Chapter 06.2
Nahihiya naman akong tumingin sa kaniya. “Pwede po bang 10k muna? Mag withdraw lang muna ako para sa kulang…” Mahinang wika ko sa kaniya.
“Sige, basta ibigay mo rin ngayong araw.”
“Salamat po!” masayang wika ko. Agad ko namang inabot ang 10k sa kaniya at agad din naman niya itong tinanggap.
“Halina’t sundan mo na ako para maturo ko na sa iyo ang matutuluyan mo.”
Agad naman akong sumunod sa kaniya hanggang sa makarating na kami sa kwartong sinasabi niya. Hindi ko pala siya nacheck muna at agad ko n
Chapter 07.1 Nang magising ako ay agad akong naghanap ng notebook at panulat para ilista ang mga kailangan ko. Nasa lapag ako at kaharap ko ang notebook at katabi naman nito ang natirang pera ko. 35k na lang ang natira sa akin at kailangan ko itong ibudget para sa pambili ko ng gamit dito sa bahay at pagkain. Budget na rin para sa aking paghahanap ng trabaho. 10k para sa gamit dito sa bahay. 25k. 5k para sa groceries. 15k. 15k na lang ang matitira sa akin hanggang sa makahanap ako nang trabaho. Nag ayos l
Chapter 07.2 Chelsea is like a sister to me; tuwing may problema ako ay sa kaniya lagi ako madalas na nag susumbong. 2 years lang ang tanda niya sa akin at ayaw niya na tinatawag ko siyang Ate kaya Chelsea lang ang tawag ko sa kaniya. Halos sabay na rin kaming tumanda nito ni Chelsea, simula kasi no’ng bata ako ay tumutulong na ang pamilya ko rito sa orphanage na ito at isa si Chelsea sa mga batang ulila noon dito. Natanong ko na rin sa kaniya noon kung bakit hindi siya umalis katulad ng ibang mga kasama niya dito noon, ang sabi niya ay napamahal na sa kaniya ang orphanage na ito kaya no’ng papiliin siya kung gusto niya bang mag stay o umalis ay mas pinili niyang manatili rito. Naalala ko pa noong mga panahon na bata pa kami. “Oh Chelsea, bakit hindi kita nakita kanina
Chapter 08.1 “Ate, tara na po.” Wala naman na akong nagawa at nagpahila na lang kay Mica. Agad naman akong umupo sa upuan katabi ng upuan ni Mica at sa harap naman niya ay ang canvas kung saan sila mag painting. “Anong ip-paint mo?” tanong ko. Masaya naman siyang bumaling sa akin at itinuro ang mga prutas na naka display sa harap. “Ito po,” ani niya. Tumango naman ako at nag paalam sa kaniya na mag iikot lang ako para tignan ang iba kung paano sila gumawa ng activity na ginagawa ngayon. Nang mapagod ako sa pag iikot ay agad akong umupo sa tabi ni Chelsea na tumitingin din sa mga bata. “Kilala mo si Micael diba?” tanong niya sa akin. Kumunot n
Chapter 08.2 Then an idea came to my mind. Tao… si Aling Nenita, baka gising pa ‘yon. Agad akong tumayo at nag tungo kay Aling Nenita. “Tao po,” tawag ko sa labas ng bahay nila. “Oh, gabi na at napapunta ka rito.” Ngumiti naman ako sa kaniya at nahihiyang napakamot ng batok. “Sorry po, meron po ba kayong black shoes? Kasi po may Job interview po ako tomorrow at nakalimutan ko kasing bumili kanina ng black shoes… nag babaka sakali lang po na meron kayo.” Tumango naman ito sa akin at inaya ako na pumasok sa loob ng kanilang bahay. “Sandali lang Aicelle, ala
Chapter 09 Masaya akong nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang buong katawan ko na nakasuot ng pang office attire na damit. Monday na ngayon at ito na rin ang unang araw na may trabaho ako. Nang mag sawa akong tignan ang aking sarili sa salamin ay agad na kinuha ko na ang aking mga gamit at umalis na. Sayang ang oras, mas ayos na maaga kaysa mahuli ako sa aking trabaho. Mahirap na baka di pa ako nag sisimula wala na agad. Gaya nga nang inaasahan ay maaga akong nakarating sa Opisina. Wala pa si Mr. Falkerath at ang sekretarya nya ang naabutan ko sa loob ng Opisina. “Mabuti at maaga ka, hindi nga kami nagkamali sa pagpili sa iyo.”
Chapter 10.1 Maaga akong pumasok ngayon dahil hindi magandang unang impresyon ang pagiging late lalo na at bago ang Boss ko simula ngayong araw. Wala pa ang Boss ko nang makarating ako kaya nag timpla muna ako ng kape para sa aming dalawa. Nag dalawang isip pa ako no’ng una dahil baka lumamig ngunit naisip ko na pwede namang i-microwave na lang. Habang nag iintay ay uminom lang ako ng kape na aking itinimpla at inaayos rin ang schedule ng aking bagong Boss. Agad akong napatayo nang makita ko ang lalaking seryoso na naglalakad patungo sa Opisina. “Good Morning po Sir,” Bati ko sa kaniya at sumunod sa loob ng Opisina.
Chapter 10.2 Dahil nga Lunch Break ay nagtungo ako sa Cafeteria para duon mag tanghalian. Napataas naman ang aking dalawang kilay nang makita ko kung gaano karami ang tao ngayon sa Cafeteria. Ibang iba kahapon dahil no’ng pumunta ako rito kahapon ay Break Time lang at may iba iba kaming oras nang Break Time pero ngayon ay Lunch Break at sabay sabay talaga kaya punuan. Luminga linga ako kung paano ako makakaraan patungo sa Counter sa dami ng Tao na naglalakad patungo sa kanilang kaniya-kaniyang mga upuan at nahaharangan nito ang daan patungo sa Counter. Nag buntong hininga na lang ako at naisipan ko na lang na kumain sa labas ngunit kailangan ko pang mag-taxi para makapunta ako sa kainan na aking naiisip dahil puro Establisyemento ng mga kumpanya ang nakapalibot sa lugar na ito at sabi nila ay tuwing hapon lang
Chapter 11.1 Nakasunod lang ako sa Boss ko habang kami ay naglalakad patungo sa appointment niya ngayong umaga kasama si Mr. De Jesus. As usual, nakasimangot na naman siya at wala pa ring pakialam sa kung ano-ano na nasa paligid niya. Nagtataka ako kung anong nangyari sa kaniya no’n dahil ang bait bait niya, ibang iba siya ngayon. Siguro dahil nasa harap kami ng mga bata? Napabuntong hininga na lang ako at itinuon ang aking atensyon sa paglalakad. Nang makarating kami ay agad kaming binati ni Mr. De Jesus at ang kaniyang Sekretarya. Nag susulat lang ako hanggang matapos ang kanilang meeting, gano’n din ang Sekretarya ni Mr. De Jesus. Parepareho naman kaming tumayo nang mag paalam na kami sa isa’t isa. “Thank