Chasing The Love
Chasing The Love
Author: loquaciouspenwp
Prologue

00

~

Buong byahe ay umiiyak lang ako hanggang sa mapagpasyahan ko na mag pababa sa isang parke, no'ng una ay ayaw pa ng driver na ibaba ako dahil nag aalala siya at baka daw kung anong mangyari sa akin ngunit sa huli ay pumayag din siya dahil sinabi ko na mag tetext ako sa kaniya kapag ako ay nakauwi na.

Umupo ako sa isa sa mga swing dito at dahan dahan na itinulak ang aking sarili, mabagal naman itong umandar.

Habang ako ay nagmumuni muni dito ay nararamdaman ko ang mga maliliit na patak ng ulan kasabay din nun ang pagtulo nang mga luha ko, mga ilang sandali pa ay lumakas na ang buhos nito.

"Bakit? Bakit lahat sila iniwan ako mag isa dito!? Bakit? Anong ginawa ko!? Bakit galit na galit sa akin ang mundo?" sigaw ko sa gitna nang ulan.

Tumayo ako sa swing at tumingala sa langit. Pinalo-palo ko ang aking dibdib na para bang hindi na ito tumitibok at kailangan nang irevive.

“Napaka wala mong kwentang puso ka! Bakit tibok ka nang tibok sa maling tao! Bakit kasi gano'n ei!?” Paninisi ko pa dito.

Tinakpan ko naman ang aking bibig para mapigilan ko ang kumakawalang hikbi na nanggagaling sa aking bibig.

"Wala naman akong ginawang masama... gusto ko lang naman sumaya... Gusto ko maramdaman yung pagmamahal... Gusto ko maranasan nang minamahal... Pero bakit? Bakit ganito kalupit ang tadhana saakin!? Bakit!?" Mahinang sabi ko naman atsaka niyakap ang aking sarili dahil na din sa lamig. 

“Bakit pa ba ako pinilit na mabuhay ng mga magulang ko kung ganito lang din ang gagawin nila sa akin? Nasaan ba kasi sila!? Bakit walang nag mamahal, nag mamalasakit sakin?Bakit wala akong maramdaman na pagpapahalaga sa akin? Bakit?”

Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa aking mga mata at dahil nairita na ako dahil hindi ito tumitigil ay sinimulan ko nang sabunutan ang aking sarili.

"Ha! I'm tired! I'm tired chasing that f*cking love! I'm tired of seeking that love! I'm tired, I'm tired!" Muling sigaw ko at biglang umupo at niyakap ang sarili ko atsaka muling humagulgol.

 Medyo nahihilo na rin ako dahil na siguro sa pagod, lamig na dulot ng ulan at sa sakit na aking nararamdaman ngayon.

"I'm tired... I'm sleepy... I want to rest... I want it to end... I want to reach the end.. I'm tired… So tired."

Ipinikit ko ang aking mga mata at tumingala at dinama ang mga patak ng ulan na tumatama sa aking mukha. Do I deserve a happy ending? Do i? if i do… bakit di ako mabigyan bigyan ng sumusulat ng buhay ko ng masayang katapusan. bakit? Bakit?

Ilang minuto pa ang lumipas ng maramdaman ko na ang panghihina nang aking katawan at ang pagbigat ng mga talukap ng aking mga mata. Napangiti naman ako bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman. I think this is the end…

“Wow naman, ganda nang office natin ah.” Napatigil naman ako sa pag iisip nang biglang may magsalita sa may pintuan ng aking opisina. 

“Ano na naman ginagawa mo dito? Manggugulo ka nanaman noh?” Inis na tanong ko dito.

Bigla naman siyang napahawak sa puso nya na para bang siya ay nasasaktan. 

“Ay, ang sakit mo naman magsalita Aicelle. Parang hindi kita minamahal ah.” Umiling iling naman ako at ngumisi sa kanya. Lumapit naman sya at umupo sa upuan na nasa harap ko. 

“Alam ko ‘yang sasabihin mo,” Nakasimangot na sabi nya.

Tumawa naman ako dito at muling umiling iling dito.

“Alam mo kasi Beau, ‘bat mo ginawa yun? Ang shunga shunga mo.”

Sumimangot naman siya saakin at umiwas nang tingin. 

“Mahal kasi kita…” mababang boses na sabi nya.

Ilang segundo ko siyang tinitigan pagkatapos ay bahagya akong humalakhak. 

“Ngayon ba?” tanong ko rito.

Umiling iling naman ito at ngumisi sa akin.

“Ikaw b-”

Hindi na nya natapos ang sasabihin nya nang tignan ko sya nang masama.

“Alam mo ikaw, kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka nalang ah,” inis na sabi ko rito.

Tumatawang lumapit ito saakin at niyakap ang ulo ko, dahil nasanay na ako na lagi nya itong ginagawa ay yumakap na lang din ako sa kaniyang bewang. 

“Asar talo ka pala ei,” sabi pa nito habang siya ay tumatawa. 

“Pero seryosong tanong,” sabi nito at hinawakan ang ulo ko at inilayo sa kanyang bewang.

