Share

Kabanata 8 : Deal

Hagan's Point of View

    Napatigil si Morriban sa huling katagang sinabi ko. Ang matalas ngunit malungkot nitong mga mata'y nawalan ng buhay na ikinaatras ko.

    May kung anong bagay ang meron sa mga tinging iyon. Malayo ito sa mga matang mayroon si Gertrude noong nanigas ako sa kinatatayuan ko sa takot. Pero ang mga tingin ni Morriban. Tila ba, inuubos nito ang hangin sa paligid ko na nakapagsasanhi ng pagkakapos ko sa hangin.

    "Isang mortal ang nakatakdang protektahan ako?" walang pagkurap nitong tanong sa kanyang sarili na sinundan ng kanyang pagyuko at nakakikilabot nitong pagtawa.

    Makailang sandali pa'y tinapunan muli ako nito ng hindi makapaniwalang tingin at binalik sa akin ang walang buhay nitong mga mata.

    "Hindi ko kailangan ng kahit na anong proteksyon mula sa kahit na sino... lalong-lalo na sa isang hamak na mortal kagaya mo," dahan-dahan nitong komento na ikinapantig ng tainga ko. Hamak na mortal kagaya ko? 

    Tipid ko itong nginitian at hinarap ng walang takot. "Huwag kang ring mag-alala, Morriban. Hindi ko rin ginustong protektahan ka. Pero masyado nang maraming atraso sa akin ang kung sinong lahi sa mundo niyo para palampasin pa." Inayos ko ang aking sarili at binawi ang ngiti sa aking labi. 

    "Kaya kahit ano pang sabihin mo. Kahit ipakita mo pa sa'kin ngayon ang kakayahan mo para protektahan ang sarili mo'y hindi niyon mababago ang desisyon ko. Proprotektahan kita. Sa ayaw mo man o sa gusto." Pagdidiin ko sa mga salita kagaya ng ginawa niya kanina.

    Proprotektahan kita hindi dahil sa ginusto ko o dahil kailangan mo ito. Pro-protektahan kita at gagawin ang trabaho ko kasabay ng pagreresolba sa trahedyang kinasasangkutan ng pamilya ko. 

    Ang trio. Kailangan kong gumawa ng paraan para maibalik ang pagmamagandang loob na ginawa ng mga ito sa akin. Bagay na hinding-hindi ko aatrasan kahit ang isang gaya pa ng babaeng ito ang humarang sa akin!

    "Fine..." Nagulat ako sa bigla nitong pagsang-ayon. "If thats what you wanted.  Go ahead," pagsuko nito pero alam kong taliwas ng mga salitang iyon ang ipinapahiwatig ng kanyang mga mata.

    "But don't ever dream to be the top student of the Akademia, just because 'gagalingan mo'." Inulit nito ang sinabi ko kay Nelson kanina. So narinig niya? "You are too weak for that."

    Mga salitang mabilis na namang ikinapantig ng tainga ko.

    "I am destined to own that spot," pag-angkin pa nito sa madidilim niyang mga tingin kasabay ng tuluyan nitong pagtalikod sa akin.

Dahil sa inis agad ko itong pinigilan. "Lets have a deal then!" sigaw ko na sumasapat lamang para marinig niya. Ikinatigil niya iyon ngunit nanatiling hindi lumilingon. 

    "You must revoke all the things you have said once I own that spot first!" Pikon kong hamon dito.

    Ayokong minamaliit ako. At mas lalong hindi ko hinahayaang tawagin akong mahina ng kahit na sinong ang alam lang ay ang pangalan ko! 

    I am not weak, I am not that kind of useless jerk para maliitin niya ng ganoon lang.

    Nabuhay akong tinataguyod ang pang-araw-araw na pangangailangan namin ng lola ko. Ginawa ang lahat ng trabaho, nagsikap turuan ang sarili, at dumiskarte para lang labanan ang malupit na sistemang kinabibilangan namin sa ibaba! Kaya hindi ko hahayaang isang gaya niya lang rin ang humusga kung ano ang kakahayan ko!

    "Deal," agaran nitong sagot na ikinakunot ng noo ko. She's too confident!

    "But you also have to pack your things and forget protecting me by that time for I have no plan of losing, Human," diin nito muli at tuluyan nang umalis sa silid aklatan. Bagay na ikinayukom ng aking kamao't mabilis na bumalik sa mga librong pinagaaralan ko.

