"Mom, nasaan si papa?" tanong ng batang si Asha.
Nakasuot ito ng pantulog habang bitbit ang malaking Doraemon stuffed toy.
Nilingon ng magandang ginang na nakaupo sa Piano bench ang anak na kinukusot ang mata at halatang inaantok pa.
"May inayos lang saglit ang daddy anak, mamaya uuwi na rin siya," sabi ng ina ni Asha at nilapitan ang anak saka binuhat ito.
"Ang tagal naman niya mama, sana umuwi na siya para tabi tayo matulog inaantok na kami ni Doraemon ko eh," maktol ni Asha sa ina.
Ngumuso pa ito at kinakamot ang pisngi, ganito ang ginagawa ni Asha kapag naiinis siya o may hindi siya nagustuhan.
Mahinang natawa ang ina ni Asha at pinanggigilan ang pisngi ng anak saka pinaulanan ng halik ang buong mukha ni Asha at humahagikhik si Asha sa ginagawa ng ina.
"Gusto mo ba tugtugan ka ni mommy?" tanong ng ina ni Asha at umupo ulit sa Piano bench saka pinaupo ang anak sa kanyang hita.
"Sige po mommy," masiglang sagot ni Asha. Ngumiti ang ina niya at nagsimula ng tumugtog.
Tumugtog ng masayang tugtugin ang ginang, bawat pindot nito sa piano ay may dalang kasiyahan at kaluwalhatian kay Asha.
Inihilig ni Asha ang ulo sa dibdib ng ina at dinamdam ang tunog ng piano habang yakap yakap niya ang stuffed toy niyang Doraemon.
Maya maya pa ay nakarinig sila ng tunog ng mga nabasag na bagay at mukhang nagkakagulo sa labas ng living room ng bahay nila Asha.
Nagkatinginan si Asha at ang kanyang ina, nakaramdam ng takot ang ina ni Asha.
"A-anak, makinig ka kay mommy. Tago ka muna doon oh," nanginginig sa takot na sabi ng ina ni Asha. Tinuro nito ang maliit ngunit tagong parte ng living room.
Kung titingnan ay para lang itong pader pero may nakatagong pindutan doon at pagbukas ay mayroong maliit na kwarto.
Nagtatakang tumingin si Asha sa ina, "Anak pasok ka muna dito sa loob ha wag na wag kang lalabas," sabi ng kanyang ina at saka siya nito ipinasok sa loob.
Natakot si Asha dahil mag-isa lang siya sa maliit na kwartong iyon, "Mama ayaw ko po dito, mag-isa lang ako," naiiyak na sabi ni Asha at hinawakan ang laylayan ng damit ng kanyang ina.
"Asha anak makinig ka, dyan ka lang sa loob wag na wag kang lalabas hanggat hindi ko sinasabi dahil magagalit ako sayo." Wala ng nagawa si Asha at tumango na lang dahil ayaw niyang mapagalitan siya kahit nagtataka at natatakot siya.
"Babalikan kita anak pangako, I love you." Namalisbis ang luha ng kanyang ina na para itong nagpapaalam sa kanya.
Ngumiti lang ang munting bata na si Asha, "Love you mommy," tugon ni Asha bago isinarado ng ina niya ang pinto.
Nang sumara ang pinto ay kadiliman lang ang nakikita ni Asha sa maliit na kwarto, pinili na lang niyang umupo malapit sa pinto.
Nakarinig si Asha ng mga kalabog at mga nabasag na bagay sa labas ng kwarto, hindi niya alam kung ano ang nangyayari at natatakot niyang niyakap ang stuffed toy niya.
Maya maya pa ay nakarinig siyang ng putok ng baril na ikinagulat niya.
Nagising si Asha na pawis na pawis sa kalagitnaan ng gabi dahil sa panaginip niyang gabi gabi na lang siyang binabangungot.
Napahilamos ng mukha si Asha at pinilit ang sarili na kumalma at paulit ulit na sinabi sa sarili na ayos lang ang lahat.
Nararamdaman niya ang panginginig ng sariling kamay na para bang nilalamig siya at pinagpapawisan ng malamig.
