Share

Chapter 4

Title: the innocent girl

Genre: comedy, romance

Author: Lady_v

Chapter 4

Sa kalagitnaan nang tulog ko bigla akong nagising sa ingay nang cellphone ko, sino ba kasi ito? Hating gabi na doon pa tatawag sa 'kin? Kahit hindi ko pa nakita ang pangalan niy sinagot ko nalang agad. 

Hello Darwin, si Lance ito kumosta? Nahanap mo na ba ang apo ko? Bakit hindi ka tumawag sa'kin kahapon?

Sir kayo pala? Magandang gabi nga po pala napabangon ako bigla, yes sir andito na siya pasensya na po kong hindi ako nakatawag agad para ipaalam sa inyo nakita ko na ang apo niyo. 

Kong ganon salamat basta yong usapan natin Darwin. Ingatan mo ang apo ko wag mong hayang may mangyaring masama sa kanya. Darwin gusto kung marinig ang sagot mo para kampanti naman ako.

Opo sir pangako, pero bakit po kayo ganyan? May problema ba?

Darwin nalaman na nila Javier ang totoo. Nalaman na nilang buhay ang taga pagmana ko. Nag-uumpisa na rin sila sa paghahanap sa kanya.

Paano nila nalaman sir? Wag kayong mag-alala sir iingatan ko siya kahit buhay ko pa itataya ko alang-alang sa apo niyo. 

Salamat Darwin nandyan ka para tulongan ako. Salamat sa tulong mo kung may mangyari mang masama sa akin ikaw na sana ang bahala sa kanya. Maipapangako mo ba?

Sir wag naman ganyan makakasama mo pa ang apo niyo. Wag mong sabihin yan sir walang mangyaring masama sa inyo. Andiyan naman ang mga tauhan ko para bantayan kayo! 

Alam ko Darwin pero di natin alam kung anong mangyayari. Alam mo Darwin kagabi lang may isang taong umaaligid sa mansyon at nag paulan ito nang bala. Hinabol nila at hinanap pero hindi nila nakita wala ring nakakaalam kong saan ito galing.

Sir mag iingat kayo diyan baka bukas po pupuntahan ko kayo. Para naman kumostahin kayo at ang mga tauhan ko narin.

Paano ang apo ko? Ok lang naman ako dito Darwin ang importante ang apo ko. Mahal na mahal ko yan sana ingatan mo yan palagi para sa akin.

Wag kang mag-alala sir ligtas naman siya dito. Walang nakakaalam sa lugar nato kaya malabong mahanap siya ng mga tauhan ni Javier. Alam ko ligtas kaming dalawa dito wag na kayo masyadong mag-alala sir.

Darwin may isa pa sana akong pakiusap sa'yo kong maari lang?

Ano po yon sir? 

" Nang biglang umalingaw-lingaw ang putok nang baril at narinig yon ni Darwin sa kabilang linya. Hindi nasabi ni Lance ang gustong sabihin kay Darwin. Walang kaalam-alam si Lance kung sino na naman ang nanggugulo sa kanila. Gayong wala pa naman si Javier sa pilipinas.

Sir Lance!!!! Sir kumosta kayo? Napasigaw nalang ako dahil sa narinig kong putokan sa kabilang linya. 

Ok lang ako Darwin sige ibaba ko muna ito nag putokan na naman sa labas nang mansyon. Lalaban lang ako titingnan ko kong sino ang mga yan.

Sir pupuntahan ko kayo diyan. 

Wag na Darwin bantayan mo lang ang apo ko ok lang ako dito. Sige na tatawag nalang ako ulit sa'yo.

Sir' sir Lance! Sino naman kayan yon? Hindi na ako nakatulog hanggang umaga. Alas syete ng umaga ay nasa himpapawid na ako para bisitahin ko si sir Lance Sr. Madali lang ang byahe ko mula sa Cebu papuntang Manila. May nilaan kasi si senyorito Lance na private airplane para sa amin ng apo niya. Kaya hindi ako magkaka-problema kapag uuwi kami ng Manila at kapag babalik din sa Cebu. Pagdating ko sa airport agad din akong sinundo ng ni mang kanor. Siya ang pinabantay ko sa bahay at sa kanya ko rin iniwan ang kotse ko.

Magbigay galang sigaw nang nakakataas sa mga tauhan ni Darwin. 

Magandang umaga Sarge.

Magandang umaga din sa inyo narinig ko ang putokan dito kagabi siguro naman ay may nalaman kayo kong sino yon?

Sarge wala po kaming nakuhang information kong sino po ang sumulong dito kagabi. Pero may napatay po kami Sarge tatlong tao po sila.

Wala man lang nakaalam sa inyo kong sino ang gustong papatay kay senyorito Lance? Hindi niyo ba alam na pwede ko kayong parusahan dahil diyan. Ginawa niyo bang mabuti ang trabaho niyo? 

I'm sorry Sarge. 

Darwin, tawag ko sa kanya mula pinto ng sala namin.

