Share

CHAPTER 7

CHAPTER 7

"A-AAH! AH! AH! Masakit! Saglit lang Elijah! Dahan-dahan lang paki-usap!"

"Ashley! Huwag kang magulo! Hindi ko pa nasisimulan. Hindi ko pa nga naitutusok."

Nakikita niyang galit na ito at halatang nauubusan ng pasensiya. Huminga siya ng malalim at saka pumikit. Muntik pa siyang mapatalon nang maramdaman ang hapdi sa ginawa ng lalaki.

Hanggang sa tuluyan na nga nitong nabutasan ang kanyang tainga. Ngayon ay tatlo na ang hikaw niya.

Ramdam niya ang pagpintig ng namumula niyang tainga. Marahan niya itong hinawakan pero namamaga na iyon at masakit magalaw.

"Ano? Sa kabila naman?" tanong ni Elijah na hinahanda ang pares ng hikaw sa piercing gun.

Balak kasi nitong tadtarin ang tainga niya ng mga butas upang malagyan ng mga silver na alahas.

"Sa susunod na linggo, lagyan natin pati navel mo."

"Kailangan ba talaga 'yan?" alanganing tanong niya.

"Oo. Kailangan. This will serve as your shield against those monsters. Silver will burn their skin if touched."

Tumango siya bilang masunuring bata. Pero hindi na siya bata.

"Tiyak na madalas akong pagkakamalang adik nito," puna niya.

"ASH! TAWAG KA ni Doc," anang isa sa ka-department niyang nurse.

"H--huh?" wala sa sariling sagot niya.

Sa totoo lang kasi, hindi pa din niya makalimutan ang nangyari kagabi. Lalo na ang mainit na halik na pinagsaluhan nila kagabi ng doctor. Nakilala kaya siya nito? Sana naman, hindi. Mabuti nalang at madidilim ang mga ganoon klase ng lugar.

Ano ba kasi ang pumasok sa utak niya at hinalikan niya ang doctor. Sa pagkaka-alala niya, iba ang pakay niya sa pagpunta doon. Iyon ay hanapin ang kanyang kaibigan.

Sana lang naman okay lang si Kat, kung saan man ito naroroon sa ngayon.

Alanganin siyang pumasok sa opisina nito. Matapang siya pero bakit kinakabahan siya sa mga oras na iyon, sa kung ano man ang sasabihin ng lalaki.

Nadatnan niya itong nakapatong ang dalawang kamay sa mesa. Nasa bibig niya ang mga ito, na para bang malalim ang naging pag-iisip.

Nagtaas ito ng tingin sa kanya. Nakakaya niyang salubungin ang nga ito noong una. Pero nagbago iyon nang mangyari ang halikan.

Hindi siya mapalagay sa mga titig nito na para bang nilalamon ang buo niyang katauhan.

This is awkward. Really.

"Paki-ayos ang sched ng pasyenteng dadalawin mamayang hapon. May operasyon kasi ako kagabi kaya hindi ko na naasikaso."

Tumango lamang siya nang marahan.

Ibinaba nito ang mga kamay at saka muling nagsalita. "Mukhang puyat ka. Akala ko ba anemic ka? Bawal ka magpuyat kung gano'n."

"Bawal naman," aniya at umiwas ng tingin.

"Talaga?"

Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang marinug ang boses ng doctor malapit sa kanya. Tumingala siya dito at saktong nasa tapat na niya ang lalaki, mga isang talampakan lang ang layo.

Napaatras siya nang magsimula itong ilapit ang mukha sa kanya, sa may gilid ng kanyang pisngi. Naramdaman niya ang pag-amoy niya sa bandang iyon.

"Your smell is familiar," he said in a very husky voice.

Tila nabato siya sa kinatatayuan. Nagsitayuan ata ang mga buhok niya sa batok pati na rin sa bandang likuran.

Sobra naman ata ang pang-amoy ng isang ito? Isa ba itong bampira?

Lumayo ito at tinignan siya, binabasa ang kasagutan sa kanyang mga mata.

