Share

KABANATA 7

ASHLEY

MASINSINAN silang kinausap ni Mayor Datum patungkol sa nawawalang Mummy. Pinapaigting nito ang search operation sa buong lalawigan at maging sa mga karatig lugar.

"Maging maingat tayo, hindi natin alam kung anong klaseng nilalang ang hinahanap natin, ito'y lubhang delikado para sa publiko. Magtulungan tayo upang mahanap ang nilalang na ito, kung kinakailangan patayin ito ay gagawin natin para hindi ito makapanakit ng inosenteng tao," seryosong salaysay ni Mayor Datum.

Nabahala siya sa narinig, gusto niyang sumabat at kumontra ngunit pinigilan niya ang sarili. Natatakot siya para kay Eya, hindi ito delikado, kabaligtaran pa nga. Inosenteng nilalang ito na mayroon maamong mukha at nangungusap na mga mata. Kung pwede lang sana niyang sabihin sa lahat ang tungkol kay Eya. Huminga siya ng malalim at muling nakinig sa iba pang sinasabi ni Mayor hanggang sa sabihin nito na maaari na silang bumalik sa Maynila.

Bigla siyang nagka-ideya, ano kaya kung dalhin niya si Eya sa Maynila? Mas malaki ang tsansa na hindi ito matunton ni Mayor o nang sinuman naghahanap dito. Tama, isasama niya si Eya, bahala na kung anong mangyayari ang mahalaga matulungan niya ito.

Matapos ang pagpupulong, nagpaalam na siya babalik muli sa kwarto niya. Napatingin naman sa kanya si Ria.

"Bakit? Dito muna tayo, hindi tayo nakapag-swimming sa Maiumbong kaya ngayon na tayo mag-swimming. Look, ang laki ng pool ni Mayor!" yakag ni Ria sa kanya.

Bahagya pa siyang nag-alangan, nahahati kasi ang isip niya baka kasi biglang lumabas ng kwarto si Eya. Subalit, hindi pa man siya nakakasagot ay mabilis na siyang hinila ni Ria patungo sa pool. Wala na siyang nagawa kung hindi magpaubaya sa kaibigan. Naka-suot lang siya ng maiksing short at manipis na t-shirt ng maligo sila sa pool, sumunod na rin ang iba pa nilang kasamahan at naligo na rin sa swimming pool.

"Uuwe na tayo sa Linggo, ang kagandahan pa nun ay babayaran pa rin tayo ni Mayor," nakangising sabi ni Ria sa kanya.

"Talaga ba? Mabuti naman kung ganoon," aniya.

Ilang saglit pa ay nagkakatuwaan na ang iba nilang ka-team sa pool, may mga tumatalon at naghaharutan na. Hindi niya tuloy maiwasan ang matawa, hanggang sa nilapitan siya ni Owen, isa sa mga ka-team nila na medyo may itsura. Tisoy at matangkad kasi ito.

"Hi, Ashley. Pwede ba ako maupo sa tabi mo?" tanong nito.

Ngumiti naman siya at tumango rito. "Oo, naman," aniya.

"M-May boyfriend ka na ba, Ashley?" kapagkuwa'y tanong ni Owen.

Kinabigla niya ang tanong na iyon. Mabilis siyang umiling. "W-Wala akong boyfriend, bakit mo na natanong?" tugon niya sa binata.

Bakit nga ba nagtatanong nang ganoon ang isang lalaki sa babae? Malamang interesado ang lalaki sa babae. Ibig ba sabihin, interesado sa kanya si Owen. Oh my god! Sa wakas may nagka-interest na rin sa kanya.

"Uhm, pagbalik natin sa Maynila ayain sana kita lumabas, okay lang ba sa'yo?" nahihiyang sabi ni Owen.

Kinilig naman siya bigla, magkaka-boyfriend na yata siya. Shit!

"S-Sure, no problem," abot tengang sagot niya.

Tila nagliwanag naman ang mukha nito nang marinig ang sagot niya. Kinuha na rin ni Owen ang cellphone number niya. Ilan sandali pa silang nag-usap saka siya niyaya ni Owen na lumangoy sa malalim na parte ng pool. Hindi na siya nagpakipot pa kaya sumama siya sa binata, lalo siyang kinilig nang marahan siya nitong hawakan sa beywang. Malalim nga ang bandang parte na iyon ng pool pero hindi naman siya nabahala marunong naman siyang lumangoy at nakahawak naman siya kay Owen.

