Share

Chapter 1

Title:: THE INNOCENT GIRL

Genre:: comedy, SPG, bullying

Author:: Lady-V.

UNANG PAGKIKITA, 

Apo Dorothy andito kana pala? halika pumasok kana para makapag pahinga.

Wala ako dito lola, andoon pa ako ang layo ko pa nga nakita mo yon lola? 

Dorothy ayan ka naman pumasok kana nga lang sa loob.. 

Alangan naman lalabas ako lola eh galing nga ako sa labas nakita niyo naman kakarating ko lang.

Ano bang dapat kong sabihin? Para wala kang mapuna ha? Lahat ng mga sinasabi ko ginawa mong biro.

Ganito dapat lola apo Dorothy halika pumasok ka dito sa loob para makapagpahinga. Kawawa ka naman talagang pagod na pagod kana. Ganun dapat lola ayusin mo sa susunod lola ha.

Saan ka naman napapagod? Sa pag-gagala mo? Sa pag lalakwatsa mo? Sige nga sabihin mo sa akin kong saan ka na pagod?

Si lola naman dina mabiro sige tatanda ka talaga n'yan lola napaka ano mo sa akin. Alam ko na kulang ka lang sa love life kaya ka ganyan ka sa'kin. 

Gusto mo bang kurotin ko naman yang singit mo Dorothy? Sabihin mo lang total hindi pa ako nakapag linis nang kamay mahahaba pa itong mga kuko ko.

Wag naman lola huhuhuhu please gusto ko pang mabuhay lola wag mong gawin sa akin yan.

Abay tarantada talaga itong batang to? Umayos ka nga diyan dalaga kana dapat kumilos ka ayon sa idad mo!

Ano na lola pwede na ba? Kapani-paniwala na ba ang akting ko? Lola please sabihin mo naman sakin kong ok na? Alam mo ba lola gusto ko maging artista.

Pag aartista ba kamo? 

Oo lola aktingan ba, ano ok na ba ang akting ko?

Hindi, para kang baliw d'yan isa pa sino ba nag sabi sa'yong mag-aartista ka? Diba sabi ko sa'yo wag kang papasok sa ganyan ha Dorothy narinig mo ba ako?

Si lola naman galit agad? Di naman mabiro sige ito na oh kurotin mo na nga lang singit ko para tatahimik kalang.

Ikaw talaga bata ka hindi kana nakakatuwa Dorothy ganyan kana ba talaga? Yang kilos mo parang bata kulang sa pag-iisip ha kailan ka ba titino? Dalaga kana iwan ko na ba talaga sa'yo bata ka? 

Lola nag bibiro lang naman ako e hinay hinay lang po ang puso mo.

Apo mamatay nalang ako pero ikaw ganyan ka parin? Kailan ka ba mag babago? Wala ka paring pinag-bago para ka paring bata kong kumilos. Kong pwede lang sana ibigay kita sa tunay na mag aalaga sa'yo ginawa ko na. Nakakapagod ang alagaan ka ang intindihin ka umayos ka naman para sa sarili mo. 

Ano ibig n'yong sabihin lola? May magulang pa ako? Sabihin niyo po sa akin lola, may pamilya pa ako?

Wala akong sinabing ganyan.

Eh ano yong sinabi mo tungkol sa akin? Kong pwede lang ibigay mo ako sa tunay na mag aalaga sa akin? 

Sa ampunan gusto mo? Don ka kasi galing eh.

Kala ko pa naman kong ano na? Saan na nga ba ang mga magulang ko lola? Bakit sa tuwing tinatanong ko kayo lagi kayong galit? Bakit ba? Sabihin niyo sa akin hindi ba nila ako mahal? Kaya iniwan nila ako oh inabanduna? 

Wag kang mag-isip nang ganyan dimo alam kong anong dahilan nila. Isa pa totoong wala na sila dahil wala na sila pariho nasa langit na.

Eh kapatid lola? Wala man lang ba akong kapatid?

Wag kanang tanong ng tanong diyan Dorothy ang isipin mo nalang mahal ka nila kaya buhay kapa hanggang ngayon.

Pero lola?

Ano? Paulit-ulit nalang ako? Sabing wag nang tanong ng tanong eh. 

" Kahit masakit man para sa kanyang lola ang hindi pag-sabi nang totoo? Ay wala siyang magawa kundi magsinungaling sa kanya para din naman ito sa kaligtasan niya."

Hahahay ito na naman tayo sermonan na naman nakakainis gabi-gabi nalang parang walang katapusan.

San ka pupunta? Ganyan kana talaga kapag sinasabihan ka? Aalis ka agad ang tigas talaga ang ulo mo.

Kinaumagahan Maagang umalis si lola diko alam kong saan siya pumonta. Hindi naman nagsasabi yon kong tatanungin ko s'ya magagalit at sinusungitan lang ako. Kaya ang ginawa ko gumala nalang ako kasama ang kaibigan kong si Maris kahit walang pera go lang sa lakwatsya.

