Share

KABANATA 3 : Follow her

Third Person's Point of View

    “How many times do I have to tell you na hindi ka maaring lumabas dito lalo na kapag kumagat na ang dilim?!  Seriously, Morriban?! Nakikinig ka ba talaga sa'kin?!” Niyanig ng sigaw na iyon ni Artimus ang dalagang ni ang matinag o ang matakot dito'y hindi na tinablan. Nagliliwanag na sa galit ang mga mata ni Artimus, ngunit nanatili siyang tikom. 

    Dahil sa galit ay mahigpit nitong hinawakan ang balikat ng dalaga. 

    “Tell me!  Where have you been last night,  Morri?!” Ngunit agad itong natigil nang pigilan siya ng isang kamay. 

    “Tss stop it, Art. Sumusobra ka na, nasasaktan na si Morri sa ginagawa mo,” awat ng isa pa sa mga Diety na si Quillon. Tulad ni Artimus, ay nagliliwanag din ang mga mata nito sa asul nitong kulay. Katangian ng mga Diety na lumalabas lamang kapag sila ay nagagalit o nagpapakita ng kanilang epikong kapangyarihan.

    “Anong tumigil?!  She just break the one and only rule I gave to her! Tapos ngayon sasabihin mong sumusubra na ako?!” Ngunit tila hindi nakinig si Quillon dito at madaling nai-pwesto sa kanyang likuran ang dalaga. 

    “Wala nang magagawa ang galit mo, Artimus. Nangyari na ang nangyari.  Ipagpasalamat na lamang natin at ligtas siya!” kontra pa nito na ikinapanlisik ng mata ni Artimus maging sa dalawa nitong kasamang si Andreas at si Denzell.  Dalawang pa silang Diety na hindi nalalayo ang edad kay Morriban. Alam ni Artimus na sila ang nagsumbong kay Quillon upang pigilan ang kanyang galit. 

    “Bahala nga kayong lahat! Kaya namimihasa iyan, pinagtatakpan niyong lahat!” galit nitong pagsuko matapos ay umalis.

    Ilang segundong katahimikan ang namuno sa silid matapos niyon. Ngunit agad itong winakasan ng napakalakas na buntong hininga ni Denzell. 

    “Wooh! Kamuntik ka na roon!” punas ng binata sa pawis na namuo sa kanyang noo. Tulad nito, ikinahinga rin iyon nang maluwag ng lahat. 

    Hinarap ng diyos na si Quillon ang dalaga, “Saan ka ba kasi nagpupupuntang bata ka? Alam mo namang delikado, at lubos naming ipinagbabawal ang ginawa mong pagtakas. Pinagalala mo kaming lahat.” Matapos ay niyakap niya ito ng mahigpit. Ngunit hindi pa rin ito kinakikitaan ng reaksyon. 

    “O siya, Andreas at Denzell. Kayo na muna bahala kay Morri. Kausapin ko lang si Art, baka mawasak na naman 'tong mansyon,” mabilis na paalam nito matapos guluhin ang buhok ng dalaga. Bagay na agad din ikinaupo nito sa kanyang kama dahil sa panlalambot ng kanyang tuhod.

    Ang totoo'y nagpanggap lang itong matapang sa harap ni Artimus at Quillon. 

    Samantala, sa kagustuhang manggulo ni Denzell ay mabilis itong lumundag sa kama ni Morriban na ikinayanig nito.

    “Denz!” sigaw ni Morri kasabay ng pagtalisod nito sa binata para mapatumba.  

    “The hell?!”

    “Huwag ka kasing magulo.” 

    Ikinaikot ng mga mata ni Andreas ang ginagawang iyon ni Denzell.

    “Tss, Don't act like a stupid mortal, Denzell. You are a Diety,” walang ganang komento ng nananahimik na binata sa gitna ng paghahanap nito ng libro sa bookshelves ni Morriban.

