Share

Tahimik 12.2

(Continuation of chapter 12)

Hayami's POV

Magkasama kami ngayon ni Chloe dito sa library at hindi ko alam kung anong pinakain sa kanya ng mama niya at biglang nagyayang magbasa daw kami. Mag-aaral na daw siya ng mabuti. 

Wala namang masyadong tao dito sa library at ang kadalasang mga estudyanteng nakikita ko dito ay mga nakasalamin, at mukhang mga nerd or ipagpalagay na nating mga bookworm na tao.

"Matagal pa ba 'yan?" bulong ko kay Chloe na naka-focus sa binabasa niyang Science book.

"Shhh, 'wag mo 'kong istorbohin."

Ang sarap pukpokin ng makapal na Merriam Dictionary ang isang 'to. Hay, makahanap na nga lang din ng libro.

Tumayo ako at dumiretso sa shelves kung saan nakahilera ang mga novel books. Iniisa-isa ko pa ang bawat libro. Kapansin-pansin din ang mga sapot ng gagamba sa ibang libro, halatang madalang malinisan. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status