Hindi naman pula ang mga mata nito. Sa pagkakaalam niya, nagiging pula ang mga mata ng bampira kapag nakakaamoy sila ng dugo o di kaya naman ay nakakalapit ng sobra sa balat ng tao.

Hinalikan din niya ito kagabi pero hindi din naging pula ang mga mata nito. Sa katunayan, umiinom pa mga ito ng alak. Natikman pa nga niya ito sa mga bibig nito.

"Ano'ng pabango ang gamit mo? Parang naamoy ko kasi kagabi."

Napakunot ang kanyang noo sa sinabi nito. Tila nakalimutan na din niya ang pagkailang dito.

"Kagabi? Akala ko ba doc may operasyon ka? May pinuntahan pa ba kayong iba pagkatapos?"

Nabigla din ito sa naging katanungan niya.

Lumayo ito ng kaunti sa kanya. "Pinagdududahan mo ba ako Miss Arevalo. Hindi ko ata gusto ang tabas ng dila mo." Pinaningkitan siya nito saka muling lumapit, ilang pulgada na lang ang pagitan. "Should I punish you for that?"

Namula ata ang pisngi niya ng sobra dahil doon. Kakaiba ang init ng mga iyon. Nakakapaso na ata.

She froze when his hands starts to touch her face, brushing it to her ears to the back of her neck, giving her a tingling sensation that she felt for the first time in her life. Nahawakan nito ang mga hikaw niya.

Napapikit siya upang namnamin ang pakiramdam na iyon. Pero agad din napamulat nang marinig niya ang marahas na pagsinghap ng doctor.

His jaw tightened. His fists clenched. Para bang pinipigilan nito na may gawin itong iba.

"Makakaalis ka na."

"Huh?"

"Ang sabi ko makakaalis ka na. Gawin mo ang trabaho ng maaayos. At ipapaalala ko lang na bawal ka matulog sa oras ng trabaho," matigas nitong sabi.

Tumalikod siya upang lumabas ngunit muli siya nitong tinawag.

"Yes, po?"

"Please remove your earrings."

"Huh? Bakit sana?"

"Kaya ka pala laging nakalugay dahil sa dami ng mga hikaw mo. Bukas, tanggalin mo ang mga 'yan at magtaas ka ng buhok," utos nito.

"Gaya ng sabi ko, hindi ito nakakaapekto sa trabaho ko."

"Basta tanggalin mo nalang."

"Ayoko. Magtataas ako ng buhok pero hindi ko tatanggalin ang mga hikaw ko. Bagay ko ang mga hikaw ko. Baka nga padagdagan ko pa. Siguro dito sa ilong o di kaya sa kilay."

"Miss Arevalo," he cut her off.

"Doctor Cuevaz," balik niya. "These silver earrings are very important to me. Because this saves my life. Allergic kasi ang mga bampira dito. Don't tell me, bampira ka Doc," pagbibiro niya. Pero alam niyang iyon talaga ang rason kung bakit soya mayroon ng mga iyon.

"Vampires? Naniniwala ka sa mga ganoon?" Nanginot ang noo nito.

"Just kidding," aniya saka tumawa. "As if naman. Baka mas maniniwala pa akong ginagawang bride ng multo ang mga babaeng birhen pagtuntong sa edad na bente."

"And how old are you?"

"Nineteen? Tatanungin mo ba kung virgin pa ako? May live in partner ako doc."

"That's good to know."

Tumaas ang isang kilay niya. "Bakit mamimiss mo ba ako kung mawawala ako?"

Hindi ito sumagot kundi nagpakita lang ng seryosong mukha.

"Kidding. Babalik na ako sa trabaho Doc. Tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka." Kumindat pa siya bago umalis.

Wala siyang nagawa kundi lumabas na lang sa opisina ng weirdong doctor. Pagkatapos siyang landiin nito, papaalisin na lang siya ng basta gano'n?

Hindi pa ata siya nito kilala. Wala pang nakakatanggi sa isang Ashley Arevalo.

Cupid

Chapter updates will be every monday and friday. May be one or more chapters per update.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status