Share

Chapter 5

(Charlene's pov)

My eyes, my arms, my legs, my whole body felt heavy. Para akong nakipag wrestling sa sampung kalabaw. I tried opening my eyes and was surprise to see five men in black and in shades standing around me. Agad akong napasigaw nang malakas.

"Sino kayo?!" Malalaki ang katawan nila at nakakatakot ang itsura. They look like goons. Gusto kong kumawala at tumakbo pero paano? Nakatali ako sa kahoy na upuan. Ni hindi ko maigalaw ang kamay at ang binti ko.

Halos maiyak na ako sa kaiisip kung nasaang dako kaya ito ng Pilipinas? Nasaan ba kasi ako at paano ako napadpad dito? I tried to recall what happened. Ang natatandaan ko lang ay paalis ako ng opisina at papunta sana sa interview ko nang magdilim ang paningin ko. Sila marahil ang may gawa nito.

Teka? Baka akala nila mayaman ako tapos magpapa-ransom sila kina papa? Jusko! Wala na nga akong trabaho, ganito pa?

Sabihin ko kaya sa mga ito na buntis ako at baka makasama sa bata itong ginagawa nila? Maawa kaya sila sa akin? Pero sa itsura nila mukhang mga walang awa itong mga ito.

"Kuya, mahirap lang po kami. Wala pong pambayad ng ransom ang mga magulang ko kaya pakawalan nyo na po ako!" Pakiusap ko. Yung lalaki naman deadma lang. Ni hindi ako nilingon.

Nagbukas ang pinto ng bodega at agad na napako ang tingin ko doon.

"Bitawan nyo sabi ako eh! Ano ba!! " boses ng isang lalaki na papasok din yata sa kinalalagyan ko..

Laking gulat ko nang makita ko si Greg na papasok. Nakatali din ang mga kamay nya at hawak ng limang lalaking nakaitim din. He was trying to kick the men but the deed was just so futile.

He looked up and our gazes met. For a second I think I saw worries in his eyes but shifted immediately into hatred.

"Anong ginagawa mo dito?" Galit na tanong nya sa akin matapos syang itali sa isang upuan sa tabi ko. "Hoy pakawalan nyo kami!" Sigaw nya nang makitang palabas ng bodega ang mga lalaki.

Aba! At ako pa talaga ang tinanong nito. Siya nga ang suspect ko sa kaganapan na ito tapos malalaman kong biktima din pala sya. Sino ba ang may gawa nito? Sino ang posibleng may gawa nito?

"Hindi ko alam, kinidnap nila ako." walang gana kong sabi. Naiinis ako dahil naaalala ko ang mga sinabi nya sa akin kapag nakikita ko sya. Naalala kong mayroong dugo nya na nananalaytay sa sinapupunan ko.

"Pinlano mo yata ito eh."

"Alam mo, kung wala kang matinong sasabihin tumahimik ka na lang. Hindi nakakatulong iyang mga sinasabi mo eh."

Tumahimik naman sya. Ang tangi lang naming naririnig ay ang tawanan at usapan ng mga lalaki na nagdala sa amin dito. Para silang mga adik na nag uusap at nagtatawanan sa bawat salitang babanggitin ng kasama nila. Nakakatakot.

"Yung lalaki po anong gagawin? Ah sige po. Sa babae po? Thank you sir sa pagbalato nyo sa kanya. Mukhang masisiyahan ako sa ganda ng babae. Sige po bye."

Kinabahan ako sa balak nila. Lalo na nang marinig ko na ibabalato ako sa isa sa mga lalaki dito. Nanginig ang laman ko. Ano nang gagawin ko?

Tiningnan ko si Greg at halatang nagulat din sya, pero inalis nya agad ang tingin nya sa akin. His jaw clenched and I saw how his hands turned into fists.

"Greg, gumawa ka ng paraan." Naiiyak na pakiusap ko sa kanya. Hindi ko yata kakayanin ang binabalak nila. I would rather die than to be raped.

"Tatakas tayo. Huwag kang umiyak." Malambing na sabi nya and for a moment I felt safe. I felt secured.

Pumasok na ang mga dumukot sa amin na may malaking ngiti sa akin. Napalunok ako. Gusto kong umatras nang umatras pero hindi ako makagalaw.

"Bugbugin nyo na iyang lalaki. Kayo na bahala dyan." Said the man who I think was their leader. Agad na nilapitan ng mga lalaki si Greg. "Yung babae sa kwarto ko." Dalawang lalaki ang humawak sa akin para hilahin ako para dalhin sa kwarto dawn g lider nila. Nagpumiglas ako pero walang silbi.

"Tigilan nyo kami, ano ba! Huwag na huwag nyo rin syang gagalawin kundi mananagot kayo sa akin." Galit na galit na sabi ni greg at sinusubukang iharang ang katawan sa mga lalaki na kumukuha sa akin.

