Lumabas na sina Andrei at Jehanne sa silid. Habang naglalakad, walang nagsasalita sa kanila. Tanging tunog ng pagtapak ng mga paa nila ang maririnig sa paligid.
Nasa leeg ni Jehanne ang kwintas kung saan nakakanlong ang bato. Nararamdaman niya ang kakaibang init na nagmumula rito. 'Di gaya ng init ng kadenang gumapos sa kanila kanina, masarap ito sa balat at hindi nakapapaso. Bigla niyang naalala yung nangyari sa kanila ni Andrei, kung paano siya nito hinalikan sa labi, at kung paano niya hinayaan ang sarili na lamunin ng kanyang emosyon. Nahihiya siya sa nangyari kanina. Gusto niyang isiping walang malisya iyon, pero kapag napapatingin siya kay Andrei at nakikita ang sugat nito sa labi na alam niyang siya ang may gawa, hindi niya maiwasang bigyan ito ng kahulugan. Sa kabilang banda, sinubukan niyang ipagwalang-bahala na lang ang nangyari.
&nb
"Syempre, gusto kong makita!" galak na galak niyang itinugon. "Pahiram ako ng bato mo," sabi ni Andrei. Tinanggal ni Jehanne sa pagkakakabit sa leeg niya ang kwintas na pinagkakanlungan ng bato at ibinigay iyon kay Andrei. Hinawakan ni Andrei ang kwintas at kapansin-pansing nawala ang kinang ng bato. "Tingnan mo ito," sabi niya. "Nawala ang kulay ng bato ko," mahinang pagkakasabi ni Jehanne. Ibinalik ni Andrei ang kwintas sa kanya. Nang hawakan niya ito, nagulat siya nang makitang bumalik ang kulay nito! "Ikaw lang ang maaaring gumamit ng batong iyan, Jehanne. Kung hahawakan iyan ng iba, mawawalan iyan ng buhay. Puwede mong ihalintulad iyan sa pisikal na katawan, at ikaw ang kaluluwang nagbibigay-buhay sa batong iyan. Kung maiaalis iyan sa iyo, hindi g
Bago pa man sila magpunta sa mundo ng mga tao para simulan ang pagsasanay, ipinatawag ang mga taga-bantay at kanilang binabantayan para sa isang pagpupulong sa lugar na sa pagkakalarawan ni Jehanne ay "maraming lamesa at kandila." Saka lang niya nalamang ang tawag pala sa lugar na iyon ay "Bulwagan ng mga Namayapa," nang sabihin sa kanya ni Andrei. Pinagmasdan ni Jehanne ang mga kasama niya. Pansin niyang may pagkakapareho ang mga binabantayan sa kulay ng mga mata at balat. Inisip niyang dahil siguro iyon sa seremonyang pinagdaanan nila. Ipinagtataka naman niya kung bakit halos hindi nila kawangis ang mga taga-bantay. Ilan sa kanila ay iba ang kulay ng mga mata. Mapapansin ding mas marangya ang bihis ng mga taga-bantay kaysa sa kanila at napakaraming palamuti sa katawan ng mga iyon, maliban na nga lang siguro kay Andrei dahil simple lang ang ayos nito. Inisip niyang maganda siguro kung magiging taga-bantay
Dumilat si Jehanne at nakitang kakaiba na ang paligid. Nasa lungsod sila. Madilim ang gabi. Sa paligid nila, mga taong naglalakad. Yung iba, papasok sa trabaho. Yung iba, pauwi na. Sa ilalim niya, naroon si Andrei at nakangiti. "Nag-enjoy ka bang yakapin ako?" mapang-asar na tanong nito. Nagsalubong ang kilay ni Jehanne, dali-daling kumawala sa pagkakayakap ng taga-bantay niya, at bumangon. Tumayo rin si Andrei at pinagpag ang damit. Suot niya ang isang kakaibang ngiti at 'di niya rin mawari kung bakit siya ngumingiti nang ganoon. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Jehanne. Itinuro ni Andrei ang isang gusaling ginagawa pa lang. "Doon!" sabi niya. Tumakbo siya at sinundan siya ni Jehanne. Habang tumatakbo, may mga nakasalubong si Jehanne na sa palagay niya ay kauri nila. Madali namang mat
Nagsimula na ang pagsasanay. Nasa taas ng gusali sina Andrei at Jehanne. Kasama nila rito ang ilang manggagawa ng itinatayong gusali. Ilegal ang pananatili ng mga iyon sa palapag na ito, pero wala namang nagbabantay kaya wala na ring pumigil sa mga iyon. Mahimbing na natutulog ang lahat kahit na sa tabla lang nakahiga ang karamihan sa kanila. Hindi na sila naghangad ng maayos na tulugan dahil presko naman ang hangin sa itaas ng gusali. Habang naghihilik ang lahat, mayroong isang gising at nakatayo sa dulo ng palapag ng gusali. Pinagmamasdan noon ang tanawin sa ibaba. Iyon ang biktima sa gabing ito. May inilabas na itim na papel si Andrei mula sa bulsa niya. Galing ito kay Cadis. Binasa niya ang nakasulat. Mayroong pangalan: Greg Macasaet. Ipinakita niya kay Jehanne ang papel. "Nababasa mo?" tanong niya.
