Share

CHAPTER 2.

Pagkatapos ng klase namin naglakad-lakad ako sa park kasama ang dalawa kong matatalik na kaibigan. Sina Hannah at Kent Clyde, KC for short. I'm proud to say that he's gay but the problem is that his too handsome to be one. Lahat ata ng babae ay napapalingon sa kanya, nag-uumapaw ang kagwapohan niya.

Taliwas sa sinabi ko kanina, hindi muna ako umuwi sa bahay. Wala naman akong kakampi do'n.

I want some fresh air and not remember the misfit that happened to me earlier. Nanggigigil pa kasi ako hangang ngayon sa lalaki 'yon! Hiyang-hiya ako sa classroom kanina, sinabon talaga ako ni Ma'am ng mabuti.

"Trix, may problema ba? Kanina ka pa diyan tulala." Tanong ni Hannah sabay tapik sa aking balikat.

"Wala."

"Ngayon pa ba tayo magkakahiyaan? Alam naming may problema ka Trix." Suhesyon naman ni KC sabay nguya sa kinakain niya.

I looked at the both of them. Nakikita ko sa mukha nila ang pag-aalala sa akin. Wala naman akong problema, ang bagay na nasa akin lang naman ang hindi mawala sa utak ko.

"I want some BLACKPINK merch! Kung makita niyo akong sumasayaw sa bar, huwag na kayong magtanong kung bakit."

"Laki ng problema. Isampal ko sa nga sa 'yo mga projects at miscellaneous fees natin!" Singhal ni KC upang mapahagikhik ako.

"I said I like it like that!"

"Gags! Kay Cardi B 'yon!"

"Opps. Blackpink got me feeling like a psycho, psycho!"

"Tumigil nga kayong dalawa." Suway ni Hannah na nahihiya nasa mga titig na aming nakukuha. "Nga pala Trixia, super late ka kanina! 'Yan tuloy napagalitan ka ni Ma'am nang sobraaa."

Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko sa kanila ang nangyari. Sa totoo lang, ayoko ko kasing mahalungkat ang tungkol sa totoo kong magulang.

"Marami kasing trabaho sa bahay."

"Gusto kong tulongan ka Trix pero kahit ako ay busy rin sa bahay." Sagot ni Hannah at ngumiti sa akin.

"Ok—."

"Humingi pala kanina ng number mo sa 'kin si Ken!" Kinikilig na sambit ni KC, tinutukoy niya ang heart-throb ng section namin. "Ang swerte mo talagang babae ka!"

"Binigyan mo ba?"

"Alangan hindi!"

Nakahinga ako ng maluwag. Ayoko kasing may kumukulit sa 'kin habang nag-aaral ako. May mas importanteng bagay akong dapat pagtutukan. Tsaka importanteng makapagtapos ako ng pag-aaral upang ma-iahon ko sa hirap ang pamilya ko.

"Kung ayaw mo talaga sa kanya ibalato mo nal-." Napatigil si KC. "Trixia, ba't umiilaw ang bag mo?"

"Oo nga Trix."

"Ha? Umii—."

Napatigil ako. Totoo nga, umiilaw nga ang bag ko. Hinila ko silang dalawa palayo.

"Baka bomba 'yan!" KC shrieked like the overacting person he is.

Bomba? Sino naman ang maglalagay ng gano'ong bagay sa bag ko? Ang nakakapagtaka, bakit ang lakas ng liwanag. The red light that shines from it, is distracting.

"Let's not overthink KC."

"You know, I'm a seer. Seerina!" I glared at him. May oras pa talaga siyang magbiro.

"Sandali, titignan ko."

I walked slowly towards my bag with precautions, ang dalawa naman mas lalong lumayo. Kinakabahan man ay dahan-dahan kong binuksan ang zipper. Tiningnan kong masusi ang loob ng bag at hinanap kung anong bagay ang umiilaw. Napataas ang aking kilay dahil sa pagtataka.

It's—

It's the ring that the guy wanted me to have. Lumitaw lang ito bigla sa bulsa ko kanina. Nakakapanghinayang naman kung itatapon ko. Plano kong namang ibalik ito sa kanya sa muli naming pagkikita.

