Share

The Illegitimate Daughter
The Illegitimate Daughter
Author: mavi

Prologue

Prologue

Nakaupo ako ngayon sa bench dito sa park habang pinagmamasdan ang mga masasayang pamilya na nagpi-picnic. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pagka-inggit lalo na't hindi ko pa naranasan ang mga ganoong bagay. 

I grew up being abandoned by my own father. Hindi niya ako kinilala bilang anak niya at kinahihiya niya ako. He is living with silver in his mouth while I'm not. Namulat na ako sa kahirapan ng buhay at kailangan ko pang magtrabaho para maipagamot ang may sakit kong nanay. 

My mom treasured me a lot back then. When she was strong and healthy, hindi niya ako pinabayaan at pinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal kahit na bunga lang naman ako ng isang mainit na gabi. 

Gamit ko ang apelyido niya, pero hindi niya ako kinikilala kailanman bilang anak niya. Ang mga kapatid ko sa asawa niya, ganoon din, ayaw nila sa akin. 

Hindi ko alam kung bakit pero parang ako pa ang nagdurusa sa lahat. Hindi ko naman kasalanan na nabuhay ako sa mundong ito ngunit parang kay aga kong nagbuhat ng mabibigat na problema sa buhay. 

Pinalis ko agad ang luha sa aking mata nang tumulo ito na hindi ko namalayan. Kailangan ko nang umuwi dahil maaga pa ako bukas sa trabaho.

Hindi pa ako tapos sa pag-aaral at waitress lang ako sa isang restaurant. Tumigil ako simula nang magkasakit si Nanay kaya kailangan kong kumayod para sa kanya. Hindi rin naman ako umaasa sa ama ko na wala namang paki sa amin. 

Natigil lang ako sa pagpalis ng luha ko nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at agad nataranta nang nakita ko ang numero ni Nanay sa screen. Agad-agad akong tumayo mula sa pagka-uupo at sinagot ang tawag.

“Nay!” sagot ko at inayos ang sarili. “Ayos lang po ba kayo? Bakit po kayo napatawag?”

Hinilot ko ang aking batok sabay baling sa kalangitan. Malapit na palang gumabi. Kailangan ko nang umuwi dahil magluluto pa ako ng hapunan namin ni Nanay. 

“A-Anak,” sagit ni Banay sa kabilang linya. “Nandito s-siya…”

Umawang ang labi ko at biglang kinabahan. Napalunok ako at saka bahagyan ding kinunot ang noo.

“Sino?” tanong ko at bumuga ng hangin. "Sino ang nandiyan, Nay?"

Nagsimula na ako sa paglalakad habang ang phone ko ay nakatapat sa kanang tainga. Pumara ako ng tricycle at saka sumakay sa loob. 

“Azura po,” sambit ko agad sa driver ng tricycle sabay baling sa phone ko. “Nay, sino po ang nandiyan?”

“Si R-Rodrigo,” garagal niyang sambit. "Nandito ang t-tatay mo…"

Napasinghap ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Si Papa? Ano ang ginagawa niya roon? Hindi ko maiwasan ang kabahan lalo na’t hindi naman siya bumibisita sa amin. Bukod sa masikip, hindi pa kagandahan ang bahay namin. Hindi nababagay ang isang katulad niya sa lugar namin.

Nang nakarating ako ay agad kong nakita ang mamahaling sasakyan na nakaparada sa may eskinita. Nakita ko pa ang dalawang lalaki na naka-shade na nakatayo sa labas ng kotse.

Nagbayad na ako sa tricycle driver at lumabas na ng tricycle. Agad-agad akong tumakbo patungo sa eskinita at dumiretso sa bahay namin.

Una kong nakita ang dalawa pang lalaki na nasa labas ng bahay namin, nakatayo. Humigpit ang kapit ko sa bag ko at hininaan ang paglalakad. Napalunok ako at hindi alam ang gagawin.

“Nandito ka na pala, Alexa. Hindi mo man lang ba babatiin ang iyong ama?” nakangising sambit ni Papa nang tuluyan na akong nakapasok. Nakaupo siya sa maliit naming upuan sa masikip namin na sala

Nakita ko si Mama na nakatayo sa gilid kaya agad-agad ko siyang dinaluhan at inalalayan.

“Nay, bakit ka nakatayo?” nag-aalalang tanong ko. “Doon ka na lang sana sa kwarto.”

