Share

CHAPTER 5.

Nasaksak at napurohan siya sa likod, napasigaw ito sa sakit at agad natumba sa lupa. Maraming pulang likodo ang tumalsik sa lupa mula sa lalaki. Napapikit ang aking mga mata. Hindi ko kayang tingnan ang mga ganitong eksensa. The poor guy is helplessly lying in the ground as he's bleeding to his death.

"Any last words?" Tanong nito at ngumisi ng mala-demonyo.

Alam kong gustong lumaban pabalik ng lalaki ngunit ayaw makisama ng kanyang katawan. Wala itong nagawa kun'di humandusay sa lupa. Hindi kalaunan ay muli niyang sasaksakin ang lalaki. Natataranta na talaga ako sa maaring mangyari. Ano ang pwede kong gawin?

Kahit nagdadawalang-isip tumakbo ako patungo sa kanila ngunit napatigil ako. May bumato sa kanya. Natamaan ito sa ulo upang siya'y mapalingon sa amin ng napakasama.

"Lumayas ka dito, mamamatay tao ka!"

"Huwag mo siyang sasaktan! Kaloka ka! Sayang lahi!"

I was so proud of what the two did! Halata din sa mukha nila ang saya sa kanilang nagawa pero nagbago ito. Dahan-dahang naglakad ang lalaki sa aming gawi. Ngumisi siya ng malapad bago mawala sa aming paningin.

"Asan siya?"

Luminga-linga kami sa paligid nagbabakasaling makita ito. You can feel the tension in the air, nagulat na lamang ako nang bigla itong lumitaw sa likod nina Hannah.

"That hurt..." He said, whispering both their ears.

Napako sila nang maramdaman ang presensya nito. Nangamba ako para sa sitwasyon nila Hannah, hindi namin alam kung anong kayang gawin nito.

"What you two did earlier was the biggest mistake of your life. Ito ang maging bayani na kahit alam niyong mapapahamak kayo. Being the hero will only bring your demise." He said playfully.

Sinubukan ng dalawang tumakbo gamit ang natitirang lakas na mayroon sila. Mapaglarong sumipol ang lalaki, he's confident that he'd be able to catch them.

"It's futile. Hindi niyo ako matatakasan, kahit ano pa ang gawin niyo." Muli itong naglaho at biglang lumitaw sa harapan ng dalawa.

Matitinis na sigaw ang narinig ko, sinubukan ulit nilang tumakas. Sa kasamaang palad ay nagapi nito si KC. Nagpumiglas siya ngunit wala itong naging silbi. Habang si Hannah naman ay tumakbo papunta sa 'kin. Yinakap ko agad siya, nararamdaman ko ang panginginig sa kanyang katawan. Mismong akong ay nanginginig na rin. Papaano si KC?

"Tulong mga beshie! Julong! Ayoko pang mapatay na vi—" Pagpupumiglas ni KC.

"Tumahimik k—."

"Ice Magic: Ice Canon." Napalundag ako sa tuwa ng makitang nakatayo ang lalaking tumulong sa 'min. "Eat this!"

The moment he said those words the artillery he had on his arms launched a mighty attack. It directly hit the guy in this forehead, tumalsik siya ng ilang metro dahil sa lakas ng impact. Tumama ang likod niya sa puno upang siya'y mawalan ng malay.

"Hannah! Trixia! Lafit na me ma-krook doon! Mabuti nalang at sinave ako ni KYAH, siya talaga ang prince charming ko. My savior!" Kilig na kilig na sabi ni KC, mahina akong mapatawa. Matapos ang lahat ng nangyari, 'yan ang lumabas sa bibig niya!

"Damn, my back." Daing ng lalaki.

Lumapit agad kami sa kanya upang alalayan siyang maka-upo ng maayos. Natakpan ng yelo ang sugat niya, gusto ko man magtanong pero mas pinili kong manahimik.

"Okay ka lang?"

"I'm fine. Masakit lang talaga ang likod ko." Sagot niya't ngumiti sa 'min.

"Sigurado ka?"

"Saan kami pwedeng humingi ng tulong para mapagamot ka kyah? I mean Kuya?" Singit ni KC.

"Oo. Huwag kayong mag-alala may nagpapatrolyang kawal dito."

"Okay?" Kawal? Anong kawal ang pinagsasabi niya? "Nga pala, salamat sa pagtulong sa 'min."

"Wala 'yon. Kahit sino namang tao ay gagawin ang bagay na iyon." Tugon niya upang maging dahilan para ako'y mapangiti. "Kayo? Maayos ba ang lagay niyo?"

