Share

Slash of Fate
Slash of Fate
Author: Venomousseth

PROLOGUE

Flashback

I stared at the person in front of me. Para akong tulala na hindi ko maunawaan o sadya bang mapagbiro lang ang tadhana?

He stare back and all I did was smile. If only I can laugh the way I used to, pero iba na ang panahon ngayon. Iba na ang pakiramdam ko ngayon tila ba ang dating ako ay tuluyan nang nakalimutan.

"Strip now Mr. Montero." Sa aking usal ay nakita kong sandaling tila natigilan ito pero ang mga mata nito'y nakatutok lamang sa akin na tila ba binabasa nito ang buo kong pagkatao, pero alam ko naman na wala itong makikita. I am a therapist, isang bagay na akala ng lahat ay marangal pero sa gaya ko na hindi normal ang ginagawa, minsan may mga bagay na kailangan ko ring gawin ang lahat kumita lamang. 

"If you won't I would do the job." Nakita kong umigting ang panga nito kaya ngumiti ako ng mapait. I won't play this game kung hindi ako sanay pero ang tulad ko'y nakatadhana na sa ganitong sitwasyon.

Lumapit ako rito at ang bawat yabag ko'y rinig na rinig sa kabuoan ng kwarto pero nang malapit na ako rito ay bigla na lamang ako natigilan nang marinig ko ang malakas nitong sigaw.

"Don't treat me as a child!" Natameme ako at napabuntonghininga. I know this is difficult pero kung hindi ko ito gagawin ako lang din mismo ang mahihirapan.

"Yes I know that I'm weak and blind but you don't need to treat me like I am stupid man in front of you!"

Napapikit ako ninanamnam ang kakaibang emosyon na aking nararamdaman at ang kakaibang pakiramdam sa aking puso.

"Tell me Yesha! Is this a game? Am I stupid? Akala mo ba gano'n ako katanga porket bulag ako ay magagawa mo akong lokohin? I fell in love with you Yesha! I almost thought that you wanted me and love me for who I am but the truth is you are not different with those people who treat me like I am someone who doesn't deserve love! How can you act like this!" Ngumiti ako ng mapait saka nagmulat ng mga mata na kahit nanlalabo ang mga iyon ay pinilit ko pa ring magpakatatag. 

This is who I am? I should embrace my fate. 

"Tapos kana ba? Can we start? This is the final therapy that I can give you before your operation tomorrow which is a perfect time and I'm sure you won't be stupid enough to say no right?" hindi makapaniwala ang nakita ko sa mga mata nito at walang babalang tumayo ito mula sa pagkakaupo at ang hawak nitong baso ay biglang tinapon na siyang naglikha ng malakas na ingay. I bit my lower lip, pinipigilan ang sarili kong magsalita ng bagay na alam kong hindi dapat.

Naramdaman ko ang hapdi sa aking braso at doon nakita ko ang pagbaon ng isang bubog na tumalsik mula sa basag na baso na malapit lamang sa aking kinatatayuan.

Nakita ko ang pagdaloy ng dugo mula roon at wala akong nagawa kundi tiisin ang sakit, dapat ko lang naman gawin dahil I deserve this pain I know he has the rights to hurt me. 

Alam kong hindi ako dapat magreklamo dahil kung titingnan ay kulang pa, kulang pa itong nararamdaman kong sakit kumpara sa sakit na nararamdaman nito ngayon.

Sapagkat rinig kong bigla itong natawa kasabay ang mga luha nito na dumaloy mula sa mga mata nito na siyang bumasag sa puso ko.

Flix...

Gusto kong tawagin ang pangalan nito, yakapin siya ng mahigpit pero hindi ko magawa sapagkat pinipigilan ako ng aking isip dahil maling sumugal sapagkag alam kong hindi ako karapatdapat.

"I never expect that a woman like you would be willing to act that you love me and let me have your body and yet the truth is you are just paid to act like that! How much? Magkano mo ba binenta ang puso mo Yesha? Magkano mo binenta ang konsensyang meron ka? Even your purity? Is this part of the plan? You act virgin for what? To make me believe that you really love me and you care for me?" His pain is evident in his eyes at kahit anong gawin ko ay hindi ko maiaalis ang kakaibang nararamdaman ko para rito, at tama ito hindi ako mabuting tao, isa akong walang kwentang tao na sinaktan lamang ito! Isang taong dapat saktan pero bakit gano'n bakit ngayon pa lang kailangan ko nang dalhin ang sakit na alam kong hindi ko maisisigaw sa harap nito. I hate it but I know I don't deserve him. Sa lahat ng pagkakamali at sa lahat ng meron ako ay hindi magiging sapat para rito.

