Share

KABANATA 8

EYA

Manila, Philippines

One year later...

SA PAGDAAN ng mga araw, marami na siyang mga bagong nalalaman. Tulad ng tamang pagsuot ng damit, paglakad, pagtayo ng diretso, pagsusulat at pagsasalita. Sa tulong ni Master Ash, unti-unti na siyang nagiging normal na tao katulad ng iba. Bagama't inosente pa rin siya sa maraming bagay kagaya ng paggamit ng telebisyon.

Huminga siya ng malalim. Bawal kasi siya lumabas, kung lalabas man siya kailangan kasama niya si Master Ash. Master ang tawag niya kay Ashley dahil iyon ang gusto nito. Muli siyang napabuga ng malalim na paghinga saka sumilip sa bintana. Wala si Master ngayon dahil may pasok ito sa gabi, mayamaya pa ito uuwe pag sumikat na ang liwanag.

Matalim niyang tinignan ang pang-kontrol ng telebisyon.

"A-Ang sabi ni M-Master bu-bukas ang TV pag pinindot ito," pabulong na sabi niya sa sarili.

Nung isang araw kasi bumili si Master Ash ng isang parihabang aparato, kulay itim iyon. Para sa kanya raw ang aparato na ito upang may paglibangan siya. Nagsasawa na kasi siya sa paglalaro ng mga chess, jigsaw puzzle, doodle board at rotatable kaleidoscope. Marami pa siyang mga laruan na binili ni Master Ash, pero ayaw na niya ang lahat ng iyon.

Hinawakan niya ang parihabang aparato na iyon, ang sabi ni Master ay telebisyon ang tawag daw sa gamit na iyon. Paano nga ba bubukas ito? Sinipat niya ang likuran ng aparato, meron isang mahabang itim na tali o buntot iyon. Para saan kaya ito?

Biglang may naalala siya, sinipat niya ang dulong buntot ng telebisyon saka tinignan ang hugis parisukat na may dalawang maliit na butas sa dingding. "D-Dito yata sinuksuk ni Master ang buntot ng telebisyon," usal niya sa sarili.

Marahan niyang sinuksok ang buntot sa butas sabay biglang nagliwanag ang aparato. Halos mapatalon siya sa tuwa, nagawa niyang buksan ang tetebisyon. Namangha siya at bumilib sa sarili. Isang tagumpay na iyon para sa kanya.

Pinindot niya ang pang-kontrol. Mas lalo siyang namangha ng tuluyan lumabas ang mga larawan sa loob ng telebisyon. Nakakamangha talaga. Napangiti siya at prenteng naupo sa sahig saka tumitig sa harap ng telebisyon. Tuwang-tuwa siya sa dalawang hayop na naghahabulan, isang pusa at isang maliit na daga. Napaka-imposibleng hindi man lang mahabol-habol ng pusa ang daga. Kung siya iyon, walang kahirap-hirap niyang mahuhuli ang daga at kakainin niya.

Ilan sandali pa ay pinindot niya uli ang pang-kontrol. Napukaw ang interes niya sa isang palabas kung saan nag-uusap ang isang lalaki at isang babae. Hindi niya masyado maunawaan ang sinasabi ng mga ito mas nakatutok kasi siya sa ginagawa ng lalaki sa babae. Hinahaplos ng lalaki ang braso ng babae at nilapat ng lalaki ang labi nito sa labi ng babae.

Ano iyon? Tila tinitikman ng lalaki ang labi ng babae. May balak bang kainin ng lalaki ang babae? Mukhang hindi naman nasasaktan ang babae bagkus parang nasisiyahan pa ito. Ninanamnam ng babae ang ginagawa ng lalaki rito.

May kung anong kakaibang damdamin ang biglang gumising sa buong katawan niya? Uminit ang pakiramdam niya. Bakit ganoon? Titig na titig siya sa harap ng telebisyon, ayaw bumitaw ng mata niya sa ginagawa ng dalawang tao sa loob ng telebisyon. Hanggang sa tumigil ang lalaki sa pagtikim sa labi ng babae. Napakunot-noo siya. Bakit huminto ito?

