Share

Kabanata 2

As expected, nang matapos ang game ay agad na pinagkaguluhan ang mga players. And of course, hindi na nakaligtas doon ang mga Kuya ni Zerina at Heaven. Masayang-masaya pa rin si Heaven habang pababa sila sa staired benches, excited na itong ma-congratulate ang kapatid at ang team nito, ang Blue Eagles.

Habang si Zerina ay lutang naman ang isipan at halos aligaga na sa gagawing pagtatapat kay Sky.

‘Zerina, you can do it!’

Huminga siya nang malalim para maikondisyon ang sarili. Nang tuluyan silang makalapit sa kinaroroonan nila Sky ay agad na ikinawit ni Heaven ang braso sa kapatid at excited na binati ito. “Congratulations, Kuya! You’re so magaling talaga!” Nginitian naman ito ni Sky at saka nagpasalamat. Pabiro pa nitong pinisil ang ilong ng kapatid.

“Ibang klase talaga iyang kapatid mo, Sky. Bilib na bilib sa iyo. Parang ikaw naman iyong nagbuhat ng game,” pabirong reklamo naman ni Ross. “Nakita niyo ba kung gaano karaming girls iyong nag-cheer sa akin kanina?” pagyayabang pa nito.

“Huwag ka nga, mas marami nga ako na-shoot na bola sa iyo, e,” sabat naman ni Jake sabay kindat kay Heaven. “Hindi mo ba ako iko-congratulate, baby?” malanding tanong nito kay Heaven.

“Hoy, teka nga lang. Off-limits itong kapatid ko, ha? Tatamaan kita ng bola, Villasis!” paninita nito kay Jake na ngayon ay tumatawa-tawa na. Halata namang nagbibiro lang ito. Si Jake din kasi ang pinakapalabiro sa kanila. At dahil palagi na rin nilang nakakasama ito ay trip na trip talaga nitong biruin si Heaven. “Saka tigilan n’yo nga ang karereklamo diyan. Loyal itong kapatid ko sa akin. Kaya huwag kayong magreklamo kung ako ang priority.”

Heaven stuck her tongue out. “Nasermonan tuloy kayo,” tumatawang sabi nito.

Napapailing na lang si Zerina sa eksena. “Itigil niyo na nga iyan. Anyway, congrats sa inyo, mga Kuya! You all did a job well done,” nakangiting bati niya.

“Thank you, Lil, sis!” nakangiting sabi ng Kuya niyang si Lucas na inakbayan siya.

Nagreklamo naman kaagad si Zerina dahil doon. “Kuya, ang pawis mo!”

"Buti pa itong si Zerina..." patutsada na naman ni Yuan.

"Che! Oo na, congrats na. Magaling naman talaga kayong lahat. Happy?" sabi naman ni Heaven na inirapan pa si Yuan.

Nagtawanan ang mga nandoon at nagpatuloy lang sa kulitan habang naglalakad sila palabas. Nang makarating sila sa may gate ng court ay tumigil sila sandali para mag-usap.

“Oh, where are we going to celebrate?” tanong muli ni Yuan.

“Ah, doon na lang tayo sa bahay namin. Mag-order na lang tayo ng makakain,” suggest naman ni Sky.

Agad namang sumang-ayon ang lahat saka nagsimula nang maglakad papunta kila Sky. Kaniya-kaniya pa rin sila nang kulitan at kwentuhan. Of course, masaya na naman sila dahil isa na namang liga ang lumipas na ang kanilang team ang nanalo.

Malaki ang subdivision na iyon, pero ang tirahan nilang mga magkakaibigan ay halos magkakalapit lang. Kompleto rin sa amenities. Bukod sa basketball court ay mayroon din doong playground and park kung saan ka pwedeng mamasyal na malapit lang din sa club house kung saan pwedeng dalhin ang ilang guest at karugtong naman ng function hall na pwedeng pagdausan ng mga events.

Karamihan ng mga nakatira doon ay mga mayayaman o may kaya sa buhay. Ang ilan ay mga pulitiko, businessman, nasa showbiz industry at iba pa. Gayunpaman, ang may-ari ng subdivision ay sinisikap na panatilihin ang peace and order at maging magkakalapit ang mga residente doon.

Ilang blocks pa ang layo ng bahay nila Sky. At habang nagkakatuwaan ang mga ito, ay pinili naman ni Zerina na magpahuli na lang para maipagpapatuloy ang pagpapakalma sa sarili at pag-iisip.

“Kuya! Kuya! I have something to ask you!”

“Ano iyon? Kalokohan na naman ba iyan, Ven?”

“Nope… Well, what do you think about Zerina?”

