Share

CHAPTER 6.

Frost gestured us to follow him, agad naman kaming sumunod. The Guild's entrance astonished us with it's marvellous design and architecture. It looks so old yet still beautiful, there was a big arc above the Guild's vast gate. Words are visible from it.

"Welcome to Aqua Flame, where water and fire unite." I mouthed and thought for a bit.

There's something strange or should I say magical in this place. Ito na siguro ang magiging daan upang maliwanagan na ako sa mahikang 'yan kasi hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na totoo ang magic! Who would believe in something that could defy science?

Hindi ko alam ba't nanginginig ako sa mga oras na ito. Napakaganda kasi ng paligid, mayroong napakaraming palamuti. I never knew places like this still existed, it's so surreal. Parang dinala kami sa nakaraan, sa panahon na uso pa ang princepe't princessa.

Pagdating namin sa tapat ng malaking tarangkahan ng guild biglang naginat-inat si Frost.

"Anong gagawin mo Frost?"

"Bubuksan ang pintong 'to." Gulat kaming napatinging tatlo. "Don't worry, kaya ko 'to!"

'Yon nga, walang kahirap-hirap nitong binuksan ang pinto. Napapikit ang aking mata dahil sa nakakasilaw na liwanag mula sa pagbukas nito. As the light faded I was in great dismay seeing the whole place.

Kung pwede lang talagang mamatay sa pagkadismaya, kanina pa siguro ako nakahandusay sa lupa na walang buhay. Ibang-iba ito sa inaasahan kong makita. I was delusional hoping that it'd be a real castle. It was just all in my head, wala akong ibang sisihin kun'di ang sarili ko.

Imbes na sosyal at magarbong dekorasyon, ang tumambad sa akin halos kabalibtakaran nito. Napakaraming lamesa sa paligid at may mga taong kumakain, nag-iinoman, nagkakatuwaan at nagkwewentuhan. Ngunit hindi makakapag-ilang malinis at organisado ang buong paligid.

Mayroon ding mini-bar sa pinakadulo, may mga waitress at bartender. Nakakaluwag sa damdamimg walang sumasayaw na babae sa gitna ng stage. Katabi ito ng mini-bar na may katabi ding isang malaking request board.

As my eyes roamed in all curiosity of the place something caught it's attention. A somewhat insignia was at the center of the guild. Isang babaeng kulay asul ang buong katawan na nakasandal sa isang lalaking kulay pula ang buong katawan. Parang sinisimbolo nila ang elemento ng tubig at apoy na nagkaka-isa. Weird, para saan 'yan?

Nakakamangha din ang pangalawang at ikatlong palapag na makikita mula dito sa ibaba. Binigyan nila ito ng sapat na espasyo upang makita ang mga nangyayari sa dalawang palapag. It looks like the second floor serves as a VIP room, unlike here it's less crowded. Habang ang ikatlong palapag ay mukhang off limits ito dahil wala ni isang tao sa palapag na iyon.

Gusto kong tanongin si Frost kung bakit niya kami dinala dito pero sinasabi ng utak kong pagkatiwalaan ko siya. Alam kong mabuti siyang tao at ayokong abusohin ang kabaitan niya.

"Frost sa'n ka galing? Ba't ang tagal mong bumalik?" Tanong ng isang lalaking mas matanda pa sa kanya ng ilang taon. Naka-upo ito sa isang lamesa malapit sa 'min.

"Wala, may tinulongan lang ako." Kaswal na sagot ni Frost sabay tingin sa 'min nina KC. "Nasan na nga pala si I-."

Hindi niya na natapos ang sasabihin nang may biglang sumigaw. Isang magiliw na batang babae ang papalapit sa amin, may pagkakahawig ang mukha niya kay Frost.

"Kuya Frost!" Rinig kong sigaw ng bata. Ang cute ng bata, sarap kurotin ng pisngi!

Pagngiti ang naging tugon ni Frost ng makita niya ang bata. Maitim ang buhok nito hanggang bewang, napakaputi ng kanyang balat. It's like the same color as snow, nakaka-inggit din ang ilong nito. Mas matangos pa ito sa ilong ni pinokyo! Hinalikan ng bata si Frost sa pisngi, hindi nawala ang ngiti sa labi niya't binuhat ito.

"OMG! IS THAT CHILD ABUSE?!"

"WAAAHHH! GANYAN PALA ANG MGA TRIP NIYA! KAKA-TURN OFF."

"PWES! WALANG MAKAKAPIGIL SA AKIN, AKIN LANG SIYA! RAAVVAAANN!"

