Share

KABANATA 2

ASHLEY

Jolo, Sulu, Philippines

KASALUKUYAN nilang sinusuri ang bawat bahagi ng naturang viral mummy na kamakailan ay natagpuan sa dagat malapit sa teritoryo ng pilipinas.

Ito ang kauna-unahang mummy na nadiskubre sa ilalim ng dagat.

Nakakamangha lang isipin na-preserba ang katawan kahit nasa tubig. Kaya naman, napaka-laking oportunidad ito upang mapag-aralan. Bawat bahagi ng buto at tisyu na makikita sa nasabing bangkay ay masusing inaaral nila.

Sa historya ng Pilipinas, ay mga mummies din na makikita sa mga kuweba ng Kabayan sa lalagiwan ng Benguet. Ito'y mga ninuno ng mga katutubong Ibaloy.

Isang tradisyon o pamamaraan ng pag-eembalsamo. Ayon sa kasaysayan ng mga Ibaloy bago pa man tuluyang mamatay ang isang taong naghihingalo ay painaiinom na ito ng tubig na may asin upang simulan ang proseso ng pag-eembalsamo.

Pagkatapos, kapag patay na, hinuhugasan ang katawan at iniluluklok ito sa isang mataas na upuan sa labas ng bahay at doon ay unti-unting pinaiinitan ang katawan ng mahinang apoy upang patuyuin ito.

Binubugahan din ng usok ang loob ng katawan  upang hindi ito uurin. Paulit-ulit na pinapahiran ang katawan ng katas ng mga dahon ng sari-saring halaman tulad ng diwdiw at besodak. Ilang buwan din pauusukan ang katawan bago ito ilagay sa kuwebang libingan.

Subalit, ang ganitong kaugalian ay unti-unti nang namatay sa pagdaan ng panahon.

Kaya isang kakaibang pangyayari ang makatuklas ng isang mummy sa ilalim ng dagat.

Lumipas ang mahabang oras na pagsusuri. Sapantaha nila ang mummy na-diskubre ay one thousands years old na.

Wow! At ang kasarian ng mummy ay lalaki.

Well, sa haba nito na halos anim na talampakan, masasabi niyang isa itong lalaki. Baka isa itong warrior sa panahon nito.

Hindi niya tuloy maiwasan ang mapangiti.

Isa ka sigurong nakakatakot at napakalakas na warrior kaya inilagay ka sa ilalim ng dagat.

usal niya habang marahan hinahaplos ang bungo ng bangkay.

"Ash! Tara na kain na muna."

Napalingon siya kay Ria. Nginitian niya ito.

"Sige, una na kayo, sunod ako," untag niya.

Hindi pa siya nakakaramdam ng gutom. Masyadong na-amazed siya sa mga natuklasan ngayon araw.

Patuloy lamang niyang pinagmasdan ang bangkay.

"Ano kaya istura mo? Uso ba ang pogi noon panahon mo?"

parang timang na kinakausap niya ang mummy.

Habang tinititigan ito, napansin niya may kung ano gumagalaw sa bibig nito.

Sinungkit-sungkit niya iyon pero ayaw makuha. Ano ba 'yun?

Hinubad niya ang suot na gloves saka ipinasok ang isang daliri sa bibig ng mummy.

Pero may sumigaw ng pangalan niya, dahilan ng pagka-gulat niya at di sadyang natusok siya sa isang bahagi ng bibig ng mummy.

"Ouch!" Daing niya at pinagmasdan ang dumudugong daliri.

Kumalat ang dugo niya sa loob ng bibig ng mummy. Tsk! Kainis naman. Baka mapagalitan pa siya dahil sa nangyari.

"Ashley, hinahanap ka. Halika na, kakausapin daw tayo ni Mayor," tawag uli ni Ria.

"Wag ka naman sumigaw. Nakakagulat ka e," saad niya sabay kumuha ng pamunas upang punasan ang sugat niya.

"Anong sigaw? Hindi ako sumisigaw no', bat ako sisigaw. Tara na kasi," tila naiinip na sabi ni Ria.

Tumango-tango na lamang siya at muling sinulyapan ang mummy. Hindi na niya nakita ang gumagalaw sa loob ng bibig nito.