    Nakakaya nitong manipulahin at pagalawin ang mga bagay, gaya ng libro, kahit may kalayuan pa ang mga ito sa kanya. Ngunit dahil sa baguhan pa lamang sila ni Denzell ay ang magagaan na bagay pa lang ang kaya nitong pagalawin.

    “Mind your own business, Andreas! Huwag kang pakielamero!” pagliliwanag ng dilaw nitong mata. Na agad ring ikinaliwanag ng lilang mga mata ni Andreas. 

    “I am, Denzell. I'm just stating what I saw. And to tell you, you're like an old orc who's having a hard time to be a stupid mortal.”

    "But I am ones a mortal!" angil ng binata pabalik.

    They are about to throw things to each other like what they used to. Nang mapatigil sila nang tahimik na tumayo si Morriban at nagtungo sa bintana nitong tanaw na tanaw ang nagiisang burol malapit sa Gubat ng kamatayan. 

    Nagtinginan ang dalawa. At mabilis na nag-unahan para tabihan ang dalaga. Pero dahil sa may kakayahang maging mabilis ng binatang si Denzell ay siya ang nauna sa kanila. 

    “Morri, huwag ka nang magalit kay Artimus. Masyado lang nagaalala sa'yo iyong matanda,” pagpapagaan ng loob ni Denzell sa dalaga, sa pagaakalang ito ang iniinda nito. 

    Pero napakalayo nito sa katotohanan. Dahil higit pa ang sakit na naramdaman ng dalaga sa narinig niya mula kay Artimus noong gabi, kaysa sa salitang natanggap niya kani-kanina lang.

    Mahabang katahimikan pa ang sumunod dito. Hanggang sa sikuhin nalang ni Andreas si Denzell dahil hindi epektibo ang pagtawag niyang matanda kay Artimus para mapatawa ang dalaga.

    “Denzell's right. You should not make that face from now on, Morri.” Napatingin ang dalawa sa binata. Ikinaputla iyon ni Denzell nang mapagtanto nito ang tinutukoy ni Andreas. 

    “Sasabihin na ba talaga natin?” bulong ni Denzell dito, na ikinagulong lalo ng isipan ng dalaga.

    Nagpatuloy ang binata na ikinasilay ng tipid nitong ngiti. “Yes, Morri. Artimus finally approved your request.”

    “Pinayagan ka na niyang mag-aral sa Gaia Akademia,” dugtong ng binatang hindi nito mapaniwalaan. 

Hagan's Point of View

    Hating gabi na't nananatili pa rin akong gising sa tabi ng lola kong mahimbing lang na nagpapahinga sa kanyang kama. Tanging ang mga aparato lang at makina ang gumagawa ng tunog sa katahimikan ng gabi. Mga tunog na dumudurog sa dibdib ko, kaya kahit anong pigil kong pagpatak sa luha ko'y tila may sarili ang mga itong buhay para dumadaloy pababa ng pisngi ko. 

    Hinawakan ko ang bagsak na mga kamay ng Lola. “La,  gumising ka na,” impit kong kumbinsi. 

    Dahil hanggang sa kahuli-hulihan ng oras ng pananatili ko sa tabi niya'y inaasahan kong magigising siya. Na sana ay panaginip na lang ang lahat. Na sana gumising na siya para hindi na ako umalis pa. Pero nananatili pa rin itong mahimbing. Hirap na hirap sa paghinga na ikinasasakal ko lalo. 

    Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit sa amin pa nangyari ang bagay na ito. Ni wala kaming kakayahan o ipagmamalaki para mapili ng kapalarang sinasabi ng Luther na iyon. Bakit ako?! Bakit kailangan pang madamay ng Lola ko? 

    Isa lang kaming dukha. Bakit kami pa?!  Bakit sa amin pa nangyayari ang lahat ng ito?!

    Hindi pa ba sapat ang araw-araw na pagtapak sa amin ng mga matapobreng maharlika? Hindi pa ba sapat iyon at kailangan pa naming magsusunod-sunuran sa mga diety na pinaniniwalaan ng lahat? 

