Share

KABANATA 4

ASHLEY

NANG magising, nasa loob na siya ng hospital.

"My god, Ashley! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Tinakot mo ako." Sikmat sa kanya ni Ria ng makita nitong nagising siya.

Ano bang nangyari? Bakit nasa hospital siya?

"Ano bang pumasok sa ulo mo at naisipan mong maglaslas?! Nakakainis ka, muntik ka ng mamatay. Mabuti na lang at naagapan ka namin." Punong-puno ng hinanakit na lintanya ni Ria.

Ramdam niya ang pag-aalala nito. Napatitig siya sa kanyang pulsuhan. Nakabalot na iyon ng benda, maging ang kanyang palad ay may benda na rin.

Saka lang pumasok sa isipan niya ang buong nangyari. Ang mummy. Oh shit, ang Mummy! Tinulungan niya ang Mummy, ito ang dahilan kung bakit siya naglaslas, para mabigyan ito ng dugo.

Nagtatakang tumingin siya kay Ria. "Ang mummy, nakita mo?"

Huminga muna si Ria ng malalim at naiiling na tinignan siya. Tila hindi makapaniwalang iyon ang lumabas sa bibig niya.

"Seryoso ka diyan, Ash? Ang mummy ang hinahanap mo?"

Naupo ito muli sa bakanteng upuan sa tabi ng hospital bed niya.

"Well, misteryosong nawawala pa rin ang mummy. Nagpakalat na nga si Mayor Datum sa buong lungsod ng mga sundalo at tauhan nito para hanapin ang mummy."

Hinawakan ni Ria ang cellphone nito tila inalam kung may nag-message rito.

"At alam mo ba, may natagpuan patay na baka at kambing malapit sa Maimbong. Diyos ko, wakwak ang laman-loob. Hinala ng lahat na baka ang mummy ang gumawa noon..kaya napaka-delikado. Nakakatakot." Dugtong pa ni Ria habang nakangiwi ang mukha.

Nabalisa naman siya. Delikado nga ba ang mummy na iyon? Mali ba ang ginawa niyang pagtulong? Baka demonyo iyon na pumapatay ng tao at hayup.

Bigla tuloy siyang nakonsensya. Kasalanan niya ang lahat. Nasapo niya ang ulo. Kasalanan niya talaga ang lahat kung iisipin. Paano nga ba niya aaminin kay Ria ang lahat?

Muli siyang nahiga at tikom ang bibig niya sa lahat ng sinabi ni Ria. Natatakot siya, paano kung sundan siya uli ng mummy at patayin na siya nito.

Mariin niyang pinikit ang mata. Hindi niya nakita ng buo ang pagpapalit anyo ng Mummy. Ano kaya ang naging resulta ng buwis buhay niya na pagtulong niya sa Mummy?

Huminga siya ng malalim. "Kelan tayo babalik ng Manila?" kapagkuwa'y tanong niya.

Lumingon naman si Ria.

"Hindi pa tayo papayagan ni Mayor Datum na umalis ng Jolo. Pero mag-stay naman daw tayo sa safe house ni Mayor."

"Ganoon ba," blanko ang mukhang tugon niya.

Ewan ba niya. Nagtatalo ang isip niya. Gusto na niyang umuwe at lumayo sa lugar na ito. Pero isang bahagi ng isipan niya ang nais alamin kung ano na ang nangyari sa mummy.

Napabuntong hininga siya. Ilan sandali pa ay dumating na ang attending nurse at sinabihan na siyang pwede ng lumabas mamayang gabi.

Sinagot na pala ni Mayor ang hospital bill niya kaya wala ng kailangan babayaran pa.

Nagpahinga muna siya habang iniwan muna siya saglit ni Ria. Nang makabalik ang kaibigan may dala na itong bihisan niya.

"Didiretso na tayo sa Safe House ni Mayor. Nandoon na ang ibang kasamahan natin. Makakapagpahinga tayo roon. At kung ano man ang problema mo sa buhay, please lang Ashley, suicide is not the solution. Okay?" seryosong saad nito.

Pinangaralan pa siya nito ng kung ano-anu, siguro dahil mas matanda ito at para na niya itong Ate kaya hindi na siya sumagot, tango lang siya ng tango.

Wala siyang balak ikwento kay Ria ang totoong nangyari. Ayaw niyang ibunton sa kanya ang sisi.

Nang makalabas na siya ng hospital kaagad silang nagtungo sa Safe House ni Mayor Datum.

Isang napakalaking mansion ang nabungaran niya. Nalula siya sa laki at ganda ng mansion.

"S-Safe house lang ito ni Mayor?" pabulong niyang tanong kay Ria.

Naglalakad na sila papasok sa loob ng mansion. Sinalubong sila ng isang maid.

