Share

04

CHAPTER 4

“Wala bang gabi na hindi ako iiyak?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin at pinagmamasdan ang mga luha na tumutulo.

Mas lalo ko pang niyakap ang unan na hawak hawak ko at ibinaon ang aking mukha roon. 

“I’m tired,” sabi ko sa gitna ng aking mga hikbi. 

Muli ko naman inangat ang aking ulo at tumingin sa salamin, ngumiti ako habang ang mga luha ko naman ay patuloy na tumutulo. 

“No no, you can’t be tired… but if you are really tired, go rest. It will be fine, everything will be fine.” 

Tumayo naman ako at nanghihina na humiga sa aking kama. 

“Yes yes, i will rest.” 

Ipinikit ko na ang aking mga mata at mga ilang minuto lang ay hinila na rin ako nang antok. 

Tanghali na ako nagising ngayong araw at napagpasiyahan ko rin na hindi muna pumasok ngayong araw dahil hindi ako maayos ngayon, idagdag mo pa ang babaeng nakikialam sa buhay ko.

Gusto ko munang magpahinga kahit ngayong araw lang. 

Agad akong gumayak at nagbook ng grab. Mag aalas-dose na rin nang tanggahali kaya medyo natagalan ang pagkuha ko ng sasakyan.

Nang malapit na ang sasakyan na ni-book ko ay agad na akong bumaba para abangan sa labas ang sasakyan. 

“Oh, Aicelle.”

 Napatayo naman si Teresa sa kaniyang pag kakaupo sa sofa sa sala nang makita niya ako. 

Hindi ko naman ito pinansin at nagpatuloy langsa pag lakad palabas ngunit nang malapit na ako sa pintuan ay hinarang niya ako. 

“Aicelle, hindi ka ba muna kakain?” tanong niya. 

“Hindi na po.” 

Akma naman akong iiwas sa kaniya para makalabas ako ng pinto ngunit muli niya akong hinarang. 

“Nag handa ako ng makakain mo, Aicelle,” muling sabi nito. 

Hindi ko naman ito sinangot at tnitigan ko lang siya.

“Wala ang Daddy mo ngayon, pumasok siya sa kaniyang opisina,” pagpapatuloy niya. 

Napabuntong hininga naman ako at walang gana siyang tinignan. 

“Tara kumain ka muna bago ka umalis.” 

Hinila naman niya ang braso ko ngunit agad ko naman itong binawi sa kaniya.

“Please, can you leave me alone? Don’t act like you’re kind because you are not!” inis na sabi ko rito. 

“Mabait naman ako Aicelle, just give me a chance to prove it,” sabi pa nito.

“Kung mabait ka talaga, why did you ruined our family? Walang mabait na tao na naninira ng pamilya! Pagbalik baliktarin mo man ang mundo, nanira ka pa rin ng pamilya at walang magbabago roon!” 

Hindi naman ito nakapagsalita at gulat lang siyang nakatitig sa akin. Inirapan ko naman siya at umalis sa kaniyang harapan at lumabas.

Pag labas ko naman ay agad kong nakita ang isang kotse na nakaparada sa aming harapan, tinignan ko ang app para makita ang information ng sasakyan na binook ko at ito nga ‘yon. 

Binati ko ang driver pagkasakay ko. Tahimik lang ako na nakatingin sa bintana ng sasakyan habang nag iisip ng mga bagay bagay.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa aming destinasyon, binayaran ko naman ito bago bumaba. Malaki ang ngiti ko habang tinitignan ko ang mga batang nag lalaro rito.

“Ate! Ate! Laro po tayo!” sabi ng isang batang babae na lumapit sa akin.

Andito ako ngayon sa isang orphanage na tinutulungan ng aking pamilya. 

Umupo naman ako para makapantay ko siya pagkatapos ay hinatak ko siya palapit sa akin at kinarga ito. 

“Anong pangalan mo?” tanong ko rito habang papasok kami sa pinakahouse nitong orphanage.

“Mica po ate,” sabi naman nito habang pinagmamasdan ang mukha ko.

“Hi Mica, ako pala si Ate Aicelle,” pakilala ko sa kaniya.

“Ate Aicelle, ang ganda ganda niyo po,” sabi niya at hinawakan ang kaliwang pisngi ko. 

“Ikaw rin Mica, ang ganda ganda mo. Mukha kang princess… hmm…” kinurot ko naman ang pisngi niya dahilan para humalakhak ito.  

Natigil naman ang pagkukulitan namin nang makarating na kami sa loob. 

“Ay Aicelle, naku hindi mo naman nasabi na darating ka pala ngayon at ikaw naman Mica nag pabuhat ka pa kay Ate Aicelle mo, nakakahiya naku.”

