Share

Hunter 1: Weird Dream

Hunter 1: Weird Dream

I looked at my surroundings and noticed that it is not familiar to me. I do not know where am I and why I’m here. I looked around and saw the endless white pathway. Parang na sa isang kulungan ako na puro kulay puti ang pader. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nandito. Basta nagising na lang ako sa lugar na ito.

Biglang humangin kaya napayakap ako sa sarili ko habang naglalakad ako sa walang katapusang puting lugar na ito.  Hanggang sa mapatigil ako dahil sa isang malamyos na tinig na narinig ko.

“Sabrina…”

I looked around and saw nothing but an endless white pathway and it’s just endless white walls kaya hindi ko alam kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Narinig ko na naman ang boses nito and this time, parang na sa malapit lamang ito.

“Who are you?!” Malakas kong tanong habang tinitignan ang paligid. Nag-echo lang ang boses ko ngunit kasunod no’n ay ang pagkarinig ko ng boses na napakalamyos.

“My child…”

Saad nitong muli na ikinapikit ko ng mariin. Humahangin din sa tuwing nagsasalita ito at malaya nitong tinatangay ang mahaba kong buhok.

“Sino ka?! Anong kailangan mo sa akin?!” Tanong kong muli at nananalangin akong sana ay sagutin na niya ang mga tanong ko.

“You’ll know me soon, my child, but this time, you need to listen first…”

I looked around again and still, I see nothing but the completely white walls. I want to go home badly and wake up from this nightmare—kung nightmare nga ba ang maitatawag dito.

“Tell me,” saad ko dahil parang ito lang ang sagot para makabalik na ako.

Humangin na naman ulit at parang pumalibot ito sa katawan ko kaya napayakap naman ako lalo sa sarili ko dahil sa lamig na dala ng hangin.

“Learn about werewolves, my child. Learn about supernatural things. Be attentive to your surroundings because there are things that you don’t know that really exist. Learn about them and when the time comes, your blood will awaken…”

Wala akong maintindihan sa sinasabi nito kaya hindi ako umimik ngunit napapaisip ako. Bigla na namang pumalibot sa akin ang hangin but unlike earlier, it’s warm and it feels good that I even closed my eyes and the next thing I knew was I drifted to deep slumber.

Pero akala ko lang ‘yon dahil naramdaman ko na lang ang sarili kong tumatakbo sa kakahuyan. Papalubog na ang araw kaya sigurado akong mahihirapan akong makatakas sa mga nilalang na hindi ko alam.

May sinasabi ang mga ito ngunit hindi ko maintindihan. Basta tumatakbo na lang ako ng mabilis. Ngunit napatigil ako ng may biglang tumalon na isang napakalaking lobo sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin dito. It was brown wolf that has a yellow eyes that glowing. Napalunok ako ng makita ko ang malalaking pangil nito. Hindi rin pangkaraniwan ang laki nito kaya mas lalo akong natakot para sa sarili ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa lobo na ito. It looks like it is a predator and it’s ready to attack its prey. Lagpas na ito sa akin at hindi ko maipaliwanag ang laki nito. Tatakbo na sana ako sa kabilang direksyon ng mapatigil ako dahil may biglang sumulpot dito at isa rin itong malaking lobo.

Gano’n din sa ibang direksyon kaya mas lalo akong kinabahan at alam kong wala na akong kawala. Pinagpapawisan na rin ako dahil sa takot na nararamdaman. Hindi ko na alam ang gagawin ko at hindi ko alam kung makakaligtas pa ba ako sa sitwasyon ko.

Yes, I know how to defend myself but how can I defend myself in this kind of opponent? Na saan ang hustisya?! Although I’m confident that I can defeat them yet, I’m maybe brave, pero nawawala ang tapang ko habang nakatingin sa mga ito.

At saka, this is not the right time to be brave, I mean, alam ko kung kailan dapat ako lumaban at kung kailan dapat sumuko—alam ko kung kailan maging matapang at kung kailan maging duwag. And now, I am cornered with five bad wolves and don’t know how to defend them.