"Oo, safe house pa lang ito. Ano pa kaya 'yun totoong bahay diba?" mahinang tugon nito sa kanya.

Napaawang ang bibig niya ng madaanan nila ang isang malawak na swimming pool. Wow! Sana all may swimming pool na malaki.

Inimuwestra sila ng maid patungo sa mga kwarto. May kanya-kanya pala silang kwarto. Nakakatuwa naman.

"Okay ka na, Ash? Gusto mo share na tayo sa isang room?" nag-aalalang tanong nito.

Marahil iniisip nito na magpapatiwakal na naman siya. Huminga siya ng malalim at saka nginitian ito.

"Okay na ako. Promise di ko na uulitin 'yun," aniya.

Naunang pumasok si Ria sa kwarto nito habang siya naglakad pa sila ng kaunti ng maid sabay turo ang isang pinto.

"Dito po ang silid niyo Maam."

Bakit parang nasa dulong bahagi na ang kwarto na ito? Ang daya naman.

"Wala na kasing available na room, Maam. Eto dulo na lang po, may sarili CR na iyan sa loob,"

dugtong na sabi ng maid. Mukhang nabasa ng maid ang iniisip niya. Ngumiti na lamang siya at nagpasalamat.

Well, aarte pa ba siya? free occupied na nga magrereklamo pa siya. At saka nakakahiya kung mag-de-demands pa siya. Okay na sa kanya ang dulong kwarto.

Nang makapasok na sa kwarto, ni-lock niya agad ang pinto. Inilibot niya ang tingin sa buong kwarto. Ang ganda! Bongga talaga ang safe house ni Mayor, halatang malaki ang kurakot.

Pasadlak siyang naupo sa malambot na double size bed. Parang nasa five star hotel ang datingan ng kwarto, partida guest room pa lang ito.

Tumihaya siya ng higa at napatitig sa kisame. Mayamaya ay may kumatok sa pinto. Mabilis siyang tumayo at binuksan. Si Ria. Hawal nito ang kanyang traveling bag.

"Gamit mo. Sure kang okay kana mag-isa rito?" paninigurado ni Ria.

Natatawang tumango siya.

"Oo nga, sige na magpahinga na ako. Salamat ng marami, Ria."

"Okay. Welcome. Goodnight na."

Pagkasara sa pinto. Inayos niya agad ang bihisan. Maliligo muna siya bago matulog. Nang matapos maligo, may nahagip siyang bulto na nakaupo sa gilid ng kama.

Kulang na lang ay mapasigaw siya sa labis na gulat at takot. Pero natuptop niya ang bibig. Napatitig siya sa nilalang na nayukong nakaupo sa gilid ng kama.

Sa unang tingin aakalain talagang isa itong malaking aso. Mabalahibo kasi ito, mahaba ang itim na buhok, halos matakpan na ang buong mukha nito.

Napalunok siya ng laway. Nanginginig siya sa takot. Napasandal siya sa pader at mahigpit na hinawakan ang pagkabuhol ng towel sa katawan niya.

"S-Sino k-ka?" nabubulol na tanong niya.

Nakakatakot ang itsura nito. Parang gusto niyang kumaripas ng takbo, ngunit may kung anong pwersa ang pumipigil sa kanya.

Oh shit! Ito na ba ang Mummy? Paano ito nakapasok? Paano siya nito natunton? At bakit palaging siya ang pinupuntahan nito?

Marahan siyang lumapit upang mapagmasdan ito ng mabuti. Napagtanto niya na wala itong kahit anong saplot sa katawan. Kaya't kitang-kita niya ang humihindik nito simbolo ng pagkalalakì. Nanlaki ang mga mata niya. Oh Jesus Christ!

Nag-angat ito ng tingin at tumitig sa kanya. Tila may kung anong bumundol sa dibdib niya ng magtama ang kanilang paningin. Kulay green ang mga mata nito. Parang may kung anong mahika ang bumalot sa kanya. Napakaamo ng mga mata nito. Nang akma niya itong aabutin upang hawakan. Bigla na lang itong umangil na parang galit na aso.

Naging matalim ang tingin nito. Napatili siya nang sinunggaban siya nito. Natumba siya pahiga sa kama. Habang nasa ibabaw niya ito.

"P-Please! don't kill me! Please! Please!" pagmamakaawa niya.

Nangangatal na siya sa sobrang takot ayaw pa niyang mamatay. Baka kainin siya nito ng buhay, baka kunin nito ang laman loob niya at higupin ang dugo niya hanggang sa mamatay siya.

Oh No!

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Julie Matriano
nakakaexcite basahin
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
napaka misteryoso naman Yung mummy paano Niya kaya nalalaman Kong nasaan si Ash
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status