    Hindi ko maintindihan!

    Hanggang sa dumating na ang oras. Buong pagtangis kong hinalikan sa noo ang Lola bago ko tuluyang umalis ng bahay. Isang lalaking kasing idaran ko lang ang sumundo sa akin. May nakatatak nang mga ngiti sa mga labi nito. May singkit na mga matang halos kinatatakluban ng itim na itim nitong buhok. May maputlang kulay ang balat at labing pulang-pula.  

    “Ako si Nelson one of the Gravesend. Ikinagagalak kong makilala ka,” Agaran nitong abot sa kamay ko na agad ko ring ikinasilaw nang magliwanag rin ang mata nito.

    Pinipilit kong tanggalin ang kamay ko sa takot. Pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin. A-Anong ginagawa n-niya? 

    “Bitawan mo ako!” palag ko na ikinabalik nito sa realidad at buong ngisi akong binitawan. 

    “Ramdam ko ang mabuti mong kalooban. Masaya ako't nasisigurado ko na hindi mo magagawang saktan si Morri,” wirdong ngisi nito matapos tumalikod at naglakad na papalayo.

    Bagsak balikat ko na itong sinundan, patungo ito sa isang itim na sasakyang may magarang disenyo. Niyayaya na ako nitong pumasok ngunit sa huling pagkakatao'y huminto ako para pagmasdan ang bahay sa huling pagkakataon.

    Ayokong mapalayo kay lola, pero wala akong ibang pagpipilian. Nakasalalay na dito ang buhay ng Lola ko. Kaya kahit mahirap, gagawin ko. Dahil alam kong hindi rin normal ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. 

    Nakakainis, pero kailangan kong paniwalaan. Kailangan ko silang pagkatiwalaan.

    “Huwag kang mag-alala, maya-maya lang ay darating na ang mga naatasan ni Gertrude at Luther para pagalingin at protektahan si Bethina,” singit ni Nelson kaya tuluyan na akong humarap sa kanya. 

    “P-paano ako makakasiguradong tutupad kayo sa usapan?” 

    “Dahil kami ang pitong Diyos na tagapamagitan sa mundo ng mga mortal at Gaia. Pangalawa sa pinakamataas na antas sa Gaia, at malaking kasalanan para sa amin ang hindi pagtupad sa aming pangako,” simple nitong ngiti, at kahit hindi ko maintindihan ang ilan nitong sinabi'y napanatag nito ang loob ko.

    Katulad ni Luther ay mayroong ring kung ano sa mga mata nitong nakakapagpaniwala sa aking nagsasabi siya ng totoo.

    Tuluyan na akong sumakay sa sasakyan, at ikinagulat ko nang may isa pang personalidad sa loob nito. Hindi ko na iyon ikinagalaw pa sa kinauupuan ko. Dahil ramdam ko ang masamang tingin ng lalaki sa'kin, kaya deretso lang akong nakatingin sa harapan.

    A-Ano ba itong pinasok ko? 

    “Siya na ba iyong sinasabi ni Luther, Nelson?” Malaki ang boses ng lalake. Pero kalmado ang tono nito.

    “Siya na nga iyon, Quillon. Maari mo na siyang litisin.”

    “Teka, litisin? Bakit? Para saan? Ang akala ko ba babantayan ko lang ang babaeng nagngangalang Morriban?”

    “Huminahon ka, iho. Hindi ka dapat mag-alala, dahil si Luther mismo ang nagrekominda sa'yo sa posisyong ito,” pamungad na ngiti ng lalaking pinangalanan ni Nelson na Quillon.

    Oo, matapang at misteryoso ang kanyang mga mata. Madilim ang pagka-asul nito na alam kong may kakayahan ring kumislap katulad ng iba. Pero sa mga salitang binitawa nito, lalo na ang pagbanggit sa pangalan ni Luther ay nakakapagtakhang pinagkatiwalaan ko. Hindi ko maintindihan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

    Magulo ang itim nitong buhok na bumabagay sa may makisig nitong datingan na siguro'y kakaunting edad lang ang tanda sa'kin.