Handang-handa na silang lapain ako ng biglang may dumating na isa na namang malaking lobo at mas doble ang laki nito kaysa sa mga brown na lobo. Napaupo na lang ako dahil sa takot at napatakip ng tenga habang pinapanood silang magpatayan. I thought it will be difficult for the new wolf to defeat the five wolves, but to my surprise, it’s not!

Ang dali lang para dito na patayin ang mga lobo na gusto akong patayin kani-kanina lang. Then the new huge wolf looked at me na ikinatigil ko. Napalunok na naman ako pero hindi dahil sa takot. Dahil ito sa kakaibang pakiramdam na hindi ko maintindihan.

I stared at the wolf’s intense yellow-gold eyes, from its black and white fur. This wolf fur made him unique from those brown wolves. Hindi ko alam pero ang nararamdaman kong takot kanina ay nawala ng magtama ang paningin namin at kakaiba ang nararamdam kong pagbilis ng tibok ng puso ko.

Nagkatitigan kami until I felt something pierced on my chest and I saw the shock and horror in the eyes of the wolf while looking at my chest. Hindi ko na alam ang mga nangyayari, basta ang alam ko na lang ay nandidilim na ang paningin ko at bago pa ako mawalan ng malay ay nakita ko pa kung paano magpalit ng anyo ang lobo na nagligtas sa akin.

Wolf to human. Or should I say, a werewolf?

***

Nagising ako ng habol ang hininga at napahawak sa dibdib ko na kung saan ang mabilis na pagtibok nito. I gently made a circular motion on my chest where I feel my heart beating so fast. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Ramdam ko din ang pawis sa nuo ko kaya pinunasan ko ito gamit ang kamay ko.

Mahina lang ang aircon dahil hindi naman ako sanay sa malamig na lugar. Mabilis akong lamigin kaya lagi akong may dalang jacket o kaya naman ay cardigan.

Nang medyo okay na ako ay bumaba naman ako sa higaan ko at pumunta sa kusina. 3:25 pa lang ng madaling-araw. Sa tuwing nagigising ako ng hating-gabi o ganitong oras, lagi akong bumababa sa kusina at umiinom ng tubig.

Gano’n ako palagi kaya dapat may nakalagay ng tubig sa kwarto ko dahil nagigising ako ng hating-gabi para lang uminom ng tubig. Pero ngayon, nakalimutan ko kaya kailangan ko pang bumaba.

Bumuntong-hininga ako at sumandal sa lababo. Naalala ko ang panaginip ko. It’s still vivid and it felt real. From the intense stare of the black and white fur wolf—or maybe, werewolf? To the pain in my chest.

Pero bakit ko ba iniisip ‘yon? Panaginip lamang ‘yon at hindi mangyayari. Hinding-hindi.

Pero napatigil ako ng maalala ko ang una kong panaginip. The voice is also somewhat familiar to me but I can’t pinpoint who owns that voice. Napailing na lang ako at inubos na ang tubig bago bumalik sa kwarto ko. Nang makahiga ako ay bumuntong-hininga muna ako and I was about to close my eyes when suddenly I heard a voice on my head.

“Learn about werewolves, my child. Learn about supernatural things…”

“Learn about werewolves, my child. Learn about supernatural things…”

“Learn about werewolves, my child. Learn about supernatural things…”

What kind of dream is that? Why I felt like this is not the first time having a dream like that? A weird dream. Was it a message? Pero… bakit gano’n? Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na ‘yon?

Hindi ko na namalayan na sa kaiisip ng panaginip ko at sa mga salitang binitawan ng estrangherong boses ng babae ay nakatulog na muli ako. But this time, no more werewolf appeared in my dream.

No more weird dreams…

***

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang aking panaginip. Sigurado talaga akong may ibig sabihin ‘yon kahit na imposible. I can feel it, I can feel that it’s not just a simple weird dream. Ngunit ‘wag ko na munang isipin ‘yon dahil may mahalaga pa dapat akong gawin ngayon.

“Raine, aalis na ba talaga kayo bukas?” Malungkot kong tanong habang tinutulungan ko ang pinsan ko sa pag-e-empake ng gamit nilang magkakapatid.

