Share

Chapter 9

Agad tumayo si Apollo at saka lang niya nalaman na nasa loob pala siya ng kwarto ng kanyang ina. Dito na siya nakatulog pagkatapos ng nangyari kagabi.

Maingat siyang naglakad palabas at mabuti na lamang at hindi na siya ulit nabangga sa kahit na anong bagay sa loob ng kwarto.

Agad niyang pinihit pabukas ang pinto at gaya ng ginawa niya kagabi ay dumikit ulit siya sa pader para malaman niya kung saang parte na siya ng bahay nila.

Makalipas ang ilang segundo ay narinig ni Apollo ang mahinang tunog ng kanyang tiyan na hudyat na gutom na siya. Kaya nang makapa niya ang door knob ng panghuling kwarto ay agad siyang tumalikod sa pinto ng kanyang likod bago humakbang ng tatlong beses saka niya nahawakan ang hawakan ng hagdanan pababa.

Napalunok si Apollo ng maalala ang itsura ng hagdanang ito. Mahaba ang hagdan at napakaraming baitang. Mahigpit na humawak siya sa hawakan ng hagdan saka humakbang ng dahan dahan.

Nakita ng isang katulong si Apollo na mag-is

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status