's what I'm telling you, Emanuelle! I'm not prohibiting you from drinking alcohol pero please naman, anak! It looks like you drink all the alcohol on that bar. Mukha kang sabog! Mukhang naka-drugs!" bulyaw na naman sa'kin ni mommy. Grabe na lang ang sermon niya sa'kin lalo na kanina na halos maiyak na ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Idagdag mo pa na para akong ginahasa dahil sa sobrang gulo ng buhok ko. Nangitim ang ilalim ng mga mata ko dahil sa puyat.

"Ilan bang case ng Jack Daniels ang ininom mo kagabi, Emma? Nilaklak mo ba lahat ng alak doon?" nang-aasar na tanong sa'kin ni daddy. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa pagtitig sa pagkaing nasa harapan ko. Cade's eating silently, walang pake sa nangyayari sa harapan niya.

Mabuti na lang at tumigil na sa kakasermon si mommy at nagpatuloy na sa pagkain niya ng tanghalian. Yes, lunch na noong magising ako dahil sa sobrang puyat.

"Mommy what are your plans for your upcoming anniversary with dad?" biglang tanong ni Cade. Nakuha naman non ang atensyon ko. 'Pag nags-celeberate kasi ng anniversary sina mom and dad ay kadalasan sa ibang bansa. Minsan kasama kami, minsan naman hindi.

"Uh, we already talked about that last week. We're planning to celebrate our anniversary here sa house na lang. We won't make an effort to go out of the country since busy ang daddy mo sa company. You should invite your friends since I'm inviting mine, also. It's so sad naman if tayo lang 'di ba? Parang kumain lang tayo ng simpleng dinner." Tumango-tango ako. Maybe I should invite Cloud? Kai and Freya rin. And Yael? I'm not sure. Nahihiya pa rin ako sa ginawa namin kagabi.

"Why ask, Cade? Are you planning to stay here until our anniversary? I thought you will only stay here for a week?" si daddy. Napatingin naman ako kay Cade. It's been three years since his last anniversary celebration with us.

"I'm staying 'till your anniversary, dad. Three days more wont hurt naman," si Cade. Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi na sila pinansin. Nag dadalawang isip ako kung aayain ko si Yael. 'Pag niyaya ko si Cloud, Kai, and Freya, ang unfair naman non sa kanya since kasali rin naman siya sa circle of friends namin.

Siguro naman ay wala lang sa kanya 'yung paghahalikan namin kagabi 'di ba? Mahal niya pa 'yung ex niya kaya sigurado akong simpleng momol lang 'yon para sa kanya.

Sige, i-iinvite ko na lang rin since magmu-mukhang awkward kung hindi ko siya isasama. Baka pugpugin pa ako ng mga tanong nina Cloud kung nalaman nilang hindi ko ininvite si Yael. Baka batukan pa ako non kung sakaling sabihin ko na nakalimutan kong i-invite.

"Emma, mom's asking you something. Ano? Sabog ka pa rin?" Mabilis akong napaangat ng tingin kila mommy. Lahat sila ay nakatingin sa'kin at naghihintay ng sagot. Ano ba kasi 'yung tanong? Hindi ko narinig, eh. Busy ako makipag-talo sa isip ko.

"A-Ano po 'yun?" Lalong tumaas ang kilay ni mommy. Siguradong napansin niya na hindi ko siya pinapakinggan kanina pa.

Kasalanan mo 'to, Yael. Bakit mo kasi minukbang 'yung labi ko kagabi?

"I'm asking if you already bought a dress for the anniversary, Emma."

"Uh, Cade already bought me--"

"I think it won't suit sa theme ng event, Emma. Anniversary 'di ba? Para kang mamamasyal sa bukid o kaya sa hardin 'pag 'yon ang suot mo," putol sa'kin ni Cade. Napaisip naman ako bigla. 'Yung longsleeve dress nga na 'yon ay hindi babagay sa tema ng event. Parang mamimitas ako ng bulaklak kung 'yon ang susuotin ko.

"You should buy a new one, iha. I saw your closet, wala akong nagustuhan na damit na pwede mong suotin for the anniversary," suhestiyon ni mommy. Agad naman akong napatango. Nakita ko nga kahapon na nagsisimula nang maglumaan ang mga damit ko roon.

"Sige po, aalis po ako mamaya."

"Do you need a ride?" alok ni Cade sa'kin ngunit umiling lang ako. May sarili naman akong kotse at marunong naman akong magmaneho kaya bakit pa magpapahatid 'di ba?

Matapos ng tanghalian ay agad akong umakyat sa kwarto ko. Ngayon lang ako natauhan sa itsura ko na parang ginahasa. Ang pangit pangit ko na at ang lagkit pa ng katawan ko.

Nagsisisi ako kung bakit hindi ako nag half bath gayong ang haba naman ng oras ko kagabi.