"Ngayon ko lang napansin na, sobrang ganda mo lalo sa malapitan," paanas na puri sa kanya ng binata.

Masyadong malapit kasi ang mga mukha nila, naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya. Napasinghap siya ng hinapit pa siya lalo ng binata palapit sa katawan nito. Ang lamig ng tubnig pero pakiramdam niya kumukulo sa init ang katawan niya. Ganito ba talaga ang feeling ng kinikilig? o ibang level ng kilig na ito?

Nang akma siyang hahalikan ni Owen ay bigla na lang ito dumaing sa sakit. Kinabahan siya at nag-aalalang tinignan ang binata. Hala, anong nangyayari?

Humiyaw ito sa sakit, sapo ang kumikirot na ulo.

"Ouch, ang ulo ko, sobrang sakit!" sigaw na daing nito.

Mabilis niya itong hinawakan upang hindi ito malunod saka tinawag ang pansin ng iba nilang kasama para humingi ng tulong. Kaagad naman silang nilapitan ng mga kasamahan nila at tinulungan makaahon si Owen. Sumisigaw pa rin ito dahil sa pananakit ng ulo.

"Anong nangyari kay Owen?" bulalas na tanong ni Ria ng makalapit sa kanya.

"H-Hindi ko alam, nag-uusap lang kami tapos bigla na lang sumigaw sa sakit," kabadong tugon niya. Labis-labis ang pag-aalala niya ng isugod na si Owen sa hospital dahil nagdugo na rin ang ilong nito.

Oh my god, what happens to him?

Nabaling tuloy ang atensyon ng lahat kay Owen. Umalis sila sa pool, lahat sila ay tumahimik at nag-aalala para sa binata. May sakit kaya si Owen?

Mayamaya pa ay may naramdaman siyang parang may nakatingin sa kanya, inikot niya ang tingin at napansin niya ang isang bulto nakasilip sa halaman. Hindi masyadong halata subalit kitang-kita niya ang dalawang nanlilisik na mata. Napabuga siya ng hangin. Nag-excuse mua siya kay Ria na magpapalit muna siya ng damit.

Kilala niya kung kaninong mata iyon, kay Eya. Mabibigat ang hakbang niya papunta sa kwarto niya. Nang makapasok siya sa kwarto niya, naroon na si Eya. Nasa ilalim na ng kama niya.

"Bakit ka lumabas? Ang sabi ko bawal kang lumabas di'ba?" pagalit na sabi niya. Umuklo pa siya para masilip niya ito sa ilalim ng kama.

Umiling-iling lang ito saka iniwas ang tingin sa kanya, tila nagtatampo. Ano kayang trip nito? Kinalabit niya ito pero hindi ito tumitingin sa kanya.

"Gutom ka na ba? Kaya ka ba lumabas kasi nagugutom ka?" wika niya. Biglang nagbago ang tono ng boses niya. Nakaramdam siya ng pag-aalala dahil baka kanina pa ito gutom.

Marahas itong lumingon sa kanya at umangil. Huminga siya ng malalim saka lumabas saglit, at kinuha niya sa kusina ang tinago niyang dugo ng baboy sa refrigarator. Pagkabalik sa kwarto, pinakita niya agad kay Eya ang supot.

"Oh, eto na kain ka na," aya niya habang sinasalin sa malaking bowl ang dugo.

Ilan segundo pa ay dahan-dahan lumabas sa ilalim ng kama si Eya. Pagak siyang ngumiti. Lumapit ito sa kanya, iniumang pa nito ang ulo sa kanya. Mahina siyang natawa saka hinaplos ang ulo nito. Parang umaakto itong humihingi ng sorry sa kanya, bakit kaya?

Inisang lagok lang ni Eya ang bowl na may lamang dugo ng baboy. Titig na titig siya kay Eya, paano niya kaya ito madadala sa Maynila? Magtataka ang mga kasamahan niya at maging si Ria pag nakita ng mga ito si Eya. Mukhang kailangan niyang mag-isip ng excuse para mahiwalay siya sa grupo nang sa gayon maisama niya si Eya.

Ilan saglit pa ay iniumang uli ni Eya ang ulo nito sa kanya.

"B-Bakit ba? May ginawa ka bang kasalanan kaya ka nagpapalambing ng ganyan?" natatawang tanong niya sabay haplos sa ulo nito.

