Share

Chapter 8

Title: The innocent girl

Genre: Comedy, Romance

Author: Lady-v 

" Makalipas ang ilang araw tahimik pa ang buhay nila Dorothy at Darwin sa Cebu. Ttulad ng inaasahan ni Darwin hindi pa gaanong magagawa ni Dorothy ang kanyang trabaho bilang kasambahay. Sa himbing ng kanyang tulog hindi niya akalaing magising siya sa amoy ng niluto ni Dorothy. Amoy sunog ito kaya kumalipas nang takbo si Darwin sa kusina para alamin kong may nasusunog? Hindi nga siya nang kamali dahil talagang sunog na ang kanin na niluto ni Dorothy. Madali niyang pinatay ang apoy at kinuha ang kalderong pinaglutoan nito. Galit na hinanap si Dorothy aa kwarto at sala nila.

Dorothyyyyy!! Sigaw ni Darwin sa katulong niyang panay pang iyak niya. Tila may namatay sa loob ng bahay nila dahil sa lakas ng agulhol niya. 

Sir bakit po? Bakit po kayo sumigaw? May gera ba? 

Anong gera ka d'yan? Ikaw kaya gerahin ko. Naaamoy mo ba yon? 

Hindi sir e sinipon ako sa kakaiyak kasi naman sir kita mo yong bida pinaghirapan siya ng tudo. Naawa ako kaya ito hindi ko mapigilang umiyak.

Nagluluto ka ba oh wala? 

Opo sir nagluluto ako para may makain tayo. Bakit po gutom na kayo?

Kong may niluto ka? Bakit yong tv ang inaatupag mo? Siguro naman nasa katinuan ka nong nag-saing ka 'di ba?

Pasensya na sir nawala sa isip ko ang niluto ko. Nanunuod po ako nang tv sa sala sir ang ganda at nakakaiyak pa yan tuloy nakalimotan ko may niluto pa pala ako. 

Ganon lang yon? 'Di ba marunong ka naman mag-luto? Bakit ganito parin Dorothy sayang yong pagkain.

Sorry sir dina po mauulit uulitin ko nalang po para may kakainin po tayo. 

Hindi ko na alam anong gagawin ko sa'yo Dorothy binigyan na kita ng araw, oras at panahon para matulongan kalang. Para may alam ka manlang kahit papano pero ano na namang ginawa mo? 

Sorry na nga sir tao lang nagkamali uulitin ko nalang po yon. Wag na kayong magalit sige kayo tatanda kayo ng maaga d'yan sir.

Iwan ko ba talaga sa'yo. Hindi ko alam kong bakit nagtiis pa ako sa'yo babae ka.

" Napatingin nalang si Darwin sa mukha ni Dorothy at napailing siya dahil sa babaeng pingarap niyang mahalin. Ay walang alam kahit sa kunting bagay lang nahirapan pa siyang ipasok sa utak.

Kong ito ba maging asawa ko? Ano kaya ang magiging buhay ko? Siguro tatanda nga ako ang ng maaga dahil sa katangahan nang babaeng to. Iwan ko na talaga bakit minahal ko pa ang abnoy na to. Bulong ko nalang sa sarili ko.

Sir bakit po? Natahimik po kayo at nakatingin pa sa'kin. Humingi na nga po ako ng pasensya sa inyo dahil sa maling ginawa ko.

Wala na yon sige kumilos kana pagluto ka ulit ayusin mo naman para hindi masayang yong pagkain.

Sir kanina pa kayo nakatingin sa mukha ko ano po ang gusto niyong sabihin? 

Wala to may naisip lang ako. Bakit ka pa nakatayo diyan? 

Sabihin niyo sir namanyakan na kayo sa akin noh? Kanina pa kasi nakatingin sa'kin e.

Hindi, Ayusin mo yang trabaho mo paano tayo kakain pagsunog yang kanin. Sa susunod ayusin mo ang trabaho mo wag puro kamanyakan yang iniisip mo. Umakyat nalang ako pabalik sa taas iwan ko sa babaeng yon lahat nang kilos palpak.

Suplado' kahit di naman niya aminin alam kong namanyakan din siya sa akin. Sos kunwari pa tong si sir Darwin pa hard to get kapa manong. Halata naman sa kilos niyang nagpipigil gan'yan yong taong mga bakla.