Matapos kong mag-ayos ay dumiretso na ako sa garage. Pinatunog ko ang kotse ko bago ako sumakay roon. Nagmaneho ako papuntang SM Aura dahil doon ako madalas namimili ng mga damit 'pag merong okasyong katulad na ganito.

Nang makarating ako roon ay maraming tao agad ang natanaw ko. Malamang, linggo eh. Nag ikot-ikot lang ako roon hanggang sa may madaanan ako roong boutique. Sa labas pa lang ay halatang mamahalin na ang mga benta roon sa loob.

Nang pumasok ako ay agad akong binati ng saleslady na nginitian ko naman. Maraming magagandang damit ang nakasuot sa mannequin na halatang nakakadugo ng bulsa ang presyo. Marami ring sapatos na naka-display pero wala akong balak na bumili dahil puro sapatos ang binili sa'kin ni Cade noong nasa greenbelt kami.

"Ma'am, meron po kaming fitting room doon if you want to try," nakangiting alok sa'kin nung saleslady nang makita niya akong huminto sa harap ng isang dress. Tinanguan ko siya kaya kumuha siya ng dress na kagaya non na pwede kong isukat.

Noong nasukat ko ito ay saktong-sakto lang sa katawan ko kaya kinuha ko na. Hindi na ako bumili ng kung ano-ano pa at dumiretso na palabas ng boutique. Wala naman akong planong magtagal sa mall dahil gusto kong mag pahinga sa bahay mag-hapon. Kulang na kulang pa kase ang tulog ko.

Habang nagmamaneho pauwi ay dumaan muna ako sa starbucks para bumili.

"Iced Americano, please." Agad na isinulat 'yon ng barista.

Umupo muna ako sa bakanteng upuan habang naghihintay. Maayos-ayos na naman ang itsura ko kaya hindi na ako nahihiya kung sino man ang tumingin sa'kin. Habang nagtitingin-tingin sa paligid, nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na bulto malapit sa lamesang kinauupuan ko.

It's Yael!

Pilit kong tinitingnan kung may kasama siya pero ganon na lang ang pag-bagsak ng balikat ko nang makita ko ang papalapit na bulto ni Anya sa lamesa niya. Umayos ako ng upo at nag-panggap na may dinudutdot sa cellphone. Hindi nila ako pwedeng makita. Fresh pa 'yung halikan namin ni Yael kagabi kaya hindi pa ready ang mukha kong humarap sa kanya.

Nang makuha ko ang order ko ay agad akong lumakad palabas ng starbucks, kung saan nandon banda ang lamesang kinauupuan nila. Gusto kong mag-madali pero baka mapansin ako ni Anya at ituro pa ako kay Yael kaya naman normal na lang ang lakad ko.

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa'kin 'yang rason mo, ha? Kase hirap na hirap na ako sa kakaisip kung saan ako nagkulang. Araw-araw, parang ang bigat-bigat ng dinadala ko. Sabihin mo sa'kin, Anya. Saan ako nagkulang? Pupunan ko, balikan mo lang ako." Palabas na ako ng pinto nang marinig ko ang nag-mamakaawang boses na 'yon ni Yael. Parang pati damdamin ko, gustong umiyak nang marinig ko 'yon.

That kiss from yesterday... he's just drunk. Yeah, right, Emma. He's just drunk. No false hope, Emma. Please.

Nagpatuloy ako sa paglabas at nagmamadaling sumakay ng kotse. Hindi ko muna 'yon pinaandar at tiningnan muna ang pag-uusap nila Yael at Anya mula sa loob ng kotse.

Gusto kong sabunutan si Anya nang makita kong asar niyang inagaw ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Yael.

Bakit mo siya kailangan tratuhin ng ganyan?

Maya-maya ay nakita ko ang pag-labas ni Anya sa starbucks. Naiwan doon sa loob si Yael na tila ba problemadong-problemado na iniwan siya ni Anya.

Tatlong taon na ang nakakalipas, baliw na baliw ka pa rin sa kanya.

Nag-dadalawang isip ako kung pupuntahan ko ba siya sa loob o kung aalis na lang ako at huwag nang makialam. Huminga ako ng malalim bago mabilis na binuksan ang pintuan ng kotse ko at nagmamadaling pumasok uli sa loob ng starbucks, dala-dala pa rin 'yung Iced Americano na inorder ko.

Kailangan niya ng kausap ngayon, Emma.

Nang malapit na ako sa table niya ay dahan-dahan akong naglakad. Nang makalapit ako ay hindi niya pa ako napansin nung una pero ilang segundo rin ay nag-angat na siya ng tingin. Parang nadurog ang puso ko.

His eyes are red.

He looks like he's about to cry.

