Share

Chapter 2

Buhat nang malaman ko na buntis pala ako ay halos 2-3 hours na lang ang nagiging tulog ko. Namomroblema kasi ako kung paano ko sasabihin kina mama at papa ang lagay ko. Siguradong magagalit sila, lalo si papa. Pero alam kong dapat kong harapin yun. Kasalanan ko rin naman kasi eh. Kung hindi naman ako nagpadala sa kanila na uminom hindi ito mangyayari.

Kumakain ako ngayon dahil papasok na ako sa office nang may kakaiba akong naramdaman sa katawan ko at biglang nasuka. Hilong-hilo ako. At nanghihina ang tuhod ko.

Parang ayoko ng pumasok sa gantong lagay pero sigurado akong dadalhin ako nina Papa sa doctor. At hindi pa naman ako ready na malaman nila. Sasabihin ko rin naman sa kanila pero hindi pa sapat yung naipon kong lakas ng loob.

"Ate okay ka lang? Anong nangyari?" nag aalalang tanong ni Charlie, kapatid ko. Close kami nyan kahit mas matanda ako ng 5 years sa kanya. He's 18 years old at kasalukuyang nasa kolehiyo.

"Okay lang. May nakain lang siguro akong sira na." I tried to smile at him but I know I looked like a mess kaya agad akong tumakbo papuntang kwarto. Baka kasi makahalata itong kapatid ko eh. Matalino at magaling pa naman makahalata ang isang yon.

Tiyak dahil ito sa pagbubuntis ko kaya masama ang pakiramdam ko. I've read a lot of articles about pregnancy at isa lang ito sa napakaraming bagay na mararanasan ko. Mahihirapan akong itago ito sa mga susunod na araw dahil lolobo na ang tiyan ko in a few months.

Sir Greg knew nothing about this. As much as possible I don't want to involve him in this issue. But he started this and he should learn from his own mistakes. Aba, hindi pwedeng puro pasarap lang ang alam. He should be responsible for his every actions. Lahat ng ginagawa ng tao may bunga at ito ang bunga ng kalokohan nya. Nakakainis lang kasi dinamay nya pa ako sa karma nya.

I have decided to go to him and tell him everything. Hindi ako sigurado sa magiging reaksyon nya but still I wanna give it a try. Kawalan naman nya kung hindi nya tatanggapin ang anak ko. Kayang kaya kong palakihin ito mag isa. I just want to give my child a fair chance of having both parents. Ayokong one day magtanong sya sa akin kung bakit wala syang tatay at malalaman nyang karuwagan at pride ko pala talaga ang may kasalanan.

Akala ko mahihirapan akong hanapin si Sir Greg. Palagi kasi syang wala sa office nya at nagliliwaliw kung saan saan. But I found him in the parking lot and as usual, may kahalikang babae na akala mo puputok na ang damit sa sobrang hapit nito sa mala-coca cola nyang katawan.

I saw how his hands went from the woman's waist to her chest as they kissed as if they're after each other's life. Sobrang nakakadiri. Hindi ko maimagine na iyan din ang labi at kamay na humawak sakin kaya nabuo itong nasa sinapupunan ko. I faked a cough in hopes that they'd notice me. Gladly, they did.

"Oh, hi babe!" he sweetly addressed me before he gently pushed the woman beside him to walk towards me. "Bakit mo ako pinuntahan? Don't tell me gusto mong ulitin ang ginawa natin last time?"

Wala akong pinalampas na sandal at sinampal ko agad sya. Is it really possible to meet a guy as pervert as this man?

"Gusto kong mag usap tayo!" Madiin at seryoso na sabi ko. Ngumiti sya at mabilis nya akong hinila papunta sa office nya. But before we can even proceed, naramdaman naming hinila din sya pabalik ng babaeng ka-fling nya. Sobrang aburido ng mukha ni Ateng at ang sama ng tingin nya sa akin.

"Hey! Stay here. We're not yet done." Sabi nito. Ang sarap magtaas ng kilay.

"Sorry, may bago na ako." sabi ni Sir at saka ngumiti sa akin

I wanted to puke at him but held myself back. Kadiri. Mamaya may HIV na 'to sa dami ng babaeng ikinama tapos nahawa ako. Hinding hindi ko talaga mapapatawad ang lalaking ito. Ever!

Pagkadating sa office nya ay agad nyang ini-lock ang pinto at dahan dahang tinanggal ang pagkabuto ng polo nya. Napalunok ako nang di oras. What was he thinking?

"A-anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Alam kong attracted ka rin sa akin." bigla nya akong hinawakan sa dalawang pisngi at hinalikan.

Pilit akong kumawala. Pinagpapalo ang dibdib nya at nang makawala ako ay sinampal ko sya ng pagkalakas lakas. Hindi ako makapaniwala sa guts ng taong ito!

"Napakabastos mo eh, ano? Puro iyan lang ba ang nasa utak mo?"

"So you did not come here for..."

"Hindi, Sir. Hindi!" I sighed tiredly. "Hindi ako katulad ng mga babae mo. I'm not here for sex."

"So what brought you here?" he asked. "Ano pala ang gusto mong pag usapan natin?"

Natigilan ako saglit sa sinabi nya. Oo nga pala! Sasabihin ko na sa kanya ang bunga ng kalokohan nya pero paano ba magsisimula? Paano ko sasabihin sa kanya na magiging tatay na sya?