Ngumiti naman ako kay Cheska, isa sa mga namamahala rito sa orphanage na ito. Si Mica naman ay agad agad na bumaba sa akin.

“Ay hindi Cheska, binuhat ko talaga siya.” 

Ngumiti naman ito na tila ba inaasahan  na niya na isasagot ko ‘yon.

“Masayahin talaga si Mica at halos lahat ng bumibisita rito ay sinasalubong niya at binubuhat siya,” paliwanag naman nito.

Ngumiti naman ako at muling tumitig kay Mica na nakikipag laro na sa ibang bata.

“Napadalaw ka pala, ilang taon na rin simula no’ng huling dalaw mo rito sa orphanage,” muling wika ni Cheska. 

“Namiss ko ito Cheska at ngayon lang din ako nagkaroon ng oras para bumisita rito,” paliwanag ko.

“Ano dating gawi?” tanong niya. Tumango naman ako sa kaniya at lumipat sa mga batang naglalaro.

“Gusto niyo ba na kwentuhan kayo ni Ate?” tanong ko sa kanila.

“Opo Ate!”

“Opo! Opo!”

“Opo Ate, gusto ko marami ah.”

Napatawa naman ako dahil sa reaksyon ng mga bata, nag uunahan pa silang umupo sa lapag. Umupo naman ako sa upuan na nasa harap nila. 

“So, ang kwento ko sa inyo ay tungkol sa isang -”

Hindi ko na natuloy ang aking pag sasalita dahil sa isang bata na umiyak kaya ang atensyon namin ay lumipat sa kaniya.

“Hala, bakit ka umiiyak?” tanong ko sa batang lalaki na umiiyak nang malakas sa gilid. 

“Ate gusto ko po maupo sa unahan pero wala na po,” sabi nito.

Ngumiti naman ako sa kaniya at tumayo para lapitan siya. 

“Ah gano’n ba? Tahan na, kandong ka nalang ni Ate para sa unahan ka rin maupo,” pag aalo ko rito. 

“Talaga po Ate, pwede ako umupo sa kandungan mo? Hindi mo po ako papaluin?” may takot na sabi nito.

Umiling iling naman ako at hinatak siya palapit sa akin at binuhat ito. 

“Pwedeng pwede at hindi ka papaluin ni Ate,” nakangiting sabi ko sa kaniya. 

Ngumiti naman siya sa akin at niyakap ang aking leeg.

“Sige po Ate! Tara na po, kwento ka na po,” excited na sabi nito sa akin dahilan para mapalakhak ako. 

Muli naman akong bumalik sa upuan ko habang buhat buhat ko ‘tong batang lalaki, inupo ko ito sa aking kandungan katulad nang ipinangako ko sa kaniya.

“Ano pala ang pangalan mo?” tanong ko sa batang nasa kandungan ko.

“James po Ate!” masiglang sabi nito.

“Sige James, start na tayo ah. Wag ka na mag kacry ah.”

Tumango naman ito sa akin at nag thumbs up habang nakalabas rin ang mga ngipin niya. Tumawa naman ako at ginulo ang kaniyang buhok. 

“Ok let us start, I’m going to tell a story about the king who betrays his Queen and Princess,” panimula ko sa aking pag kukwento.

Tahimik naman ang lahat na ipinagtaka ko dahil madalas may side comment sila sa lahat ng sinasabi ko. 

“Ate! Ate!” sigaw ni Mica sa gilid.

“Yes Mica?” sagot ko rito.

“Hindi po namin maintindihan, English po kasi,” sabi nito habang kumakamot pa ng kaniyang batok. 

“Ay, gano’n ba? Pasensya na ah. Sige uulitin na ni Ate,” sabi ko at mahinang tumawa. 

“Ang kwento ni Ate ay tungkol sa isang Hari na nag taksil sa kaniyang Reyna at Prinsesa,” panimula ko.

 Ito ang pinili kong ikwento dahil gusto ko rin na ilabas ang sama ng loob ko dahil wala rin akong makwentuhan na iba, sila lang talaga ang alam ko na makakapag pagaan ng loob ko. 

“Ang bad naman po no’ng hari!” inis na sabi ni Mica. Napatawa naman ako sa kaniyang ekspresyon dahil para itong manunugod.

“Hindi pa nga nag sisimula ‘yong kwento Mica eh, baka naman may planong good ‘yong hari kaya niya iyon nagawa,” sabat naman ni James.

Sana nga James pero wala eh…

“Ok,” maikling sabi ni Mica at inirapan si James.

Mag sasalita pa sanang muli si James para siguro pansinin ang ginawa ni Mica ngunit agad ko nang itinuloy ang aking kwento.