Pinilit ni Asha na i-distract ang sarili niyang isip sa pamamagitan ng pag-iisip ng ibang bagay, "Please, g-go away!" sigaw ni Asha at tinakpan ang sariling tainga dahil parang na stock sa utak niya ang tunog ng baril na kahit kailan ay hindi niya nakalimutan.
Maya maya pa ay biglang tumunog ang kanyang telepono na nakaagaw ng pansin niya, agad niyang sinagot ang tawag habang yakap yakap ang sarili.
"Hello Ash, this is me Jill. Sabay na tayong magpunta sa probinsiya bukas kung okay lang sayo," tanong ng babaeng nasa kabilang linya.
Unti unting kumalma si Asha ng makarinig siya ng boses ng ibang tao at mukhang na distract na siya dahil hindi na niya naririnig ang putok ng baril.
"Y-yeah, sige. Magkita na lang tayo bukas," sabi ni Asha sa kaibigan niyang nakasama niya rin sa huli niyang misyon at mukhang nagpasiya itong sumama sa kanya sa probinsiya.
"Okay, pasensiya na nagambala ko yata ang tulog mo," paumanhin ni Jill. "No, it's fine. I can't sleep anyway," sabi ni Asha at pabagsak ulit na humiga sa kanyang gabi.
Napaigik siya ng maramdamang sumakit ang likod saka lang niya naalala ang mga pasa at sugat niya sa katawan.
Sh*t, ang sakit bakit kasi nakalimutan kong may sugat ako. Pagalit ni Asha sa sarili.
"Sige Ash bukas na lang ulit, may aasikasuhin pa ako," sabi ng kaibigan saka pinatay na ang tawag.
Nakatitig lang si Asha sa kisame, alam niyang mahihirapan siyang makatulog ulit kaya bumangon na lang siya at nagtungo sa banyo.
Nang makita niya ang sarili ay namumutla ito at basa ng pawis ang buong katawan. Napapikit si Asha at hinubad ang lahat ng saplot niya sa katawan.
Asha took a cold shower, dinamdam niya ang lamig nito at hindi na ininda ang pananakit ng katawan niya.
That nightmare, so hunting her everynight. Kahit anong gawin niya ay hindi pa rin iyon nawawala sa isip niya. She just keep on dreaming about it pero ang epekto nito sa kanya ay ganun pa rin.
Nanginginig sa takot at pangungulila. Ito ang dahilan kaya mas gusto niyang natutulog sa umaga kaysa sa gabi.
Mas panatag siya sa lugar na maliwang kaysa sa madilim, pero may pagkakataon ding nagugustuhan niya ang pakiramdam na nasa madilim na lugar.
Nararamdaman niya ang haplos ng ina at ang pagmamahal nito sa kanya.
Nang matapos na siyang maligo ay agad siyang nagbihis ng simpleng White loose sleeveless shirt at denim jeans.
Tutal naman na hindi na siya makakatulog ay mag-iimpake na lang siya ng mga damit.
Sinimulan na niyang iimpake ang ilan niyang gamit. Nahagip ng mata niya ang nag-iisa niyang Doraemon stuffed toy na medyo kumupas na ang kulay dahil sa kalumaan nito.
Kinuha niya ito at hinawakan, matagal tagal na rin simula ng mahawakan at makita niya ito dahil mas pinili niyang itago ito sa sulok ng lalagyan niya ng mga damit.
That Doraemon stuffed toy has a memory of a happy memories but also has a bad memories kaya niya itinago.
Ibinalik na niya ulit ito sa dating lalagyan saka isinarado ang lalagyan niya ng damit.
Hihintayin na lang niya ang umaga kaya nagtungo siya sa kusina at kumuha ng cereal, milk, strawberry, grapes, apple, black berry, banana at cherry. Inihalo niya ang lahat ng prutas, cereal at gatas sa isang malaking mangkok.
Paborito niya ang ganitong pagkain lalo na ang gatas.
Dinala niya ito papunta sa living room saka in-on ang tv para manood ng anime.
She wants to get rid of her bad memories pero ayaw naman niyang kumunsulta sa espesyalista.
At kahit papaano ay mayroon doong masayang memorya na ayaw niyang pakawalan.