OTHER PERSON

Kumosta kayo di to? Matagal-tagal din akong nawala sigurado akong may maganda kayong balita sa'kin.

Yes po sir, mabuti naman po at nakalaya na kayo namimis ka po naming sir salamat at nandito na kayo.

Oo nga salamat parin sa taong kakampi natin, nakalaya ako agad at napadali ang kaso ko. Alam niyo naman kong anong ginawa nang Lance Sr na yon sa'kin. Wala siyang awa sa kapatid niya nakuha pa niyang ipakulong.

Oo nga sir, oo nga pala sir may ibabalita kami sa inyo sigurado akong mabibigla kayo sa sasabihin namin.

Ano yon? Sabihin muna sabik na akong malaman kong ano man yan.

Ang nag iisang heredera ng kapatid niyong si Lance ay buhay pa. Hindi pa pala nakasama sa magulang niya naalala niyo po yong sanggol? 

Ano? Si Alicia Sebastian ang nag iisang heredera buhay pa? Paano nangyari yun? Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagkamatay nila.

Oo nga po sir, hindi rin namin alam kung bakit nabuhay pa ang anak ni Lance Jr. Pero gumawa na po kami ng paraan may naghahanap na po sa kanya ngayon. Kasamahan din po namin sir pasensya na po kong ngayon lang namin sinabi sa inyo. Bilin din po kasi ni sir James wag sasabihin sa'yo nag-aalala lang po siya sa kalagayan niyo sa loob. 

Kanino niyo ba nalaman ang bagay na yan? Sigurado na ba kayong si Alicia ang taga pagmana ang nakikita niyo?

Yes sir, kahit wala po kayo dito kumikilos din po kaming mga tauhan niyo. Lalo na pag may utos mula kay sir James hindi rin siya nagpabaya bilang anak niyo sir. 

Mabuti kong ganon. Akala ko ay tumonganga lang kayo dito habang nasa kulongan ako. Kumosta na ang paghahanap niyo?

Yon na nga sir wala pa silang nahanap pero patuloy parin silang naghahanap sa heredera. Nong nakaraang buwan sir dalawang besis kami nag mamanman sa mansyon nang kapatid mo. Doon namin nalaman na buhay pa pala ang apo niya. Hindi ba't apo niyo rin yun sir?

Hindi ko matatanggap at hindi ko tatangapin lalo na't kaagaw ko siya sa yaman. Simula ngayon wag kayong titigil hanggat hindi niyo napapatay ang heredera.

Masusunod po sir.

Kailangan niyong sipagan sa paghahanap mahirap na baka maunahan na naman ako. Asan na ang anak kong si James?

Andon po sa bahay nang girlfriend niya.

Sino na namang babaeng yon? 

Si Donna Sebastian po, hindi kasi mapipigilan si James sir sabi na naming hindi pwede kasi nga mag kaduko sila.

Anong magkaduko ka d'yan? Wag kang gagawa nang estorya lalo na't hindi naman totoo. Alam nating ampon lang si Donna nang kapatid namin dahil hindi magkakaanak ang mag asawa.

Ganon po ba sir? Pasensya na po.

Tawagin mo nalang ang sir James mo gusto ko siyang makausap.

Sige po sir masusunod po.

" Umalis na ang tauhan ni Javier para puntahan ang nag iisang anak na si James isang artestang sikat. Pero nalaos na siya simula nong nakulong ang ama. Para siyang halamang biglang nalanta noong naihayag sa publico ang tungkol sa krimen na ginawa ng ama.

Sir James pinapatawag kayo nang daddy noyo.

Si daddy? nandito na siya? Kailan pa?

Yes sir kakauwi niya lang kanina at inutosan niya agad ako para puntahan ka.

Alam na ba niya kong saan ako ngayon?

Opo sir,

Anong sabi?

Wala po pwede naman daw kayong dalawa ni ma'am Donna dahil ampon lang ito ng magulang niya. Yon ang sabi niya sa amin pasensya na po kayo sir.

Sabi ko na eh nararamdaman ko kami talaga ni Donna ang naka tandahana.

Oo nga po sir sorry nga po pala sa mga sinasabi ko sa inyo noon sir. Hindi ko rin kasi alam ang buong katutuhanan.

Ok lang yon sige maghintay ka dito sa labas mag paalam lang ako sa mahal ko.

Ok sir. 

Mahal alis mona ako si daddy nakauwi na babalik din ako kong hindi mamaya.