Nakaramdam siya ng iritasyon. Bahagya kasi tumigil din ang pag-iinit ng katawan niya. Umangil siya sa harap ng telebisyon, gusto niyang sirain at basagin iyon sa inis. Akma sana niyang susuntukin ang telebisyon ng napahinto sa ere ang kamao niya. Naramdaman niyang paparating na si Master Ash.

Pagdating kay Master Ash, malakas ang pandama niya ultimo amoy nito ay naaamoy niya sa malayo maging ang tibok ng puso nito ay malakas niyang naririnig. Ilan sandali pa ay bumukas na ang pintuan.

Ang nakangiting mukha ni Master Ash ang bumungad sa kanya.

"Andito na ako! Anong ginagawa mo diyan?" kapagkuwa'y tanong nito sa kanya.

Tama, si Master Ash na lang ang tatanungin niya tungkol sa bagay na napanuod niya sa telebisyon.

"N-Nuod ako," nauutal na tugon niya. Hindi pa niya kayang magsalita ng tuwid, madalas garalgal o nauutal siya pag nagsasalita.

Lumapit sa kanya si Master Ash, saka hinaplos ang ulo niya. Natutuwa talaga siya sa tuwing hinahaplos nito ang ulo niya.

"Nalibang ka ba sa panunuod?"

"O-Oo,"

"Mabuti naman, huwag mong sisirain iyan ha? Tara, kain muna tayo tapos matutulog na ako," anito sabay inaya siya sa hapag kainan.

Ganoon ito madalas kada uuwe si Master Ash, kakain muna sila ng sabay sa umaga at pagkatapos ay magpapahinga na ito at matutulog.

Naglabas ito ng hilaw na atay ng baka para sa kanya habang gulay naman ang kakainin nito. Sinubukan niyang kumain ng pagkain ng tao subalit hindi niya maatim na lunukin iyon. Naduduwal siya kaya naman puro laman loob ng hayop at dugo ng hayop ang madalas binibili ni Master Ash para sa kanya.

"Kain na tayo," magiliw na sabi ni Master Ash.

Tumango siya at kiming ngumiti. Masaya siya pag ganitong sabay sila kumakain ng dalaga. Wala kasi ito sa gabi at sa umaga naman laging tulog ito, hapon na ito nagigising at kung minsan nagmamadali na itong umalis para pumasok sa trabaho.

"A-Anong t-tawag sa ginagawa ng la-laki sa ba-bae katulad ng na-panuod ko ka-nina?" wala sa sariling tanong niya kay Master.

Nalukot ang noo nito at naningkit ang mga mata.

"Napanuod mo? Bakit ano bang ginagawa ng lalaki sa babae?" tugon naman nito sabay subo sa kinakain.

"Kina-kain ng la-laki ang bibig ng baba-e," sagot niya.

Nasamid bigla si Master Ash, kaagad itong napalagok ng tubig. Bigla tuloy siyang nangamba, ayaw na ayaw niyang nasasaktan ito.

"Anong sabi mo? Ano bang pinanuod mo?"

Bakit parang nagagalit si Master Ash sa kanya? May mali ba sa tanong niya? Kaya naman ipinaliwanag niya rito ang napanuod niya kanina sa telebisyon. Ilan segundo rin siyang tinitigan ng dalaga saka inilabas nito ang maliit na hugis parisukat na aparato. Ang sabi nito cellphone ang tawag doon.

"Ganito ba ang tinutukoy mong kinakain ng lalaki ang bibig ng babae?" sambit nito sabay umang sa kanya ang cellphone. Nanlaki ang mata niya sa mangha dahil meron din tao lumabas sa cellphone, parang telebisyon na maliit. Napaawang siya sa sobrang mangha.

Tumango-tango siya saka kinuha ang cellphone. Titig na titig siya sa dalawang taong magkalapat ang mga labi. Subalit, napasimangot siya dahil maikli lang iyon hindi katulad ng nakita niya sa telebisyon.