Gorang anong nangyari sa'yo? Natahimik ka ata mukhang kapanibago  naman sa'yo Dorothy ang tahimik? Wag mong sabihin nag e-emagine ka diyan sa mga gwapong makikita mo sa tv?

Hindi noh, hindi porket ganito ako gorang dina bawal na maging malungkot? May problema ako ngayon at hindi lang ito basta problema lang. Nasasaktan din ang puso ko gorang pero dinadaan ko lang sa tawa.

Ano ba yan? Umaktingan kana naman ba? Oh totoong may problema ka?  

Gorang  aman e alam mo naman ako pag nag-bibiro diba? Isa pa totoo to gorang kasi may luhang lumabas sa mata ko. Kita mo to? Hindi na nga yan maputol-putol tapos sasabihin mo pang nag-bibiro lang ako.

Alangan naman sa ilong mo lalabas ang luha diba? Natural sa mata at nakita ko naman yan. Hindi ako bulag para hindi ko makita ang mga luha mo bakit ka ba umiiyak d'yan? Alam mo hindi bagay sayo ang umiyak gorang ang pangit mo! 

Ano ba gorang.

Oo na sorry sige tatahimik na ako, bakit ba kasi? Dahil ba namimiss mo ang mga magulang mo? Oh pinapagalitan ka naman ng lola Melissa mo? 

Alam mo naman pala kong bakit e tinanong mo pa sa akin. Gusto ko kasing malaman kong bakit ganon ang mundo? Kinuha na sila agad sa akin kahit ang bata ko pa. Diba? 

Pariho tayo walang masagot diyan gorang alam mo naman ako wala ring magulang. Gorang pwede ba? wag na natin yan isipin ang ganyang bagay? Tatanda lang tayo ng maaga diyan e.

Ano pala ang iisipin natin? Punas ko sa luha ko! Lalaki? Lalaki ba ang isipin natin? Sino naman? May alam kaba? 

Ano pa ba? Gorang 30 na tayo pero wala pari tayong Jowa. Alam mo nakakalungkot lang kasi sa idad natin hindi pa tayo nadidiligan. Ano ang problema sa atin? Maganda naman natin ah? Bakit walang lumalapit sa atin gorang? Maganda ka at maganda ako sexy ka ganon rin naman ako. Pero bakit walang nagkagusto sa atin? 

Ikaw lang ang walang Jowa gorang dahil ako meron, meron, meron.

Sino? 

Si James my baby, my world my everything, my happiness, my love.

Lukaluka sabay batok ko sa kanya. Anong James pinag-sasabi mo d'yan? Eh kahit pagtingin nga dika n'ya mabigyan tapos may pa everything-everything kapag d'yan. Iba kana pala kong managinip ngayon gorang dilat ang mata. 

Aray naman gorang sapol talaga eh ang sakit non! Diba pwedeng busy lang siya kaya di niya ako pinapansin?

Maniwala ka d'yan sa panaginip mo gorang? 

Wag ka baka sa susunod mabibigla ka dahil kasama ko na siya sa kama.

Hoy gising girl artista yon hindi yon isang tambay. Assumera ito tumigil ka nga.

Kaya nga nag porsige ako sa pag-akting para  maging artista din ako tulad niya at para narin mapansin niya ang beauty ko diba?

Bahala ka d'yan sa James na yan alam mo namang dika papansin non eh! Basta ako hahanap ako nang gwapo at mayaman para naman maiahun ako sa kahirapan. 

Meron pa kayang lalaking ganon?

Syempre meron pa, Tayka nga lang gorang ano ba kasi ang nagustohan mo kay James? Sige sabihin na natin mayaman siya at matangkad gwapo pero di naman siya yong tipong hahabulin nang mga babae no dahil sa ugali niya.

Nasa kanya na kasi ang hinanap ko gorang eh.

Ang alin?

Ang matigas, malaki at mahaba sa palagay ko nga mamabaliw na ako kahit nag iimagine lang ako sa kanya gorang..

Talagang lukaluka ka bastos talaga nito anong mahaba, malaki at matigas ka d'yan? 

Ito naman batok agad? Iba naman yang iniisip mo eh ganito kasi yon!!

Dorothyyyyyy asan ka Dorothyyyy, tawag ng isang bata sa pangalan ni Dorothy. Kaya hindi na natuloy ang sasabihin ni Dorothy sa kaibigan niyang si Maris. 

Sino ang tumatawag sa akin gorang?

Diko alam halika puntahan natin baka kong ano na yon? 

Dorothy kanina pa kita hinahanap saan kaba galing? 

Doon lang sa bahay nila Maris bakit? 

Yong lola mo!

Ha? Bakit Anong nangyari kay lola? Sahihin mo buknoy anong nangyari sa lola ko?

Patay na siya Dorothy pagdating kasi niya kanina nag-uusap lang sila ni mama. Pagkatapos biglang siyang kinapos sa pag-hinga nagtaka kami kaya agad namin siya dinala sa center pero dina kami nakaabot Dorothy. 