Imagination niya lang ba 'yun?

Napabuga na lang siya ng hangin at sumunod kay Ria. Halos dalawang oras din silang kinausap ng Mayor at iba pang pribadong sektor ukol sa mummy. May plano daw ang gobyerno na ilagay sa National Museum ang naturang mummy.

Pero kailangan pa nilang pag-aralan ang mummy kung sa atin nga ba ito o marahil napadpad lang ito. Hindi kasi pwedeng basta-basta mang-akin hangga't walang matibay na ebidensya na sa'tin ang naturang mummy.

Maaari kasing galing ito sa Indonesia, Malaysia o pwedeng China.

Matapos ang pag-uusap naisipan muna nila ni Ria at ang ibang miyembro ng team na pumasyal sa lungsod.

"Ang weird lang no' kasi intact pa rin ang buto kahit nasa ilalim ng dagat," seryosong wika ni Ria.

Naisipan nilang mag-byahe sa isang beach sa Jolo, Sulu. Balita kasi nila na maraming magagandang beach dito kaya di nila papalagpasin ang makapag-unwind muna.

"Weird naman talaga mga tao noong unang panahon," sagot niya.

Nang makarating sa resort beach kaagad silang nag-book ng room. Nag-share sila ni Ria ng kwarto.

"Uy, join kayo. Shot daw mamaya." Yaya sa kanila ng isang ka-team nila.

Tumingin naman sa kanya si Ria.

"Hindi ako pwede, ikaw na lang Ash, join ka sa kanila para makilala mo yung ibang ka-team members. Mas maraming friends, mas maraming work opportunity di'ba?"

Ngumisi ito sa kanya. Kahit nag-aalangan ay sumang-ayon na lamang siya. Tutal, ang tagal na rin ng huli siyang uminom. Baka ito na ang oras para mag-enjoy siya. Who knows, baka may makilala siya hot guy sa paligid.

Ilan oras muna silang nagkwentuhan ni Ria sa loob ng kwarto nila saka siya tinawag para mag-join sa iba. Bumaha ng alak at mga iba't ibang pulutan. Karamihan ay mga seafoods.

Ang iba mga kalalakihan tumo-toma ng rum habang ang iba mga kasamahan niyang babae ay light beer lang.

Napatingin siya sa boteng hawak niya. Partida light beer pa lang ito pero umiikot na ang paningin niya. Ang hina na nga niya sa sex life este sa love life pati sa alak mahina pa rin siya.

Parang gusto ko nang palitan ang apelyido kong Mahinay. Kung meron lang sana siyang boyfriend. Hay naku!

Habang nagtatawanan at nagbibiruan ang ibang kasamahan.

Ilan saglit pa ay humahangos na tumatakbo si Ria sa gawi nila.

Lahat sila napatingin kay Ria.

"G-Guys, tumawag si Mayor. Nawawala daw ang Mummy," hinihingal na wika ni Ria.

Nahindik sila. Napatayo silang lahat.

Paano nangyari nawawala ang mummy? Sino ang kumuha?

"Sino ang kumuha?" Tanong ng kasamahan nila.

Piniling-piling ni Ria ang ulo habang hinahabol pa rin ang hininga.

"You need to see this, guys," wika ni Ria.

At saka pinakita ang isang video sa cellphone nito na sinend ng staff ni Mayor. CCTV shot iyon sa labas ng laboratory. Lahat sila nakatutok sa video, kaya halos sabay-sabay silang nagulat nang may lumabas sa loob ng laboratory.

Oh shit! No way!

Lahat na yata ng klaseng mura ay nabanggit na ng mga kasamahan nila.

Ang mummy nabuhay?

Tumindig ang balahibo niya. Totoo ba 'yun? Pero imposible, paano nangyari yun?

"Kailangan bumalik ang iba sa atin guys. Nag-utos na si Mayor ng search operation para hanapin ang mummy. No camera. No media allowed. We need to resolved this before we leave," lintanya ni Ria.

Bakas din sa mukha nito ang takot at pangamba. Oh god! Anong klaseng mummy ba ito? Magiging delikado ba ang buhay namin? Oh lord!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
nabuhay dahil sa dugo mo Ash
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status