Share

01

CHAPTER 1 

“Good morning My, morning Da,” bati ko naman sa mga magulang ko nang makababa ako galing kwarto.

“Good morning anak,” bati naman ni mommy pabalik sa akin.

Ngumiti naman ako at lumapit sa kanila ni Daddy. 

“Good morning baby,” bati din sa akin ni Dad.

Hinalikanko sila sa kanilang mga pisngi bago ako umupo sa aking upuan. 

 “Kumain ka na para maaga kang makapag ayos.”

Tumango naman ako kay Mommy at nag simula nang kumain. Habang kumakain ako ay pinagmamasdan ko lang sila na nagyayakapan.

“Sana lahat sweet,” pang aasar ko pa sa kanila.

Tumawa naman sila at umiling iling. 

Nang matapos na ako sa pagkain ko ay agad akong nag paalam at umakyat sa aking kwarto para makapag handa na sa aking pag pasok sa eskwelahan.

I'm currently a 3rd-year student, and I'm taking Fashion Design and Marketing sa isang sikat na paaralan dito sa Manila. 

Nang matapos na ako sa sa pag aayos ay tinign ko ang aking buong katawan sa isang full length mirror na nasa aking kwarto.

I’m wearing black stripe square pants and white chiffon tank tops, for the shoes, I wear white sneakers.

Naglagay naman ako ng konting pulbo sa aking mukha at lipgloss sa aking maninipis na labi, inilugay ko naman ang aking mahabang itim na buhok at nag suot ng maliit na clip para hindi mapunta ang aking mukha ang hibla ng aking buhok.

Muli akong tumingin sa salamin at nang makita ko na ayos na ang aking itsura ay kinuha ko na ang ID at bag ko at bumaba na. 

“Bilisan mo, halika na dito pababa na,” rinig kong sabi ni Daddy habang ako ay pababa ng hagdan.

“Teka lang kasi, napaka ano mo naman kala mo-”

Hindi naman na natapos ni mommy ang kanyang sasabihin nang makita niya na ako.

“Ano pong pinag uusapan nyo?” tanong ko naman sa kanila.

Umiling naman silang dalawa at bahagyang ngumiti sa akin.

“Aalis ka na ba anak? Tawagin mo na si manong para maihatid ka na niya,” pag iiba nang usapan ni mommy. 

Hindi ko na inisip pa kung ano ang pinag uusapan nilang dalawa at sinunod nalang ang utos ni mommy.

Masaya akong nag paalam sa kanila bago umalis. Habang nasa byahe ay kausap ko ang kaibigan ko na si Isla, ang sabi niya ay iintayin niya ako sa labas ng school para sabay na kami papunta sa kanya kanya naming building.

Nang makarating kami sa school ay agad ko siyang nakita na nakaupo sa bench dito.

“Tara?” sabi ko dito nang makalapit ako sa kanya.

Agad naman niyang inayos ang gamit niya at tumayo na. 

“Sikat ka talaga noh, lahat nalang ng tao dito ay napapatingin sayo tuwing dumaraan ka,” Manghang sabi ni Isla sa akin.

Ako naman ay nahihiyang ngumiti at umiling iling.

“Hindi kaya, baka ikaw yung tinitignan nila?”

Umirap naman ito sa akin at hinila ang aking braso at niyakap ito. 

“Alam mo, sinong hindi maiinggit sayo halos na saiyo na ang lahat.”

Tumingi naman ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.

“Hindi naman, walang taong perpekto,” pagtanggi ko sa pahayag niya.

“Anong hindi? Una meron ka kayang kumpleto at mapagmahal na pamilya, pangalawa mayaman kayo oh diba. Sa physical appearance mo naman napakaperfect mo. Maliit na mukha, matangos na ilong, makapal na kilay, singkit na mata at marami pang iba. Oh diba, mahal na mahal ka ni Lord.”

Napabuntong hininga naman ako at inirapan siya. 

“I still have flaws, so I’m not perfect,” giit ko pa rito. 

“Sana all,” bulong pa nito. 

“Kung makasana all ka ah parang wala ka nang mga binaggit mo eh halos ni-didescribe mo na nga ‘yang sarili mo.”

Ngayon ay siya naman ang umirap sa akin.

“I don’t have a perfect family,” mahinang sabi niya.

Napatahimik naman ako dahil do’n. Tahimik lang kami hanggang sa makapunta kami sa kanya kanya naming building.

Isla is taking business management at iba ang building ng department niya sa department ko.  

Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa building ko, mag kalapit lang ang building naming dalawa pero mas nauuna ang building ko at kasunod naman nito ang sa kaniya. 

“Sige na Isla, una na ako ah,” paalam ko dito.

“Sige sige, see you later.”

Tumango naman ako sa kanya at umakyat na sa hagdan para makapunta sa room ko. Mabilis ko namang nahanap ang room ko dahil sa guide na kasama nang schedule ko, agad akong pumasok dito at umupo sa gitnang bahagi.