“Zerina? Hmm… I think she’s cute. She’s adorable and fun to be with. She’s a little shy pero maganda naman siyang ka-bonding kapag magkakasama tayo, right? And, what else? Teka, ano ba itong tinatanong mo sa akin, Ven?”

“E, basta, Kuya. Just answer all my questions, okay?”

“Do you like Zerina ba?”

“Well… ano… oo naman. She’s nice, so, I like her... and...”

“And? And what pa, Kuya?”

“And... of course, she’s also special…”

Paulit-ulit na nag-flashback sa isipan ni Zerina ang recorded voice na ipinarinig ng kaibigang si Heaven sa kaniya almost a week ago. She still couldn’t believe that Sky said he likes her and that she’s special. Pero sa lumipas na mga araw ay nagtatalo ang isip niya sa kahulugan ng sinabi nito. Hindi lang talaga niya magawang paniwalan. She just fell in love with her brother’s best friend. Sino ba namang matatahimik ang diwa kapag nalaman mong like ka at special ka sa taong mahal mo?

“Hey, Zerina, are you okay?”

Agad na naibalik ang diwa ni Zerina nang marinig ang boses na iyon. Nang lingunin niya ito sa kaniyang gilid ay may bakas nang pag-alala rito kahit pa nakangiti ito sa kaniya. Ilang metro na rin ang layo ng mga kasama nila sa kanila. At dahil nga sa pagbabaliktanaw niya kanina ay hindi niya alam kung kailan pa ito napunta sa tabi niya.

“Y-yeah… I’m okay, I’m okay,” nakangiti niyang sagot dito. Ngayong mas malapit na ito sa kaniya ay parang dumoble ang kaba niya. Para siyang pinagpapawisan ng malamig at may kung anong nagrarambulan sa sikmura niya.

“Sure ka ba? Okay ka lang?” muling tanong nito na tinanguan na lang ni Zerina. “I noticed that you’re staying behind us. Kaya binalikan kita.”

“Ahh… ganoon ba? Okay, lang ako. Don’t worry. May iniisip lang ako kanina, Sky.”

“Mukhang malalim nga ang iniisip mo, Zerina. Kanina pa kasi parang ang layo ng tingin mo.”

Nginitian lang ito muli ni Zerina saka nag-iwas ng tingin at tahimik na lang na naglakad. Pinapakiramdaman ang bawat paghakbang at ang pintig ng puso niya. Being close with this man is making her really crazy.

“Sky…” mayamaya ay tawag niya rito. Tinapunan niya muna ng tingin ang ibang kasama na ngayon ay malayo pa rin sa kanila saka ito hinarap. “May sasabihin sana ako sa iyo…”

“Sure, go on,” cool lang na sagot nito. Saka nginitian na naman siya. “Ano iyon?”

“Ahh… Sky, may… may aaminin sana ako sa iyo,” nauutal niyang sabi. Napapikit siya nang mariin at napayuko dahil doon. Kinakastigo niya ang sarili dahil sa hindi mapigilang kaba at pagkautal sa harapan nito. Nang hindi magsalita si Sky at nanatili lamang nakatingin sa kaniya ay napilitan na lang siyang tatagan ang sariling kalooban at agad na naibigkas ang gustong sabihin. “Sky, mahal kita.”

Sigurado si Zerina. Sigurado siya na ang binitiwan niyang mga salita ang tunay na nilalaman ng kaniyang puso. Matatag iyon at may paninindigan. Pero ang sagot na sumalubong kay Zerina ay puno ng pagtataka at kalituhan.

“H-ha? Anong… anong mahal? Mahal mo ako?” nakakunot ang noong tanong ni Sky. Napakamot pa ito sa sentido at saka siya tinitigan muli nang seryoso. “Mahal mo ako, Zerina?” muling tanong nito na tila naniniguro.

“Ano kasi… Sky… Oo, mahal kita.” Yumuko si zerina at saka nagsimulang paglaruan ang sariling mga daliri. Hindi pa rin maalis ang kaba niya. Nang iangat niyang muli ang paningin kay Sky ay seryoso pa ring nakatitig ito sa kaniya. “A-alam ko na rin ang tungkol sa nararamdaman mo para sa akin. That you like me… and… sorry. Matagal kong pinag-isipan kung sasabihin ko sa iyo ang nararamdaman ko. Pero… sa bawat araw na lumilipas, hindi ako pinapatahimik ng nararamdaman ko.”

“Zerina…”

“Sorry. Sorry kung napangunahan kita, Sky.”