Sir Lance lumapit ako sa kanya at tiningnan ang kanyang katawan niya kong may sugat ba ito. 

Ok lang ako wag muna akong problemahin Darwin may iba ako, kumosta ang apo ko.?

Kayo po ang kumosta sir? Masaya po akong makita kayo ulit.

Ok lang ako Darwin halika pasok ka muna sa loob, ineng ipag timpla mo kami nang kape. 

Masusunod po senyorito. 

Kumosta ang apo ko Darwin? 

Mabuti naman po sir kaso lang po may problema.

Bakit ano yon?

Kagabi kasi umiiyak siya sabi n'ya namimis niya daw ang lola niya at nahihirapan siya bilang katulong. Nakakalungkot nga sir kasi wala siyang alam na may pamilya pa pala siya.

Pinapahirapan mo ba ang apo ko Darwin?

Hindi sir! Hinding hindi ko yon gagawin ang ibig ko pong sabihin nahihirapan siya dahil po sa pagkawala nang lola niya. 

Ganon ba? 

Ito na po ang kape niyo senyorito.

Ok salamat. 

Sinong kasama nang apo ko doon Darwin, muling tanong ni senyorito Lance Sr kay Darwin.

Wala sir actually siya lang mag-isa ngayon at tulog pa yon nong iniwan ko sa bahay.

Kumosta siya bilang katulong? 

Sir yan ang pinakamalaking problema ko hindi marunong sa gawaing bahay at palabiro din pala tong apo niyo sir.

Ganyan din siya sabi sa akin ni manang Melissa pero ok lang ba ang pag-sasama niyo sa iisang bobong Darwin? 

Yes po sir anong gusto niyong gawin ko sir? Gusto niyo na po makita at makasama ang apo niyo? Kahit di niya alam na lolo ka niya?

Paano?

Ako na po bahala sir, sa ngayon kailangan ko na pong umalis baka magtataka yun pag-gising niya wala na ako.

Ok sige lagi mo sana siyang ingatan Darwin, sige umalis kana mag iingat ka.

Salamat po sir,

3 DAYS LATER..

Dorothy mag bihis ka may pupuntahan tayo.

Saan naman sir? 

Basta wag kanang mag tanong sasakay tayo ng airplane pauwi sa amin. Pero kailangan mag panggap kang magkasintahan tayo ok ba yon? 

Talaga sir? Airplane ang sasakyan natin? Bakit magpanggap tayo?Mukhang kakaiba ang plano mo sir bakit? Magulang mo ba ang pupuntahan natin? 

Ang lolo ko nalang namimis niya kasi ako at gusto niya puponta ako sa kanya kasama ang girlfriend ko. Kaso malayo ang girlfriend ko kaya ikaw nalang ang mag-panggap. Tayka ngayon kalang ba sasakay ng airplane?

Oo sir kaya gustong-gusto ko talagang makasakay niyan. Alam mo na para maabot ko na ang langit masaya yon sir diba sir? 

Ang layo ng langit impossibleng maabot mo. Ipaalala ko lang sa'yo napaka-swet ng lolo ko kaya wag kang magtaka kung sweet siya sayo. Mahal na Mahal ako ng lolo ko at nag iisang apo kaya mahal niya kung sino ang mamahalin ko.

Sige sir sabi mo eh, mag bihis lang muna ako sir ano pong susuotin ko sir? 

Ito may binili ako para sa'yo siguro naman ay kasya ito sa'yo.

Wow handa si sir ahh? Mukhang maganda sir tayka lang po susuotin ko. Pumasok na ako sa loob nang kwarto ko at sinuot ko ang damit. Hapit ito sa katawan ko at kitang kita ang malaki kong pwet at hinaharap. Nag lagay din ako nang simpleng make up at naka suot ng 5 inc na sandal. Pagkatapos bumaba na ako mula sa aking kwarto papunta sa sala. Sir tawag ko sa kanya napalingon siya agad sa akin.

Lumingon ako kay Dorothy at nakita ko napaka simple niya pero kitang kita ang ganda nang katawan niya. Hindi ko manlang ma-explain kung bakit iba ang paghanga ko sa kanya. Basta sexy siya maliit ang bewang at malaki ang hinaharap idagdag mo pang malaman na pwet. May tinatago palang kagandahan yong abnormal na to? Bulong ko sa isip ko.

Sir ok lang po kayo? 

Oo naman tara na.

Ikaw sir nahalata na kita siguro may pagtingin ka sa akin noh? Kung makatitig ka parang hinuhubaran mo na ako oyy aminin muna sir inlove kana sa akin.

Hindi!!! Hinding-hindi ako maiinlove sa isang abnoy.

Ang sungit, tara na nga sir. Una akong lumabas nang bahay at pumasok sa kotse niya. Akala niya talaga gusto ko rin siya? Sos mas gwapo pa kaya si papa James ko kaysa sa kanya. Hindi no? Kong maka hindi naman parang tutuklawin na siya.