"Ang tagal! Sa mga oras na to dapat nakakarami na kong babae eh." pagrereklamo nya.

"Sir Greg buntis ako at ikaw ang ama! Dahil ito sa kalokohan mo!" I broke the news to him and he stared wide-eyed at me for about three seconds before I heard shocked voices.

"What?!" narinig naming boses kasabay ng malakas na pagkabukas ng pinto.

Tumambad sa amin ang dalawang babae. The woman with a hush blonde bob cut hair looks like she's in her early 40's while the pretty young lady with a waist-length black wavy hairang looks as young as Charlie. Pareho silang eleganteng tingnan. Mommy siguro ni Sir Greg at kapatid ang mga 'to.

"Is that true honey? Buntis ka at si Greg ang ama?" Tanong sa akin ng babaeng mas matanda. Sandali akong lumingon kay Sir at nakita kong nasa kabilang side ang tingin nya habang nanggigigil ang kamao.

Ibinalik ko sa mommy nya ang tingin ko at saka marahang tumango saka yumuko. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako. Siguro mamatahin nila ako. Diba ganun naman ang mayayaman? They love eyeing---.

"That's fine, hija. Don't worry kami na ang bahala sa kasal. Congratulations! Welcome to the family, hija." Niyakap ako ng mommy nya at para akong natuod.

Muli ay napatingin ako kay Sir Greg. Bigla akong kinabahan sa nakikita ko. Galit na galit sya at parang magagawa nyang pumatay. I knew it. Ayaw nya talagang ikasal.

But things are just the same with me. Gustong makasal pero hindi sa ganitong paraan. I am just 24 years old. Originally, my plan was to enter in a relationship at age 25 and then marry at age 28 and have kids at 30. I guess life has its way of messing with my plans.

"Ayoko ng kasal, Ma. I can secure them financially but I can't be tied with them. Hindi ko kayang sila na lang ng sila ang kasama." Seryosong sabi nya.

Aaminin ko nasaktan ako. Wala naman talaga akong nararamdaman para sa kanya pero syempre nakakaawa naman yung magiging anak ko. Kailangan kong maging matapang para hindi ako mag mukhang tanga dito.

"Ayoko din po ng kasal. Ayos na po sa akin na suportahan na lang nya ang anak ko." kahit labag sa kalooban ko ay sinabi ko pa din. As if naman kasi may magagawa ako.

Kailangan ko na lang maipaliwanag ng maayos kay Papa ang sitwasyon ko. Magagalit sila, oo. Alam ko naman ding may mali ako at tatanggapin ko ang magiging reaksyon nila. Pero kilala ko si Mama at Papa, magagalit sila but soon alam kong mamahalin nila at tatanggapin ang anak ko ng buong puso.

"No! I have already decided! May kasalang magaganap." ma -awtoridad na sinabi ng kanyang Mommy.

"Buhay ko 'to, Ma. Ako lang ang may karapatang magdesisyon."

"Fine, Greg! So what's your decision? Hahayaan mong maging bastardo ang anak mo? Hahayaan mong lumaking walang ama katulad mo?"

Biglang nabalot ng katahimikan ang buong office. Kahit ako ay nagulat. Hindi ko alam na wala pala syang kinagisnang ama. I somehow felt a pang of pity towards him. Maybe that explains his behaviors and actions? I don't know.

"Excuse me." Sabi ni Sir Greg kasabay ng paglabas nya. Padabog din nyang isinarado ang pinto kaya hindi ko napigilang mapapikit.

The moment na makalabas sya ay nilapitan ako ng Mommy nya. Lalo akong nahiya.

"Hayaan na muna natin sya." She smilingly told me.

"Sigurado po bang ayos lang sya?"

"Oo. Ganyan lang talaga yang si Greg." Tumawa sya nang mahina. Grabe, pati pagtawa sosyal! "Anyways, how's the baby? Naku, finally magkakaapo na rin ako."

"Maayos naman po ang bata. Six weeks old na po sya."

"Alagaan mo syang mabuti ha. Ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Charlene po, Ma'am." Sabi ko sabay yuko at extend ng kamay for handshake pero niyakap nya ako. Biglang para akong maiiyak. It must be the pregnancy hormones.

"Ang ganda ng pangalan mo. Bagay na bagay sayo. Call me Mommy, okay? You'll be a part of our family soon. You should get used to it."

"About that po, okay lang po talaga kung walang kasal kasi--"

"No more buts Charlene. Ikakasal kayo whether you like it or not."

Tama bang magpakasal ako sa lalaking hindi ko mahal at hindi ako mahal? Siguro, para sa bata na lang. Para buo ang pamilyang makagisnan nya, I think that's really the best thing to do?

"By the way, Charlene, this is Grace. Greg's sister."

"Hello po Ate Charlene. Nice to meet you." Sabi nito at saka humalik sa pisngi ko.

Naguilty tuloy ako na pinag-isipan ko sila nang masama kanina when in fact kabaligtaran pala sila ng iniisip ko. Akala ko hindi sila papaya na magkaroon ng apo sa babaeng malayo sa social circle nila. I even had this fear nab aka sabihin nilang ipalaglag ko ang bata. Of course that will never happen.

"We need to go, Charlene. Pasensya na ha. Take care of yourself and my apo." Nagbeso sila sa akin tapos ay lumabas na.

Naiwan na naman ako at ang anak ko. Sana maging maayos ang lahat. Soon.

.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status