“P-pero…”

“Nabigla ka ba sa sinabi ko?” Pinilit ni Zerina na ngumiti nang itanong iyon. Hindi niya alam kun namamanhid ba siya o talagang kahit papaano ay gumaan lang ang pakiramdam niya dahil nasabi niya na sa wakas ang nararamdaman dito. Hindi tuloy niya mapigilang mapaisip kung ano ang iniisip nito. Parang naguguluhan at nalilito pa rin kasi ito. “I understand. I know na nakakagulat ang sinabi ko.”

Nang manatili pa ring seryoso si Sky ay bigla siyang nakaramdam ng kakaiba.

'Natotorpe pa rin ba siya? O…'

Sa isang iglap ay namalayan na lamang ni Zerina na nakakulong na siya sa mga yakap nito. Sa puntong iyon ay nawala lahat ng nasa isip niya. Ang tanging alam niya lang ay masarap sa pakiramdam ang yakap ni Sky pero hindi niya magawang suklian iyon dahil para bang nanghihina siya sa kung anong dahilan. At hindi na lang niya namalayang may mga luha nang lumandas sa mga mata niya.

‘Tears of joy?’

Nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya at napansing umiiyak siya ay kumuha ito ng panyo at pinunasan ang mga luha niya.

“Why are you crying?” nag-aalalang tanong nito.

Kinuha naman ni Zerina ang panyo at siya na ang nagpunas sa sariling mga luha. “Wala ito, Sky. I’m just… I’m just happy that I finally said it.”

Nang muli siyang yakapin nito ay nagpaubaya siya. Pero agad din siyang natigilan at naplayo rito nang marinig ang sumunod na mga sinabi nito.

“I’m sorry, Zerina. I'm really sorry for this.”

‘Teka, bakit siya nagso-sorry? Is it because I am crying?’

Hindi mapigilang magtanong ni Zerina sa kaniyang isipan. At pakiramdam niya bigla ay may nagawa siyang hindi tama.

“Zerina… honestly, I do like you. I like you a lot.” Those words made Zerina smile. Mas masarap palang marinig iyon nang direkta. She remained silent though at hinayaan na munang sabihin ni Sky ang nais niya. “You’re so special to me, and I want you to know that.”

Sky reached for her hand and placed it on his chest... parang gusto na naman niyang maiyak. She thought that she might be the happiest girl at that moment. With that confession on a summer day…

But just in an instant, bigla na lang gumuho lahat ng pantasya ni Zerina. Because the next thing she knew… the man she love will be breaking her heart.

“I’m sorry, Zerina. But you can’t love me. For some reasons ay hindi tayo pwede. And… there’s someone else here... There’s someone else in my heart. Isa pa, parang kapatid na ang turing ko sa iyo. Para ka nang kapatid namin ni Heaven, kayo ni Lucas.”

Agad na binawi ni Zerina ang kamay at saka tumalikod dito. Nararamdaman niyang gusto nang mag-unahan sa paglabas ng mga luha niya. Pero hindi siya pwedeng umiyak sa harapan nito ngayon. Gustong isipin ni Zerina na nananaginip lang siya. Pero yung sakit na nararamdaman niya sa pagkakataong iyon… totoong-totoo iyon.

“A-akala ko ba, gusto mo ako? You said you like me. You said I’m special… You said…” hindi na natapos ni Zerina ang sasabihin. So, lahat pala ng akala niya, lahat ng nararamdaman niya ay guni-guni niya lang? Hindi lahat iyon totoo?

“Look, I really care for you. Pero kagaya nga ng sinabi ko, I can’t love you back, Zerina. I just simply can’t. I’m sorry.”

Marami pang gustong sabihin si Zerina. Marami pa siyang gustong gawin sa puntong iyon. Kung pwede nga lang siyang magpaka-desperada ay gagawin na niya. Pero nang makita niya ang sinseridad sa mga mata ni Sky ay alam niyang wala na talagang pag-asa.

‘Sorry daw. Pero kahit ano pang gawin niyang sorry, nasaktan na ako.'

Zerina tried to smile again as hard as she could. She also wiped her tears away. Hindi niya na hahayaang gawin pa iyon ni Sky para sa kaniya. Hindi niya na hahayaan pang malito muli dahil lang sa mga kinikilos nito. Ayaw na niyang umasa pa. She won’t let him do anything for her because she doesn’t want to be foolish ever again.

Gising na siya, gising na sa katotohanan. Ang katotohanan na hindi nito kayang suklian ang nararamdaman niya at kahit ano pa siguro ang gawin niya ay hindi na siya makikita nito nang higit pa sa isang kapatid.

Kagaya nga ng sinabi nito… he can’t just love her back. At wala na siyang ibang dapat gawin kundi bumalik sa reyalidad.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status