Share

KABANATA 7: Morriban

    "Ang mga Fairy.  Sila ang mga naliliit na bersyon ng mga Diwata. Sila naman ang mga taga-pangalaga ng mga kahalamanan. Noon ay napakaraming Fairy sa Gaia. Ngunit palaon nang palaon ay kumokonti na ang populasyon ng mga ito. Hanggang sa isang pamilya na lamang ang natira sa kanila."

    Napatingin akong agad sa mata ni Nelson sa pagkakataong iyon. Pinipilit hanapin ang sagot sa konklusyong nabuo sa aking isip.  

    Pero ang lumbay nitong mga mata lang ang naisagot nito sa akin. 

    "You've meet the three of them this morning, Hagan. The Last generation of Faries.  The Flordelina trio," usal nito na ikinatigil ko. 

    "Bakit anong nangyari?" Hindi ko mapigilang tanong.

    Hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng galit. Pero napakababait ng mga Fairy. Nagawa nila akong bantayan kahit hindi nila alam kung sino ako. Likas silang mabubuti. Pero paanong naubos ang ganoong mga nilalang? 

    "Pinasok ng mga kalaban ang Gaia,  tatlong taon na ang nakakaraan. Gabi niyon, at hindi inaasahan ang paglusob na magaganap. Kaya naman kinaumagahan, nagulat na lamang ang lahat. Nang mawala nang parang bula ang lahi ng mga Fairy. Sila lang. Sila lamang ang kinuha noong araw na iyon, " malungkot na sagot nito pero hindi iyon mag sink in sa utak ko. 

Paanong nawala? Bakit? 

    "Dahil ang luha ng mag Fairy ay nakagagamot sa anumang sakit. " 

    Usap sa ni Andreas sa isip ko na ikinabasag ng kung ano sa loob ko. Napayukom ako ng kamao.

Morriban's Point of View

    Buong inis ko na namang sinuklay ng kamay ko ang buhok na lumadlad sa aking mukha. Pinilit kong itago ang sarili ko sa likod ng tambak na mga lumang libro sa harapan ko na hindi kalayuan kila Denzell.

    I cannot believe they can even do this to me! Nelson knew I'm into studying creature residing in Gaia! How could he, for leaving me just a few books to study on my own, kung may ganito pala?!

    Kaya naman hinanap ko ang library sa palasyo at hindi inaasahang dadating ang mga ito. Kaya mabilis akong nagtago sa kinaroroonan ko ngayon.

    Kunot noo muli akong sumilip sa pwesto nila Denzell at Andreas. Andreas seems like enjoying the lesson with his poker face, his usual self. Denzell seems tired of listening. While this unknown man in their middle, hindi ko siya kilala, pero mukhang interisado siya sa sinasabi ni Nelson.

Pinagmasdan ko ang simple nitong anyo. I can't see any special on him. Walang kulay ang kanyang buhok, gaya ng mga diwata. Walang sanga, matulis na tainga, o berdeng balat akong nakikita sa kanya para maging isang nilalang ng Dasos. Walang nagliliwanag na bahaging katawan, walang marka sa pisngi, walang palikpik o hasang, walang mga pakpak, wala kahit isa para masabi kong nilalang siya galing sa ibang kaharian.

    Wala. Bagkus ang katangi-tangi lang sa lalaking ito ay ang mapungay at makinang nitong mga mata. The kind of eyes Maximus had. Isang matalas at determinadong mga mata na alam kong nakakalunod kapag sa malapitan.

    Simple lang din ang kasootan nito. Walang espesyal. May kayumangging balat. Mahaba, maalon at tila hindi nagugupitang itim na buhok. Oo, halata sa hapit niyang damit ang pagkatikas na katawan nito. Pero wala akong nakikitang kahit anong espesyal sa kanya. Wala!

    Kaya paanong kasama pa siyang pumasok ni Nelson sa aklatang ito? I mean he is a Deity. At ang kinaiinis ko pa ay parang walang galang ang lalaking ito sa mga diyos na si Nelson, Andreas, o miski na kay Denzell.