Lumapit si Jehanne kay Andrei na kasalukuyang nakatayo at nakatingin sa ibaba. "Hindi man lang ako nahirapan!" pagmamayabang nito. Nakaramdam ng pagkasuklam si Jehanne kay Andrei, pero pilit niyang isinaisip na trabaho lang ito. Hindi rin malayong mangyaring ganito rin ang gagawin niya sa mga tao sa hinaharap. Ilang sandali pa, nakita niya mula sa taas ng gusali na humiwalay ang kaluluwa ni Greg sa katawan nito. Mayroong dalawang tao, lalaki at babaeng naka-itim, na siyang umalalay sa kaluluwa. "Mga taga-gabay," sabi ni Andrei. "Sila ang magtuturo ng daan para 'di ka maligaw." Napagtanto ni Jehanne na ang mga taga-gabay ay sina Hogan at ang binabantayan nito. "Tara na," yakag ni Andrei habang patuloy na nagkakagulo sa ibaba. "Saan tayo pupunta?
Paraiso sa Gitna ng Dilim, ganyan tinawag ni Elana ang lugar na ginawa niya sa pamamagitan ng kapangyarihan niya. Sino'ng mag-aakalang may lugar palang gaya nito rito? Isa itong malawak na lupaing punung-puno ng luntiang puno at sariwang damo. Tumutubo ang mababango at makukulay na bulaklak na hindi mo makikita sa mundong ibabaw. Mayroong repleksyon ng liwanag, ng kalangitan ―isang imaheng mapanlinlang sa mga mata! May batis kung saan umaagos ang malinis at malamig na tubig. Kaya nitong pawiin ang iyong uhaw. Nariyan din ang hanging sariwa at banayad sa balat. May mga insekto at mga hayop na kukumpleto sa magandang tanawin. Para kang nagbabakasyon sa isang napakagandang lugar, sa probinsya marahil. Higit sa lahat, "buhay" ka sa lugar na ito. Pero sa kabila ng ganda ng paligid, isang katotohanan ang nananaig: pawang ilusyon lamang ang lahat ng ito. "Sabi nila maganda ang lan
Matapos ang ilang minutong paglagi nila sa Paraiso, nilisan na nila ang lugar. Magkagayunman, hindi makalimutan ni Jehanne ang ganda ng Paraiso kaya nakiusap siya kay Andrei na bumalik sila roon. Hindi naman siya binigo ni Andrei at sinabing babalik sila kung pagbubutihin ni Jehanne ang mga gagawing pagsasanay sa hinaharap. Sa ikalawang araw ng pagsasanay, nagbalik sina Andrei at Jehanne sa mundo ng mga tao. Hindi tulad ng nauna nilang pagsasanay, maliwanag ang mundong ibabaw nang puntahan nila. Nasa isang kalye sila. Maraming estudyanteng nakasuot ng uniporme ang dumaraan. Inabot ni Andrei kay Jehanne ang nakatiklop na itim na papel na paniguradong galing kay Cadis. "Narito ang pangalan ng sunod na biktima, tama?" tanong ni Jehanne. "Ganoon na nga," sagot ni Andrei. Binuksan ni Jehann
Umulan noong araw na iyon. Hindi nagsabay sina Laura at Thea noong uwian dahil sabi ni Laura, makikipagkita siya kay Raizen. Hindi na sumama si Thea dahil pinakiusapan siya ng kaibigan at pakiramdam niya hindi rin naman siya makatutulong. Ayaw niya ring makagulo sa kung anumang magiging usapan ng dalawa. Bago pa maghiwalay, niyakap ni Thea si Laura at sinabihan ng, "Good luck! Balitaan mo ako ha!" Tumango ang kaibigan at ngumiti nang bahagya. Dali-daling itong sumakay nang dumaan ang isang pampasaherong jeep na siyang magdadala sa pupuntahan nito. Kasabay ng pagbiyahe ni Laura lulan ng pampasaherong jeep ay ang paglalakbay ng isip niya. Katatagpuin niya si Raizen, ang dati niyang kasintahan. Mas matanda ito ng limang taon sa kanya. Marami itong pera dahil may magandang trabaho. Hindi naman iyon ang nakasilaw sa kanya. Sadyang minahal niya ito dahil marami silang pag