"Halik ang tawag sa ganoon," paliwanag ni Master Ash.

"Halik? B-Bakit naghalik s-sila?"

Napabuntong hininga muna si Master Ash. Tila nag-iisip pa ito ng sasabihin sa kanya.

"Naghahalikan ang isang babae at isang lalaki dahil gusto nila ang isa't isa o mahal nila ang isa't isa. Ang paghalik kasi ay isang gawain upang maipakita o maiparamdam mo doon sa tao na gusto mo siya o mahal mo siya," paliwanag nitong muli.

Gusto? Mahal? Para iparamdam na sa tao? Napatunghay siya kay Master Ash.

"G-Gusto ko rin ng h-halik," ungot niya.

Napaubo ang dalaga saka piniling-piling ang ulo.

"Makinig ka, Eya. Hindi ganoon kadali iyon, kailangan gusto ka rin ng babaeng hahalikan mo,"

"P-Pero gusto ko ng halik. M-May ka-kaiba akong naram-daman nang ma-kita kong naghalik sila, g-gusto ko rin nun," seryosong sabi niya kay Master.

Ang sabi nito ituturo nito sa kanya ang mga nais niyang malaman. Bakit parang ayaw nitong ituro ang halik na iyon?

Umiling-iling ang dalaga saka iniligpit na ang plato nito at nilagay sa lababo.

"Kung ano-ano kasi pinapanuod mo, kung gusto mo manuod ka rito sa cellphone ng mga drama, nalibang ka lang yata sa drama," naiiling na wika ni Master.

Kinuha nito ang cellphone at may pinindot-pindot ito saka inabot muli sa kanya.

"Ayan, youtube ka muna. Maraming palabas diyan, may pelikula at mga drama. Hindi lahat ng nakikita at napapanuod mo ay totoo, maliwanag ba? Umaakto lang sila dahil trabaho nila iyon. Matutulog na ako, ayoko ng maingay, ubusin mo na ang pagkain mo," lintanya nito.

Nagtungo na ito sa kwarto nito at naiwan naman siyang nakaupo pa rin sa hapag kainan at hawak ang cellphone. Manghang-mangha siya dahil mas marami siyang napapanuod doon at pwede niya ulit-ulitin.

"M-Master, gusto ko ng c-cellphone!" malakas na wika niya.

Narinig pa niyang sumagot ng 'okay' ang dalaga. Madalas niyang naririnig ang salitang iyon na ang ibig sabihin ay sumasang-ayon ito. Isang ngiti ang sumilay sa labi niya, patuloy lamang siyang nanunuod sa cellphone.

Hanggang meron siyang nakitang palabas na walang saplot ang lalaki at babae, naghahalikan ang mga ito. Halos lumuwa ang mga mata niya. Nagsimula na namang uminit ang buong katawan niya. Lalo nang halik-halikan ng lalaki ang katawan ng babae pababa. Nang umungol ang babae mas naramdaman niyang uminit din ang mukha niya.

Ano ba itong nararamdaman niya? Napaigtad pa siya ng tumigas ang gitnang parte ng mga hita niya. Bakit ganoon ito? Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya? Habang tumatagal ang panunuod niya mas lumalakas ang bugso ng init sa katawan niya.

May sakit ba siya? Bakit parang nasisiyahan siya sa napapanuod niya? Gusto niyang gisingin at tanungin si Master Ash ngunit ayaw niyang maistorbo ang pagpapahinga nito. Nagagalit pa naman ito pag naiistorbo ang tulog at ayaw na ayaw rin niyang nagagalit sa kanya ang Master niya.

Isang malalim na hangin ang naibuga niya.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jossie L Gumal
exited but I'm sorry no money.
goodnovel comment avatar
Jun Opeleña Taghoy Jr.
Magandang basahin pero walang pambayad para itutuloy sa pagbasa
goodnovel comment avatar
Sheign Onardem
pa unlock po plz po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status