    "Last is Maiar. Ang Maiar ay ang natatanging nilalang na pinagpala ng mga Spirits. Some says they can see the spirits and talk to them na hindi kayang gawin ng mga ordinaryong mga nilalang maging kaming mga diyos. May kakahayan din ang mga itong gumamit ng puting mahika. Na nagiging dahilan para ang kanilang mga buhok ay maging puti. Ngunit dahil sa mahirap pag-aralan ang puting mahika. Halos inaabot na ang kanilang lahi ng katandaan bago matutunan iyon.

    "Bagay na nagiging sanhi para sila'y maubos. Dahil palaon nang palaon ay hindi na nila napapasa ang kanilang kakayahan sa mga bagong henerasyon at inaabutan na lamang ng kanilang kamatayan." Pagtatapos ng paliwanag ni Nelson habang tinititigan ang huling Maiar ng Dasos Kingdom. Si Apo Luca.

    Napatitig ako sa pagkakataong ito kay Nelson. Natulala ito sa larawan, habang ako nama'y hinihintay na sabihin nito ang tunay na dahilan kung bakit naubos ang lahi ng Maiar noon. Pero nanatili itong tikom.

    Ilang sandali pa ay binawi nito ang tingin sa screen. "Ayan! Tapos na ang ating leksyon. Tandaan niyo ang mga nilalang na mga pininakilala ko. At iwasan ang mga nilalang na maaring makaalam ng tunay na pagkakakilanlan ninyo. Hanggat maari'y umiwas kayo sa gulo. Dahil ang tanging misyon niyo lamang sa Akademia ay ang samahan at bantayan doon si Morriban. " Ligpit nito sa mga libro na ikinatigil ko.

    Bantayan ako?

    Yes, I do understand that Denzell and Andreas meant to be my companion. But with that guy? Bakit? Sino ba siya? Anong nangyayari?

    This shouldn't be connected with the one that I eavesdrop a few days ago.

    "Tss. Do we really need to do this, Nelson? Hindi ba pwedeng magpakilala nalang ako bilang diyos sa lahat? Napaka-hassle, Nels," bugnot na angal ni Denzell habang haplos-haplos ang tainga nito. Bagay na madalas niyang ginagawa kapag naiinis o nagagalit.

    "Denzell!" saway ni Andreas dito. Pero alam kong hindi ito magpapapigil. 

    "Totoo naman, ah! Parte rin naman tayo ng Gaia!  Bakit kailangan nila tayong layuan? Mananakit ba tayo? Hindi naman ah! " Tuluyan nitong tayo na ikinakagat ko sa aking labi.

    Ito na naman siya.

    "Tumigil ka na, Denzell. Hindi ito ang tamang oras para pagtalunan na naman ang usaping iyan," mahinahong suway ni Andreas dito at ramdam ko sa tono niyang iyon ang lungkot.

    Pero ikinagulat ko nang tumawa nang mahina si Nelson. At alam kong hindi iyon totoo.

    "Wala tayong magagawa. Kahit ano pang mabuting bagay ang ipakita ng gaya nating taga-pamagitan sa mundo ng tao at Gaia. Hinding-hindi niyon mababago ang tingin sa atin ng mga nilalang na alam mong biktima ng nagdaang digmaan," pagpapatuloy nito habang nakangiting inaayos ang mga libro sa lamesa.

    "Sila ang nawalan, Denzell.  Sana maintindihan mo iyon. Sila ang biktima rito. Hindi tayo." Tumunghay ito sa tatlo sa ganoong estado.

    "Pero!  Ugh!  Ewan ko sa inyong lahat! " Buong prustasyong tumayo si Densell at padabog na iniwan ang lahat. Gaya namam ng laging ginagawa ni Andreas. Hinabol niya ito at mabilis na nagpaalam kay Nelson.

    Hindi ko magawang hindi maapektuhan sa sitwasyong kinaiipitan ng dalawa kong kababata.

    Sabay kaming lumaking tatlo. Sinubukan naming mag-aral sa Aeras noon para sa elementarya. Pero bangungot sa amin ang mga taong iyon. 

    Naging tampulan kami ng tukso at diskriminasyon. Hindi tanggap ng karamihan ng mga nilalang sa Gaia ang mga Diety. May galit sila rito dahil sa mga haka-hakang kakampi ng mga diety ang mga mortal noong nakaraang digmaan na naging sanhi ng matinding pagkaubos ng mga nilalang ng Gaia. Bagay na walang katotohanan, dahil saksi ako kung gaanong kamahal ng mga kapatid ko ang mga nilalang ng Gaia.

