CHAPTER 14
A CENTURY AGO..."ISA SIYANG HALIMAW!"Dinig niyang sigaw ng inang reyna sa asawa nitong hari.Napasandal siya ang pintuan ng kanyang silid at saka lupaypay na naupo. Nanginginig niyang tinignan ang mga duguang kamay. Kahit hindi niya makita ang sarili sa salamin, alam na niyang duguan din ang kanyang bibig.Hindi niya lubos maisip, maski siya, na siya nga ang may gawa ng mga iyon.Tuwing gabi, isa-isang nawawala ang mga kababaihang dalaga sa kanilang nasasakupan. Kinaumagahan, matatagpuan na lang ang mga dalagang wala nang buhay at may marka ng kagat ng kung ano mang hayop sa mga katawan nito.Sa katunayan, mula nang mag-edad katorse siya ay pansin na niya ang kakaibang nangyayari sa kanya tuwing gabi. Magigising siyang uhaw na uhaw, maghahanap ng maiinom, pero pagkalabas niya ng silid ay wala na siyang maalala.Ilang taon na ganoon ang laging nangyayari sa kanya. At iisang tao lamang ang nakakaalam niyon. Iyon ay ang pinakCHAPTER 15NAPATULALA NALANG SIYA sa mga mata ni Luke.Bakit ito nalungkot?Hindi niya tuloy maituloy ang paglaban dahil mas nangingibabaw ang kanyang kuryosidad para dito.He firmly closed his eyes trying to stop himself from doing anything.Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya at marahas itong umatras palikod."Hand me a bag, Grace," utos nito. Malakas ang pagkakakuyom ng palad nito.Dali-daling tumakbo paakyat ang doktora. Tinanggal na din nito ang sapin sa paa upang mas madali itong makatakbo.Humahangos na inihigis nito ang blood bag sa lalaki. Kahit hindi niya mahawakan, batid niyang dugo ang laman niyon. Hindi sa lalaki nagtungo ang babae kundi sa kanya.Hinawakan nito ang kanyang magkabilang pisngi at itinapat iyon sa kanyang mukha."Be still," aniya.Ilang sigundo silang ganoon. Magkatitig ang kanilang mga mata. Maski kasi siya ay nagulat sa mga ginawa ng dalaga.They can hear the slurping from his direction. H
CHAPTER 16 "KANINA KA PA?" utal ni Ashley nang tuluyang humarap kay Luke. "You wanna guess?" he asked. She was stunned. It's not like Luke was always this interested giving her a time like this. Laging mainit ang dugo nito sa tuwing nagkakasalubong sila. Mahigit isang oras palang nang mangyari ang hindi niya inaasahan. Pero ang mas hindi niya inaasahan ang pagpunta nito agad sa kanya. "I just got here," anito. Kanya namang ipinagpasalamat ito dahil tiyak na magpapalamon siya sa lupa kung narinig man nito ang mga sinabi niya kanina. Hindi din naman niya alam kung bakit nasabi niya ang mga iyon. Mukha tuloy siyang nag-aalala para dito. Bakit naman siya mag-aalala para dito? Muntik pa nga siya niyong patayin kani-kanina lang. Kung hindi lang sumingit si Grace. At hung hindi lang ito lumuha kanina, malamang kung ano na din ang pwedeng gawin dito. "I'm sorry about earlier
CHAPTER 17 KANINA PA SIYA palakad lakad ng mansion, ngunit sa bawat liko niya ay magugulat nalang siya na nandoon si Luke na nakahawak ng libro. Animo'y sinasadya nito na talagang sundan siya. Kung sabagay, para mapaalalahanan siya na isa nga itong bampira. Naiinis na siya. Parang inaasar lang siya nito sa bawat galaw niya. Lalo na't alam niyang isa lang siyang hamak na tao. Pero hindi lang siya isang hamak na tao, kundi isang huntress. Aakyat na sana siya ng hagdan nang hindi si Luke ang nagpakita kundi ang pusa na lagging dumidikit sa kanya. Nagpasya siyang alagaan na ito. Binigyan naman na din niya ito ng pangalan. "Lumalalim na ang gabi. Gusto mo na din ba magpahinga?" tanong ni Ashley sa pusa. Ngunit isang meow lang ang sagot nito. "Getting tired already?" Luke broke the silence. "Isang araw palang 'yan," paalala nito. "And I have two more days. You're giving me three, remember?" "Well, suite yourself." "Mas Mabuti pang pusa nalang ang kausapin ko kaysa naman makipagban
"KAHIT ANO'NG MANGYARI, huwag kang lalabas kapag gabi."Lagi iyong ipinapaalala ng kanyang lola simula pa noong nagkamuwang siya. Mahigpit na ipinagbabawal kay Ashley ang paglabas kapag wala na ang araw at madilim na ang kapaligiran.Hindi na niya naabutan ang mga magulang na namatay sa aksidente noong snggol pa lamang siya. Kaya naman, sa lola siya lumaki. Bagamat istrikto ito pagdating sa curfew, hindi naman masusukat ang pagmamahal at pag-aaruga nito sa kanya.Tumutupad siya sa utos nito bilang isang masunuring bata. Pero iyon ay noong bata pa lamang siya.Nang tumuntong na siya sa taong sixteen, nagbago iyon.Nagkaroon na siya ng mga katanungan kung bakit bawal siyang lumabas sa gabi, na hindi din naman sinasagot ng lola. Lagi itong umiiwas o di kaya naman ay sasabihing madaming nangyayaring delikado kapag gabi para sa teen ager na tulad niya.Pero sa tingin niya ay may mas malalim pang dahilan kung bakit bawal.