"Manahimik ka, Francisco." pagkatapos ay sinuntok sya at napabagsak sa sahig.

"Greg!" Iyan na lang ang nasigaw ko.

Pinagpasapasahan naman siya ng mga lalaki. Hindi makalaban si Greg dahil sa tali sa kanyang kamay. Napapikit ako nang makita kong pumutok ang labi nya. Bakit ba nangyayari ito? Ano ba ang kasalanan naming sa kanila?

Nilapitan ako ng leader nila at sinimulang halikan sa leeg. Pilit akong kumawala pero hindi ako makalaban. Nag unahan naman ang mga luha sa mga mata ko. Bakit ba ang malas malas ko?

"Bitiwan mo sya!" Sigaw ni Greg. My heart melted. Kahit sobrang dami nya nang sugat at pasa ay sa akin pa rin sya nakatingin at pilit na lumalapit.

"Bakit? Ano mo ba sya? " sinabunutan naman ako ng lalaki at tuloy tuloy na hinalikan ako. Sigaw ako nang sigaw at nagmamakaawa na tigilan nya ang ginagawa nya sa akin pero mukhang wala syang naririnig kung hindi ang sarili nyang katawan. Wala na. May gagalaw na naman sa akin. Nanghina ang katawan.

"ANG SABI KO, BITIWAN MO SYA!" nagulat kaming lahat sa lakas ng sigaw ni Greg.

Hindi ko alam kung dahil ba naging maluwag na lang ang tali sa kanya sa dami ng suntok sa kanya o dahil sa sobrang galit nya kaya natanggal nya ang pagkakatali sa braso nya. Sinuntok nya ang lahat ng lalaki na nasa paligid nya. Maging ang lalaking may hawak sa akin kanina.

Malabo man ang paningin ko dahil sa luha ay napakalinaw sa akin na pinagtanggol ako ni Greg. Pinoprotektahan nya ako. Hindi sya pumayag na galawin ako ng lalaki.

Nang tumba na lahat ng mga lalaki ay nilapitan nya ako at niyakap. Iyak pa din ako nang iyak pero dahil sa yakap nya, alam ko at ramdam kong ligtas na ako.

"Okay na. Okay na lahat. Wag ka nang umiyak." He caressed my hair with his hands.

That time, gusto ko nang tumigil na lang ang mundo. Napakainit ng yakap nya. At parang puno ng pagmamahal ang bawat paghagod nya sa likod ko. It felt surreal but I love it.

Pero bigla na lang kaming naghiwalay nang may marinig kaming pumapalakpak mula sa likuran. Sabay kaming napatingin doon.

"Perfect! Sabi na nga ba nagmamahalan talaga kayo eh. Bagay na bagay talaga kayong dalawa!" napakalawak na ngiti ang binigay sa amin ng mommy ni greg.

Bigla akong itinulak ni Greg. Nalito tuloy ako sa nangyayari. Bakit nandito ang mommy ni Greg? At bakit parang masaya pa sya sa lahat ng nangyari?

"Sinet up mo kami, Ma?"

"Let's just say na sinubok ko kayo. dahil dito, nalaman ko na nagmamahalan talaga kayo. At kailangang magpakasal." Para syang scientist na may nadiskubreng isang bagong element. Ganun sya kasaya. And the pride it her voice was supremely evident.

Tumayo si Greg at sinipa ang upuan. "You know what, Ma? You are crazy." Nanggigigil na sabi ni Greg sa mommy nya at saka nag walk out. Naiwan naman ako na kasalukuyang nangangatog pa rin.

I honestly feel the same. Hindi ko maiwasang mainis sa nalaman kong sinet up lang pala kami. Halos mamatay ako sa takot. Halos ibuwis ni Greg ang buhay nya kanina. Tapos ganito lang pala lahat?

Nilapitan naman ako ng mommy ni Greg. I don't know how to act. I want her to feel that I'm against her idea. Alam kong gusto maayos ang intension nya pero hindi ko nagustuhan na kailangan nyang makialam at magdesisyon para sa amin ng anak nya.

"Sorry sweetie, ginamit pa kita sa kalokohan. Tara babawi ako!" She assisted me to stand but I refused.

"Sobrang nirerespeto ko po kayo, Ma'am. And I know how much you love your son and how much you want him to learn. But I'm sorry po, hindi ko rin po nagustuhan yung ginawa nyo na ito. Excuse me po."

I immediately went out after I said those. My tears kept falling despite the fact that I am now safe. Hindi naman din kasi biro ang naranasan ko. I was almost raped. Napaupo ako sa damuhan sa labas ng bodega.

"Perfect! Sabi na nga ba nagmamahalan talaga kayo eh. Bagay na bagay talaga kayong dalawa!"

I remembered what Greg's mom said earlier. Posible nga kayang mahal nya na ako? His actions said yes. Pero sya pa rin naman si Greg Francisco. Ang hirap umasa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status