Auksrytia: The Lost Key and The Gems of Pure Heart
Auksrytia: The Lost Key and The Gems of Pure Heart
Author: Nathan Villester
CHAPTER 1.

Trixia's

Point of view.

"Umuwi ka ng maaga ngayon babae ka. Huwag mong subokan maglakwatsa kung 'di kakalbohin kita! Marami ka pang gawaing bahay dito!" 'Yan lang naman ang sigaw ni Ate Jean habang nasa labas ako ng bahay.

Humingi muna ako ng malalim bago sumagot, "Uuwi ako ng maaga."

Pumasok na siya sa maliit naming bahay kaya ako lumakad na. Masikip at malinsangang ang lugar namin papuntang paaralan. Hindi na ako nag-abalang sumakay ng jeep dahil bente lang ang laman ng bulsa ko, sanay na rin akong maglakad.

Habang naglalakad napa-isip ako. Ba't ang init ng ulo ni Ate Jean sa akin simula't sapol? Kailan kaya niya ako tratratohin na parang tunay na kapatid?

Puro pahirap kasi ang ginagawa niya sa 'kin. Wala na siyang ibang ginawa kun'di sermonan at alipustahin ako. Ang paglalasing kasama ng barkada niya ang lagi niyang inaatupag.

Ako ang mag-isang nag-aalaga at naghahanda ng almusal para sa nakababatang kapatid ko bago sila pumasok. Kaya lagi akong nahuhuli sa klase pero okay lang 'yon para din naman 'yon sa kanila.

Wala kasing nag-aalaga sa amin dahil ang nanay Lisa ko ay namamasokan siya bilang kasambahay. Habang tatay Lando ko naman ay isang construction worker. Parehong nakadestino sila sa malayo at nagpapadala lang ng pera sa amin kada buwan. Madalang sa isang buwan silang bumisita sa amin pero kung bibisita sila ay bawing-bawi naman kami sa saya. Walo nga pala kaming magkakapatid at ako ay isang ampon.

I lose my composure as someone bumped onto me. Yumuko nalang ako't nagpatuloy sa paglalakad. Nawalan bigla ng lakas ang paa kong makatayo at muntik na akong matumba pero may umalalay sa akin.

"Okay kalang ba?" Tanong ng lalaki. He had that soothing smile on his face.

"Salamat." I blandly replied.

"No prob. Hindi ka ba kumain ng breakfast?"

Sabihin mo pa. Hindi ako nakakain kagabi dahil late na akong umuwiubos na ang ulam. Tsaka kaninang

umagalimitado at paubos na pera namin. Mas importanteng may makain kapatid ko.

Binaliwala ko siya't nagpatuloy. Ayokong malate ulit dahil ipahihiya naman ako guro namin sa klase. Lagi daw late.

Napatigil ako dahil sa paghawak niya sa akin. Lumingon ako sa kanya bilang tugon sabay ngiti ng pilit. Anong kailangan niya sa akin? Pasalamat siya wala akong gana gumawa ng eksena. Well, he looks well educated naman.

"Sandali, mukhang mamahaling 'yang kwentas mo? Sino ang nagbigay sa 'yo?" Tanong niya upang mapakunot ang noo ko.

Paano niya nakita ang kwentas ko? Palagi ko itong itinago sa ilalim ng uniform ko para walang makakita.

"Ha?"

"Iyang kwentas mo." Nguso niya pa. "Don't worry, wala akong balak nakawin 'yan. It's just that it's beautiful, mahal ka siguro ng nagbigay niyan."

"Mahal na mahal."

"Naol."

"Aalis na ako kung sino ka man. May klase pa ako."

"So sino nga nagbigay sa 'yo?" He eagerly asked.

"Bigay 'to ng magulang ko." Lumakad na ako. Bala siya sa buhay niya.

"You're lucky to have parents like them." Sumabay siya sa akin. I hate that he's acting all nice and friendly.

"Binigay nila 'to sa akin para remembrance na iniwan nila ako sa bangketa."

"Atleast may remembrance ka, ang iba nga diyan wala eh."

"May dapat bang ipasalamat do'n?"

"Meron."

"Legit, may pasok pa ako. Please, maghanap ka ng ibang gugulohin."

Nagmadali akong naglakad kahit anong oras mahimatay ako dahil sa gutom. Mas mabuti na 'yon kesa kausapin ang feeling close na lalaking 'yon.

"Pano kung sabihin kong hinahanap ka nila?" Napatigil ako't napakuyom. Nagpapatawa ba siya? "They're looking for you Trixia."

"Paano mo nalaman pangalan ko?! Stalker ka no!" Sigaw ko. Mabuti nalang medyo malayo na ako sa kanya.

"Stalker? Sa gwapo kong 'to!"

"Edi manyak ka!"

"Hirap mong kausap." May inilabas siyang pulang singsing sa bulsa niya't inabot sa akin. "Makakatulong 'to para mahanap mo sila."

"Akala ko ba ako 'yong hinahanap?" Mataray kong tanong upang tumawa siya.

"Nagsasabi ako ng totoo."

"Totoo mo Mama mo! Scammer ka! Alam kong may balak kang nakawin 'tong necklace ko!" Sigaw ko sa kanya bago humarurot na tumakbo palayo.

Hingal na hingal kong narating ang paaralan namin. Hagard na kung hagard, wala naman akong pinapagandahan. Matiwasay naman akong nakapasok sa school pero late padin! Habang naglalakad sa school grounds may bigla akong naramdaman sa bulsa ko. Tumigil ako para tignan ito.

"Ano 'to?" Tanong ko't napa-isip kung bakit ito pamilyar. Nanlaki ang mata ko matapos maalala kung saan ito galing. "Papaanong—?"

--

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status