    Ngunit nagsimula na akong maging kabado nang pinawi na nito ang tipid niyang ngiti. Naging seryoso siya na sinabayan ng nakakagulat na pagkislap ng kanyang mata.

    “I-abot mo sa akin ang iyong kamay,” utos nito sa mahinahon pero ma-otoridad nitong boses. Agad ko iyong sinunod sa nakalahad nitong kamay.

    Kakaiba ang liwanag ng mata nito, para bang unti-unting binabalot ng liwanag nito ang bawat espasyo. Bagay na mariin kong ikinapikit.

    At sa isang iglap ay tila may nag-iba na sa paligid ko. Para na akong lumulutang sa hindi malamang dahilan. 

    A-Anong nangyayari?

    Dahil sa takot ay agad akong napadilat at ikinatigil iyon ng paghinga ko.

    “Ahh!” halos mapaos kong sigaw sa kawalan. Nang makita ko na lang ang sarili kong nahuhulog sa madilim na kalangitan. 

    Ano 'to?

    Malinaw ang lahat sa'kin kanina! Nasa kotse lang ako kasama ang dalawang Diety na iyon!

    Habang patuloy akong sinasampal ng hangin dahil sa paghulog ay nagawa ko pa ring gisingin ang sarili ko.

    Nanaginip lang ako! Nanaginip lang!

    Pero patuloy pa rin ang aking pagbagsak na ikinatatanaw ko sa mga mumunting ilaw ng bayan at madilim na kagubatang kinatatanglawan ng liwanag ng buwan.

    Halos mabingi na ako sa hangin na humahampas sa'kin, pero isang boses ang pumangibabaw sa aking likuran.

    “Huwag kang matakot, Mortal.  Ipapakita ko sa'yo ang lahat.” Pinilit kong lingunin ang kalmadong boses na iyon. Nagawa kong ibaliktad ang katawan ko at nakita ang isa pang hindi kapani-paniwalang bagay.

    Si Quillon! Ang isa sa mga Diety ay prenteng nakasakay sa puting kabayong may pakpak ng d-dragon. Kumikinang ang nilalang na ito sa liwanag ng buwan.

    “Kumalma ka't sumakay sa itim na Longma,” utos nito kasunod ng isa pang itim na kabayo na agad akong sinalo mula sa aking pagkakahulog. Tumama ang likod ko sa katawan nito, na agad-agad kong inagapan sa mabilis na paraan. Siguro ay dahil sa takot na mahulog ng tuluyan.

    Kahit nakasakay na ako sa nilalang na pinangalanang Longma ni Quillon. Ay hindi ko pa rin magawang paniwalaan ang lahat.

    Napakaimposible.

    Hindi ko makapaniwalang hinaplos ang malalaking kaliskis ng dragon sa likuran nito. Itim na itim na kaliskis na nagkukulay bahaghari gawa ng sinag ng buwan.

    Unti-unti ay nagawa kong makatingin sa harapan ko maging sa baba ng sinasakyan kong nilalang.

    Napakataas namin! Napakahangin, pero tinutulungan ako ng nilalang na ito na maging kampante. Mahigpit ko siyang hinawakan sa kanyang buhok at ikinagulat ko ang bigla niyang pagkilos ng iregular!

    “Hindi gusto ng mga Longma ang ginagawa mo, Mortal. Humawak ka lang sa kanilang batok, huwag sa kanilang buhok, nang hindi sila masaktan o mairita. Huwag kang mag-alala, dahil hindi nila gawaing maghulog ng sakay nila,” paliwanag pa sa akin ni Quillon na hindi nalalayo sa akin. Agad ko naman itong sinunod at nanghingi ng patawad sa nilalang.

    “Pasensya na. Pasensya na. Hindi ko na uulitin,” nanginginig kong haplos sa batok nito. Muli naman na itong kumalma na ikinangiti ko. Tama ang Diety.