Pagod na ngumiti siya sa akin. “Pasensya ka na anak. Nagulat ako na bumisita si Rodrigo kaya kailangan ko siyang asikasuhin,” ani Nanay sabay iwas ng tingin sa akin.

Hindi ko maiwasan ang mainis sa lalaking nakaupo sa upuan namin. Para siyang hari na nakaupo ng salapi. Hindi ko akalain na bibisita siya rito at hindi ako tanga para hindi malaman ang pakay niya.

Hindi naman siguro siya bibisita sa masikip na lugar kung wala siyang pakay sa amin. Sigurado akong meron.

“Ano po ang ginagawa niyo rito?” tanong ko sabay baling sa kanya. “Hindi naman siguro kayo pumunta rito para kumustahin kami, ‘di ba? Wala naman po kayong pakialam sa amin.”

Ngumisi si Papa at hinubad ang kanyang shade. Umiling siya at humalukipkip. Binalingan niya si Nanay.

“Mukhang hindi mo man lang tinuruan ng tamang asal ang anak mo, Alejandra. Hindi man lang marunong rumespeto sa akin. Mabuti na lang talaga at hindi kita kinikilala na anak. Nakakahiya ka maging Monteverde," umiiling-iling niya na sambit sabay ngisi. 

Parang tinusok ng karayom ang puso ko sa narinig. Hindi ko akalain na mas masakit pa pala kapag sa mismong harap mo na maririnig.

“Rodrigo, huwag ka namang ganiyan sa anak ko. Anak mo pa rin naman siya,” si Nanay sabay hawak sa braso ko. Napalingon tuloy ako sa kanya. 

Mahinang humalakhak si Papa at tumayo. “Alejandra, huwag kang mapagbiro. Ma-swerte pa rin naman siya dahil dala-dala niya pa rin ang apelyido ko. Mabuti nga at pumayag ako, hindi ba? Karangalan na iyon lalo na’t kilalang-kilala ang apelyido ko.”

Kumuyom ang kamao ko. Gusto kong kilalanin niya ako bilang anak niya, pero kung ganito lang din naman ay huwag na lang.

Binalingan ko siya at saka binigyan ng masamang tingin. “Kung wala na po kayong sasabihin, puwede na po kayong umalis.”

Umawang ang labi niya at nagulat sa sinabi ko. Nanatili ang tingin ko sa kanya at ang kanyang pagkagulat ay napalitan ng isang pilyong ngiti.

“Hindi ko akalain na kaugali kita, Alexa,” aniya at bumalik sa pagka-upo. “Kaya ako nandito kasi may kailangan ako sa inyo, lalo na sa ‘yo.”

Sabi na eh…

“Kung ano man iyan, wala na po kaming paki. Umalis na po kayo at huwag na po kayong bumalik!” pagtataboy ko.

Maayos na sa akin kung hindi man niya ako kilalanin. Nandito pa naman si Nanay sa tabi ko. Hindi ko kailangan ng amang katulad niya.

I am his illegitimate daughter. Ayaw niya sa akin dahil madudungisan ang pangalan niya. Ayaw niya sa ‘kin kasi nakakahiya ako.

Sa totoo lang, gusto ko na kilalanin niya ako. Gusto ko rin maranasan ang magkaroon ng ama. Gusto ko rin maranasan ang magkaroon ng magandang buhay katulad ng mga kapatid ko.

Gusto kong maranasan ang pagmamahal ng isang ama na kailanman ay hindi ko naranasan. Pero ngayon, ako na mismo ang nagtataboy sa kanya palayo. We don’t need him. Wala na siyang karapatan sa amin dahil inabandona niya kami, inabandona niya ako.

“Ayaw mo bang kilalanin kita bilang anak ko?” tanong niya sabay haplos sa kanyang baba. “Ayaw mo ba maging parte ng pamilya ko?”

Natigilan ako at naramdaman ko ang mahigpit na hawak sa akin ni Nanay. Napatingin tuloy muli ako sa kanya. Nakita ko ang pag-asa sa kanyang mga mata. Hindi ko tuloy siya maintindihan.

Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy siya.

“Actually, narito ako para sabihin sa iyo na kikilalanin kita bilang anak ko. Ipapakilala kita sa mga kamag-anak ko, sa lahat. Mararanasan mo ang buhay na mayroon ang mga kapatid mo,” aniya sa tono ng mapagkombinsi.

Kumunot ang noo ko at biglang nalula sa kanyang sinabi.