    Alam kong hindi magiging madali para sa'kin ang lahat para manalo sa isang kagaya niya.  Pero... 

    May kalakasan kong binagsak ang libro ni Nelson at binuklat ito kung saan ako natapos kanina. 

    Pero hindi ako iyon susukuan! 

    Kailangan kong alamin ang bawat detalye at bawat misteryo sa Gaia! Pagaaralan ko ang lahat para magkaroon ng sapat na kaalaman sa mundong ito maging sa mga nilalang na nandito.

    Lola, hintayin mo ako! Hindi ko hahayaang hindi ko maipaghiganti ang paghihirap mo. Gagaling ka! At uuwi ako ng ligtas sa bahay natin!

    Mga munting binibini!  Hintayin niyo akong masuklian ang magandang loob na ipinakita niyo sa isang kagaya ko. 

    At Morriban, maghintay ka lang. Dahil ipapakita ko sa'yo na ang kalakasan ng isang nilalang ay hindi nakabatay sa kung anong antas ng buhay o anong lahi ang kinamulatan nito.

    Magiging magaling akong magaaral sa Gaia! At walang makapipigil sa akin sa bagay na iyon! 

* * *

    MADALI kong napalipas ang oras ko sa silid aklatan. Sinaulo ko ang mga itsura, katangian, at natural na paguugali ng bawat nilalang na maari kong makasalamuha kinabukasan. Nagawa ko pang maghanap ng mga libro sa mga shelves. Ngunit ang iba rito'y ibang lengwahe na ang sulat. At ang nakakainis doon ay... ang mga librong iyon pa ang naglalaman sa pinakahahanap kong impormasyon. Ang mga Gaias' Spirits. 

    Tuluyan na akong napatigil nang maramdaman ko na ang matinding pagkalam ng sikmura ko. At ikinanlaki ng mata ko nang makita sa orasan na alas-singko na pala ng hapon!

    "Tss,  hindi ko na naman namamalayan ang oras." Kamot ko sa aking ulo't inayos na at ibinalik ang mga hinigit kong libro.

    Ilang oras din akong naaliw sa mga impormasyong nababasa ko. Hindi ko na namalayang hindi ako nakapagtanghalian. Sa bagay, sanay naman talaga akong hindi kumakain.

    Matapos kong maginat-inat ay marahan na akong nagsubok lumabas ng silid aklatan. 

    Hindi ko pa nalilibot ang palasyong ito, at mas wala akong idea kung saan ako pupunta ngayon. Pero isa lang ang alam ko... hindi ako maaring makita ng kahit na sino. Dahil isa akong mortal.

    Maingat akong lumakad nang lumakad sa pasikot-sikot na pasilyo.  Napakatataas ng kisame, napakatatangkad ng mga bintanang nadaraanan ko. Hindi lang iyon dahil ang bawat bagay na palamuti sa pasilyo'y ikinalulula ko.

    May nagtataasan ding mga istatwa, may mga pinintang larawan ng iba't-ibang nilalang na nakita ko sa libro. At may magagandang ilaw rin na nakasabit sa kisame. Lahat ng mga iyon ay tila hindi naluluma, ni ang madumihan.

    Natanaw ko ang langit sa labas ng bintana, unti-unti nang dumidilim. At hindi ko pa rin alam kung saan na ako napadpad.

    Hanggang sa isang nakagugutom na amoy ang pumukaw sa aking atensyon. Nanggaling ito sa usang hindi gaanong sarado na pinto sa hindi kalayuan.

    Ito na kaya ang kusina?

    Dahil sa gutom ko'y marahan kong sinilip ang silid sa siwang nito. Bagay na agad kong ikinapasok doon dahil sa pagkamangha ko dahil sa nakita kong laman ng silid. 

    Isang napaka-laking puno ang bumungad sa akin sa gitna ng napaka-lawak na silid. Hindi ko alam kung paanong nagkaroon ng ganito kagandang puno sa loob ng palasyo. Pero... hindi pa ako nakakakita ng ganito ka-glamorosong punungkahoy sa buong buhay ko.

    Buong tuwa akong lumapit sa puno. Bagay na ikinamangha ko pang lalo nang mapagtanto ko ang sukat nito.  Tila sampong beses ang taba at taas nito kaysa sa mga ordinaryong puno sa aming baryo.  Ang katawan nito'y napapalubutan ng kung anong berdeng kumot na mas lalong nakapagpapaganda nito.