Gano'n ba mahal? Sige mag iingat ka ha, masaya ako nakauwi na pala ang daddy mo.

Bakit ka malungkot? Kung masaya ka?

Mahal nakokonsensya ako kay Darwin mabait na tao si Darwin at akala niya talaga na papayag akong makasal sa kanya.

Hayaan mo yon kasalanan niya tatanga-tanga siya. Wag kang maghihinayang pulis lang siya alam mo naman ang sweldo nang pulis. Hindi ka mabubuhay sa marangya di kagaya ko pwede kitang gawing prinsisa.

Alam ko naman yon mahal pero naawa lang ako sa kanya. Sabihin nalang kaya natin sa kanya ang totoo mahal.

Wag na bahala siya sa buhay niya. Wag kanang mag-alala ako na ang bahala sa kanya gagawa ako ng paraan para malaman niya ang totoo.

Talaga bang gagawin mo yon mahal?

Oo ayaw ko kasing mastress ka nang dahil sa kanya. Alam mo namang mahal kita ayaw kung magka problema ka.

Oo na nga sige promise diko na siya problemahin pa. Basta yong sinasabi mo ikaw na ang bahalang magsabi sa kanya.

Oo nga promise, sige maiwan mona kita babalik din ako agad dito ako matutulog. Bulong ko sa kanya para hindi marinig ni tita Merry. 

Ikaw talaga pero sige na nga parang gusto ko rin yon. Matamis na ngiti ang ginawad ko sa aking mahal na si James.

Alam ko namang gusto mo yon sige na bye, tita alis mona ako babalik din ako mamaya.

Ok Sige ijo mag iingat ka.

" Umalis na si James sa bahay ni Donna paano nalang kaya si Darwin? Kapag malaman niyang totoo tungkol sa fiancee niya? Nagtudo ingat naman si Darwin sa kanyang kinikilos dahil alam niyang nag hihinala na si Dorothy sa kanya. Hindi man niya masabing nagmanman na ito sa kanya. Pero nag iingat parin siya mahirap na baka hindi matapos ang problema ni Lance Sr ay malaman na ng taga pagmana ang totoo.

Kailangan kong ipakita kay Dorothy na galit ako parang nakahalata na siya sa kilos ko. Nahalata na niya na-iniingatan ko siya isama mo pa yong lagi kong pinapalagpas ang mga mali niya. Bahala na nga dapat mag iingat pa ako baka mabuko na niya kami natatakot ako baka madamay pa siya sa gulo.

" Lumipas pa ang mga araw hanggang naging buwan naisipang puntahan ni Darwin ang girlfriend dahil nga anniversary nila. Masaya at malaking ngiti ang makikita sa mukha nang binata pero ang hindi niya alam siya pala ang masurprise dahil sa masaksihan niya. Mahilig mag surprise si Darwin sa girlfriend kaya hindi na ito bago kay Donna pag-gagawa nang surprise ang boyfriend sa kanya. Pagdating na pagdating sa bahay nila Donna agad siyang pumasok kahit medyo kinakabahan na siya. Hindi niya alam kong bakit? Bakit ganon nalang ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. 

Tahimik akong pumasok sa bahay ni Donna sanay na akong gawing to lalo na't may surprise ako sa kanya. Umakyat ako agad sa kwarto niya na dati naming tinutulogan. Sa di kalayuan nang kwarto niya at sa kinaruruonan ko may narinig akong ungol nang babae. Dahil don umpisa ng nagsitayoan ang balahibo ko. Dahil ang boses na narinig ko ay boses ni Donna alam ko kong paano siya uungol dahil nga ikakasal na kami hindi na maiwasang may mangyari sa amin sa kwarto na iyon. Pinagpatuloy ko parin ang paglapit sa kwarto niya kahit na kabado. Kaya mas narinig ko pa ang ungol pero dalawang boses na ang narinig ko. Kanina boses niya lang pero ngayon ay may narinig na akong boses ng lalaki. 

Uhhh f*c* mahal I'm coming sabi nang lalaki sa kanya.

Halos 'di ko maihakbang ang mga paa ko papalayo sa kwartong iyon. Hindi ako makapaniwala gagawin ito ni Donna sa 'kin. Oo may mali ako dahil nakaramdam ako ng pagmamahal sa ibang babae kahit ikakasal na kami pero pilit kong iniwasan yon dahil mas mahal ko siya pero ano ito?. Binuksan ko parin ang pinto nang kwarto niya at kitang-kita nang dalawang mga mata ang milagrong ginawa nila ng lalaking pinalit sa'kin.