Ilang minuto pa ang aking inantay at dumating na din ang prof namin. Hindi agad kami nag discussion dahil unang araw pa lang naman, ang ginawa namin ay ang mga madalas na ginagawa sa unang araw nang eskwela.

Nagpakilala kami at nagbigay ng index card sa kanya, siya naman ay nag discuss ng mga gusto niya at ayaw sa isang estudyante at nidiscuss niya.

He’s my professor for my Fashion Illustration subject for this semester.

Lumipas ang oras ay natapos na ang klase naming ngayong umaga, agad akong bumaba at umupo sa bench na malapit dito sa building namin para intayin si Isla para sabay na kaming mag lunch. Kumuha muna ako ng libro para hindi mainip.

“Uy, sorry medyo natagalan ako ah.”

Napaangat naman ang tingin ko kay Isla nang magsalita ito.  

“Hindi ayos lang, hindi pa naman ako gaano katagal dito.” Tumango naman ito at ngumiti sa akin.

“Tara lunch na tayo,” pag aaya ni Isla. Agad ko namang inayos ang aking mga gamit at sabay na pumunta sa cafeteria dito sa campus.

“Kilala nyo ba si Mr. Vasquez?” 

“Yun ba yung sa Vasquez Corporation?”

“Oo, siya nga!”

“Oh ano meron dun?”

“Bali-balita nakikita daw siya na may kasamang babae.”

“Ha? Baka asawa niya lang yun? Ginagawan agad ng issue.” 

“Yun na nga ang issue! Diba syempre sikat din si Mr. Vasquez, syempre kilala din yung asawa no’n at yung nakita nila na babaeng kasama ni Mr. Vasquez ay hindi niya asawa!”

Agad naman akong napatingin sa dalawang babae na nag chichismisan sa isang table na malapit sa amin.

“Ha? Baka naman anak niya yun? Diba may anak din siyang babae? Alam ko dito yun nag aaral eh.”

“Hindi rin. May picture na kumalat eh pero agad din ‘yong nawala.”

Nawala na ang atensyon ko sa dalawang babaeng nag chichismisan dahil ibinaba na ni Isla ang pagkain na binili niya, siya ang nag prisinta kanina na bumiili ng pagkain namin at ako naman ang nag hanap ng upuan.

“Hoy! Kanina pa kita nakikita na nakikinig sa usapan nila ah, nakikichismis ka noh?” 

Agad ko namang hinampas si Isla dahil sa sinabi niya.

“Aray!” 

“Hindi ako nakikichismis! Nakikinig lang ako dahil kilala ko yung pinag uusapan nila,” pagtatanggol ko pa sa sarili ko. 

“Oh, edi nakikichismis ka nga.” 

Inirapan ko naman siya at nag simula nang kumain. 

“Eh? Gan’on ba? Naku kawawa naman pala yung pamilya niya.”

“Sinabi mo pa…”

Muling natigil ang pakikinig ko dahil biglang may umupo sa harap ko at kung saan din banda nakaupo si Isla.

“Beau, hi,” pagbati ko rito.

“Hello Aicelle, paupo ah,” saad nito.

Tumango naman ako rito at nag patuloy na kumain.

“Ay nakalimutan ko, ito pala si Isla, at Isla ito pala si Beau,” pag papakilala ko sa kanilang dalawa.

Ngumiti at tumango naman si Beau habang si Isla ay tumingin muna kay Beau bago tumingin sa akin.

“Yeah, we know each other,” nakangiting saad nito. 

“Ah, kaya pala Beau tabi ka agad kay Isla ah. Yiee, ship ko kayo,” pang aasar ko sa kanila.

Sumimangot naman si Isla sa akin at inirapan ako habang si Beau naman ay masamang tumingin sa akin. 

“Kawawa naman pala si Aicelle, cheater yung Daddy niya.”

Nag pantig naman ang tenga ko dahil do’n. Agad akong lumingon sa kanila at siguro ay hindi pa nila na papansin na nakatingin ako sa kanila dahil patuloy pa rin sila sa pag kukwentuhan. 

“Yes girl, I pity her.” 

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at akmang tatayo ngunit agad akong pinigilan ni Isla sa pamamagitan ng paghawak nito sa kamay ko.

“Aicelle, hayaan mo muna,” mahinang sabi ni Isla.

Agad ko namang inalis ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko at padabog na umupo.

“Isla no’ng una pinapabayaan ko sila pero sumosobra na sila!” mahina pero may diin na sabi ko sa kanya.

Parehas sila ni Beau na nakatitig lang sa akin na para bang nag aabang ng susunod kong sasabihin. 

“Isla, Beau… my father is not a cheater,” paiyak na sabi ko.

Agad namang lumapit sa akin si Isla at niyakap ako, si Beau naman ay hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. 

“We know… we know Aicelle, hindi ‘yon magagawa ng Ama mo… alam namin yun,” bulong ni Isla sa tenga ko.

Pinag titinginan na kami ng tao dito sa cafeteria, nawala na rin ang nagbubulungan na babae kanina.

“We’re always here for you, ah. Ipagtatanggol ka namin sa mga chismosang hipon diyan sa tabi tabi,” Nakangiting sabi sa akin ni Beau. 