Kaso agad din siyang natigilan nang may maalala siya. Napatitig siya kay Eya. Naroon ito sa labas kanina, may kinalaman ba ito kay Owen? Hindi imposible dahil alam niyang may kakaibang kakahayaan ito. Hindi pa man niya sigurado kung anong klaseng kakayahan ang kaya nito.

"I-Ikaw ba ang may gawa ng pananakit ng ulo ni Owen?" biglang tanong niya.

Natigilan si Eya sabay kumaripas ng gapang pabalik uli sa ilalim ng kama. Napatirik niya ang mata sabay buga ng hangin. Guilty nga ito.

"Eya, kung ano man ang ginawa mo kay Owen, itigil mo na. Masama iyon, wag na wag kang mananakit ng iba," sermon niya. 

Umungol lang ito ng malakas at umangil. Sumasakit na rin yata ang ulo niya dahil kay Eya. Bakit kaya nito ginawa iyon kay Owen? Huminga na lang siya ng malalim saka nagpalit na ng damit. Ihahanda na niya ang gamit niya, kailangan niya munang itakas palabas ng safe house ni Mayor si Eya.

"Ayoko matigas ang ulo, Eya. Kailangan mong sumunod sa'kin kung hindi iiwan kita rito," ungot niya nang maupo siya sa kama.

Alam niyang nauunawaan nito ang sinasabi niya, hindi man ito makapagsalita pakiramdam niya meron silang instant communication ni Eya. Kumbaga, nararamdaman niya ito at ganoon din ito sa kanya. Huminga siya ng malalim at napailing-iling.

Pagpatak naman ng dilim, sumabay muna siya sa mga kasamahan na maghapunan. Nakibalita siya sa kung anong nangyari kay Owen. Ang sabi naman ng iba na maayos na raw ang lagay ito, kailangan nga lang nito magpahinga muna sa hospital. Nakahinga siya ng maluwag sa narinig. Oh thank, God.

Ilang saglit pa silang nagkwentuhan ni Ria saka nagkanya-kanya na silang balik sa mga kwarto nila. Hudyat naman sa kanya iyon upang palihim siyang umalis ng safe house. Naghantay muna siya mag alas-dose ng hating-gabi bago tuluyan lumabas ng safe house. Mabuti na lang wala ng pakalat-kalat na mga katulong.

"Alis po kayo, Maam?" tanong ng Security Guard.

"Oo, emergency," alanganin tugon niya.

Mukhang hindi naman nabahala ang sekyu kaya pinalabas agad siya, pero natigilan siya, nasaan na ba si Eya? Nasa likod lang niya ito kanina. Napasabunot siya sa buhok sa labis na pag-aalala, baka mamaya may makakita rito.

Nakatayo na siya sa labas ng gate, inaantay niya ang pina-booked niyang taxi para ihatid siya sa airport. 

"E-Eya? Eya?" mahinang sambit niya.

Mayamaya pa ay sumulpot na lang ito bigla sa likuran niya. Napaigtad siya sa gulat.

"Anak ng kabayo! Ano ba, aatakehin ako sa'yo puso!" pumalatak siya.

Tumitig lang ito sa kanya, pinagmasdan naman niya ito. Nakatayo na ito ng diresto, mukha na itong normal. Nakasuot ito ng faded jeans, black t-shirt at puting rubber shoes. Napataas ang kilay niya. 

"Kaninong damit 'yan?" tanong niya, hindi kasi iyon ang suot nito kanina.

Sakto naman na dumating na ang taxi kaya sumakay sila agad ni Eya. Napabuga siya ng malalim na paghinga, tatawagan na lang niya si Ria pag nasa Maynila na siya. Napasulyap siya kay Eya. Tahimik lang ito nakatitig sa bintana ng taxi, tila manghang-mangha sa paligid. Napangiti siya saka marahan hinaplos ang ulo nito.

"Marami-rami ka pang malalaman bago, wag kang mag-aalala, andito ako para ituro saiyo lahat ng dapat mong malaman sa bago mong mundo," malamyos at pabulong niyang sabi kay Eya.

Alam niyang hindi madali ang responsibilidad niya kay Eya pero gusto niyang bumagay ito sa bagong mundo nito, mundo niya.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Miluna Amores
love this story.
goodnovel comment avatar
Susan Aoay Nisperos
kakaibang kwento kaka excite .
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status