    Iyon ang naging sanhi ng pag-alis namin sa Gaia at pagpapatuloy ng pag-aaral sa mundo ng mga mortal ng elementary at highschool. At ngayong handa na kami, bumalik kami sa Gaia upang mag-aral sa Akademia. Ang akala ko'y malaya nang maangkin nila Andreas at Denzell ang kanilang pagka-diyos. Hindi pa rin pala.  

    "O siya, Hagan. Tapos na ang lesson natin ngayong araw. Nawa'y natandaan mo ang mga nilalang na ipinakilala ko sa'yo. Dahil bukas na bukas din ay papasok na kayo sa Akademia. Ang lugar kung saan hinahasa ang kakayahan ng apat na kaharian para protektahan ang Gaia."

Nakuhang muli ni Nelson ang atensyon ko nang kausapin niya ang lalaki na para bang wala itong alam kung ano ang Akademia.

    "Teka. Protektahan ang Gaia?" bulalas pa nito na ikinakunot ng noo ko. 

Taka... hindi maganda ang kutob ko rito.

    "Oo, ang Akademia ay ang lugar kung saan nagkakaisa ang lahat ng nilalang upang labanan ang mga kalabang pilit na umuubos sa lahi ng bawat mundo.  Alam kong si Morriban lang ang misyon mo roon. Kaya hindi ko na hinihiling na galingan mo pa sa—"

    "Gagalingan ko!" Pigil nito kay Nelson na ikinauwang lang ng bibig ko. 

    Ako lang ang misyon niya sa Gaia? Bakit? Sino bang talaga ang lalaking ito?

    Isa ba siyang mortal?

    Bagay na unti-unting ikinadilim ng tingin ko't ikinadismaya.

Hagan's Point of View

    Bago pa man tuluyang umalis si Nelson ay nagawa kong hiramin ang mga aklat na hawak-hawak nito. Gusto ko pang malaman ang naging kasaysayan ng dalawang mundo. Gusto ko pang makakalap ng impormasyon kung sino ang mga nilalang na gumawa ng masama sa lola ko, o maging sa mga faiy.

    Luma na ang librong pinahiram sa akin ni Nelson. Sulat kamay pa ang ilang pahina nito kasama ang mga siniksik na mga papel na nakadikit sa libro.  Pero kahit na papaano'y nababasa ko ito ng malinaw.

    Gawa ng pagsisikap ni Lola noong malakas pa siya'y nagawa pa ako nitong pag-aralin hanggang matapos ko ang elementarya. Matapos niyon ay ako na ang kumayod upang makatapos ng High school sa pampublikong paaralan sa bayan namin. Ngunit dala ng kahirapan at kakapusan ng kinikita ko sa aking mga trabaho'y minabuti ko na munang hindi ito ipagpatuloy. Gaya ng mga ka-eskwela ko'y sumuko na rin ako sa pagpapatuloy ng aking pagaaral para lamang makakain ng sapat sa araw-araw. Ngunit kahit na ganoo'y nagawa kong pagbutihan sa aking pagaaral sa pagbabasa, pagsusulat o maging ang makaintindi ng salitang Ingles.  

    Kaya naman nakasasabay ako sa mga wika ng mga Diety kanina.

    Bubuklatin ko pa lang sana ang libro nang maalarma ako sa mabilis na yabag sa likuran kong papunta sa gawi ko. 

    Agad akong napatayo sa silya para harapin ito ngunit huli na nang makita ko na lang ang sarili kong napahiga sa lamesa dahil sa malakas na pwersang nakapagpatumba sa akin dito.

    "Who are you?!" Malamig at may galit na usal ng babaeng nasa harapan ko. She pinned me down habang tutok-tutok ang matalas na bagay sa leeg ko. Bagay na hindi ko na ikinagalaw pa, dahil bukod sa nagawa nitong paibabawan ako'y ramdam ko ang hapdi ng bahagi ng leeg kong kinatututukan niya.

    Pero ikinagulat ko nang mamukhaan ko ang matapang nitong mukha.

