Share

KABANATA 3

ASHLEY

ISANG MAHABA at malalim na paghinga ang ginawa niya. Kanina pa nakaalis sina Ria at ang ibang ka-team nila na hindi masyado nakainom. Habang naiwan naman siya dahil lasing na siya pati ang iba na marami rin ang nainom. Wala siyang choice kung hindi bumalik siya sa kwarto nila ni Ria. Ni-lock niya ang pinto.

Pagbagsak niyang hiniga ang katawan sa malambot na kama. Sinasariwa ang video na ipinakita ni Ria sa kanila. Possible nga bang mabuhay ang Mummy na iyon? Paano ito nabuhay?

Argh! Parang ayoko na, gusto ko nang umuwe. Hindi siya naniniwala sa mga multo, maligno o kahit anong nilalang pa pero, Mummy nabuhay?

Huminga siya ng malalim saka pumihit patagilid sa kama at napaigtad siya, napasigaw siya.Mabilis siyang napatayo at sumandal sa pader.

Nahindik siya. Nanlalaki ang kanyang mga mata. Ang Mummy nasa kama niya at nakahiga. Kung ano ang itsura nito sa laboratory, ganoon pa rin ang itsura nito.

Nanginginig at nangangatal siya sa matinding takot. Napalunok siya ng laway. Anu pang tinutunganga mo Ash?Try mo kaya tumakbo palabas!

Ngunit, hindi siya makagalaw. Dumadagundong ang dibdib niya habang nakatingin sa mummy na nasa kama niya.

Hindi ito gumagalaw. Ni hindi ito humihinga. So, paano ito nakarating dito?! Tang ina!

"Hail Mary, Full of Grace, the Lord is with thee. Blessed art thou among women, and blessed is the fruit of thy womb, Jesus," pabulong na dasal niya.

Dito na yata siya mababaliw. Nakakapaghihilakbot. Sa sobrang takot niya napadasal siya, gusto niyang maiyak sa labis na takot.

"Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners now, and at the hour of death," patuloy na dasal niya habang tila kinakapos siya sa paghinga.

Ayaw niyang lubayan ng tingin ang mummy na nakahiga sa kama niya.

Baka kasi pagnalingat siya ay bigla itong lumapit sa kanya. Wala siyang sakit sa puso pero malamang sa malamang aatakehin siya sa puso.

Marahan siyang umatras patungo sa pinto. Nang mahawakan niya ang doorknob, nagbilang muna siya sa isip na hanggang tatlo saka..mabilis pa sa kidlat na binuksan ang pinto at tumalilis palabas.

Kahit nanghihina ang mga tuhod niya tumakbo siya patungo sa cottage room ng ibang ka-team nila.

"Hoy, buksan nyo ang pinto! Please!" sigaw niya ng nasa pinto na siya.

Kumakatok siya pero walang nagbubukas. Malakas na katok ang ginawa niya, kulang na lang sirain niya ang pinto subalit wala pa rin nagbubukas sa kanya. Shit!

Tumakbo siya sa kabilang cottage room. Sumisigaw na siya pero wala ni isa ang nakakarinig sa kanya. Para bang siya na lang tao roon. Naiiyak na siya.

Ano ba 'to? Bangungot ba ito?

Tinungo niya ang daan palabas ng resort, kahit madilim ang paligid ay hindi na niya alintana. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay makalayo.

Nakasarado ang gate ng resort. Naka-podlock at naka-kadena. Bakit ganito? Lumingon siya sa pinanggalingan. Wala naman sumusunod sa kanya.

Walang katao-tao sa paligid. Imposibleng, mawala ang mga tao ng ganoon na lang.

Pagak siyang natawa. This is a dream? A fucking nightmare!

Nilunok niya lahat ng takot sa dibdib, at mabibigat ang hakbang na bumalik siya sa cottage room niya. Hindi siya kailanman naniniwala sa mga ganitong bagay. Pero tang ina, totoo ito!

Nang makabalik sa kwarto, naroon pa rin ang mummy nakahiga sa kama. Tahimik at hindi gumagalaw.

Dahan-dahan siyang lumapit.

"Sino kaba? Ano kaba? Bakit sa akin ka lumalapit?" pumipiyok-piyok na sigaw niya.