Anong problema mo? Bakit ka nakasimangot? 

Wala.

" Di nalang n'ya kinulit si Dorothy ang ginawa niya nag maniho nalang siya para makapunta sa airport. Tahimik lang silang dalawa sa byahe si Dorothy naman panay lang ang tingin sa labas habang si Darwin ay masimpleng titigan ang dilag. Gusto sana niyang tingnan kung anong reaksyon nito kapag sasakay ng airplane. Pero parang wala namang ipek sa kanya kahit first time niya pa. Kahit hindi aminin ni Darwin ay nagbigay nang kakaibang kiliti si Dorothy sa kanyang puso pero hindi pwede dahil may girlfriend na siya at ikakasal na sila! Pagdating nila sa mansyon. 

Yong sabi ko sa'yo ha.

Yes sir. 

" Pagbaba nila nagulat nalang si Dorothy dahil sinalubong sila ng mga pulis sa paligid nang mansyon at nakasaludo ito sa amo niyang si Darwin.

Ganon siya kayaman? Napaisip tuloy ako habang nag lalakad kami papasok nang mansyon. Nakaramdam ako ng hiya sa sarili dahil napaka simple ko at katulong lang ng lalaking kasama ko. Tapos magpapangap kaming mag kasintahan. Isang mayaman gwapo at isang kilalang pamilya! Pero ako isang hamak na katulong lang.

Humanda kana andito na tayo sa loob wag kang papahalata.

Alam ko na po ang gagawin ko sir. Pagpasok namin sa mansyon bumongad agad sa amin yong matandang lalaki ang tansya ko nasa 60 years old na ito. 

Lolo kumosta na po kayo? Tulad ng sabi ko sa'yo dadalawin ka namin diba mahal?

Oo mahal, 

Mabuti naman napakasaya ko at nakita kitang muli apo. Napaka ganda naman ng girlfriend mo apo? Siya na ba? 

Opo lolo girlfriend ko si Dorothy, Dorothy ang lolo ko si lolo Lance.

Hello po sir kumosta po kayo?

Mabuti naman, ija girlfriend ka ng apo kong si Darwin pero bakit ang tawag mo sa'kin sir? Dapat lolo na diba apo?

Oo nga pasensya kana lolo nahihiya lang siya.

Oo nga po pasensya na ulit lola. 

Mabuti kong ganon. Halika ija umopo tayo ang ganda mo naman pwede mo naman akong tawaging lolo e. Wag ka ng mahihiya sa'kin. 

Sige po lolo. 

Lolo punta mo na ako sa kwarto ko pwede? Mahal maiwan ko muna kayo ha may gagawin lang ako saglit sa taas.

Sige mahal ikaw ang bahala pero balik ka agad ha.

Tama ang girlfriend mo apo.

" Pag-alis ni Darwin nagkaruon nang time ang tunay na mag-lolo marami silang ginawa sa mga oras na yon. Naikwento pa ni Dorothy ang pagsakay nila ng airplane. Para siyang batang nag tatalon at nag sisigaw sa harap ng lolo niya. Akala pa naman ni Darwin ay wala sa kanya ang first time na pagsakay nito. Pero hindi pala, lumalabas parin ang pagka-abnormal niya. Natuwa ng husto si Lance dahil sa naging reaksyon ng apo di niya lubos akalain gano'n kamasayahin ang nag-iisa niyang apo. Hanggang sa napagod nalang si Dorothy at nakaramdam nang antok. 

Ineng pakitawag mo nga si sir Darwin mo.

Opo senyorito. Utos n'ya sa katulong na laging nasa tabi nito kung saan ang kanyang trabaho.

Sir Darwin pinatawag kayo ni senyorito.

Sige susunod na ako, nakatulog pala ako? Mabuti at narinig ko agad ang boses niya nagising agad ako. Bumaba nalang ako para puntahan si sir Lance at Dorothy.

Darwin apo dalhin mo muna itong girlfriend mo sa kwarto mukhang napagod ata.

Sige po lolo halikana pahinga ka muna don.

Eh ikaw? Samahan mo ako dun.

Ha?? Kailangan pa ba yon? Wag na may pag-uusapan pa kami ni lolo eh diba lolo?

Wala akong maalala apo pero kong meron man? Mamaya na iyon sige na samahan mo na ang girlfriend mo magpahinga kayo dun. 

" Walang nagawa si Darwin kundi sundin ang utos ni senyorito Lance sila lang dalawa sa loob nang kwarto. Malaki ang tiwala ni senyorito sa kanya kahit magkasama man sila sa kwarto ay kampanti siya.

Sige na humiga kana don sa kama! 

Bakit ako lang?

Dorothy tumahimik ka nga diyan alam mo namang nagpapanggap lang tayo dito.

Sige kapag hindi ka tatabi sa'kin sasabihin ko sa lolo mo na nagpanggap lang tayo..

Oo na sige tatabi na ako para tatahimik kalang, lagi mo nalang akong naiisahan abnoy ka.

To be Continued

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status