“Hmmm?”

Tinignan ko naman ang mga mata niya habang nag aantay ng sasabihin niya. 

“Paano kung bumalik siya?"

Napatawa naman ako sa tanong nya.

“Ano ka ba? Imposibleng mangyari yan. Ako na nagsasabi sayo,” natatawang sabi ko rito.

Hindi naman siya nag salita at tinitigan niya lang ako, ilang segundo rin kaming nag titigan bago ito muling nag salita.

“Pero paano kung mag bago ang takbo ng ihip ng hangin at bumalik siya?”

Nag iwas naman ako nang tingin sa kanya at bahagyang napaisip, paano nga kung bumalik siya? 

“Ano?” muling tanong nito saakin.

Napabuntong hininga naman ako at muling tumingin sakanya. 

“Edi bumalik siya, masaya na ako sa buhay ko. Hindi ko na siya kailangan.” Tinitigan lang ako ni Beau at tumango. 

“Sige… sabi mo eh.”

Sinamaan ko naman siya nang tingin dahil pakiramdam ko ay hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko. Tinawanan naman ako nito at tumingin sa kanyang relo na nakasuot sa kanyang braso. 

“Ay oo nga pala Aicelle, una na ako ah. May appointment kasi ako ngayon eh,” pagpapaalam nya saakin. 

“Sige sige, ingat ka ah,” sabi ko naman dito.

Tumango naman ito at nag lakad na papunta sa pintuan. Tinignan ko lang siya hanggang sa makaalis siya. Nang tuluyan na siyang makaalis ay ipinagpatuloy ko na ang akong trabaho, tinawag ko din ang aking sekretarya para tanungin kung ano na ang balita sa kukuhanin namin na supplier ng alcohol at iba pang beverages para sa party na gaganapin sa susunod na buwan. 

“Ma’am, His secretary said that her boss wants to talk to you personally."

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ng aking sekretarya dahil sa tagal na namin na supplier siya ay ngayon lang niya hiniling na makipag usap saakin at madalas na ang aming mga sekretarya lang ang nag uusap. 

“Oh, why? Diba dati kayong dalawa lang ng secretary ni Mr. Wang ang nag uusap?” tanong ko pa rito.

Napakamot naman ito ng batok dahilan para mag taka ako.

“Ma'am, I'm really sorry, i forgot to inform you that we changed our supplier,” kinakabahan na sabi naman nito saakin. 

“Ha? Why do we need change?” tanong ko dito.

Muli naman niyang kinamot ang kanyang batok bago siya sumagot.

“Ma’am kasi daw po lahat po ng supply nila ngayon ay nakareserve na at sabi po ng secretary ni Mr. Wang next month pa po sila matatapos sa paggawa ng mga alcohol na nakareserve na at hindi na po iyon makakaabot sa party na gaganapin sa susunod na buwan” paliwanag ng secretarya ko.

Hinilot ko naman ang sintido ko at tumango sa kanya. 

“So who is our new supplier?” tanong ko rito.

Tumingin naman siya sa papel na hawak niya na sa tingin ko ay hinahanap niya ang pangalan ng aming bagong supplier.

“Uhmm… Falkerath… Company… yes po, Falkerath Company po.”

Napakunot naman ang nuo ko dahil sa isang pamilyar na bagay. Falkerath… pamilyar ito sa aking pandinig.

“Kailan ang meeting naming dalawa?” Tanong ko rito.

Muli naman niyang tinignan ang papel na hawak niya at sinabi saakin ang nilalaman nito.

“Tomorrow po ma’am, 10:00 am at the Isla Restaurant.”

Tumango naman ako dito at bago siya umalis ay may iba pa siyang ipinaalala saakin. 

Nagmamadali ako ngayon na naglalakad papunta sa aking sasakyan dahil nahuli ako nang gising, hindi nag alarm ang aking alarm clock kaya 9:28 am na ako nagising at malapit na akong mahuli sa 10:00 am meeting ko kay Mr. Falkerath.

Dahil na rin sa traffic ay mas nahuli ako sa usapan namin at 10:23 am na ako nakarating sa restaurant na napag usapan namin. 

Dali dali akong nag tanong sa waiter para malaman ang table na ipinareserve para saamin, agad din naman niya akong sinamahan patungo dito at habang papunta kami doon ay tanaw ko na ang isang lalaki na nakasuit na nakaupo duon. Hindi ko makita ang mukha nito dahil ito ay nakatalikod mula sa kinaroroonan ko. 

“I’m sorry for being late Sir,” paghingi ko nang paumanhin nang nasa likod na niya ako.

Agad akong umupo sa harap niya at siya naman ay itinaas ang tingin sa akin. 

“It's ok,” sabi nito.

Ako naman ay nanlalaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang kaharap ko ngayon.

“Laurence!?” hindi makapaniwala na saad ko.

Ngumiti naman ito na tila ba ay nasasabik na ako ay makausap.

“It's nice to see you again, Love.”

 Mukhang nagbago nga ang ihip ng hangin.   

~~

Work of fiction.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status