“Pero…” Huminto siya sabay ngisi sa amin. “May kondisyon…”

Naibagsak ko ang balikat ko sa narinig. Kilalanin niya ako pero may kondisyon? Ano pa ba ang aasahan ko sa isang katulad niya?

“Kailangan mo munang magpakasal…”

Namilog ang mata ko at napalayo kay Nanay. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Ako? Magpapakasal? Kanino?

“In that way, you will be part of our family…” Ngumisi siya ng nakakaloko at inabot ang folder mula sa kanyang tauhan.

Umiling ako at saka galit siyang tiningnan. “Hindi ako magpapakasal! Hindi bali nang hindi niyo ako kilalanin bilang anak ninyo,” ani ko sabay tiim-bagang.

“Talaga?” Binalingan niya si Nanay. “Alejandra, alam ko naman na pangarap mo na kilalanin ko ang anak mo bilang anak ko, hindi ba?” Lumipat ang mata niya sa akin. “At hindi lang ‘yon, ipapagamot kita kapag gagawin ng anak mo ang gusto ko.”

Sumikip ang dibdib ko at gusto ko nang umiyak sa inis at galit. Kung gusto niya akong kilalanin, wala sanang kondisyon. Kung gusto niya ipagamot si Nanay, wala sanang kondisyon.

“Makakaalis din kayo sa squatter na ito kapag tinanggap at gagawin mo ang gusto ko,” si Papa sabay lapag sa lamesa ng isang folder. Naibaba ko ang tingin ko roon. “May pera pala ako riyan. Pag-isipan mong mabuti. Babalik ang tauhan ko rito bukas upang kunin ka at dalhin sa bahay.”

Napaupo ako sa sahig nang nakaalis na si Papa at ang kanyang mga tauhan. Tuluyan nang tumulo ang luha sa aking mata. Dinaluhan ako ni Nanay at yumakap.

“Anak…Masaya ako na bumisita ang Papa mo. Kikilalanin ka na raw niya bilang anak niya…” sambit ni Nanay habang nakayakap siya sa akin. “Isa ‘yon sa pangarap ko anak, ang tuluyan kang kilalanin ni Rodrigo. Kahit papaano, mapanatag ang loob ko, bago man lang ako mawala sa mundong ito—”

“Nay!” Humiwalay ako sa kanyang yakap at napasinghap. “H-Huwag mo namang sabihin ‘yan!”

Mas lalong bumuhos ang luha sa aking mata. Hindi naman malubha ang sakit ng Nanay ko pero kung makapagsabi siya ay para na siyang mamamatay. Kailangan niya lang maoperahan para maging maayos. Kailangan niya ng kidney transplant at magiging maayos na siya.

Hinaplos ni Nanay ang pisngi ko at pinalis ang luha na dumadaloy sa aking pisngi.

“Anak…” Matamlay siya na ngumiti sa akin. “Hindi ako naging mabuting ina sa ‘yo. Hindi kita nabigyan ng kompletong pamilya, kaya ang marinig mula kay Rodrigo iyon ay isa nang karangalan anak…”

“N-Nay…” Umiling ako at halos magmakaawa sa kanya.

“Kaya anak, tanggapin mo na. Hindi na kailangan na ipagamot ako. Nasisiguro ko naman na mararanasan mo ang marangyang buhay kapag kilalanin ka niya at ng pamilya niya. Huwag mo na akong alalahanin…”

Tumatak sa isip ko ang sinabi ni Nanay. Oo, gusto kong kilalanin niya ako bilang anak niya. Pero hindi sa gano’ng paraan.

Naitanong ko tuloy sa aking sarili. Mahirap ba akong tanggapin? Nakakahiya ba talaga ako? Nakakahiya ba talaga ang pagiging anak sa labas?

Pinunasan ko ang luha sa aking mata at inayos ang kumot ng aking higaan. Kailangan kong pag-isipan dahil bukas na bukas ay kailangan ko nang magdesisyon.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
grabe mqy ganung klase ng ama kilakanin lamang sya kung tatanggapin nya ang kondisyon ng sinasabing ama nya
goodnovel comment avatar
Erden Elenoa
That’s confusing sabi “she is treasured by her mom taz sumunod na paragraph she doesn’t acknowledge her and her mom’s other kids(with her husband)???
goodnovel comment avatar
Nwachukwu Austine Pascal
what type of novel is this?is it an English or Hindi
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status