Narinig ni Asha na may nag doorbell kaya agad siyang tumayo at pinuntahan ang pinto.Pagkabukas ay agad niyang nakita si Jill na nakasuot ng all black attire."Hi Ash good morning, ano tara na?" bati ni Jill sa kanya. "Hello, good morning," bati rin ni Asha at agad kinuha ang maleta niya."Daan muna tayo sa grocery store, bibili ako ng chocolates," sabi ni Asha bago lumabas ng unit niya at isinarado ang pinto."Sure, bibili rin ako ng pang snack natin," masiglang turan ni Jill.Naglalakad na sila papunta ng elevator at kada taong madadaanan nila ay napapatingin kay Jill.Naka bad girl attire kasi ito taliwas sa mukha nitong mukhang anghel. Makulit at madaldal ito na parang hindi napapagod kakasalita.Ikinawit ni Jill ang isang kamay nito sa braso ni Asha h
Naabutan ni Asha si Rowan na sinusuntok ang punching bag habang nakasalampak naman sa sahig si Lexi.Pawisan na si Rowan pero hindi pa rin ito tumitigil, mas lalo lang nitong nilalakasan ang pagsuntok."Naglalabas ka ba ng sama ng loob?" tanong ni Asha saka pumasok sa loob. Napatingin sa gawi niya ang dalawa.Itinaas ni Asha ang supot na dala, "Chocolates," sabi na at doon ay agad lumapit ang dalawa sa kanya at basta na lang kinuha sa kanya ang supot na may lamang chocolates."Salamat Ash!" sabi ni Lexi na agad nilantakan ang mga tsokolate. Pareho ng nakasalampak sa sahig ang dalawa kaya umupo na rin si Asha sa sahig."Bakit nagba-boxing ka na ngayon? Pinayagan ka na ba ng doctor mo?" nagtatakang tanong ni Asha kay Rowan.Napatigil naman ito sa pagkain at napatingin sa mata ni Asha, bigla itong ngumisi at parang naintindihan na ni Asha ang sitwasy
Nasa biyahe na si Asha at Jill patungo sa Rizal province, nananakit na ang pwet ni Asha sa kakaupo. Halos isang oras na silang nasa biyahe at mabuti na lamang at hindi traffic dahil mas matatagalan sila.Nanood na lang si Asha ng anime movies habang tutok na tutok naman si Jill sa pagmamaneho.Habang nanonood si Asha ay bigla na lang nagprino si Jill kaya tumilapon ang telepono ni Asha, "Sh*t, Jill what happened?" agad na tanong ni Asha.Pati si Jill ay nagulat din, nang tingnan ni Asha ang nasa harapan nila ay laking gulat niya ng makita niya ang tatlong lalaki at ang kaawang awang lalaking nakahandusay na pinagsisipa at pinagsusuntok ng tatlong kalalakihan.Agad lumabas ng kotse si Asha at sumunod naman Jill. Asha gritted her teeth because of the sudden rage when she saw how does bast*rd hurting that helpless guy."Hey, stop that or I'll call the p
Pagkarating sa presinto ay agad lumabas ng kotse si Asha pero bago pa yun ay natawagan na niya ang abogado niya.Baka pati silang dalawa ni Jill makasuhan dahil sa kalagayan ng tatlong lalaking iyon.Nang makapasok sa presinto ay agad silang kinuhanan ng statement kaharap ang tatlong lalaki na bugbog sarado.“Bakit ganito kalala ang inabot ng tatlong ito? Athlete ba kayo? UFC fighters?” nagtatakang tanong ng babaeng pulis na kumukuha ng statement nila.Nagkatinginan silang dalawa ni Jill at nagkaintindihan sila sa pamamagitan lang nito. “Mga ordinaryong mamamayan lang po kami ma'am,” sagot ni Jill na namumula ang pisngi.Alam na alam ni Asha ang ganitong reaksyon, “Gusto lang po talaga naming ipagtanggol ang kapwa namin ma'am kaya ganyan ang inabot nila,” dagdag ni Asha. Pati siya namula ang pisngi sa sagot niya.“Gra
Tinulungan ni Asha si Apollo na tumayo. Nakita niya itong nakatayo lang sa gitna ng kalsada habang may paparating na truck kaya agad niya itong tinulak.“Dapat hindi ka lumalabas ng walang kasama,” nag-aalalang sabi ni Asha. Kakatapos lang nilang maglibot ni Jill at ito na naman ang naabutan niya.“Wala kang pakialam,” masungit na tugon nito habang pinapagpagan ang sariling damit para matanggal ang dumi.“Tsk ang sungit,” bulong ni Asha sa sarili. “Ano yun?” biglang tanong ni Apollo na mukhang narinig ang sinabi niya.“Huh? Ah wala yun,” sabi niya at inayos ang sarili mabuti na lamang ay hindi sumalpok ang truck sa kabahayan pagkatapos makaiwas kay Apollo.“My god Apollo! Ano bang ginagawa mo ha!” singhal ng ina nitong namumula ang tainga sa galit at pag-aalala sa anak.
