Share

CHAPTER 3

III

NAKABIHIS si Bridgette nang lumabas ng silid at dumiretso sa kusina. Agad niyang nakita ang anak na kumakain.

"Good morning baby," nakangiting bati niya rito at humalik sa pisngi nito.

Napatigil naman ito sa pagkain at nginitian siya. "Good morning too, Mom." Sagot nito at ipinagpatuloy ang pagkain.

Si Trisha ay ibinaba ang kanyang kutsara. "San ka pupunta ate?" Nakakunot-noong tanong nito.

"May shoot kami ngayon e." Sagot niya at pumulot ng isang sandwich sa mesa.

"Alis na ako baby, pakabait ka ha?" Nakataas ang kilay niyang bilin sa anak.

"Of course mommy," sagot nito.

Tiningnan niya si Trisha. "Alagaan mo siya, wag mo siyang hayaang makalabas ng gate. At patulugin mo siya mamaya." 

Natatawa naman itong tumango. "Sige alis na ako. Bye, son." She wave into her son. Nag-flying kiss naman ito sa kanya at nag-flying kiss din siya.

Kumagat siya ng sandwich at agad-agad na tumalikod na upang lumabas. Nakalabas na siya ng gate ngunit wala pa rin si Lyndon.

Hinagilap niya ang kanyang cellphone sa kanyang bag nang may humintong kotse sa harapan niya.

"Lets go!" Nakangiting sabi nito kaya napapasok na rin siya agad.

"Am I late?" Narinig niyang tanong nito ngunit nakatuon ang tingin sa daan.

"No, not really." She answered and lean back para sumandal sa upuan. Tumanaw siya labas.

"What was the shoot for?" Nakakunot-noong tanong niya rito pero nakatingin pa rin siya sa labas.

"It is not a shoot really, we will practice for the auction tonight." Sagot nito at lumiko sa kaliwa dahilan upang mauntog siya.

"I'm sorry, are you alright? Does your head hurt?" Nag-aalala nitong tanong at itinigil na ang sasakyan sa side ng building.

Isang iling lang ang naisagot niya.

"Are you sure?" Tanong nito at agad na hinawakan ang kanyang mukha upang tingnan kung may bukol siya.

"Lets go," sabi niya at kumawala sa pagkakahawak nito sa mukha niya.

Nauna na siyang lumabas sa sasakyan at sumunod naman agad ito.

Tumakbo naman si Lyndon upang masabayan siya sa paglalakad.

"Uhm honey, are you free this afternoon? Can we go out?" Tanong nito. Hindi niya ito nilingon bagkus ay naglakad pa rin ng dire-diretso. 

"Sure honey," sagot niya at saka huminto sa tapat ng isang pinto at lumingon dito saka ito nginitian ng matamis.

Lyndon was her boyfriend kaya dapat lang na pagbigyan niya ito, kung tutuusin nga napakabait nito dahil hindi siya nito laging kinukulit dahil naiintindihan daw nito na kailangan niyang alagaan ang anak niya.

Napangiti ito ng malawak, halatang nasisiyahan. Sumunod ito sa kanya at sinimulan nila ang pagpa-practice kasama pa ang ibang modelo.

*******

NILUWANGAN ni Jake ang kanyang necktie pagkatapos ng meeting niya. Ikiniling niya ang kanyang ulo at napapikit.

Inaantok pa siya. Halos hindi pa siya nasisiyahan na matulog e tumunog na ang alarm niya kayat antok na antok pa siya.

"Hey bro," napamulat siya ng makita si Mr. Smith sa kanyang harapan.

"What is it?" Nakakunot-noong tanong niya.

"Are you free this evening?" Tanong nito na nakangiti. Tinitigan niya ito. Matangkad, gwapo at macho. Kayat nagtataka siya bakit tinatanong siya kung pwede ba siya. Aayain ba siya nitong makipag-date? 

God. Ano ba itong pumapasok sa utak ko?

"Why?" 

"'Cause I want to invite you to attend an auction party this evening if you are free," nakangiting sambit nito.

Ahh. 

"Of course, why not." He answered at tumayo na. Tiningnan niya ang suot niyang relo, mag-aalas onse na palang ng umaga.

"See you there then," at tumalikod na rin ito. 

Agad niya namang kinuha ang kanyang attaché case at lumabas na rin doon. Kailangan niyang matulog.

*******

HINAWAKAN ni Lyndon ang kamay niya at dinala sa kanyang labi at dinampian ng halik.

Katatapos lang nilang kumain at nakaupo sila sa ilalim ng isang puno ng isang mahogany. 

Naglatag sila roon ng isang kumot at doon sila naupo. Dumaan sila sa isang restaurant kanina at umorder ng kanilang kakainin.

Nakatingin siya sa malayo at nakasandal sa puno.

Umakyat ang mga labi ni Lyndon sa kanyang balikat. Hinayaan niya lang ito.

Napapikit siya ng dumako ang halik nito sa kanyang leeg. Hinawakan nito ang kanyang mukha at napamulat siya ng kanyang mga mata.

Halatang-halata ang pamumula ng mukha nito dahil sa sobrang puti. She can see the lust in his eyes at hindi nagtagal ay bumaba ang mukha nito at hinalikan siya sa kanyang labi.

She opened her mouth para salubungin ang halik nito at napaungol naman ito sa kanyang ginawa. Tila iyon ang naging daan upang kumawala ang pagpipigil nito sa kanyang sarili.

He cupped her face with his two hands and kissed her hungrily. 

Hindi ito ang unang beses na hinalikan siya ni Lyndon, pero hanggang doon lang sila. Hanggang halik palang sila.

Kayat nang bumaba ang kamay nito at pumailalim sa kanyang blouse ay agad siyang kumawala dito.

"Whats wrong?" Nakakunot-noong tanong nito. At mababakas sa kanyang mukha ang pagka-disappoint. 

"Nothing. Lets go. We need to ready for the auction later." At agad siyang tumayo at inilahad ang kamay niya.

Napabuntung-hininga ito at inabot ang kamay niya. Bagaman hindi ito umimik ay alam niya nagalit ito sa ginawa niya. Hindi lang ito ang unang beses na gumawa ito ng paraan para may mangyari sa kanila. Palagi niya itong naiiwasan katulad ngayon, dahil madami siya laging palusot.

Minsan nagi-guilty na rin siya dahil hindi niya mapunan ang ilang bagay dito, ngunit kahit gusto ng utak niya ay ang katawan niya ang tumatanggi. Tila siya binu-buhusan ng malamig na tubig kapag.

Nauna na itong naglakad sa kanya at pumasok sa sasakyan. Ni hindi na siya nito pinagbuksan ng pinto.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status