Oohhh Mahal faster faster, lalabasan narin ako. Hiling niya pa rito tila sarap na sarap sa ginawa.

Parang tinusok nang karayom ang puso ko sa aking nakita dahil ang babaeng una kong minahal at plano kong ihatid sa altar. Ngayon nakikita ko siya sa taas nang lalaki siya pa ang nag mamaniho at kitang-kita ko sa mukha niyang sarap na sarap siya. Hanggang sa siya nalang nakapansin sa akin nakita niya kung paano tumolo ang luha ko habang naka-tingin sa kanila.

Ugh ang sarap pagdilat nang mata ko mula sa pagpikit dahil ninamnam ko ang sarap sa pag-iisang katawan namin ni James. Bigla kung nakita ang boyfriend ko sa pintoan namin. Umiiyak habang hawak ang pinto. " darwin????? Napahinto ako sa pagmamaniho at agad na bumaba sa harap ni James.

Ano to Donna?? Bakit? Anong klase kang babae? Hindi ko na napigilan ang sarili ko nakabitaw ako nang masasakit na salita sa babaeng iniingitan ko noon pa. 

What the hell??? Sambit ng lalaki at kumalipas narin ito sa pag-tayo  naghahanap nang pang takip sa hubad na katawan. 

Mag papaliwanag ako Darwin please pakinggan mo muna ako.

Noooo? Para san pa Donna? Alam mo bang napakadume mo sa panangin ko ngayon? Dahil wala kang pinagkaiba sa maruruming mga babae.

Stop it, 

Sigaw ng lalaki at susugorin na sana ako nang suntok pero mabilis akong nakabunot nang baril at naitutuk sa pag-mumukha niya. Sige subukan mo lang? Sisiguradohin kong kakalat ang bungo mo sa kwartong to.

Darwin wag mong gagawin yan! Parang awa mona wag mo siyang patayin.

Alam mo kong gaano kita kamahal Donna pero bakit sinasaktan mo ako? May mali ba ako? Bakit ka gan'yan? Nag Kulang pa ba ako? Ha Donna? Hindi pa ba ako sapat sa'yo para maghanap kapa nang iba? Hindi pa ba sapat sa'yo ang pagpapaligaya ko?

Ang bastos mong magsalita Darwin alam mong hindi ako gan'yan. 

So ano ang tawag mo dito? Sige nga Sabihin mo nang hindi ko maputok ang baril ko sayo. Alam mona kong paano ako magalit Donna! Mabait akong tao pero maging demonyo rin ako pag nasasaktan na. 

Please Darwin wag mong itutuk sa akin ang baril mo baka makalabit mo yan sorry magpapaliwag ako sa'yo.

Wag kang umiiyak d'yan na parang ikaw pa ang bektima sa atin. Akala ko malinis ka? Akala ko kare-karispito kang babae? Mali pala ako dahil nasa loob ang kulo mo bang bang.

I'm sorry hindi ko sinasadya Darwin sorry patawarin mo ako. 

Nakakahiya ka alam mo ba yon? Ikaw naman lalaking magaling? mang-aagaw panindigan mo kong ayaw mong mapatay kita pariho kayo walang mga kwenta. 

" Dalawang putok ng baril ang binitawan ni Darwin sa subrang galit at umalis siya sa lugar na yon na may sakit sa damdamin. Hindi niya akalain na magagawa iyon nang girlfriend niya. Napaka inosente niyang tingnan kaya di lubos maisip ni Darwin magagawa iyon ni Donna.  Pero nagawa na ni Donna sinasaktan na niya ang damdamin ni Darwin..

Aaaaahhhhhh walang hiya ka na pakasama mo Donna bakit? Bakit???????? Anong ginawa ko??? Bakit mo ginawa ito sa'kin bakit?? Mahal na Mahal kita Donna pero bakit ka gan'yan? 

" Nagsisigaw nalang si Darwin kahit nasa loob siya nang kotse at  umiiyak habang hawak ang manobela at ito rin ang sinusuntok niya. Nilabas niya ang sakit na naramdaman para kahit papano gumaan din ang pakiramdam niya.

To be continued.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status