"Uupo na ako, ha?" paalam ko ngunit hindi siya sumagot. Umupo ako sa harapan niya kung saan nakaupo si Anya kanina bago ilapag ang Iced Americano sa lamesa. Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang sa'kin. Maya-maya ay ibinaba niya ang tingin sa Iced Americano ko at doon ibinaling ang titig niya.

"I saw you and Anya kanina while waiting for my order..." panimula ko. Hindi pa rin siya nagsasalita at patuloy pa ring nakatitig sa Iced Americano.

Oh, how I wished I was Iced Americano.

"Uh, you can tell me anything. K-kung nasasaktan ka na, pwede mo namang ibuhos lahat 'yan. I'm here to listen naman." Parang gatilyo ang mga sinabi ko nang biglang sunod-sunod na magbuhos ang mga luha niya.

"S-She's leaving me. Iiwan niya na ako nang tuluyan. Uuwi siya ng Canada kase nandoon 'yung bagong m-mahal niya..." wala sa sarili niyang kwento. Patuloy pa rin ang pag-buhos ng luha niya habang sinasabi niya 'yon.

"Hindi ko alam kung saan ako nag-kulang. Ang laking palaisipan pa rin sa'kin kung bakit niya ako iniwan three years ago. Wala naman akong ginawa kung hindi mahalin siya. Bakit ganito 'yung isusukli niya sa'kin?" Naalarma ako nang makita kong hindi na magkamayaw sa paglabas ang luha niya. Pati paghikbi niya ay pinipigilan niya dahilan ng mahirap niyang pag-hinga.

Agad akong tumayo at niyakap siya nang nagsimula siyang humagulgol. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao pero hindi sila 'yung iniisip ko. Ang higpit ng kapit ni Yael sa braso ko na tipong doon na lang siya kumakapit para hindi matumba.

Pati ako, naiiyak na rin dahil sa paghagulgol mo. Gaano mo ba kamahal si Anya para umiyak ka nang ganito? Hindi ko alam 'yung sasabihin ko kase kahit ako, nasasaktan dahil sa pinagdaraanan mo.

Hinimas ko ang likod niya at kinuha ang panyo ko sa bulsa. Kumalas ako sa yakap niya at pinunasan ang luha niya kahit parang walang planong tumigil ito.

Ilang minuto kaming ganon ang pwesto hanggang sa kumalma siya. Bumalik ako sa upuan ko at humarap uli sa kanya. Nahikbi pa rin siya pero wala nang nalabas na luha sa mga mata niya.

"D-Do you need a ride?" alok ko. Sa estado niya ngayon, alam kong hindi siya makakapag-maneho ng maayos. Baka maaksidente pa 'to.

"Okay lang ba?" parang nahihiya pang tanong niya. Agad akong napangiti. Hindi niya naman first time sumakay sa kotse ko, bakit kailangan niya pang magtanong niyan?

"Oo naman. Saan ba ang bahay mo? Ihahatid kita."

"Sa condo ko na lang. Ayokong umuwi sa bahay na ganito ang itsura, makikita ni mama." Lumaki ang ngiti ko. Alam kong mama's boy siya, 'yon ang laging pang-asar sa kanya ni Kai, e.

Nang makalabas kami sa starbucks ay agad kong itinuro kung nasaan ang kotse ko. Nang makasakay kami ay agad kong pinaandar 'yon papunta sa kung saan ang binigay niyang address. Tahimik lang ang byahe dahil ni-isa sa'min ay walang balak mag-salita.

"Here, inumin mo. Grabe ang iniyak mo kanina, baka ma-dehydrate ka." Inalok ko sa kanya ang Iced Americano na hindi ko nainom kanina. Mabuti na lang at hindi pa masyadong tunaw ang yelo non kaya alam kong hindi pa matabang. Tinaggap niya 'yon and he mouthed "thank you" sa'kin bago ininom.

Nang makarating sa condo niya ay agad siyang bumaba ng kotse. Naintindihan ko naman 'yon, kailangan niya ng alone time para sa sarili niya. Muli, nagpasalamat siya sa'kin at niyakap ako bago pumasok sa loob ng condominium.

Nang mawala ang bulto niya sa paningin ko ay ganon na lang mag-unahan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Grabe 'yung pagpipigil ko kanina kase baka magtanong siya kung anong iniiyak ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na aalis si Anya o masasaktan dahil si Yael 'yung pinaka-naaapektuhan.

Parang gusto kong 'wag na lang umalis si Anya at magbalikan na lang sila ni Yael kahit na masakit sa part ko, 'wag lang siyang makitang ganito.

Nasasaktan ako pero hindi ko masabi. Gustong-gusto kong agawin ang pwesto ni Anya pero alam kong malabong mangyari 'yon kasi kahit anong alo ko sa kanya, hinding hindi magbabago ang nararamdaman niya para kay Anya.

To be continued...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status