Napalunok siya ng laway. Kumuha siya ng gamit na pwede niyang ipaghambalos dito in case bigla itong sunggaban siya. Hinawakan niya ang walis tambo na nakita niya sa gilid.

Nagtaas-baba ang dibdib niya. Mayamaya pa ay narinig niyang umungol ang mummy. Napasinghap siya sa gulat. Patuloy lang ito sa pag-ungol. Pakiwari niya'y may sinasabi ito.

Kahit nanlalambot siya sa takot, maingat siyang lumapit sa kama. Tang ina! Hindi niya maunawaan.

"Wala akong alam sa mummy language kaya please lang!" nangangatal na asik niya.

Umungol ito uli. Mariin siyang napapikit at maingat na idinikit ng konti ang tenga sa bibig ng mummy.

"d-du..." garalgal ang ungol nito.

"d-du..."

Hindi niya maintindihan. Inilapit pa niya ang tenga upang mas malinaw niyang marinig.

"g-go..." garalgal na dugtong nito uli.

Nanlalaki ang mga mata niya at natuptop ang labi nang ma-realized ang ibig sabihin nito.

Dugo? Tama, dugo ang pagkakarinig niya. Blood. Dugo. Kaninong dugo? sa kanya ba?

Nagulantang siya at mabilis napatayo nang may biglang maalala. Sa laboratoryo kanina, nasugatan ang daliri niya at di sadya natuluan ng dugo niya ang bibig nito.

Oh my shit!

He wants my blood? Nabuhay ito dahil sa dugo niya? Nagpalakad-lakad siya sa gilid ng kama, kagat-kagat ang hintuturo habang nakatingin sa mummy. Anong mangyayari kung bibigyan niya ito ng dugo? Shit!

No. Ashley. Don't ever think that. Kailangan mong tawagan si Ria.

Nang kuhanin niya ang cellphone, walang signal. Fuck!

"Kagagawan mo ito tama ba?! Alam kong kasalanan ko 'to. Naistorbo siguro kita, pero parang awa mo na wag mo ko sasaktan." Sikmat niya sa mummy.

Nagtatalo ang isip niya. Curios siya kung anong mangyayari rito oras na bigyan niya ito ng dugo. Huminga siya ng malalim saka kinuha ang maliit na blade niya na ginagamit sa pang kilay. Tumayo siya sa gilid ng kama.

Muli siyang nagdasal at kagat labing sinugatan niya ang palad. Mariin siyang napapikit dahil sa munting kirot na naramdaman. Itinapat niya ang palad, sakto sa bibig ng mummy. Hinayaan niyang tumulo ang dugo niya. Pinisil-pisil pa niya ang palad upang maraming lumabas na dugo.

Habang pinapatulo ang dugo, saka niya namalayan na unti-unti nagbabago ang kulay nito. What the fuck? Mas diniian pa niya ang pagpisil. Wala masyadong dugo kaya muli niyang sinugatan ang palad. The more na maraming dugo ang pumapatak, mas lalo ito nagbabago ng anyo.

Nagkakaroon ito ng balat. Tumitigil lang ang pagbabago nito pag wala nang dugong tumutulo. Shit! Hindi uubra ang palad niya.

Malalim siyang huminga sabay inimuwestra ang kanyang pulso, eto talaga sure siyang maraming dugo ang lalabas sa kanya. Pero ikakamatay naman niya iyon oras na maubusan siya ng dugo. Argh! Bahala na.

"May utang na loob ka sa'kin pag ako namatay, tandaan mo," ungot niya sa harap ng Mummy.

Kagat labing hiniwa niya ang pulsuhan. Rumagasa ang dugo niya kaya mabilis niyang inilapit ang pulso sa bibig ng Mummy. Namangha siya dahil makalipas ng ilan minuto, nagiging buo na ang ulo nito. Parang makinarya na bumabalik sa dati ang katawan nito, maging ang mga internal organ nito ay dahan-dahan nabubuo muli.

Hindi pa man niya nakikita ang buong pagbabago nito, nakaramdam siya ng matinding pagkahilo. Umiikot ang buong paningin niya. Pilit man niyang labanan subalit hindi niya kaya hanggang tuluyan ginupo siya ng kadiliman at natumba sa tabi ng Mummy.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Susan Aoay Nisperos
exciting story
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
nice story nakaka excite naman ibang iba ito sa nabasa ko
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status