INABUTAN SIYA NI JAKE ng inumin na sa una, may pag-aalinlangang tinanggap. Tutal tumakas na din naman siya, kaya sinulit niya ang kalayaang ngayon niya lang naranasan.Naka-isang baso pa lang siya pero ramdam na niya ang kaunting pagkahilo at pag-init ng katawan. Unang beses niya kasing uminom at hindi sanay ang kanyang sistema sa mga ganoong bagay."Excuse me, CR lang," paalam niya."Samahan kita?" tanong ni Jake."Hindi na. Saglit lang naman ako," aniya at hinalikan si Jake sa pisngi. Hindi na din naman na siya pinilit pa nito.Nakisingit siya sa mga nagsasayawan upang makadaan papunta sa CR ng bahay. Dahil sa hilo, mabilis lang siyang ma-out balance nang mabangga ng ilan.Ginamit niya ang kamay upang hindi tuluyang mapahiga sa lupang natatakpan ng damong pantay ang pagkakaputol. Tumama nga lang ang palad niya sa magaspang na sementadong pathway na may pebbles.Nakaramdam siya ng hapdi dito."Are you okay?" tano
BAGO TUMUNTONG SA edad na bente, kailangan na-isuko na ang pagkabirhen ng isang dalaga. Dahil kung hindi, maglalaho ito sa araw ng kanyang ika-dalawampung kaarawan. Iyon ang nakagisnang paniniwala ng mga taong naninirahan sa bayan ng San Andres, sa lalawigan ng Quirino.Dati itong parte ng capital ng lalawigan at malawak na sakahan. Nang dahil sa hindi mapigilang pag-unlad, bumukod ang lugar at tumayong mag-isa. Bagamat ilang taon pa lamang simula nang maihiwalay, nalagpasan na nito ang mga karatig na lugar pagdating sa ekonomiya.Ayon sa sabi-sabi, ilang mga negosyante ang nagtulong-tulong upang gawing sentro ng agricultural, commercial, at industrial businesses ang lugar na iyon sa buong lalawigan.Bagamat madami nang gusaling naipatayo dito, tulad ng paaralan, hospital, shopping malls, restaurants, hindi pa din iyon sapat upang punuin ang malawak na lupain.Patag ang mga konkretong daan mula sa sentro patungo sa labas kung saan nandoon pa
MABILIS ANG NAGING paglakad ni Ashley papasok sa hospital building.Ang Andreas Medical Hospital ang pinakauna at kaisa-isang pribadong hospital sa bayan ng San Andres. Mayroong limang palapag iyon at kahit pa sa pagdaan ng panahon, nanatili pa ding parang bago ang gusali. Maintained ang hitsura ng pagkakatayo nito dahil nagmula sa mayamang pamilya ang nagpatayo niyon.Lumilikha ng tunog ang bawat yapak niya sa malamig na sahig. Pumipilantik ang kanyang balakang sa bawat paghakbang dahil na rin sa suot na matangkad na sapatos. Hindi din siya masyadong makahakbang ng malalaki dahil sa maiksing skirt na halos hapit na sa kanyang mga hita. Maayos ang kanyang buhok na nakababa. Napakalinis niyang tignan sa puting unipormeng pang-nurse. Nakasabit sa kanyang kanang balikat ang tote bag na naglalaman ng ilang mahahalang kagamitan na ginagamit niya sa pang-araw araw.Sa kamamadali niya hindi na niya namalayang may nabangga. She looked up to see when the ma
"MISS AREVALO?"Napalingon siya nang muling tawagin ng Vice Director ang pangalan niya. Katatapos palang ng meeting at magsisimula na dapat siya sa trabaho."Pakisamahan naman si Doc Cuevas sa kaniyang office. He'll be using the office of Doc Samaniego. Besides, ikaw naman ang dating assistant, mas ikaw ang nakakaalam ng mga iniwang trabaho ni Doc," anito. "Remember, you're late. Again."Ngumiti siya saka naglakad. "This way, Doc," presenta niya sa daraanan.Nakapamulsa itong naglakad. Napatingin siya sa sapatos nito habang sila'y naglalakad. Napakatahimik nito at para bang hindi umaabot sa sahig ang mga apak.Siya na ang nagbukas ng pinto. "This will be your office, Doc." Ipinakita niya ang ilan sa mga mahahalagang dokumentong nandoon. Pati na rin ang ibang mga gamit."If you need anything, let me know. Huwag lang po gabi dahil wala akong shift kapag ganoong oras," aniya."Why?"Tipid ito magsalita at may matipun