Dark Ocean (La Trinidad Series #1)
Dark Ocean (La Trinidad Series #1)
Author: Alnaja❤
KABANATA 1 — MULTO NG NAKARAAN

Ang mga karakter, pangyayari, lugar, at organisasyon na nakapaloob sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang! Ang pagkakatulad ng mga ito sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

"Ang pagsasalin o paglalathala ng istoryang ito sa ibang medyum na walang pahintulot ng may-akda ay maituturing na Krimin."

Alnaja♥

 

 

 

 

                         • ~ • ~ • 

 

 

 

 

Ang bayan ng La Trinidad ay kasing ganda at yaman ng karagatan nito. Ngunit kagaya ng karagatan, ang bayan ay may tinatagong sikreto.

 

 

Sa sobrang lawak ng dagat mayroon itong bahaging hindi kayang abutin ng liwanag at sa kadilimang ito nagkukubli ang mga bagay na totoo ngunit hindi natin nakikita. Mga bagay na hindi natin alam o hindi sa atin dapat ipaalam.

 

 

Tirik ang araw at sobrang init sa plaza ng bayan, ngunit ang mga tao'y matiyagang nagkukumpulan at naghihintay na mabigyan ng ipinangakong sa kanilang bigas at kaunting pera na libreng ibibigay.

 

 

Ang ilan at nababagot na rin at nagrereklamo dahil sa tagal ng serbisyo. Lahat sila ay pareparehong dalawang oras nang naghihintay ngunit hindi pa rin nakukuha ang kanilang pakay.

 

 

Sa ilang sabdali pa'y may tatlong itim na mga magagarang sasakyan ang dumating sa lugar.

Masaya ang mga tao dahil sa wakas ay dumating na ang kanina pa nila hinihintay. Ang magbibigay sa kanila ng kaunting pera at bigas — si Veronica Santillan.

 

 

Si Veronica ang asawa ng alkalde ng bayan na si Havier Santillan. Usap-usapan ngayon ang planong pagtakbo ng ginang sa susunod na eleksyon bilang bagong alkalde.

 

 

Sa susunod na taon pa ang naturang eleksyon at alam ng taong nagpapabango lamang si Veronica dahil hindi rin basta-basta ang matunog na pangalang maaari niyang makatapat at 'yun ay si Armando Caballero.

 

 

Si Armando ang dating ka alyado ng angkan ng La Trinidad. Matagal itong nawala sa bayan ngunit nagbalik at ngayon ay naghahangad na humawak ng kapangyarihan.

 

 

Hindi makakapayag si Veronica na makuha ng iba ang kapangyarihan sa bayan, kahit na tatakbo ang asawa nitong si Havier bilang isang gobernador ay malaking pera pa rin ang mawawala sa kanila kapag napalitan sila sa pwesto.

 

 

Pagkababa ng ginang sa kanyang sasakyan ay kaagad na lumapit ang mga tao upang magpasalamat at makipagkamay, kahit nandidiri ay bilang pakitang tao'y tinanggap pa rin ito ni Veron.

 

 

Malaki ang ngiti at nakaharap sa madla. Sa isip niya'y hindi sayang ang kaunting perang kanyang ibibigay kumpara sa kikitain niya habang nakaupo.

 

 

"Magandang umaga sa buong bayan ng La Trinidad." rinig na rinig ang malakas na pagbati ni Veron sa kabuoan ng plaza.

 

 

"Ako si Veronica Santillan ang asawa ng butihin nating mayor ay magbibigay ngayon ng kaunting tulong at ayuda sa mga minamahal naming nasasakupan! Ginagawa namin ito dahil sa alam namin at lubos naming naiintindihan ang mga hirap na pinagdadaanan niyo ngayon. Kaya sana sa pamamagitan ng kaunting tulong na ito aming mabawasan ang inyong inaalala."

 

 

Matapos sabihin iyon ng babae ay napuno ng palakpakan ang buong plaza. May ilan ding sinisigaw ang pangalan nilang magasawa.

 

 

Habang sayang-saya si Veron dahil sa pagpapakita ng mga tao sa kanya ng suporta ay bigla itong natahimik at nagulantang dahil sa nakita.

 

 

Nakaharap ito sa mga tao at bakas na bakas sa kanyang mukha ang labis na takot at pagkagulat. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay dahil sa nakikita niya.

 

 

Napansin ito ng ilang tao at pati na rin ng kanyang mga kasamahan kaya nagmadali ang mga itong kunin si Veron sa harapan upang hindi na tuluyang mapansin ng lahat.

Sinimulan na lamang ng mga itong ipamahagi ang mga ayuda upang ibaling ang atensyon ng mga tao.

 

 

Si Veron naman ay nagmadaling pumunta sa loob ng kotse habang sobrang nanginginig pa rin ang buo niyang katawan.

 

 

Hindi niya akalaing makikita niya ang matagal ng namayapang kapatid na si Natasha. Hindi siya maaring magkamali, kamukhang kamukha nito ang kapatid na labing dalawang taon nang patay.

 

 

Sa mukha, pati na rin sa estilo ng kasuutan. Sariwa pa rin sa kanyang isipan ang itsyura ng kapatid.

 

 

Tinigan ni Veron ang larawang ng kapatid na makikita mismo sa plaza ng bayan. Medyo malaki rin ito kaya abot ito ng kanyang tanaw kahit nasa loob siya ng sasakyan.

 

 

Sandali pa'y nakita niya ang babaeng nakasuot ng puting damit at itim na belo na lumalakad palayo. Siguradong-sigurado siya ito ang babaeng kamukha ng kanyang kapatid, ito ang nakita niya kanina.