    Sinubukan ko iyong hawakan. Pero ikinakunot ng noo ko nang makapa ang parte ng kagawam nitong may markang alam kong bakas ng karahasan ng tao. 

    Marahan ko itong hinaplos. At hindi ko maiwasang ikadurog nang makakita pa ako ng mangilang tapyas sa katawan ng puno. 

    "Patawad." Tanging salitang lumabas sa bibig ko.

    Mula nang madiskubre ko na ang mundong ito'y totoo. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kahihiyan sa sarili ko. Lalo na't kabilang ako sa mga taong kinamumuhian ng mga nilalang na nakatira rito. 

    Na ang Gaia ay isang ligtas na lugar kung saan malayo sa katulad naming mga taong walang ibang iniintindi kung hindi ang pansarili naming kapakanan.

    Ang kumita, ang may makain. Ang may maipangtustos sa iba't-ibang pangangailangan nang hindi inisip kung ano ang unti-unti ring inuupos, ang kalikasan. At ito ay dahil sa walang hanggang hindi pagkakuntento ng mga mortal sa mga bagay-bagay.

    Sa paglipas ng panaho'y palaki na ng palaki ang pangangailangan ng mga tao sa kalikasan. Kumukuha na ang mga tao ng higit pa sa kanilang mga pangangailangan sa kabundugan, karagatan, maging sa kagubatan. Ang maramihang pumutol sa mga puno. Ang pagtibag sa mga bundok para sa mga yamang mineral. Ang pagpatay sa ibat-ibang uri ng hayop para lang sa mga luhong hindi naman talaga kailangan. 

    Sa mga nagdaang panahon at paglawak ng modernasasyo'y nauubos na rin ang kalikasang pinangkukunan ng lahat. At hindi ako makapaniwalang, maging ang mga nangangalaga sa kalikasan katulad ng mga diwata'y nagawa na ring tugisin o saktan para lang matustusan ang walang hanggan pangangailangan. 

    Bagay na lubos kong ikinalulungkot, dahil sa unang pagkakatao'y ikinahiya ko ang mundong kinagihasnan ko.

    Siguro'y kung naging kontento lang ang mga tao sa pamumuhay ng bawat isa'y may pag-asa pa akong makakita ng kagaya ng punong ito sa mundo.

    Siguro kung hindi naging abusado ang mga tao'y hindi na rin kailangan ng hirarkiyang kinamulatan ko. Na lahat kami'y makakukuha ng sapat na biyayang handog ng kalikasan at palitan ito pabalik. 

    "Hindi ko mawari kung bakit ka humihingi ng kapatawaran, Ginoo." matandang tinig galing sa kung saang ikinagulat ko. 

    Nagpalinga-linga ako sa silid.  Ngunit ikinabigo kong makahanap ng kahit na sino. Hanggang sa isang pagkilos mula sa punong kinasasandalan ko ang nakapagpakaba sa akin ng husto. 

    "Wala akong nakikitang marka sa katawan mo, sagisag na isa ka sa mga mapang-abusong nilalang sa mundo ninyo," pagpapatuloy muli nito na takot kong ikinalingon sa likuran ko. 

    Ang napakalaking puno kanina'y naging isang matanda at berdeng lalakeng hawak-hawak ang isang puting tungkod. May lagundi itong kapa  na kasingkulay ng katawan ng puno kanina. May kulubot nang mga balat at puting buhok na kinalalabasan ng mangilang sangang may tig-iisang dahon sa tuktok nito.. 

    I-Isang E-Ent? 

    Napatigil ng ilang segundo ang paghinga ko sa matanda. Ngunit nabawi ito nang sumilay sa kanya ang isang matamis na mga ngiting hindi ko inaaaahang gagawin nito. 

    "Huwag kang matakot. Ako si Egor.  Ang pundasyon at pinakamatandang nilalang sa kaharian ng Dasos. Ikinagagalak kong makakita muli ng isang mortal."

Pundasyon?.... 

Pinuno ng D-Dasos Kingdom....

H-Hindi maganda ito... 

GHIEbeloved

Hi again, Hoooman! I hope you enjoy this chapter! Ready na ba kayong maka-pasyal sa Akademia? Malapit na!!! Stay tuned! Feel free to leave comment, i would love reading your thoughts! Love, Miss Eli

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status