    Pinagmasdan ko si Quillon nang manguna ito sa aming harapan. Halata ang kasanayan niya sa pagsakay sa nilalang. At hindi ko na mapigilan pang hindi mamangha kung gaano kagaganda ang mga pakpak na dragon ng mga kabayong aming sinasakyan.

    Hindi talaga ako nananaginip. Totoo ang mga nilalang sa aklat. 

    Ilan pang sandali ng paglipad namin ay nagawa ko nang makahugot ng lakas para magtanong. Alam kong hinihintay lang ako ni Quillon na kumalma bago kumilos at magpaliwanag sa tinutukoy niya kanina.

    Nasa ibabaw kami ng tila walang hanggang gubat ng kamatayan. At nakakapagtakha ang tila hating-hating pagitan ng bayan  at gubat. Na animo'y may isang linyang naghahati sa kanilang dalawa. 

    “Saan ba tayo pupunta?” may kalakasan kong tanong dahil sa layo ng agwat namin. Bagay na agad nilang ikatigil at ikaharap sa'kin, gano'n rin namang tumigil ang longmang sakay ko.

    “Ipapakita ko sa iyo ang lugar na magiging pansamantala mong tahanan sa mga susunod na buwan.” Sagot nito sa'kin na agad ikinakunot ng noo ko.

    “Anong ibig mong sabihin? Hindi ba't kailangan ko lang namang bantayan si Morriban na sinasabi niyo nila Luther? Bakit kailangan ko pang manatili sa isang lugar kung pwede naman akong mag-uwian para madalaw si Lola?!” buong panggagalaiti kong kwestyon sa kanya na ikinatalikod lang nito at ikinalipad.

    Ugh! Bakit hindi niya ako sinagot? Hindi pwede! Hindi ako makakampanteng hindi laging nakikita ang lola ko!

    Katulad ni Quillon ay sinundan din ng sinasakyan ko ang dereksyon nila. Hanggang sa huminto kami at bumaba sa nagiisang burol na ang kalahati'y nasa gubat ng kamatayan at ang kalahati'y kinasasakupan ng aming baryo.

    Bumaba na si Quillon sa kanyang Longma na agad ko ring ginawa kahit may kataasan ang nilalang na ito. Bagay na ikinatigil ko rin nang sagutin niya ako sa mga bagay hindi ko ninais na marinig.

    “Ikinalulungkot kong sabihin, pero hindi na magiging madali sa iyo ang makabalik oras na makapasok ka sa mundong ginagalawan namin.”

    “Paanong hindi? Hindi ko maintindihan! Hindi pwede! Hindi ko pwedeng iwanan ang lola ko lalo na sa sitwasyon niya ngayon!”

    Pinipilit kong ipaintindi sa kanya ang lahat. Pinipilit kong ipaintindi ang sitwasyon ko. Posible naman hindi ba? Hindi ko kayang lumayo ng tuluyan kay Lola. 

    “Si Morriban ay nakatakda nang dalhin nila Luther sa Gaia ngayong gabi. Dahil doon na siya mag-aaral, at dahil nakatakda mo siyang protektahan ay kinakailangan mo siya roong sundan,” ngiti pa nito sa akin na mas lalo lang ikinagulo ng lahat.

    Gaia? Saan ang lugar na iyon? Hindi ko pa naririnig ang lugar na sinasabi ng lalaking ito.

    “Pero walang nasabing ganyan si Luther! Wala siyang nasabi na tuluyan niyo akong ilalayo sa lola ko!” 

    Ang isipin pa lang na malalayo ako lalo na ngayon ay hindi na ako mapalagay pa!

    “Pwes, simulan mo nang nakinig! Dahil ako na mismo ang nagsasabi sa'yo na hindi na magiging madali para sa isang mortal na kagaya mo ang makalabas sa Gaia oras na pumasok ka rito!”

~To Be Continued

    

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status