 

 

Kaagad siyang lumabas ng sasakyan upang kompermahin kung totoo o guni-guni lamang ang nakita. Nagbabalak itong habulin ang babae at makita ng malapitan upang makasiguro.

 

 

Tumakbo ito sa direksyon kung saan nagtungo ang babae. Kahit nahihirapan dahil sa suot na takong ay hinabol pa rin niya ito. Ngunit ang babae ay nawala bigla matapos makapasok sa kumpulan ng mga tao.

 

 

Nakita naman si Veron ng mga taong nakatanggap na ng kanyang ibinigay kaya lumapit ang mga ito upang pasalamatan siya. Nakipagkamay ang mga ito at nariyang niyakap siya. At kahit nandidiri ay walang magawa si Veron kun'di pagbigyan sila.

 

 

Kaya kahit hindi pa niya nakakaharap ang taong hinahanap ay nagdesisyon itong bumalik na sa loob ng kotse, upang makaiwas sa pobreng mga tao.

 

 

Natapos na ang pagmimigay at wala na rin masyadong tao sa lugar ngunit hindi pa rin umaalis doon sila Veron. Naghihintay itong magpakita muli ang babae na nakasuot ng itim na belo, ngunit bigo silang makita ito.

 

 

Bumalik na ng mansyon si Veronica ngunit hindi pa rin mawala sa utak niya ang babaeng iyon. Hindi niya alam kung totoo o malikmata lamang, ngunit kahit ano pa man ay binabalot pa rin siya ng takot.

 

 

Nakikita niya mula sa pagkakatayo sa balkunahi ang pagdating ng kanyang asawang si Havier.

Tatlong araw na itong hindi umuuwi at alam niyang sa mga babae niya ito nanggaling. Labis na mahal ni Veronica ang asawa at ayaw niyang maykahati rito, ngunit wala siyang magawa dahil ayaw rin niyang iwan siya nito.

 

 

Alam niyang hindi na siya bumabata at unti-unti nang kumukupas ang kanyang kagandahan. Gusto niyang magalit dito at sumbatan dahil sa harap-harapang pambabastos ngunit hindi niya magawa.

 

 

Sa halip na sampal ay mas pinili niyang salubungin ang asawa ng halik sa pisngi at ipakitang bulag siya sa lahat ng ginagawa nito kahit lubos nang mapapansin at lantaran.

 

 

"Hi hon, how are you?!" wika ni Veronica at hahalikan sana ang asawa sa pisngi ngunig umiwas ito.

 

 

"Good! Kumustang pamimigay mo?" walang emosyong saad nito.

 

 

"Ano ba yan! Mamaya nang politika. Alam kong pagod ka kaya hayaan mo muna akong paglingkuran kita." pang-aakit ni Veron habang hinahaplos ang pisngi at braso ng asawa.

 

 

Umiwas naman ang lalaki at parang hindi nito gusto ang ginagawa ni Veron.

 

 

"Sayo na mismo nanggaling, pagod ako at nagugutom gusto kong kumain at mgapahinga. Huwag mo muna akong disturbuhin." ani Havier.

 

 

"Bakit?! Kakatapos mo lang bang makipaglampungan sa mga babae mo?"

Hindi na nito maiwasan ang sariling sumbatan ang asawa.

 

 

"Anong namang pinuputok ng botshi mo?! Wala kang pakialam kung gusto kong magenjoy sa mga mas bata."

 

 

"Ang kapal talaga ng mukha mo, tandaan mo wala ka ngayon sa posisyon mo kung hindi kita tinulungan." bulyaw ng babae at nagbitaw ng isang malutong na sampal.

 

 

Ngunit ang ginawa niya ang nag-udyok kay Havier na masampal rin siya sa mukha.

Napahiga siya sa kama dahil sa lakas ng pagtama sa kanya ng kamay ng asawa.

 

 

"Wala kang pakialam kung mambabae ako. At hindi ko utang na loob sayo kung nasaan ako ngayon! Ako ang may gawa nito sa sarili ko at wala nag iba pa." madiing wika ni Havier kay Veronica.

 

 

Kahit nasaktan ng todo ay parang manhid na ang buong katawan ni Veronica sa paulit-ulit na pagtrato sa kanya ng asawa. Wala na siyang luhang maipapatak pa at parang tumigas na rin ang kanyang puso.

 

 

Tinignan niya lamang si Havier at bahagyang napatawa.

 

 

"Alam mo Havier, hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang kakapalan ng mukha mo. Pero maingat ka, dahil baka isang araw bigla ka nalang bumagsak."

 

 

Ngunit sa halip na masindak ay isang halakhak lamang ang tinugon ni Havier sa kanya.

 

 

"At sino namang magpapabagsak sa akin? Ikaw?! Hahahaha... Kung babagsak man ako sa putik kasama kitang dadalhin do'n Veron!"

 

 

Tumalikod ito kag Veronica upang umalis na ng kanilang silid. Ngunit bago pa man ito makalabas ng pintuan ay nagsalita muli si Veron.

 

 

"Nakita ko si Natasha, Havier!"

 

 

Matapos niyang sabihin ito ay napahinto si Havier at tuma na naman ngunit nanatili itong nakatalikod.

 

 

"Hindi ko alam kung bakit siya bumabalik sa utak ko, pero unti-unti na tayong binabalikan ng mga multo ng nakaraan natin Havier." pagdagdag ni Veron.

 

 

Natahimik si Havier at lumingon ng bahagya sa asawang nakaupo pa rin sa kama.

 

 

"At akala mo talaga mapipigilan ako ng multong sinasabi mo? Matagal na akong nanalo Veron at ang mga multo ng kahapong sinasabi mo ay matagal nang namatay at natalo."

DMCA.com Protection Status