"Have you even realized that it pains me? Hindi mo ba naisip na hulog na hulog na ako? Have you ever thought of loving me genuinely? 'Yung totoo at walang halong pagpapanggap? Kasi ako kahit natakot ako noong una ay pinilit ko pa ring maniwala, Yesha. Pinilit kong paniwalaan na kahit alam kong itong mukha ko ay hindi kamahal-mahal at itong estado ko ay karapatdapat iwan ay naniwala ako sa'yo. I've tried loving you for I thought you deserve it and I deserve it kasi 'yun ang epekto mo sa akin. Sobrang mahal kita, sobra-sobra but why? Why are you using your fake heart in front of me? Putek Yesha naman! Why can't you realize that I want the real you and how come? Bakit sa huwad mong pagkatao pa ako nahulog?—"

"Because you are stupid," malamig na saad ko kasabay nang pagdaloy ng aking mga luha. Hinayaan ko lamang iyon sapagkat alam kong hindi ko maturuan ang aking mga mata na huwag umiyak para sa taong minsang nagbigay ng kislap dito.

"You are stupid Flix, I only offer you my body and you think I love you? I just offer you care and you think I'll stay? Because the truth is everyone will use you Flix and if you will be vulnerable then no one will stay, walang magmamahal sa taong tulad mo na umaasa lamang sa ibang tao. Flix, this is my job I need to lie just to be able to persuade you to heal yourself! Pasalamat ka nga na pinagtiyagaan kitang alagaan at ibigay sa'yo ang pangangailangan mo! And yes I let them pay me! I never love you Flix for I only love the benefits. 5 million is enough to make me act." Bumukas-sara ang bibig nito at bigla kong nakita ang dahan-dahan na paghakbang nito, biglang nag-alala ako dahil tila nanantiya ang bawat hakbang nito, at hindi nito nakita ang upuan na siyang naging rason upang bumagsak ito sa sahig kaya biglang napatakbo ako rito at agad na sinubukan itong alalayan pero tinaboy ako nito at saka biglang napasabunot ito sa sarili nitong mga bubok na siyang nabigay sa akin ng hudyat para mapaluhod sa harap nito. I can see pain and betrayal on his face. Gusto ko man iyon haplusin ay hindi ko magawa dahil ang sakit, sobrang sakit na ang mahal mo'y hindi mo magawang ipaglaban.

"Stay away from me you liar!" Napatakip ako ng aking bibig at pinipilit ikulong ang mga hikbi mula sa aking bibig na kanina pa gustong umalpas, gustong-gusto ko na itong yakapin sobra.

"I don't want you touching me! I don't want you here! You get out! I wish you would hold me Yesha! But without my eyes I'm weak, I even let you played with my feelings. But have you ever love me? If I ask you to stay would you do it? Kaya mo bang talikuran ang deal n'yo ng magulang ko? Can you love me for real?" Kumuyom ang mga kamay ko at bigla akong napatayo sapagkat hindi ko kayang harapin pa ito. Ang sskit magmahal, ang sakit umasa sa taong hindi mo alam kung hanggang kailan ka kayang mahalin.

Pinilit kong ayusin ang aking sarili dahil ito lang ang dapat kong gawin, kailangan ko na wakasan ang sakit at wakasan ang yugtong ito.

"You fell in love with Yesha, Flix. But Yesha is not the real me, Yesha is just a mask and she can't stay dahil hindi siya totoo. Ako ang totoo Flix at ang totoong ako ay hindi ka kayang mahalin, hindi ko kayang titigan ka ng hindi nandidiri, you are not worth millions, I can't sacrifice money for you, because in the end I can and I will definitely love someone else. 'Yung taong kayang tumayo sa sariling paa at hindi umaasa sa magulang. Now let me repeat it again, everything about us is fake and you will never own me Flix." Nasuntok nito ang sahig ng ilang ulit at pinigilan ko ang sarili ko na lapitan ito. 

Pinigilan ko ang puso ko na makaramdam, kasi sa totoo lang namamanhid ang puso ko sa sakit. 

"I love you Yesha," mga salitang noon ay nagagawa kong namnamin pero ngayon hindi ko na magawa dahil alam kong ang mga salitang 'yun ay hindi para sa akin kundi sa taong minahal nito na malayo sa katauhan ko. 

"So all along I fell in love with a completely fabricated personality!" He murmured at ngumiti ako ng malungkot saka pinunasan ang aking mukha na basa ng luha.

"Yes, so please forget about me Flix, forget—"

"Give me my last therapy Yesha or whoever you are dahil may karapatan naman siguro akong sulitin ang bayad ng magulang ko hindi ba?" biglang bumagsak ang aking balikat sa aking narinig, nanghina ako pero nang lingunin ko ito'y nakita kong nakayuko lamang ito habang nakatitig sa kawalan at kuyom ang mga kamay.

"It will be my pleasure Master. Used my body as you like and hope you'll find courage to fight for your own good." Umangat ang mukha nito saka ngumisi na kahit hindi ito nakaharap sa aking gawi ay tila nakaramdam ako ng kakaibang takot at kaba sa paraan ng ngisi nito.

"This will not end like this, whoever you are I'll find you and I bring you close to hell," mahinang bulong nito pero ngumiti lamang ako dahil alam kong malabo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status