“Thank you, thank you…”

Hindi ko na natapos ang pagkain ko kaninang lunch dahil nawalan na din ako nang gana kumain. Mabilis lumipas ang oras at ngayon ay tapos na ang klase at uwian na. Agad kong inayos ang aking gamit at lumabas na. Sa pag labas ko ay mainit pa rin ang isyu ng tatay ko dito sa campus. 

Sikat ang pamilya ng Vasquez sa dahil sa pagiging magaling na negosyante sa buong asya at ngayon ay sinusubukan na makapasok sa bahagi ng America. Kilala rin ang aming pamilya sa pagiging perpekto at mapagmahal na pamilya dahil sa panahon palang ng Grandparents namin ay makikita mo na kung paano mag mahal ang isang Vasquez.

Habang naglalakad ako pababa ay hindi ko maiwasan na mailang dahil sa mga taong nagbubulungan habang nakatingin sa akin.

Yumuko nalang ako habang naglalakad para hindi ako gaano mailang ngunit habang patagal nang patagal ako nag lalakad dito ay palakas ng palakas ang bulungan nila.

“Diba siya yung anak no’ng cheater na trending ngayon?”

“Oh yes, the unica hija of the Vasquez family.”

“I pity her, mag isa na nga lang siya masisira pa pamilya nila.” 

Agad naman akong napalingon sa nag sabi no’n at agad itong nilapitan.

“Hindi masisira ang pamilya namin!” Galit na sabi ko rito. 

“Your Dad cheated on your mom. Sa tingin, mo ano na ang kasunod? Spoil na kita kung ano ang kasunod ah… your family will ruined!” pang aasar pa nito. 

“No! You know nothing about our family, so stop meddling in our lives!” sigaw ko sa kanya habang unti unting pumapatak ang mga butil ng luha ko. 

“I know everything. It's all over the internet!” giit pa nito.

“Not everything on the internet is true! Wala alam ‘yang pesteng internet na yan ang meron ako o kung ano ang nangyayari sa amin!” paglaban ko pa. 

“No -” 

Hindi ko na narinig ang sasabihin niya nang may mag takip ng mata ko at hinatak ako palayo ro’n kung nasaan ako.

A manly scent, iyon ang unang unang napansin ko dito… amoy vanilla… ang sarap amoy-amuyin.

 Ngayon ko lang din naramdaman na pinaikutan na pala kami ng mga tao na nakikichismis sa sagutan namin no’ng babaeng chismosa na gumagawa ng fake news. 

“Si Laurance ba yun?”

“Oo nga siya nga! Ano namang ginagawa niya dito?”

“Baka may kinuha lang sa office?”

“Oh, ‘bat siya andito sa building natin?”

‘Yon ang mga narinig ko na bulungan ngayon habang pababa kami. Sinubukan ko namang tanggalin ang kamay na may panyo na nakatakip sa kamay ko ngunit mas lalo niya pa itong idiniin nang bahagya para hindi ko ito matanggal.

Nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang bewang ko, uupo sana ako para makawala sa pagkakahawak niya ngunit agad kong naramdaman na nasa hagdan pala kami at pag ginawa ko yun ay mahuhulog kaming dalawa. 

Nang makababa kami ay agad na niya akong binitawan at tinanggal ang kamay niyang nasa aking mga mata.

Pumikit pikit naman ako para maiadjust ko ang aking mga mata sa liwanag, nang maka-adjust na ang mata ko ay agad akong tumalikod para makita kung sino ba ang taong nag baba sa akin dito ngunit nag taka ako dahil wala na ito sa likod ko.  

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung sino yung taong nag baba sa akin sa building na ‘yon. Nasa sasakyan na ako at pauwi na. Maraming tanong sa aking isipan lalo na ang issue kay Daddy. I know my dad. He can’t do that, and He loves my mom so much he loves our family.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa bahay. Agad kong kinuha ang mga gamit ko at tumakbo palabas ng sasakyan, kating kati na ‘kong malaman kung totoo ba ang mga paratang nila sa ama ko.   

Agad naman akong napatigil sa pag takbo nang marinig ko ang mga sigawan na nanggagaling sa loob.

“Ano ba naman yan Alejandro! Bakit hindi ka nag iingat? Paano pag nalaman ng anak mo ‘yang ginagawa mo? Alam mo ang sakit sakit na! Nasasaktan na din ako sa paulit ulit na ganyan mo!”

“Bakit kasi hindi na lang natin sabihin kay Aicelle ang totoo? Mas lalo siyang masasaktan sa ginagawa mo Amanda! Please, palayain mo na ako Amanda...”

 “Paano ako?”

“Please, hindi na natin maibabalik ang dati… ako ang may kasalanan dahil nagsawa ako,”

“Maghiwalay na tayo… palayain mo na ‘ko,”

“Anong ibig sabihin po nito?” umiiyak na tanong ko sa kanila nang makapasok ako sa bahay.

“Anak...:”

~~

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
GirlInBlue
Can't wait na matapos ang story na ito😍😍 at ang ending
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status