Napa-ubo nalang ako sa pinagbubulongan ng dalawa. Hindi ba nila nakikita na magkapatid ang dalawa? 

"Namimiss mo ba si kuya Frost mo, Irea? Kasi ako namimiss kita!" Kinurot niya ito sa pisngi, tumawa naman ang bata.

"Kuya Frost sino siya? Why is she here?" Turo ng bata sa 'kin. "Is she your girlfriend?" Tanong nito upang ako'y mamula.

Dahil sa sinabi ng bata pati ang mga taong nasa paligid ay tinutukso rin kami. Napatawa naman si Frost sa inakto ng bata, gano'on din sa mga taong nasa loob ng guild.

"Ikaw talagang bata ka, ang rami mo ng alam." Tugon ni Frost at tumingin sa 'kin. "Wala kaming relasyon, tinulungan ko sila kanina ng mga kaibigan niya. Muntik na silang madakip ng kampon ni Byro, mabuti na lamang at nandoon ako."

Gumaan naman ang loob ko sa sinabi ni Frost. Mabuti na lang at ipinaliwanag niya ang nangyari kaya nandito kami. I smiled awkwardly as I noticed all the people here are currently watching us.

"Dito muna sila mamalagi sa Guild ng pansamantala habang wala pa silang matutuloyan." Pag-aanunsyo ni Frost sa mga tao at ngumiti. "Trixia, magpakilala kayo." 

"Hello po, ako si Trixia David. Masaya akong makita kayo."

"My name is Hannah Mae Bollon. It pleasuring on meeted your all."

"The name's Kent Calvin Dela Rosa you can call me KC." Lalaking-lalaking sabi ni KC sabay ngiti nito sa mga tao.

Pormal na pormal ito parang isang totoong lalaki, I saw the suprise on Frost's face. KC's quite shy about his gender orientation, he won't act carelessly if he's uncomfortable with other people. Pero kapag kasama niya ang mga taong alam kung ano talaga siya, humanda kayo!

Nagsitayoan ang mga tao sa guild, naghiyawan sila at lumapit sa 'min. They joyfully welcomed us with their sweet smiles and greetings. Lahat ng tao dito sa loob ng Guild ay nag-effort na lumapit sa amin upang kami lang ay batiin. As they were welcoming us, I felt that I wasn't a stranger to them. I felt that I was at home kahit hindi naman.

What a warm welcome.

After they cheerfully welcomed us, they eventually did the things they were doing earlier. Kaya't kami ay humanap at pumili nang mauupoan. Umalis si Frost kalaunan dahil hinanap niya ang kanilang Guild Master para may matulogan kami ngayong gabi. Siya na ang bahala sa gastosin namin dito sa Guild habang namamalagi kami dito. Babawi nalang daw kami sa kanya sa susunod kapag may pera na kami. Never thought good samaritans like Frost still exists in this world full of mishaps.

Habang wala siya, ang sekretarya ng Guild muna ang sasama sa 'min. She will explain the rules and regulations of this Guild. Siya rin mismo ang magpapaliwanag sa amin tungkol sa magic na pinagsasabi ni Frost. Maica daw ang pangalan, hindi ko nga alam kung bakit wala pa siya dito.

"Ang babait naman ng mga tao dito. Pakiramdam ko madali lang natin silang maging kaibigan."

"Oo, especially ang raming gwapo dito! Rawwwrrrr! Napapansin kong ang gwagwapo at ang gaganda ang mga tao dito. Kung hindi lang talaga tayo mga dyosa tingnan, kanina pa nila kinabog ang mga beauty natin." Dagdag ni Kc sabay tingin sa mga tao sa paligid.

"At ano naman connect ng sinabi mo sa sinabi ko kanina?" Tanong naman ni Hannah kay KC kaya't nagtawanan kaming tatlo ng sabay.

"Wele leng."

"Ang first impression ko dito sa Guild, na-weirdohan talaga ako. First impression ko lang naman 'yon! Dapat hindi talaga natin husgahan ang isang bagay kung hindi natin alam ang buong istorya dahil ang lahat ng bagay sa mundo ay may sariling kwento."

"Ako rin! Akala ko bar itong napasokan natin at isang bugaw si Frost." Mahinang bulong ni Hannah sa amin upang mapahagikhik kaming tatlo.

Akala ko ako lang ang nakapansin, bakit ba kasi bar tignan ang Guild nila!

"Kaloka besh! Baka hindi kayanin ng beauty ko! Ayokong maging poledancer dito kapag nagkataon."

"Hi."

--

Itutuloy...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status