"So hindi bomba 'yan Trix?" Usisa ni Hannah, tumango ako bilang tugon.

Tiningnan ko ulit ito. The ring is glowing and what's with its red light, it's shiny yet mysterious. Ang pinagtataka ko talaga ay kung ba't ito umiilaw, hindi kaya peke ito?

"Gura!"

Nagmadaling lumapit ang dalawa sa akin na kanina lang ay takot na takot. Ipapakita ko na sana sa kanila ang singsing ngunit bigla itong tumigil sa pag-ilaw. Bigla akong nataranta, ano ang gagawin ko?

"Goodness, ano ba 'yong umiilaw Trix?" Tanong ni KC upang mapangiti ako ng pilit.

"Wala mga b-besh. Sige, uuwi na ako."

Inayos ko ang bag ko at nagsimulang maglakad. Pinagpawisan ako. Hindi ko alam pero pakiramdam ko dapat kong itago ito mula sa kanila.

"I smell something fishy Trixia." KC yelled at me. Pantay na nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin. "Never mo pa kaming tinawag na besh ng walang dahilan. May tinatago kaba sa 'min Trixia?"

"Nararamdaman ko 'yang sinasabi mo KC." Pagsang-ayon ni Hannah.

"Ako? Hindi! Bakit naman ako maglilihim sa inyo?"

"Patingin nga ng bag mo Trix."

"B-bakit?" Tarantang kong sambit sabay yakap sa bag na aking dala-dala.

Nagmadaling naglakad ang dalawa sa gawi ko habang ako naman ay kabang nakatingin sa kanila. I saw perseverance in their eyes, curiosity fueled their lust for truth.

"Hindi pwede!" Pigil ko pero hinablot nila ang bag mula sa akin kaya't hinablot ko ito pabalik.

Parang binging walang narinig ang dalawa, nag-agawan kami. I don't want them to think bad of me but I've already made my move, hindi na ako pwedeng umatras.

"Bitiwan mo na kasi!"

"Ayoko!"

"Ano ba kasing tinatago mo? Hindi ka ba nagtitiwala sa amin?" That caught me off guard.

With brute force KC successfully stole the bag from me still, I tried to grab it back. Ito ang naging dahilan upang mahati sa dalawa ang luma kong bag. Agaw pansin ang pagtunog ng kumikinang na singsing sa lupa. Kukunin ko na sana ito ngunit naunang nakuha ito ni KC. Nasa mukha niya ang pagkadismaya.

"Trixia, ito ba? ITO BA?" Naging emosyonal ang mukha ng dalawa, they have disgust in their eyes. "Paano mo 'to nagawa?"

"Trixia. Pwede ka namang humingi ng tulong sa amin. Your don't having to got these far. Besties tayo. Dapat humingi ka nalang ng tulong sa amin sa simula palang." Dagdag ni Hannah.

Ramdam ko ang init ng aking luha mula sa aking pisngi, dali-dali ko itong pinunasan. Nakakainis, ganyan na ba kadumi ang tingin nila sa 'kin upang pagbintangan nila akong magnanakaw? Oo, mahirap ako pero edukado akong tao. Hindi ko kayang gawin ang bagay na sinasabi nila sa tanang buhay ko. Ang sakit—sakit ng mga sinabi nila.

"Dahil ba mahirap ako, magnanakaw na agad? Akala ko pa naman hindi niyo ako huhusgahan dahil mga matatalik ko kayong kaibigan pero hindi, mali ako."

Hinablot ko ang singsing at bag mula sa kamay ni KC sabay naglakad palayo. Mabuti nalang at walang tao sa paligid, hindi ko na napunasan ang mga luha kong patuloy na pumapatak. Tinawag nila ang pangalan ko ng paulit-ulit pero nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Trixia! Sandali lang!"

Gusto kong harapin sila pero pinilit ko ang sariling hindi lumingon. I want no drama no more, it's for the best.

Nagulat na lamang ako sa biglang pagliwanag ng aking kwentas at ng singsing. Latin words conjured in front of me. I unable to process everything as a unusual force tried to suck me in. Rinig ko hindi kalayoan ang pagsigaw nila KC at Hannah.

"Trixia!"

"NOOOOOOO."

--

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status