    Siya...  siya iyong babaeng lumabas sa mansyon ng mga Gravesend noong gabing  isasauli ko sana ang salapi kay Luther! Hindi ako maaring magkamali!

    Ang matalas at galit nitong mga mata'y malungkot tignan sa mas malapitan. Malayang nakaladlad ang mahaba nitong buhok sa aking mukha. May napakaputla itong balat, at noong kunot na kunot na nakatitig sa akin.

    Sa sobrang gulat ko'y hindi na ako nakahanap pa ng salitang maisasagot dito.  Ngayon lang, ngayon lang akong napatigil ng ganito sa gitna ng panganib na naramdaman ko. 

    "Answer me! Why do you have to protect me!" Buong galit ngunit halos pabulong nitong tanong. Bagay na agad ikinanlaki ng mga mata ko. 

    Protect her? 

    "I-Ikaw si Morriban?" Tanging salitang lumabas ss bibig ko imbis na sagutin ang tanong nito. Ngunit parehas kaming napalingon sa pintuan ng Library nang umikot ang kandado nito. Bagay na ikinagitla ko na naman nang mabilis akong hilahin ni Morriban sa madilim na parte ng silid aklatan, at hindi na ako nakaangal pa dito.

    Mabilis ako nitong hinila papatago isang mababaw na shelves. 

    Tatanungin ko na sana ito sa kanyang ginagawa nang takpan nito ang bibig ko at ikinatulala ko iyon. 

    "Huwag kang maingay. Hindi nila ako maaring makita rito," walang lingon nitong banta sa akin habang may sinisilip na kung sino sa pinanggalingan namin kanina. 

    Kahit madilim ay kitang-kita ko ang kaba sa mukha ni Morriban. Bagay na ikinahawak ko sa kamay nitong nakatakip sa bibig ko't tahimik na lamang na tumango. Agad niya iyong naintindihan at ikinabitaw. 

    Gaya nito'y nakisilip na rin ako sa mga siwang na gawa  ng mga mga nabakanteng espasyo ng libro.  At ikinakunot ng noo ko nang matanaw ko ang dalawang taong niluwa ng pintuan. 

    Ang isa dito'y si Luther, hawak-hawak ang kanyang tungkod sa paglalakad.  Kasama ang isang matikas at pormal na lalaking may katandaan ngunit nababakas sa tindig nito't dating ang otoridad na nakapagbigay sa akin ng kakaibang intimidasyon.

    Sino ang taong kasama ni Luther? 

    "What bring him here?!"  singhap na bulong ni Morriban habang kunot na kunot ang mga noo. 

    Napalingon muli ako sa lamesang pinanggalingan ko nang mapakagat na lamang sa aking labi nang matanaw ko ang nakabuklat na libro doon.

    Iyong librong binabasa ko!

    Sa hindi malamang dahila'y tila nadala ako ng kaba ni Morriban na mahuli ito. At gaya nga ng ikinakatakot ko'y kunot-noong dinampot ng matikas na lalaking iyon ang libro.

    Tila napatigil ang hininga ko sa mga sandaling iyon. May kung anong bagay ang lalaking iyon na nakapagsasabi sa aking na mapanganib siyang tao. Isa rin ba siyang Diety?

    "Bakit narito ang mga librong ito?! Namakielam na naman ba sila Andreas dito?!" Galit na sarado ng lalaki sa libro at maayus iyong pinagpatong-patong.

    "Hindi mo kailangang sumigaw,  Artimus. Intindihin mo na lamang ang mga pinakabatang myembro ng ating pamilya. Maaring hindi pa sila sanay sa kanilang mga gampanin o mga dapat nilang paguugali."

    Napakurap ako sa pangalang binanggit ni Luther.  Artimus? 

"Palagi na lang kailangang intindihin! Paulit-ulit! Hindi ba kaya ni Andreas at Denzell umakto sa kung ano dapat sila? Dapat silang umakto ng maayos hindi parang b****a! They should earn what kind of respect the late Diety had noong nabubuhay pa sila!" Angil pa nito. Pero mas ikinaagaw ng atensyon ko ang mariin na pagyukom ng mga kamay ni Morriban sa mga binatawang salita niyong Maximus.