"Ocakes lungs."

"Of course, nandito kana kasiii." Umiling ako. Hindi talaga nakapagpigil ang dalawa't bumanat pa.

"Kayo talaga. I'm Frost Trevil, you can call me Frost."

--

Kasalukuyang naglalakad kami ngayon sa isang mala-paraisong lugar, manghang-mangha kami sa paligid. Napakamoderno dito, it's the complete opposite of the place I've been living for nineteen years.

Wala masyadong naglalakihang gusali't skyscrapers. Kahit nandito kami sa malaking siyudad maraming puno dito kaya't ang presko ng hangin. Ang lalaki rin ng mga bahay, parang wala atang mahirap dito. Ang nakakapagtaka, wala akong ni-isang nakitang sasakyan dito. It's kinda weird for a modern place like this. Tanging mga kalisa lang ang ginagamit nilang transportasyon.

Gaya ng sinabi ni Frost, may dumaang kawal na nagpapatrolya sa paligid kanina. Tinulongan nila kaming dalahin itong si Frost sa hospital. Ang nakakapagtaka ay madaling naghilom ang sugat na natamo ni Frost. What kind of modern technology did they use?

Also we were about to bid our goodbyes to Frost as his condition was stable. Mabuti nalang talaga at ang kakapal ng mukha nila KC at Hannah. Nagmaka-awa sila na sumama kami sa kanya dahil sa nawawala kami at baka maulit naman 'yong nangyari kanina. Pumayag naman siyang tulongan kami. 

Isa sa mga bagay na bumabagabag sa isipan ko ngayon ang kayang gawin ni Frost. Nahihiya akong tanongin siya kung papaano niya ito nagawa. I really don't believe that magic exists.

"KC, sideview naman! Sige pa! Ganyan nga, fierce dapat!" Sigaw ni Hannah habang si kinukonan ng litrato si KC.

"They're funny." Tawa ni Frost.

Mabuti nalang at halos walang pakialam ang tao dito. Paniguradong iisipin nilang may masamang motibo ang dalawa. Grabe kasi kung makaposing sa gate ng magarang bahay, hindi naman sa kanila.

"Pagpasensiyahan mo na sila, ganyan talaga ang dalawang 'yan."

"Ang saya siguro nila kasama."

"Yeah, I'm so lucky to have them as my bestfriends."

"Ba't hindi ka sumama sa kanila? Okay lang ako dito."

"Ayoko, n-nakakahihiya." Ilang na sambit ko bago binago ang usapan. "Anong lugar 'to?"

"Nandito tayo sa kabesira ng Legion, sa Faishir City. Hindi ka pa ba nakarating dito?" Takang tanong niya upang magtaka na din ako.

"Legion? Saang parte naman 'yon ng Pilipinas?"

"Pilipinas? Wala namang lugar na ganyan sa Mahonotopia?"

"Mahonotopia?" Napahawak ako sentido, hindi kami nagkakainitindihan. "Sandali! Nakakalito na 'to."

"Para tayong baliw." Nagtawanan kami. "Dalian na natin, malapit na tayo" Dagdag niya pa.

"KC, Hannah! Tara na!" Sigaw ko upang maagaw ang atensyon ng dalawa.

"Yamete kudawait Trixia-sama!" Sagot ni Hannah. Paglingon ko pabalik may tinamaan akong matigas na bagay. Napadaing ako sa sakit at napahawak sa aking ilong.

"Sorry."

Nakakahiya, likod ni Frost ang nabangga ko!

"Nasaktan ka ba?"

"H-hindi naman."

"Good. Nandito na pala tayo!" Napatingin ako sa dereksyon na kanyang tinitingnan.

Hindi maipinta sa mukha ko ang pagkamangha. Palasyo, isang magarbong palasyo! It's not that big like the ones on TV, a mini version of it. Kahit gano'n hindi magkamayaw ang aking damdamin! Totoo ba 'to?!

Gaya ng naging reaksyon ko kanina, gano'on din ang naging reaction nila KC at Hannah. Napanganga rin sila sa makapigil hiningang tanawin. I've never expected in a million years that I would see a castle in my whole life. Napatawa naman si Frost sa naging reaksyon namin. Dahan-dahan kong isinara ang nakanganga kong bibig.

"Mukhang gusto niyo na atang pumasok?" Aliw na tanong nito sa amin. Tanging hilaw na ngiti ang aming naging sagot. "Tara na..."

--

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status