Aalis na kasi sila sa puder ni Lolo at lilipat na sa puder ng Lolo at Lola niya sa side ng Mama niya. Nang mawala ang Mama nila, huling hiling nito sa mga anak niya na lumipat sa lugar kung saan ito lumaki at ngayon ay tutuparin na nila ‘yon.

Ayaw man ni Lolo pero wala siyang magagawa—wala kaming magagawa. Doon na sila titira simula ngayon ngunit nangako naman siyang bibisitahin kami kapag nagkaroon siya ng oras.

“Yes, Ren. We need to. This is our promised to our mother before she left us,” sagot niya sa akin habang nag-aayos siya ng kanilang mga damit.

Wala yung dalawa dahil kasama nila ang iba pa naming mga pinsan. Siguro sinusulit na nila ang panahon na ito dahil bukas ay aalis na sila.

“Saan ba kasi ‘yon?” Takang tanong ko. Sinarado ko muna ang maletang inaayos ko kanina pa bago umupo sa kama niya at hinarap siya.

“Lavereena Town,” maiksi niyang sagot ng hindi tumitingin sa akin. Napaisip naman ako pero wala akong maalala na lugar na gano’n ang pangalan.

Even though I love joy riding, it’s still my first time hearing that town. Dahil sa gala ako, dapat alam ko ‘yon dahil wala akong pinalalampas na lugar. But, why I do not know about this town? Kapag nalaman ko ang daan dito, pupuntahan ko talaga ‘to kahit malayo at kahit masermonan pa ni Lolo.

“Saan ‘yon? Malayo ba ‘yon?” Tanong ko naman at alam kong kitang-kita na sa mukha ko ang kuryosidad.

Tumabi naman siya sa akin habang nakataas ang kilay. “Hoy, babaita ka! Alam ko ‘yang iniisip mo, ha! Malayo ang lugar na ‘yon at kung pupunta kang mag-isa, baka kung ano’ng mangyari sa ‘yo kaya manahimik ka diyan!” Masungit nitong wika na ikinangiwi ko na lamang.

Kilalang-kilala na talaga ako nitong babaeng ito.

“Why? Maganda nga ‘yon, eh. Malayo. You know that I love long rides,” sagot ko at nagkibit-balikat pa habang iniisip na ang pagpunta ko do’n.

Raine just ‘tsked’ before standing up. Nameywang naman siya sa harapan ko habang nakataas pa rin ang kilay. “I know you love long rides, but Ren, you know what will happen to you when the place is not familiar to you, right?” Saad niya na nagpatango sa akin bago napanguso.

Kapag gano’n kasi, naliligaw ako—well, it’s understandable naman kasi hindi ko naman kilala ang lugar. But thankfully, one of our cousins is good at tracking so my ass is always saved by him. See how talented my family, right?

“But there’s Dio. He will always save my ass whenever I’m in trouble when it comes to that thing,” katwiran ko na ikinairap naman nito bago inayos na ulit ang gamit nilang magkakapatid.

“Whatever you say, Ren,” suko nitong wika na ikinatawa ko na lang ng mahina. Tutol siya pero hindi na nakipagtalo sa akin.

Every time that I have a conversation like this with my cousins, they are always ending up with the word ‘Whatever you say, Ren.’ Alam kasi nilang walang makakapigil sa akin pagdating sa ganitong bagay. Ang magagawa na lang nila ay mag-abang sa tawag ko kung naliligaw na ba ako. You know, my family loves me so much.

Tinulungan ko na lamang siya sa pag-aayos ng gamit nila habang nagkwe-kwentuhan kami ng kung ano-ano. We are always like this. Talking nonsense until we fall asleep. Alam kong mami-miss ko itong ginagawa namin kaya nalulungkot ako ng sobra. Sa lahat kasi ng pinsan ko, siya at ang mga kapatid niya ang pinaka-close ko. Well yes, we are all close, pero hindi naman na maipagkakaila na may mas close kami sa aming magpi-pinsan.

After namin sa pag-aayos ng kanilang gamit ay lumabas kami dahil magkakaroon kami ng bonding magpi-pinsan dahil aalis na sina Raine bukas.

I just wish them a safe trip.

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status