    "They will,  Artimus. Let's just trust those kids," pagpapakalma muli ni Luther dito habang nilalakad ang papaikot na lamesa. At ikinatigil ng paghinga ko nang mabilis itong lumingon sa aming gawi. 

    Bagay na agad kong ikinahila pababa kay Morriban at sa pagkakataong ito'y ako na ang may hawak sa braso niya.

    "Bulag s—" she's tried to explained ngunit nang nakita ko ang mabilis ring paglingon ni Maximus sa gawi nami'y mabilis kong inilapit si Morriban sa gawi ko't papayakap itong inupo at tinakpan ang bibig nito.

    Nagtangka itong magpumiglas. Ngunit nang marinig namin ang mabigat na mga hakbang papalapit sa ami'y tila parehas na natigil ang aming paghinga. 

    Pambihira, narinig niya! 

    At sa sandalifing iyo'y ang mga kamay ni Morriban na nakapigil sana sa mga kamay kong nasa bubig niya'y unti-unting nanlamig. Dahil ang mga yabag ay papalapit na ng papalapit sa gawi naming dalawa.

    Hindi.  Hindi.  Hindi ko alam kung anong panganib ang dala ng taong ito pero... Pero kailangan kong protektahan ang babaeng ito. 

    Habang ang mga hakbang ay papalapit na ng papalapit. Ang mga kamay naman ni Morriban ay papahigpit din nang papahigpit sa pagkakahawak sa kamay ko. Masakit, pero hinayaan ko lang ito. Ramdam ko ang takot niya.  Na ikinatikhim ko na lamang ito. 

    Until one voice stops Artimus. 

    "Where are you going? Nakuha ko na ang kailangan natin dito."  Pigil dito ni Luther ngunit rinig ko pa rin ang patuloy nitong paglalakad patungo sa amin. 

    "Parang may narinig akong kung ano sa gawi rito. Sandali lang. " Ani nito.

    Ang boses na iyo'y nasa uluhan na namin ni Morriban.

    At nang oras ding iyo'y tila tumigil ang pagtibok ng puso ko sa kaba. 

    "Tama na. Baka guni-guni mo lamang iyan," kaswal ang tonong iyon ni Luther. Rinig ko rin ang tunog ng tungkod nito na tila papalabas na ng Library at ikinapalatak iyon ni Artimus. 

    Rinig ko ang unti-unting paglayo ng mabigat na yabag sa likuran namin ni Morriban. Hanggang sa marinig ko ang malakas na pagbukas at sara ng pintuan ng silid aklatan. 

    Bagay na agad kong ikinahinga ng maluwag at ikinaluwag ng pagkakayakap kay Morriban. Pero ikinagulat ko ang marahas nitong pagtayo at ilang hakbang na lumayo sa akin.

    "How dare you to touch me!" sigaw nito na hindi ko ininda at ikinatayo ko na lamang. Pinagpag ko ang pantalon ko't pamulsang hinarap ito. 

    Ngayon ko lang napansin na nakapaa ito't soot-soot pa ang itim na bistidang pantulog niya pa ata. 

    "I did not intend to touch you.  Ikaw ang naglagay sa atin sa ganoong sitwasyon. Kung hindi ka nagsalita, hindi sana maririnig ng taong iyon ang boses mo." Mahinahon kong paliwanag. Hindi ko naman talaga ginustong ganoon na lamang hawakaan ang binibining katulad niya. 

    "I'm just trying to say that Luther is—"

    "He's blind, I knew that. At alam kong natalas ang pakiramdam nito. Kaya sigurado akong alam niyang nandito ako, o pati ikaw. " Paliwanag ko at gulat akong tinunghayan. Hanggang ang mga mata nito'y nagsimula muling maging malamig.

    "Kilala mo rin si Luther. Sabihin mo?  Sino ka bang talaga? " Kunot noo nitong paguulit sa kanyang tanong. 

    "Ako si Hagan Agustino, isang Mortal.  At nakatakda kong protektahan ka, Morriban."

GHIEbeloved

HI Hooman! Great to see you here again! Excited na ba kayong makapasok sa Akademia? AKO RIN!! Feel free to leave your comment! I would love to read them <3 ~Miss Eli

| Like
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marisol Pizarro
naeexcite ako sa mga mangyayari ..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status