Hindi yan totoo asan na siya? Halika samahan mo ako kay lola buknoy. Mangingiyak kong sabi halos tumakbo na kami papuntang center kong saan dinala si lola. Pagdating namin don lumantad sa akin ang malamig na bangkay ni lola. Lola naman diba natutulog lang kayo? Wag ka naman magbiro nang ganyan lola kagabi nga pinagalitan mo pa ako tapos ngayon namatay kana? Impossible naman ata yon lola siguro pina-prank mo lang ako lola? Oh di kaya umakting ka lang  din sa akin. Hahaha pero sa totoo lang lola mas magaling ka pa sa akin kapani-paniwala ang akting mo.  Alam mo ba kong bakit? May paputla-putla kapang nalalaman e bumangon kana diyan lola uwi na tayo. Sa isip ko ang sabi natutulog lang siya pero  bakit ayaw tumagil ang mga luha ko sa pag-bagsak?  Bakit ganito? Bakit nasasaktan ako ngayon? Alam ko namang nabibiro lang si lola eh. 

Gorang tama na yan wala na tayong magawa diyan wala na ang lola mo gorang.

Hindi, hindi totoo yan gorang buhay pa siya e natutulog lang siya diba?

Gorang tanggapin nalang nating wala na siya. Wala ka ng magagawa pa tuloyan ng nag pahinga ang lola mo.

" Walang nagawa si Dorothy sa pagpanaw nang lola niya kahit sabihin man niya sa sarili. Wala na siyang nagawa kundi tanggapin nalang ang totoo. Wala na ang nag iisang karamay niya sa buhay. Lumipas ang isang buwan nag umpisa na siyang naghahanap ng trabaho."

Ok kana ba gorang? Kaya mo na bang maghanap nang trabaho?

Oo naman gorang pero ang problema ko lang anong trabaho naman? Eh high school lang naman ang natapos ko kaya mahirapan ako maghanap.

Wag mo muna yang isipin gorang halikana maghanap na tayo alam mo namang nag absent pa ako sa trabaho ko para samahan ka. 

Oo na ito na nga habang nag lalakad kami sa daan may nakita kaming naka paskil sa labas nang gate. Malaki ang bahay na yon at  naghahanap ito nang katulong. 

Gorang ito subokan natin kasambahay? Baka matanggap ka dito. Malay mo kailangan talaga nila ngayon.

Sige mag doorbell lang ako. Tayka nga muna gorang ilang pindot ko na dito pero walang sumasagot. Mga bingi ata ang mga nakatira diyan.

Sige pa subokan mo pa tumigil ka nga diyan baka marinig ka nila.

Ding dong ding dong.....

Gorang mukhang walang tao eh alis nalang tayo baka pakamalan pa tayo ditong mag nanakaw. 

Kunin mo yong cellphone number gorang para tawagan nalang natin sila. Malay mo wala pa silang nakukuhang katulong.

Ok tayka lang kunin ko muna cellphone ko.

" Sa subrang busy nila di na sila nakahalata na may dumating palang sasakyan at bumaba na ito upang tanongin sila."

Maari ko ba kayong matulongan?

" Sabay lingon nang dalawang dilag sa boses ng kanilang narinig. Paglingon nila mas lalo pa silang nakanganga dahil sa gwapo at matipunong pangangatawan nito. Maputi at mapupulang labi kaya manghang-mangha ang mag-kaibigan. 

Gorang pakihila nang panty ko? 

Bakit gorang nalaglag ba? Gorang ang gwapo niya.

Gorang pa-parang si James ang gwapo niya at ang kinis. 

Ok lang kayo?

Ang gwapo mo talaga kahit buntisin mo lang ako ok lang sa akin sabay hawak ko sa abs niya. Naks gorang ang sarap parang nasa langit ako.

What???? Anong buntisin? 

" Nabigla nalang si Darwin dahil sa narinig niya mula kay Dorothy. Oo nakilala niya agad si Dorothy dahil may picture na siya sa dalaga bigay nang amo niyang si lance Sr. Napaayos nang tayo si Dorothy at si Maris dahil sa sagot ni Darwin sa kahibangan nila. Akalain mo ba naman kahit buntisin lang siya nang binata ay ok lang. Napaisip tuloy si Darwin mas malala pa pala ito kaysa inaakala niya. 

Ang akala ko lang talaga eh suplada lang ito pero di lang pala may pagkaharot din. 

Pasensya na po sir, gorang umayos kana diyan kinakausap kana niya. 

Anong maitutulong ko sa inyo? Muli kong sambit sa kanila dahil talagang tunganga lang ang peg nang dalawa. Ano mag sasalita kayo oh buntisin ko kayo dito? Este palapa ko kayo sa aso.

Sungit naman nito? Buntisin nalang wag yong palapa mo kami sa aso. 

Baliw!!!! Sagot ni Darwin kay Dorothy.

To be Continued.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status