Agad tumayo si Apollo at saka lang niya nalaman na nasa loob pala siya ng kwarto ng kanyang ina. Dito na siya nakatulog pagkatapos ng nangyari kagabi.Maingat siyang naglakad palabas at mabuti na lamang at hindi na siya ulit nabangga sa kahit na anong bagay sa loob ng kwarto.Agad niyang pinihit pabukas ang pinto at gaya ng ginawa niya kagabi ay dumikit ulit siya sa pader para malaman niya kung saang parte na siya ng bahay nila.Makalipas ang ilang segundo ay narinig ni Apollo ang mahinang tunog ng kanyang tiyan na hudyat na gutom na siya. Kaya nang makapa niya ang door knob ng panghuling kwarto ay agad siyang tumalikod sa pinto ng kanyang likod bago humakbang ng tatlong beses saka niya nahawakan ang hawakan ng hagdanan pababa.Napalunok si Apollo ng maalala ang itsura ng hagdanang ito. Mahaba ang hagdan at napakaraming baitang. Mahigpit na humawak siya sa hawakan ng hagdan saka humakbang ng dahan dahan.Nakita ng isang katulong si Apollo na mag-is
Pagkatapos kumain ay umuwi na lamang si Apollo kasama si Manang Fe, kailangan niyang sanayin ang sariling tainga na maging matalas sa lahat ng tunog na naririnig niya.“Naku hijo kung nakikita mo lang si Asha siguradong hahanga ka sa kanya,” pagkukwento ng matanda habang naglalakad sila pauwi. Kanina pa ito nagkukwento ng kung ano ano tungkol kay Asha.“Manang just stop talking about her,” masungit na asik ni Apollo sa matanda. Nagsisimula na siyang mainis sa dalaga kaya umuwi na lang siya agad.“Ahh sige, doon na lang muna ako sa likod bahay,” pagpapaalam ng matanda at dali daling umalis. Napahawak si Apollo sa kanyang sintido, hirap na hirap siyang matutunan ang una nitong itinuro sa kanya.It's really not easy to tell the direction of things just by hearing it lalo na kung mahina lang. Naiwan si Apollo sa living room at nag-iisip ng pwede niyang gawin para masanay niya ang kanyang pandinig.Maya maya pa ay nak
“Bakit bigla ka na lang umalis?” tanong ni Asha kay Apollo na ngayon ay nakasalubong na ang kilay.“Backing out already?” tanong ulit ni Asha ng hindi sumagot si Apollo. “How do you help him?” tanong ni Ashton na kanina pang nakatitig kay Asha.Medyo naaasiwa na si Asha sa paraan ng paninitig nito pero pinipilit na lang niyang baliwalain. “I help him to be independent as a blind man,” simpleng sagot ni Asha saka lumapit kay Apollo.“Suko ka na ba?” tanong ni Asha. Nakita ni Asha ang na dumilim ang mukha ni Apollo sa tanong niya. “No, ginagawa ko ang tinuro mo,” malamig na sagot ni Apollo.“Can just try to swallow your pride?” hindi maiwasang tanong ni Asha. Natigilan si Apollo at ibinuka ang bibig pero wala namang lumabas na salita roon.“Bud, she's pretty,” biglang sabat ni Ashton na nakasandal lang sa pader habang nakatingin sa kanila