“Isang araw, masayang nag kukulitan ang pamilya na sina Hari, Reyna at anak nilang Prinsesa nang biglang dumating ang Witch,” kwento ko sa kanila.

“Ayan na ang Witch!” mahabang sigaw ni Mica kaya muli kaming napatingin sa kaniya.

“Ang ingay mo Mica, makinig ka nalang kay Ate,” pananaway naman ni James kay Mica. 

“Crush mo lang ako eh kaya lagi mo ako napapansin,” pang aasar ni Mica kay James. 

“Eh-”

Hindi naman na natapos ni James ang sasabihin niya nang sawayin na siya ni Cheska na nasa gilid lang din pala at nanonood sa amin.

“Tigil na kayong dalawa diyan, nag aasaran na naman kayo. Paano matatapos si Ate Aicelle niyo sa pag kukwento kung mag kukulit kayo,” pananaway ni Cheska sa kanilang dalawa. 

“Sorry po,” sabay na sabi ng dalawang bata.

“Ayos lang, sige tuloy na tayo.” 

Tinignan ko muna silang dalawa bago ako nagpatuloy sa pag kukwento. 

“Pag dating ng Witch ay natigil ang pagkukulitan ng pamilya at napunta ang lahat nangatensyon nila sa Witch,” pagpapatuloy ko.

Tignan ko naman ang mga bata at lahat sila ay seryosong nakatingin sa akin at nakikinig.

“At hindi na nawala ang atensyon ng Hari sa Witch hanggang sa tuluyan na siyang sumama sa Witch at iniwan ang Reyna at ang Prinsesa.”

“Ate! Ate! Bakit naman niya iniwan ‘yong Reyna at ‘yong Princess eh diba masaya naman sila?” Tanong ni Mica.

“Ito na ang kasunod Mica, kinausap ng Prinsesa ang Hari at tinanong niya ang bagay na iyan sa Hari at ang sagot ng Hari sa tanong na ‘yan ay…” 

Napangiti naman ako dahil lahat sila ay nakakunot ng noo habang nakatingin sa akin at inaabangan ang aking susunod na sasabihin.

“Ay?” may bahid na pagkainip na sabi ni James. 

“Lahat daw nang ipinapakita niya ay hindi totoo, gusto niya lang daw iparamdam sa Prinsesa ang isang buo at masayang pamilya.” 

Mas lalo pang kumunot ang noo nila at parang nagtataka kung bakit gano’n ang nangyari. 

“Ah Ate, ibig sabihin dati pa dumating ang Witch?” tanong naman ni James.

“Oo at ‘yong oras na ‘yon ay binabawi na siya ng Witch,” paliwanag ko.

Yumuko naman ako para hindi nila mahalata ang mga luhang namumuo sa aking mga mata.  

Nang muli kong inangat ang aking ulo ay nakita ko silang tahimik na nakatingin sa akin.

“Ang pinakamasakit do’n ay iniwan siya ng Reyna nang walang paalam kaya gabi gabi na umiiyak ang prinsesa at tinitiis ang mga sakit-”

Bigla naman akong tumigil sa pag sasalita dahil biglang nabasag ang boses ko.

“Ate, ikaw po ba ‘yong Prinsesa?” tanong ni James.

Hindi naman ako sumagot at tumitig lang sa kaniya.

“Ate ayos lang po ‘yan, lagi po kaming andito para damayan ka. Hindi ka po namin iiwan katulad no’ng King at no’ng Queen. Ate, Fight fight lang! malalagpasan mo rin yan katulad namin, nag fight fight lang kami sa buhay kaya ngayon masaya na kami.” 

Napangiti naman ako sa sinabi ni Mica sa akin. She’s right, I just need to fight for me to live happily. 

“Ate ano na po ang kasunod?” tanong ng isang bata.

“Feeling ko nakilala na niya ang Prince at naging happy na ulit ‘yong Princess,” Hula pa ng isa pang bata.

Umiling naman ako sa kanila at malungkot na ngumiti.

“Uhm… sadly walang Prince na dumating at do’n nag tapos ang storya,” Malungkot na sabi ko sa kanila. Lahat naman sila ay umangal at bakit gano’n daw nag tapos ang storya.

“Oh, I pity that princess. She doesn't deserve that, no one deserves to be betrayed.”

Lahat naman kami ay napatingin sa lalaking nasa gilid na biglang nag salita. 

“Kuya Mike!” sigaw ng mga bata at sila ay nag si takbuhan sa Mike daw.

“Ate andito na ang Prince mo! Mag kiss na kayo!” sigaw naman ni Mica na ikinatigil naming lahat.

“Mica, nakakahiya ka!”Pananaway ni Cheska rito ngunit hindi niya ito pinansin at lumapit sa akin at hinatak ako palapit sa lalaki.

“Tulungan niyo ako!” sigaw pa ni Mica at sabay sabay silang itinulak ako sa lalaking ito. 

“Mag kiss na kayo! Yieeee,” Pangangantiyaw pa nito sa amin kasabay ng ibang bata na nag yi-yie rin. 

Ako naman ay nakakapit sa mga braso nitong lalaking ito dahil nga sa pagtulak sa akin ay hindi ko na nabalanse ang aking sarili at bumagsak na ako sa kaniya.

“Sorry…” sabi ko sa kaniya habang siya naman ay tawa nang tawa.

“Hahaha, ayos lang ganiyan talaga ‘yang mga batang iyan. Mahilig silang mag-ship ng kung sino sino,” sabi naman nito. 

Umayos na ako nang tayo at inayos ang aking damit na medyo nagusot dahil sa aking pagbagsak sa kaniya. 

“Naku kayong mga bata kayo, tama na muna ‘yan at mag merienda muna kayo,” sabi naman ni Cheska habang inaayos ang lamesa kasama ang iba pang mga staff.

“Aicelle right?” tanong sa akin nitong lalaki.

“Yes and you are?” tanong ko pa balik.

“Laurance,” maikling sabi nito.

“Ah, nice to meet you Laurence.”

“Nice to meet you too Aicelle,” Bati niya pabalik sa akin. 

Sa sobrang nalibang ako ay nakalimutan ko na na hindi pa pala ako kumakain.

Nandirito kami ngayon sa isang mahabang lamesa at kumakain ng sabay sabay.

Habang kumakain ay hindi mawawala ang tawanan dahil sa mga bibong bata rito. 

Lumipas ang oras ay kailangan ko nang umuwi dahil ginabi na rin ako at kailangan na rin matulog ng mga bata.

“Ate! Dito ka na lang kasi tumira!” Pagmamaktol ni Mica dahil ayaw niya ako pauwiin.

“Hindi kasi pwede Mica eh, pero wag ka mag alala babalik ako. Pangako,” Pagpapagaan ko sa loob niya.

Wala ng mga bata rito at halos lahat ay nasa kanilang kaniya kaniyang mga kwarto na at si Mica at James nalang ang andito para intayin ang aming pag alis.

“Ate baka di na po kayo bumalik, ‘yan rin po ang sabi ng mga bumisita noon dito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila bumabalik,” Malungkot na sabi ni Mica at mahigpit niya na hinawakan ang kamay ko. 

“Pangako Mica, babalik ako. Babalik kami ni kuya Laurence, diba kuya Laurence?” 

Tumingin naman ako kay Laurence at nakita ko naman siyang masayang tumango. Lumapit naman ito sa amin ni Mica at hinawakan ang pisngi nito. 

“Promise babe, susunduin ko pa ‘yang si Ate Aicelle para makasigurado tayo,”sabi pa ni Laurence.

“Talaga po?” Masayang tanong ni Mica. 

Sabay naman kaming tumango rito at niyakap siya, sinenyasan ko naman si James para lumapit sa amin at mayakap din.

“Mag pakabait ah, ikaw James wag mong pikunin si Mica ah,” Bilin ko kay James.

“Opo Ate,” sagot naman niya.

“Sige, Alis na kami ah.” Kumaway naman ako sa kanila at ibinilin na sila sa tagapag alaga nila. 

Nag paalam na kami ni Laurence sa mga namamahala sa orphanage at kay Cheska bago kami tuluyang lumabas.

“Do you have a car with you?” tanong ni Laurence sa akin.

“No, I don’t. I left it at home.”

“Hatid na kita,” sabi nito. Tatanggi pa sana ako ngunit hinila na niya ako papunta sa sasakyan niya. 

“Thank you sa paghatid, Laurence,” Pagpapasalamat ko sa kaniya nang makarating na kami sa bahay namin.

“Wala ‘yon, sige una na ako ah. Goodnight.”

Tumango naman ako rito at kumaway sa kaniya, “Sige babye, thank you ulit and good night.”

Kumaway rin ito bago niya itinaas ang salamin ng kaniyang sasakyan at umalis na. Nang hindi ko na matanaw ang kaniyang sasakyan ay pumasok na ako sa bahay.

Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko palang ng bahay.

“Why Dad? Why?” Gulat na tanong ko sa kaniya.

Gulat akong nakatingin kay Daddy na napupuyos sa galit habang hawak hawak pa rin ang kaliwang pisngi. 

Why?

~~~

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status